Chapter 4

766 Words
Malakas ang kabog nang dibdib ni Clara. Rinig na rinig niya ang bawat hakbang ni Garrett dahil sa matumong nitong paglalakad. Nakatitig lamang ito sakanila at hindi man lang kumukurap. Ano bang dapat niyang gawin? Tatakbo ba s'ya? Tatakbo na naman? Pagod narin siya sa buhay na panay nalang ang pag kukubli. Nais niyang mabigyan ng tahimik na buhay si Chloe at Sage. Deserve nila ito nang kaniyang mga anak. Ngunit ngayong sukol na sila ni Garrett? Mukang malabo na ang pangarap niyang masaya at tahimik na pamumuhay. "Tago ka sa likod ko Sage," bulong niya sa panganay niyang lalaki. Agad naman itong sumunod habang si Chloe ay busy parin sa pag sipsip nang pacifier. "Garrett h-hayaan m-mo akong--" "No!" Galit na sagot nito at hindi na siya pinatapos sa sasabihin n'ya. "I warned you Clara. Ang tigas talaga ng ulo mo noh? Sabi ko wag mo akong lolokohin, at wag na wag mo akong tatakasan pa." Napatitig ito kay Chloe na nakangiti pa at walang kamuwang muwang sa nangyayari. "Who is she? And that little boy," turo ni Garrett kay Sage na nasa likod niya nakasilip habang kinukubli ang katawan. "Kambal? Kaninong anak 'yan Clara? Sakin ba?" Sunod-sunod na tanong ni Garrett sakaniya. "Sagot!" Umilangawngaw ang baritong boses nito na nakaagaw atensyon sa mga taong nasa airport. "Dada.." Nakagat ni Clara ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang luha niyang malapit nang bumuhos. "Dada.." Pag-uulit ni Chloe habang nakabungisngis. Maging si Garrett ay hindi nakapag salita pa. Napasulyap siya rito at kapansin pansin na hindi nito alam ang magiging reaction. "Mag papaliwanag ako, pero pwede bang sa hindi nila naririnig? Sa maayos na lugar sana at wag sa maraming tao. Hindi kasi gusto ni Sage ang maingay na lugar." Nakikiusap na paliwanag ni Clara kaya naman napabaling ang tingin ni Garrett kay Sage na nakatakip sa tenga habang nakasibi. ____ Garrett was so confused. Kahit na ramdam na niya ang isasagot ni Clara sakaniya ay nag pigil parin siya sa emosyon. Tahimik silang nakasakay sa limousine kasama ang kambal. Hindi maalis ang tingin niya sa mga ito kaya panay siyang nakasulyap sa salamin upang masilayan ang dalawang bata. Agaw na agaw ng mga ito ang kaniyang atensyon. Lalo na si Sage na tahimik lang at sibangot ang mukha. Mukang nayayamot na ito dahil sa inip. Napakasarap sa pandinig niya nang tawagin siyang Dada ni Chloe. At ang ngiti nito ay humaplos sakaniyang puso. Nabaling ang pangingin niya kay Clara. Antok na antok ito, marahil ay puyat at pagod ito. Mariing napapikit si Garrett. "Hey," tawag niya kay Sage upang makuha ang atensyon nito. Ngunit tila mahirap kuhanin ang atensyon nito at may attitude kaya naman napairap si Garrett. "Stubborn," inis na sabi n'ya bago akmang babaling kay Chloe upang ito naman ang tawagin ng mag salita si Sage. "I'm not, you're." Kumibot ang sentido ni Garrett. "Tss, kids now a days. Yes you're stubborn. Hindi ka ba tinuruan nang Mama mo na makipag usap nang angkop sa nakatatanda saiyo?" He asked while rolling his eyes. "Mama is the best mother for me. Inalagaan n'ya kami ni Chloe kahit na wala kaming Papa. Sabi n'ya our father is dead kasi nabulunan siya habang kumakain nang kamote. Ayoko lang talagang makipag usap sa taong na nanakit sa Mama ko," masungit na paliwanag ni Sage. "Matatas manalita sir," natatawang sabat ni Peter na driver ng limousine na sinasakyan nila. "Shut up, just drive." Inis na saway n'ya bago pinaningkitan si Sage. "Really? Ambabaw naman pala nang pag kamatay ng Papa mo. Sa kamote lang? Tss," napangisi siya. "Pasalamat ka ayokong magising Mama mo. Hindi na kita papatulan dahil bata ka pa, pero I just wanna ask you, Sage right?" Napatango ito. "Gutom na ba kayo ng kambal mo? Where do you want to eat?" Tanong muli ni Garrett bago napabuga ng hangin. "And by the way, how old are you?" "Mag tataklo na po kami ni Kuya Sage." Nakangiting sagot ni Chloe. Masayahin at sweet ang batang si Chloe kaya naman nahahawa si Garrett. "Kambal kayo pero ang layo nang ugali ninyo sa isat-isa." "Because Chloe is weak and I'm strong," mayabang na sagot ni Sage. "Chloe and Mama is my queen, and I will protect them from you!" Napamulat si Clara dahil sa malakas na boses ni Sage. "Mama inaaway ni Kuya Sage si Dada.." Sumbong ni Chloe kaya naman agad na pinagalitan ni Clara ang kaniyang anak. "Old man, gusto ko sa jabe." Masungit na sabi ni Sage bago nag iwas nang tingin. Sinamaan ni Garrett ng tingin si Peter na kanina pa tawa nang tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD