"Ano bang sasabihin mo?" Yamot na tanong ni Garrett.
"Kasi sir, si Sage po pinapasabi niya na wag mo daw pong basta nalang gawin ang nais ninyo sa Mama niya. Manligaw daw po kayo ng maayos at pag tapos ay s'ya ang mag dedesisyon kung pasado ka o hindi." Paliwanag ni Peter.
Napakamot sa batok si Garrett. Ito lang pala ang ibabalita ni Peter ay kinaylangan pa siyang guluhin sa pag mo-moment niya kay Clara.
"Mukang kampe kayo ni Sage sa pag papahirap sakin ah?" Naiiling na tanong ni Garrett.
"Sinusunod ko lang ang little master ko." Natatawang sagot nito sakaniya. "Sir," sumeryoso naman ngayon si Peter. "Nakakatunog na si Alex. Sa tingin ko ay kaylangan ninyo siyang puntahan upang mawala ang agam-agam niya."
"Sige ako na ang bahala Peter, salamat." Tumalikod na si Garrett. Agad niyang tinawagan si Alex upang makausap. "Nasaan ka ngayon?" Bungad niya ng sumagot ito sa tawag.
"Sa bar, bakit?"
"Ang aga mo naman." Napalingon muna si Garrett sa paligid bago muling nag salita. "Hindi na muna tayo mag kikita. Busy ako sa trabaho I hope you don't mind."
"Really? Sa trabaho ba talaga o dun sa babaeng ipinakilala mong katulong mo?"
"Wala akong dapat ipaliwanag sayo Alex. First of all, walang tayo. Alam mong affair ang meron tayo, may asawa kang tao. And now I think I don't need you," napangisi si Garrett. "Bumalik kana sa kapatid ko."
"No! I love you Garrett! I'm sorry," lumabot ang boses ni Alex. "May na sabi ba akong masama? Pasensya na. Nag seselos lang naman ako kasi mas nakakasama mo ang katulong na iyon kaysa sa akin. And by the way, pakikamusta mo nalang ako sa kambal mo." Binaba na nito ang tawag.
Napahilot sa sentido si Garrett. "She's so annoying," inis na wika ni Garrett bagi ibinigay ang phone kay Peter. "Wala munang call," bilin niya bago bumalik sa loob ng bahay.
Nakita niyang masayang nag kumakain ang kambal. Napasulyap sakaniya si Sage. "Kumain kana Papa." Alok nito sakaniya.
"Dada eat na", segunda ni Chloe.
"Busy pa ang Dada, mamaya nalang siguro." Sagot niya sa kambal bago maayos nag paalam na may gagawin. Pumayag naman ang kambal at hindi na nag tanong pa.
"Peter paano ba manligaw?"
Naibuga ni Peter ang iniinom niya kape sa tanong ng kasusulpot na si Garrett.
"Nakakagulat ka naman sir."
"Alam mo namang hindi ako marunong manligaw di'ba? Ako ang nilili--"
Pinutol s'ya ni Peter sa dapat na sasabihin niya. "Una, iwasan po ang pagiging mayabang. Maraming paraan ng panliligaw sir. Ang mahalaga naman ay sincere ka sa ipinapakita mo."
"Peter tulungan mo ako." Nakakahiya man para kay Garrett na humingi ng tulong ay kinapalan na niya ang kaniyang mukha.
"Ihanap mo kami ng magandang place para sa date namin mamaya."
"Yes sir."
Agad siyang sinunod ni Peter. Ilang oras lang ay tumawag na ito sa isa niyang tauhan uoang sabihin na maayos na ang lahat. Sila na lamang ni Clara ang hinihintay. Habang ang dalawang bata ay maiiwan lamang kasama ng mga tauhan ni Garrett.
"Sure kabang safe sila kahit na iwanan natin?" Kinakabahang tanong ni Clara sakaniya.
Sa daan parin ang focus ni Garrett dahil sa siya ang driver ngayon. Maging si Peter kasi ay hindi na niya isinama pa. Mas kampante kasi siya kung si Peter ang kasamang mag babantay sa kambal. Alam nito ang gagawin oras na may manyari.
"Nandun si Peter don't worry." Pag papakalma niya sa nag aalalang si Clara. "Hindi rin naman tayo mag tatagal. Gusto ko lang talagang mag karoon tayo ng solo moments." Paliwanag niya bago napangiti. "Sabi ko naman sayo papatunayan kong hindi ako masamang--"
"Aminado naman akong iyon talaga ang tingin ko sayo Garrett, pero nung malaman kong ikaw si Gagang. Nawala lahat ng takot ko kasi kilala kita. Alam kong mabait ka kaya hindi mo na kaylangan patunayan ang sarili mo sa akin."
"Hindi lang din naman iyon Clara. Gusto kitang maayos na ligawan cause you deserve it. Si Sage din kasi sabi n'ya ligawan kita. Alam mo naman 'yung anak mo na 'yon masyadong strikto." Naiiling na paliwanag pa ni Garrett.
"Kanino pa ba mag ma-mana?" Nakangiting tanong ni Clara na ikinakilig naman ni Garrett.
"You mean, si Sage ako ang--"
Hindi na s'ya pinatapos ni Clara. "Syempre ikaw ang ama n'ya kanino pa ba?"
"Habang si Chloe ay ikaw naman ang pinag manahan. I love you."
Kita niya ang pagka bigla sa mata ni Clara. "Sabi ko I love you." Pag-uulit ni Garrett.
"Salamat."
"Ha? Salamat?" Kamuntik ng mapamura si Garrett. "Sabi ko I love you."
"Salamat Garrett, ama nang aking mga anak." Matamis na nakangiti pa si Clara sakaniya.
Gusto niyang matawa sa sinabi nitong "ama nang aking mga anak"
Napabuga siya ng hangin. Mukang kaylangan pa niyang mag hintay upang tuluyan siyang pagka tiwalaan ni Clara.