Napakasaya is Clara. Malaman lang niyang hindi patay ang kaniyang tiyo Oscar ay sapat na para sakaniya. Habang ang dalawang matanda naman ay maarin na nilang makasama ng kambal.
Hindi n'ya alam kung paano mapapasalamat si Garrett. Ngunit talaga namang pinabilib siya nito. Ang buong akala kasi ni Clara ay mag dudusa lamang sila, maging s'ya sa piling ni Garrett. Ngunit mali siya. Mali nga talaga ang humusga ng maaga kaysa kilalanin muna ang tao. Hindi na maibabalik ang nakaraan kaya naman kalilimutan na lamang ito ni Clara. Lalo na ngayong nakikinita naman niyang may pagsisisi sa mata ni Garrett.
Sana lang ay totoo ang lahat ng ipinapakita nito. Upang hindi sila magka hiwahiwalay, at kung maari ay maging isang buong pamilya sila. Ngunit posible nga bang mangyari ang bagay na hinihiling n'ya? Mukang malabo pa sa ngayon dahil sa babaeng umaaligid kay Garrett. Tanda n'ya ang babaeng iyon. Ito ang nag taray sakaniya sa pinapasukan niyang five start restaurant.
Kasalukuyan siyang nakatanaw sa binatana ng kwarto at minamasdan ang kambal na masayang nag lalaro kasama si Peter.
"Bakit hindi ka lumalabas?"
Agad siyang napalingon kay Garrett. "Ok na ako dito", nahihiyang sagot niya bago naupo sa kama. "May kaylangan ka ba?"
"Wala naman, may gusto lang akong ibigay sayo." May inilapag ito sa kama. "Mga damit na pwede mong magamit. Napansin ko kasing wala kang binili para sa sarili mo."
Lumikot ang mata ni Clara. "May kapalit ba ito?" Natatakot na tanong niya at hindi agad tininag ang inilapag ni Garrett.
Napakunot ang nuo ni Garrett sakaniya. Mas kinakabahan si Clara lalo na nang madahang lumapit sakaniya si Garrett habang nakatitig lamang.
Nasa isip na ni Clara na sasaktan s'ya nito. Mukang na offend sa tanong niya. Mariin siyang napapikit dahil hindi na niya kayang salubungin ang titig ni Garrett. "Sorry.. H-hindi ko sinasadyang--"
Ngunit natigilan siya ng maramdaman niyang may yumakap sakaniya.
"I'm sorry.. Nabigyan kita ng trauma, pero maniwala ka hindi ko talaga sinasadya." Nanginginig ang boses ni Garrett habang ang kamao ay nakatikom. "Alex drugged you. That's why I need to do that. Kaylangan kong itago ang totoong identity mo kasi hindi natin alam ang pwede niyang gawin."
"Bakit mo ba ako prino-protektahan? Hindi mo naman ako mahal."
"Dahil ikaw ang Mama ng kambal." Kumalas sa pagkaka yakap si Garrett. "At ibinabalik ko lang ang utang na loob ko. Dahil naging inspirasyon ko ang mga sinabi mo sakin when I was a kid. Batang mahina, nerd at walang kaybigan."
"Anong ibig mong sabihin? Kilala mo na ba ako dati pa?" Puno ng pagtataka si Clara habang nakatitig kay Garrett.
Hindi sumagot si Garrett sa tanong niya. Ngumiti lamang ito at tuluyang lumabas sa kwarto.
Napabuntong hininga si Garrett. Gusto na niyang sabihin ang totoo kay Clara ngunit nag dadalawang isip siya. Dahil baka lalong isipin nito na plinano niyang sirain ang buhay ni Clara na wala namang katotohanan.
"Garrett!"
Napalingon siya kay Clara na humabol pala sakaniya.
"Anong ibig mong sabihin? Naguguluhan ako."
Napabuntong hininga siya bago sumagot. "Hindi mo na talaga ako na aalala?"
"Ha?" Kunot ang nuo ni Clara at puno ng pagtataka.
"Tingin mo ba tadhana lang ang nag dala satin sa isat-isa? Mali ka," bulong ni Garrett na nakalapit ang labi sa tenga ni Clara. "Kasi ako mismo ang gumawa ng paraan."
Hinawakan niya sa kamay si Clara at hinila papasok sa office n'ya.
May inilabas siyang litrato at letter mula sa dekandado niyang secret box. Dito nakalagay ang napakagandang alala ni Garrett nung mga panahong mahina at wala pa siyang kakayahan.
"Mukang hindi mo na nga tanda 'yung batang nerd na ipinag tanggol mo dati," napasulyap siya rito bago muling nag salita. "Thank you Clara. The day you gave me this letter," he opened the letter. "Nabuhayan ako ng pag-asa."
"Gagang?"
Napangiti si Garrett.
Mukang nakilala na nga siya ni Clara. Gagang kasi ang palayaw nito sakaniya nung mga bata palang sila.
"Ikaw b-ba talaga 'yan?" Hindi nito makapaniwalang tanong habang naluluha.
"Ako nga," hinaplos n'ya ang mukha ni Clara. "Malaki na ang pinag bago ko. Hindi na ako 'yung dating lalampa-lampang nerd."
"Pero bakit mo ako binili? Alam kong plano mo 'yon. Kilala mo si tiyo, at kilalang kilala mo ako."
"Clara gusto kitang bigyan ng magandang buhay. Kaysa sa iba ka n'ya ibenta ako na lamang ang bumili saiyo. Kaya ako nag pursige sa buhay ay upang mabigyan ka ng magandang buhay."
"Ibig sabihin--" Hindi na pinatapos ni Garrett si Clara.
"Oo Clara, mahal na mahal kita. Bata palang tayo ay mahal na kita. At ipinangako ko sa sarili kong kukunin kita kahit ano man ang mangyari."