Chapter 20

742 Words
"Hindi ko hahayaan na may mangyari sainyo." Hinaplos ni Garrett ang pisnge ni Clara. "Pakasalan mo ako." Lumuhod si Garrett at may inilabas na singsing. Matagal na niyang itinatago ang singsing na ito, si Clara lang talaga ang hinihintay n'ya buong buhay niya. "Pasensya kana talaga Garrett, pero sa ngayon hindi ko magagawa 'yan hanggat alam kong puno parin nang galit iyang puso mo. Hanggat pag hihiganti parin ang nais mo. Sabihan mo na akong pakipot, maarte o pa hard to get? Sabihin mo na lahat sakin. Gusto ko lang sa ngayon ay ang masiguradong hindi masasaktan ang dalawang bata." Akmang tatalikod si Clara ng muling mag salita si Garrett. "Ayos lang. Papatunayan ko sainyo na kaya kong mag hintay, at kung gusto mong mag lumuhod ako sa pamilya ko? Sige, gagawin ko. Kaya kong i-give up lahat Clara para sa inyo ng mga anak natin." Tinulungan ni Clara na tumayo si Garrett. "Sana nga mawala na 'yang galit na nasa puso mo. Bakit hindi mo muna sila subukang kausapin nang maayos? At kapag wala talagang nangyari tuluyan na tayong lumayo. Papayag ako, papayag akong lumayo kasama ka upang maging masaya at buo ang pamilya natin." "T-talaga? Sasama ka sakin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Garrett. "Oo Garrett, iyon ay kung totoo nga ang sinasabi mo. Gusto mo bang si Sage pa mismo ang makaalam ng lahat? Lalong lalayo ang loob n'ya sayo imbis na nagiging maayos na kayong mag ama. Huwag mo sanang hayaan na mag karoon ng alam ang anak mo." Hindi nakaimik si Garrett. Tama naman si Clara, dapat ay tapusin na niya ang lahat ng ito. Hinagkan niya ito sa nuo bago nag pasyang umalis. Mabilis niyang tinahak ang daan sakay nang kotse ang lugar patungo sa pamilya niya. Matatapos lang ang lahat ng ito kapag hinarap na ulit niya ang kaniyang pamilya. Nagulat pa ang guard na nag babantay sa gate nila nang makita siya. Derederetso siyang pumasok, maging si Alex ay na gulat. Sinulyapan lamang niya ito bago hinanap ang kaniyang ama at Ina. "Garrett?" Gulat na gulat ang kaniyang Ina. "Mom! Stay away!" Sigaw ng kapatid ni Garrett bago ito nag labas ng baril at itinutok sakaniya. "N-No! Put the gun down!" Saway ng kaniyang ama. "I said put the gun down!" Galit na sigaw pa nito. "Nandito ako hindi para mag mataas," nakayukong wika ni Garrett. "Amindo akong kinamumuhian ko parin kayo, pero nandito ako. Iniisip ko lang na baka pwedeng tigilan na natin ang pag papahirap sa isat-isa?" Lumapit sakaniya ang Ina niyang si Luca. Inaasahan niyang sampal ang isasagot nito ngunit mali siya. Dahil lumuluha siyang niyakap nito. "I been waiting here for so long, my s-son. Ang buong akala ko'y wala kana talagang balak na bumalik o mag pakita. And your dad too, matagal na siyang nangungulila. Ang isang kinagagalit lang namin ay ang pang-iiwan mo samin." "Kasi akala ko wala na kayo pake sakin. Palagi nalang si Kuya," napasulyap siya sa kapatid niyang natahimik. "S'ya nalang palagi ang magaling, at ako? Kahit anong gawin ko hinding-hindi ako pumantay sa galing n'ya. Imbis na itaas nyo ako binababa nyo pa ako. I feel unwanted my whole life. Sinisira ninyo ako, right?" Pagak na tumawa si Garrett. "We didn't. We just want you to be strong, at kung hindi man kami naging patas nang daddy mo, matagal na naming pinag sisihan 'yon. Ginawa mong spy si Alex, at iyan ang kinakagalit namin. Tinatakot mo s'ya at pinag sasamantalahan." Napabaling si Garrett kay Alex na ngayon ay nakayuko. "Sinabi n'ya rin ba na s'ya mismo ang nag offer sakin nang sarili niya? Sorry bro, but that's the truth. S'ya ang lumapit sakin." "Liar!" Sigaw ni Alex. "Tinatakot n'ya ako totoo 'yon." Depensa ni Alex habang umiiyak. "Hindi ko na problema kung paniniwalaan ninyo s'ya, pero isa lang ang nais kong mangyari. Nais kong maging matahik. May apo na kayo sakin Mom and Dad," napangiti si Garrett. "And soon, ikakasal na ako." "Saan? Sa babaeng binili mo?" Nakangising tanong nang kapatid niya. "Sinabi na ni Alex samin ang lahat, pati nga yaman nila Mom and Dad gusto mo." "Bulag na bulag kana sa lason mong asawa. Nakakawa ka naman pala," lumapit siya sakaniyang kapatid at tinapik ang braso nito. "Ingat ka, sobrang dami mong ipot sa ulo." "Tandaan mo 'to," napasulyap siya kay Alex. "Oras na may masaktan sa pamilya ko." Tumalikod na s'ya at humakbang. "Kahit saang lupalop ka pa mag tago mahahanap kita."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD