Humugot ng malalim na buntong hininga si Clara bago lumabas sa banyo. Kanina pa s'ya na iihi nag pigil lang siya kasi ayaw niyang maputol ang usapan nila ni Garrett. Masaya siya sa ipinapakita nito. Pasasaan ba't magiging maayos na rin silang tuluyan ni Garrett, magiging isang buo at masayang pamilya sila tulad ng palagi niyang hinihiling.
Abot kamay na ni Clara ito. Ngunit ang dahilan kung bakit siya nag da-dalawang isip? Ay ang matapobreng pamilya ni Garrett at ang hindi pa niya siguradong katahimikan sa piling nito. Magulo kasi ang pamilya ni Garrett, bata palang sila. Palagi niyang na kikita ang Ina nitong si Luca. Tandang-tanda pa ni Clara ang pag ma-malupit nito sa ama niya. May hacienda kasi ang pamilya ni Garrett at ang ama ni Clara ay naging trabahador ng mga ito maging ang kaniyang tiyo Oscar.
Kaya nga naging kababata niya panandalian si Garrett. Dahil sa tuwing isasama siya nang kaniyang ama ay nakikita niyang umiiyak ito sa isang gilid.
Bata palang sila hindi na talaga palakausap si Garrett kaya naman na iintindihan niya kung bakit minsan ay malamig ang pakikitungo nito sakaniya. Palagi niyang pinapadalhan ng sulat si Garrett sa tuwing hindi siya makakasama. At laking gulat nga niya ng malaman na naitatabi parin pala ito ni Garrett.
Luminga-linga si Clara. Mukang wala na si Garrett? Agad siyang lumapit sa tauhan na nakamasid lang.
"Alam mo ba kung na saan si Garrett ?" Magalang na tanong niya.
"Ma'am ubusin nyo nalang daw po 'yung pagkain bago tayo umuwi. Si sir po kasi may emergency, may pinuntahan po. Tumawag po kasi si--" Natigilan ito nang sikuhin siya ng kasama niya.
"Ma'am may patawag lang po." Ito na ang sumagot kaya naman napangiti nalang si Clara.
Emergency siguro talaga. Ito ang tumatakbo sakaniyang isipan kahit na nasa kotse na sila at kasalukuyang pauwi. Hindi naman siguro aalis si Garrett biglaan kung hindi talaga mahalaga. Ito na lamang ang itinatak niya sa isipan niya.
"Good evening Mama."
Hinagkan siya sa pisnge ni Sage. Hindi pa pala ito natutulog at mukang kanina pa siya hinihintay. Napangiti siya bago pisil ang ilong ng anak. "Matulog kana masama ang nag pupuyat sa bata."
"Hinihintay ko po kayo ni Papa, but where's Papa?" Napasulyap siya sa mga tauhan ni Garrett. Hindi kumibo si Clara ngumiti lamang siya sa anak. "Nasaan si Papa?" Malamig na tanong ni Sage sa mga tauhan.
Kitang-kita ni Clara na ang titig ni Sage at Garrett ay i-isa lamang. Hindi nga maipag kakailang mag ama talaga sila.
"May emergency anak." Si Clara na ang sumagot. "Nag paalam ang Papa mo sakin. Ayaw pa nga sana niyang umalis, pero sabi ko ayos lang dahil emergency nam--" Natigilan si Clara ng makita si Garrett at Alex na sabay pumasok. Karga ni Garrett si Alex habang nakapalupot ang braso nito sa leeg ni Garrett.
"Anak tulog na tayo." Aya ni Clara kay Sage bago ito hinawakan sa kamay at sabay silang umakyat sa hagdan. Hindi na siya nag tanong pa kay Garrett dahil malinaw naman na si Alex ang emergency nito. Si Alex na may asawang tao, pero kay Garrett parin ang takbo.
"Sino po 'yon Mama?" Hindi mapigilang tanong ni Sage.
"Kaybigan yata ng Papa mo." Tanging sagot nalang ni Clara bago isinara ang pinto.
"Dito ka po matutulog?"
Napasulyap si Clara sa anak niyang si Chloe na mahimbing ang tulog. "Oo anak, miss ko na kasi katabi ang kambal ko." Malambing na sagot niya bago kinumutan si Sage. "Shower lang ako, tatabi nalang ako sainyo." Paalam niya bago pumasok sa banyo.
Habang nakatapat sa shower ay hindi mawala ang tanong sa isipan ni Clara.
Si Alex ba ang emergency ni Garrett?
Napailing siya sa mga tumatakbo sa isipan niyang tanong. Wala naman siyang karapatan, at hindi rin s'ya dapat na mag tampo. Hindi lang niya maiwasang malungkot dahil mukang wala paring balak tumigil si Garrett sa pakikipag relasyon sa hipag niya.
Ito ang kinatatakutan ni Clara na malaman ng kaniyang mga anak lalo na ni Sage.
Matapos mag bihis ni Clara ay hihiga na sana siya ng may kumatok sa pinto. Agad siyang nag bukas at bumungad si Garrett.
"Hindi ka ba tatabi sakin?"
"Hindi," tipid niyang sagot. "Si Alex nalang ang asikasuhin mo. Mukang mas kaylangan n'ya kasi ng atensyon mo, basta wag mo lang sanang ipapakita sa mga bata 'yung relasyon na meron kayo." Matapos sabihin ito ni Clara ay isinara na niya ang pinto.