Chapter 19

768 Words
Mariing napapikit si Garrett. Hinang-hina s'ya dahil sa mga sinabi sakaniya ni Clara. Bumalik siya upang tignan kung maayos na ba si Alex at hindi na umiiyak. Ipinagamot narin n'ya kay Petter ang mga pasa nito. "Akala ko ba ginagamot mo si Alex?" Takang tanong niya ng masalubong si Peter na napapailing. "Ayaw n'ya sir, mas gusto daw niya na siya na lamang." Sagot ni Peter na ikinataas ng kilay niya. "Sir pinilit kong ako na pero ayaw talaga n'ya." Paliwanag pa nito ng mapansin na umiba ang awra niya. "Sige." Tipid na sagot niya bago pinuntahan si Alex na agad din naman niyang na datnan sa sofa. "Bakit ayaw mong ipagalaw pasa mo? Tingin mo ba hahayaan kitang mag stay dito dahil sa ginagawa mo? Mas lalo kang nakakaawa sa paningin ko." Madiing wika ni Garrett bago hinaplos ang muka ni Alex. "Kung tutuusin wala naman akong pake sayo. Sino kaba? Ginagamit lang kita Alex, at ngayong alam na nang asawa mo ang lahat. Problema mo na 'yon, pero ito ako di'ba? Kasi kahit paano napakinabangan naman kita. Kaya kung ayaw mong ipatapon kita sa lansangan, umayos ka. Sumunod ka sa inuutos ko. Bukas na bukas dun kana sa condo na sinasabi ko." "P-pero gusto ko sa tabi mo." "May asawa't anak na ako." Malamig na sagot ni Garrett bago napaiwas nang tingin. "A-Asawa?" "Si Clara." Tipid na sagot niya. Nanlaki ang mata ni Alex bago ito tumayo. Iika-ika pa ito na lumapit sakaniya. "Pero ang sabi mo katulong mo lang s'ya." "Sinabi ko lang 'yon kasi ginagamit pa kita that time, at ngayong hindi na, makakaalis kana sa buhay ko." "N-No! Ayoko Garrett! Mahal kita, at kahit ano gagawin ko parin para sayo. Magiging alila o spy mo 'ko payag parin ako. Hindi ako mag susumbong sa asawa ko o sa pamilya mo. Pangako," napaluhod si Alex. "Walang makakalam, just let me be with you." Nag mamakaawang pakiusap nito. "Hanggang dun lang maitutulong ko sayo Alex. Huwag kana ulit mag papakita sa pamilya ko, do you understand?" "F*ck you!" Malakas na sampal ang iginawad ni Alex sakaniya. "Sige, ito ba gusto mo? Fine, I'll give it to you. Hinding-hindi ako papayag na ganito lang matatapos ang lahat ng pinag samahan natin. Ibinigay ko puso ko at ang katawan ko maging buhay ko! Tapos nakita mo lang nanay ng mga anak mo iiwan mo na 'ko?" Napangisi si Alex. "I won't let you go, honey." "Pinalampas ko ginawa mong kabalbalan kay Clara. Akala mo hindi ko alam na ikaw ang nag dr*gs sakaniya? Hindi ako tanga Alex. At ngayong kinalaban mo na ako, tapos na talaga tayo." Matalim ang tingin na binigay ni Garrett kay Alex. "Leave." Nakaturong utos n'ya sa pinto. Ngunit hindi agad tuminag si Alex. "I said leave! Peter ilabas ang babaeng 'to at ipabanned sa buong subdivision." Utos ni Garrett bago napahilot sa sentido. Kita niyang ngumisi si Alex. Mukang hinuli lang talaga s'ya nito tungkol kay Clara. Bigla kasi itong nakalakad ng maayos, at lumalabas na pakana lang ni Alex na binugbog s'ya. _____ Mabuti nalang ay tulog na ang dalawang bata. Rinig na rinig na Clara ang naging pag tatalo ni Alex at Garrett ngunit hindi masyadong malinaw sakaniya ang mga naging usapan nang dalawa, basta narinig lang niya na sumisigaw na si Garrett ganun din naman si Alex. Mukang may hindi pagkaka intindihan ang dalawa? Napailing siya bago bumaba na. Tulog pa si Sage at si Chloe. Maaga pa kasi, bumangon lang siya dahil nais niyang mag luto nang almusal. Kasalukuyan siyang nag hahanap ng pwedeng mailuto nang bigla nalang may yumakap mula sa likuran niya. Si Garrett, amoy itong alak. "Bitawan mo ako." Malumanay na utos niya bago pinipilit na alisin ang nakapalupot nitong braso sa tiyan niya. "Mapapatawad mo pa ba ako?" Matamlay ang boses nito. "Ilang kasalanan pa ba ang dapat mong gawin? Sa dami mong kasalanan sakin at sa mga anak mo wala akong tinanim na galit. Pinatawad kita kahit hindi ka pa humihingi ng tawad sa akin, pero para gawin sakin 'yon? Sana hindi kana lang bumalik kung hindi mo pa mabitawan ang relasyon mo kay Alex. Sana ka nangako kung hindi mo naman talaga kayang tuparin." "Wala na kami ni Alex, tinapos ko na." "Tinapos mo na nga ba?" Pinilit ni Clara na humarap upang makita ang muka ni Garrett. "Ayokong madamay kami sa gulo mo sa pamilya mo. Kaya kung may balak ka pang mag higanti wag mo kaming idamay. Dahil oras na may mangyari sa mga anak ko." Tumulo ang luha ni Clara. "Hindi ko na alam kung mapapatawad pa ba kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD