Chapter 17

743 Words
Maingat na maingat sa kilos si Garrett. Maging ang pag labas nila ni Clara ngayon ay pinoprotektahan nila upang hindi makasagap si Alex ng inpormasyon. Natitiyak ni Garrett na mang gugulo lamang ito, at hindi niya papayagang mangyari 'yon. Samantalang kahit kasama na niya ang babaeng mahal niya at kapiling ang kambal ay nakatatak parin sa isipan ni Garrett ang galit sa pamilya niya. "Bakit hindi ka kumakain?" Natigila siya sa pag i-isip nang mag salita si Clara. Kanina pa kasi siya nito napapansin na malalim ang iniisip. "Pasensya na," ngumiti s'ya bago nag simulang kumain. "So, you like the food?" Napatango si Clara sakaniya. "Minsan lang naman kasi kami makatikim ng karne". Nahihiyang amin nito sakaniya. "Tuwing mag bi-birthday lang." Dagdag pa nito. "Pero kahit ganun busog sa pangaral ang kambal, at kitang-kita ko na hindi mo sila pinabayaan." "Sila ang naging lakas ko." Sagot ni Clara sakaniya bago ibinaba ang tingin. "Mahal ko kayo ng mga bata, at lahat ay gagawin ko maprotektahan lang kayo." Inabot niya ang kamay ni Clara at hinawakan. "Sana hayaan mo akong makabawi sa mga pagkakamaling na gawa ko, sa mga kakulangan ko." Malawak ang ngiti ni Clara sakaniya. Nakatitig si Garrett at hindi maalis ang tingin niya. Para kasing napakadaling mag patawad ni Clara, at sobrang na bibilib s'ya. "Hindi ko naman ipinag dadamot sayo iyon Garrett. Huwag mo lamang sanang itatanggi o sasaktan ang kambal. Hindi na baleng ako nalang kasi magagawa ko namang matiis 'yon." "Clara maging ikaw ayokong masaktan." Lumambot ang expression ng mukha ni Garrett. "Kasi mahal kita. Hindi mo man maibigay ang pagmamahal na 'yon sakin ayos lang. Handa akong mag hintay at hinding-hindi ako mapapagod o maiinip." "Salamat." Masaya silang kumain ni Clara. Maganda ang lugar na napili ni Garrett, perfect para sakanilang dalawa na nag si-simula palang. "Banyo lang ako." Paalam ni Clara sakaniya. Tumango lamang si Garrett bago tinanaw si Clara ng tingin. Agad na lumapit sakaniya ang tauhan niyang nag mamasid kanina pa. Pansin na niyang tila ba kanina pa nito nais na lumapit sakaniya ngunit ayaw lamang nitong masira ang moment nila ni Clara. "May problema ba?" S'ya na ang nag tanong. "Sir si ma'am Alex kanina pa tumatawag." Sumenyas siyang bumalik na ito sa pwesto at s'ya na ang bahala kay Alex. Agad na tumayo si Garrett upang lumayo sa pwesto nila ni Clara. Hindi niya nais na malaman nitong may problema. "Bakit?" Bungad niya ng sagutin ni Alex ang tawag. "Help m-me!" Humahagulhol ito. "What happened?" "Alam na n'ya! Papatayin n'ya a-ako! Garrett help me, please?!" Hingal na hingal si Alex sa kabilang linya. Agad niyang tinawag ang mga tauhan niya. "Bantayan ng iba si Clara, at escort-an pauwi. Habang ang iba ay sasama sakin." Walang pasabi si Garrett na aalis siya. Kaya natitiyak niyang mag tataka si Clara ngunit mamaya na lamang niya iyon iispin dahil mas kaylangan ni Alex ng tulong ngayon. S'ya ang nag lagay sa gaung sitwasyon kay Alex kaya naman hindi siya patutulugin ng konsensya kapag may nangyaring masama dito. Inabot niya sa daan si Alex. Hindi na sila nakarating sa condo nito. May pasa sa hita at braso si Alex kaya naman nalaman niyang galit talaga ang kaniyang kapatid. Isinakay ng tauhan niya sa kotse si Alex. Agad siya nitong niyakap habang patuloy sa pag iyak. "Ikaw nalang talaga malalapitan ko!" Humahagulhol na sabi nito habang yakap parin s'ya. "May alam akong condo na hindi basta-basta mahahanap nang asawa mo, at magipit din ang security nila." "I feel unsafe Garrett. Gusto ko sa tabi mo lang ako. Hindi ako magiging ma-attitude. Makikisama ako ng ayon sa ugali nila kaya wala kang dapat ipag-alala." Hindi maaari ang nais ni Alex. May anak siyang matalino pa sakaniya at mas nakakaintidi. Ayaw ni Garrett na ma apektuhan lamang ang dalawa bata kapa pinatira niya sa i-isang bubong si Clara at si Alex na parausan n'ya at source of information. "Sa condo ka, and that's final kung ayaw mo bahala kana sa buhay mo. Hindi na kita kargo dahil wala naman na tayong relasyon." "What d-do you mean?" "Tinatapos ko na 'yung lahat-lahat sa atin. Tinutulungan lang kita kasi natulungan mo din naman ako sa mga mahahalagang information na kaylangan ko." Sagot ni Garrett. "Sige payag na ako, pero palagi mo akong dadalawin, ok?" Hindi nakasagot si Garrett dahil na focus na sa pag iisip kay Clara ang utak ni Garrett. Iniwan n'ya ito ng biglaan sa kalagitnaan nang kanilang date.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD