Chapter 3

744 Words
"Saan ka bang galit na bata ka?!" Mangiyak ngiyak na tanong ni Gloria. Ang itinuring na niyang sarili niyang Ina, maging ang amain niya ay hindi maitago ang malabais na pag-aalala sakaniya. Nanlulupaypay na naupo si Clara. Wala siyang lakas mag paliwanag. Pag baba palang kasi niya sa kanto nila ay grabe na ang naging pag hagulgol niya. "Mama!" Umiiyak ang dalawang bata ng yakapin siya nito. "Pasensya na mga anak." Hinang-hina si Clara. Dahil sa hindi na niya kinaya ay nawalan na siya nang malay. Nag kagulo ang dalawang matanda at hindi malaman ang gagawin. Habang ang kambal naman ay umiiyak parin at ayaw humiwalay kay Clara. "Anong gagawin natin?" Umiiyak na tanong ni Gloria habang minamasdan si Clara na hanggang ngayon ay wala paring malay. "Hanggat hindi nag sasabi nang totoo satin si Clara ay wala tayong magagawa," sagot ng asawa nitong si Rigor. Napabuntong hininga na lamang ang dalawang matanda bago binalikan ang nag lalarong kambal na si Chloe at Sage. Mabuti nalang at mabilis patahanin ang mga ito. Gabi na nang magising si Clara. Agad niyang sinuri ang paligid. Balisa at takot siyang napayakap sa sarili habang nag babadya na naman ang kaniyang mga luha. Hindi mawala sa isipan niya ang sinabi ni Garrett na ginusto ni Clara ang lahat. Ginusto niyang makatalik ang estrangherong lalaki, at lumalabas na hindi siya nito ginahasa. Paano? Bakit? Hindi maisip ni Clara kung paano iyon nangyari, basta ang alam lang niya ay dinukot siya at matapos ang dalawang linggo na pagkaka dukot ay nagising na lamang siya na nasa bahay na nang tiyuhin niyang si Oscar. Ngunit hindi niya maalala ang ginawa niya sa dalawang linggong pamamalagi kay Garrett ay wala siyang maalala. "Gising kana pala." Pinahid niya ang kaniyang luha. "Pasensya na po pinag-alala ko po kayo", hingi ni Clara nang paumanhin. "Wala na po akong trabaho, pero hahanap po ako agad." "Isipin mo naman muna sarili mo." Umiiyak na sabi ng kaniyang Ina bago hinaplos ang buhok n'ya. "Nag-aalala na kami nang ama mo. Ano bang nangyari? May tumakot ba saiyo, o nanakit? Sabihin mo samin at nang mai-report na natin kaagad sa pulis." "Mama hindi pwede!" Takot na sagot ni Clara. "Mas lalo lang n'ya akong pag iinitan pati kayo at ang kambal." "Sino ba iyon, iha?" Ang ama na niyang si Rigor ang nag tanong. "S'ya po 'yung ama ng kambal." Nakayukong sagot ni Clara habang kagat ang ibabang labi. "At natitiyak kong bukas makalawa ay malalaman narin n'ya ang lahat ng tungkol sa kambal. Ano p-pong gagawin ko? Nahihirapan na po akong mag isip nang maayos. Hanggang ngayon wala pa po akong balita kay Tiyo Oscar. Gusto kong malaman kung buhay ba s'ya at natitiyak kong si Garrett lamang ang nakakaalam ng sagot." Mahaba niyang paliwanag. "Kawawa naman ang anak at ang apo natin Rigor." Tangis ni Gloria habang yakap si Clara. "Bakit naman niya ginagawa ang bagay na ito? Demonyo s'ya! Oras na makaharap ko s'ya ay makakatikim siya ng mag asawang sampal sa akin." "Hindi po s'ya basta-bastang tao. May pera siya at impluwensya na nagagamit para ma absuwelto siya sa ano mang nais niyang gawin." Muling paliwanag ni Clara. "Umalis kana kaya? Mag impake na kayo ng mga bata ngayon. Gloria, ayusin mo ang gamit nila. Ihahatid ko sila sa airport ngayon patungong cebu. May kaybigan ako dun na maari ninyong matuluyan." "Pero wala na po kayong pera." "Huwag mo na kaming isipin." Sagot lamang ng kaniyang ama bago tinulungan ang asawa nitong nag aayus na nang kanilang damit. Kahit mahina pa ay pinilit ni Clara na tumayo. Muli siyang makikipag sapalaran kasama ang kambal. Ibang lugar na naman, at ibang mga tao ang makakasalamuha niya. Ang tanging ipinangangamba lang niya ay kung makakatakas nga ba sila muli? "Sige na tama na ang iyakan. Tatawag na lamang kami saiyo makalipas ang ilang araw. Mag i-ingat kayo," muli silang nag yakap mag Ina. "Mahal na mahal namin kayo." Pinahid ni Clara ang kaniyang luha bago kinarga si Chloe. Habang si Sage naman ay hawak niya. "San punta? Tebu ba Mama?" Tanong ng kaniyang anak na si Sage. "Anak behave muna, ok?" Tumango naman ito sakaniya bago siya napasulyap kay Chloé na may subo pang pacifier. Natigilan sa paglalakad si Clara nang may pumalibot sakanilang kalalakihan na mga nakablacksuit. "Sir kumpirmadong nandito si Clara, may kasamang kambal na bata." Nanigas sa kinatatayuan si Clara dahil sa isang lalaki ang nag report sakanilang mag i-ina mula kay Garrett.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD