Kaylangan ko bang manuyo?
Para saan?
At bakit?
Anong masama sa sinabo ko? Kaysa naman sabihin kong kabot s'ya di'ba?
Pero bakit na gi-guilty ako?
Ito ang mga tanong na tumatakbo sa utak ni Garrett dahil sa sinabi ni Clara sakaniya. Ramadam niya na masama ang loob nito kaya naman hindi siya mapakali ngayon sa hindi niya malamang dahilan.
"Peter."
"Sir?"
Nahihiya man siyang itanong ay kinapalan na ni Garrett ang mukha niya. Napabuga siya nang hangin bago inilapit ang sarili kay Peter. "Ammm... Hindi ko alam kung alam mo, pero itatanong ko parin. Paano ba manuyo?"
"Po? Kanino? Kayo manunuyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Peter na ikinasakit nang kaniyang ulo kaya naman napahilot siya sakaniyang sentido.
"Just answer my question." Yamot na sagot niya bago napairap sa inis.
"Ah, ok sir. Pasensya na hindi ko lang kasi talaga inaasahan na mang gagaling sainyo ang tanong na iyan hehe," napakamot sa batok si Peter bago muling nag salita. "Sa misis ko po kasi kapag galit siya e, palagi akong nag sasabi sakaniya na mahal ko s'ya."
Kumibot ang sentido ni Garrett. "And why would I say that? Hindi naman kami, at wala kaming relasyon. Hindi porket may anak kami e, lumalabas na may nararam-- basta, hindi ko iyon gagawin. Wala bang ibang way? Iyong manunuyo ka sa isang tao kahit na wala namang kayo."
"Hindi ko po alam na may ganiyan na pala sa panahon ngayon? Sabagay millennials na po kasi e, noh? May alam akong mga paraan para makita na parang nag so-sorry ka kahit na hindi mo s'ya sinasambitla." Paliwanag ni Peter. "Tulad nalang po nang pag bili sakaniya nang tsokolate, o kaya nama'y pag haharana sakaniya. May iba naman pong caring, at ang pinaka special ay ang pag tatali nang buhok niya."
"Ang babaw naman pala nang mga babae."
"Yes sir, pero sobrang babae din po nang dahilan nila kapag na galit." Sagot ni Peter sakaniya. "Toyoin po kasi sila, at mas nakakatakot sila kapag may regla." Dagdag pa nito.
"Sir si ma'am Clara po ba ang tinutukoy ninyo?" Biglang tanong ni Peter.
"Alam mo namang iniiwas ko sila kay Alex di'ba? Lalo na ngayon na s'ya nga ang may kagagawan kung bakit na dr*gged si Clara. Tiyak na babaliktad si Alex at hindi na natin siya magiging tuta."
Kamakaylan lang nang malaman nila na si Alex nga ang may pakana nang pag lalagay nang dr*gs kay Clara. Isa sa mga tauhan ni Garrett ang umamin dahil sa takot.
"Malalaman rin po ni Ms. Alex ang totoong katauhan ni Clara. Dapat po yata ay humanap na tayo nang liblib na lugar na maaring lipatan kapag nangyari na iyon."
"Humanap ka Peter," sang-ayon ni Garrett.
______
"Mama ikaw nalang ang kulang!" Sigaw ni Chloe kay Clara.
Nakapwesto na ang mga ito at nakaset na ang nais movie nang kambal. Siya naman ay inaayos pa ang popcorn na binili ni Garrett.
Napatitig si Clara sa pwesto nang mga upo nang tatlo. Si Sage at Chloe ay tabi, habang si Garrett ay may bakante kaya mukang no choice siya, at tatabi na lamang dito.
"Popcorn," alok ni Clara.
"I don't like popcorn I like p*rn." Nakangising bulong ni Garrett na malinaw niyang narinig.
"Katabi natin ang mga bata, pwede bang iwasan mo ang mag biro nang ganiyan?" Pakiusap ni Clara.
Nagulat na lamang siya nang alisin ni Garrett ang puso niya dahilan para sumambulat ang kaniyang buhok.
"Anong ginaga--"
"Shut up, let me do this for you." Sagot nito kaya naman natigilan siya.
Nag papasikat ba si Garrett sakaniya? Napakunot ang nuo ni Clara.
"Maayos ang buhok ko, pero dahil saiyo gumulo na. Thanks Garrett," arkastikang sabi ni Clara. "Ano ba kasing nasa isip mo?" Muling tanomg niya.
"Basta, pabayaan mo nalang ako."
Kahit na may nararamdamang inis ay ngumiti na lamang siya.
Sabay sabay na napalingon si Clara, Sage at Chloe nang marinig nilang kumanta si Garrett. Pumiyok si Garrett kaya naman na mutla si Sage at pigil na pigil ang pag tawa. Habang si Chloe ay chini-cheer ang ama niya, at si Clara ay napaiwas na lamang nang tingin dahil sa siya ang nahihiya sa ginagawa ni Garrett.
"Nakakahiya ako," yamot na bulong ni Garrett bago nag focus na sa movie na parang walang nangyari. "Hindi mag babago na ikaw ang Ina nang mga anak ko kaya wag mo sanang isipin 'yung sinabi ko."
Hindi sumagot si Clara. Tahimik siyang tumayo at lumabas. Pigil na pigil siya sakaniyang luha.
"What's wrong with you?" May inis sa tono ni Garrett.
"Huwag mo rin sanang isipin na ganun lang kadali 'yung lahat. At pwede ba akong mag tanong? Nasaan ang tito Oscar ko? Pinatay mo ba s'ya?"
"Clara hindi." Hinawakan niya ang kamay ni Garrett ang kamay niya. "Pwede natin siyang hanapin if you want," alok pa nito. "Hindi lang naman ako sa kambal babawi, saiyo rin Clara. Kung sana nakinig kalang sakin agad at nag tiwala. Hindi ka mag hihirap." Hinaplos ni Garrett ang kaniyang mukha. "At 'yung tinutukoy mong taong tumulong saiyo pwede natin silang kunin."
Namangha si Clara. "T-talaga?"
"Yes Clara, anything you want." Sinalat ni nang daliri ni Garrett ang labi niya. "Papatunayan ko saiyo na hindi ako masamang tao."