Hindi man makapaniwala si Clara ay masaya parin naman siya. Dahil 'yung batang nakasama niya dati sa maikling panahon ay ang taong bumili sakaniya.
Sa kabilang banda ay hindi niya maiwasang malungkot. Dahil napaka laki ng pinag bago ni Garrett kumpara sa batang nakilala n'ya dati. Ang dating nerd at lampa na ngayon ay isa nang ganap na matipunong lalaki at mala tigre.
"B-Bakit ka nan--" Hindi na nakatapos si Clara ng tabihan siya ni Garrett sa kama.
"Sleep na tayo asawa ko. I mean, magiging asawa ko." Nakangiting sabi nito bago siya mahigpit na niyakap.
Nanlaki ang mata ni Clara at napakurap kurap.
Ang tanging nag lalarong tanong sa isip niya ay kung bakit ganito umasal si Garrett? Kamakaylan lang ay napakaseryoso nito.
"Garrett baka makita tayo ng mga bata." Sita ko bago siya itinulak ngunit ayaw niyang kumalas sa akin.
"So what? Ang alam naman nila ay mag asawa na tayo. Mama at Papa ang tawag nila sa atin kaya huwag natin silang biguin." Paliwanag pa ni Garrett bago sumiksik sa dibdib niya. "Hindi mo alam ang pangungulilang inabot ko Clara. Takot na takot ako kasi akala ko napahamak kana. Akala ko kinuha kana nila sa akin. Sobrang sama ng loob ko nung iwan mo ako."
"Pasensya na talaga", tanging sagot ko.
"Babawi ako sayo Clara, pangako. Alam kong na takot kita, pero this time hindi na. Hindi na kita pakakawalan pa."
Amoy na amoy ni Clara ang mabangong hininga ni Garrett. Nag tama ang kanilang paningin at nag ka titigan. Pinag masdan ni Clara ang ma among mukha ni Garrett. At ang saya na nakikita nito sa mata niya ay malayong-malayo sa Garrett na una niyang na encounter.
"Hayaan mo lamang akong gawin sayo ang mga bagay na dati ko pang nais gawin. At si Alex? Hindi ko s'ya gusto. Ginagamit ko lamang siya upang malaman ko ang mga hakbang na gagawin ng pamilya ko upang pa bagsakin ako."
"Minahal kalang naman ni Alex, ano bang masama dun? Hindi ka nga ba talaga minahal ng magulang mo, o baka naman ikaw lang ang lumalayo at nag i-isip ng masama sakanila?" Tanong ni Clara.
"Ever since bata ako alam ko naman nang iba ang trato nila sakin kaysa sa kapatid ko. Walang dapat ikapag taka dahil alam ko na ang sagot Clara. Magagawa ko ding tigilan si Alex kapag sapat na ang inpormasyon na kaylangan ko."
"Iyan ba talaga ang nais ng puso mo? Ang mag higanti?" Mahinahong tanong niya habang nakatitig parin kay Garrett. "May anak kang masasaktan. Sana bago ka gumawa ng hakbang ay isipin mo muna sila, at ako. Iyon ay kung talagang mahalaga ba kami, at kung totoo ang sinasabi mo na mahal mo ako."
Matapos mag usap ay natulog sa yakap ng isat-isa si Clara at si Garrett. Ang kambal ay may sarili kwarto kaya naman walang umaligid na bubwit sakanila ni Garrett.
Hindi na nag pa sakit ng araw si Clara. Maaga siyang bumangon upang mag luto ng almusal ng kambal. Kasalukuyan siyang nag hihiwa ng bawang at sibuyas na gagamitin niyang pang gisa nang bigla na lamang may yumakap sakaniya mula sa likuran.
"Garrett?"
"Don't mind me, ituloy mo lang ginagawa mo asawa ko."
Napakunot ang nuo ni Clara. Asawa na kasi agad ang tawag ni Garrett sakaniya samantalang wala naman silang relasyon.
"Hindi mo ako asawa", pag tatama niya. "Maupo kana lang muna dun." Utos pa niya.
Ngunit hindi natinag si Garrett. "Isusumbong kita kay Sage at Chloe kasi ayaw mo akong--"
Natigilan silang parehas ng makita sila ni Peter.
"Gusto ko lang sanang kausapin si sir Garrett, pero mukang busy pa kayo hehe." Napakamot sa batok si Peter. "Balik nalang ako."
"Sinira mo naman na moment namin lubusin mo na." Napailing si Garrett. "Siguraduhin mo lang na mahalaga 'yan."
"Hindi ka dapat magalit kay Peter." Saway ni Clara. "Sige na, mahalaga yata pag uusapan ninyo. Tatawagin ko na lamang kayo kapag kakain na." Bilin pa ni Clara bago itinuon sa pag luluto ang bunton.
Ilang sandali palang na wala si Garrett ay siya namang sulpot ni Sage. Sa itsura nito mukang mas na una pa itong magising sakanila.
"Sabi ko kay Papa ligawan ka. Ayokong ligaw kanto, bagsak agad s'ya sa akin kapag ganun. Deserve mong maligawan ng maayos Mama."