Chapter 12

730 Words
"F*ck!" Malakas na naihampas ni Garrett ang kamay niya sa table dahil sa katangahang na sabi niya kay Clara. Mas mahihirapan pa siyang makuha ang mag i-ina. "Sa susunod Peter kung ano 'yung ibinilin ko ay 'yon lang ang susundin ninyo!" Tumaas ang boses ni Garrett dahil sa yamot. Hindi niya ma-control ang kaniyang galit, mabuti nalang at nakita niya ang cookies na inihatid ni Clara. "Lumabas na muna kayo Peter." Walang emosyong utos niya bago tinikman ang cookies. Napangiwi si Garrett sa lasa nito. Maganda itong pagmasdan. Ngunit ang lasa nito ay napakasama. Mariin siyang napapikit bago muling nag mulat upang humanap nang tubig na maiinom upang mawala ang lasa nito sa dila niya. Walang tubig na nakita si Garrett kaya naman nag pasya siyang bumaba sa kusina. "Sino bang nag bake nang cookies na 'yon? Nakakaput*ngina 'yung la-- Ang sarap nung cookies grabe!" Bawi ni Garrett nang makita ang masamang titig ni Sage. "Ikaw ba ang nag bake Sage, o baka naman si Chloe?" "Si Mama ang nag bake, Pa." Malamig na sagot ni Sage bago napasulyap sa gawi ni Clara na may cookies pang ginagawa. Napamura na lamang si Garrett sakaniyang isip. Sa isip niya'y napaka pangit nang lasa at mukang makakamatay ang cookies ni Clara. "Hindi ba masarap? Pangit ba 'yung l-lasa?" Nahihiyang tanong ni Clara sakaniya. Ngunit bago sumagot ay napasulyap siya kay Sage na nag babanta ang tingin sakaniya. "Pwede naman na," alanganing sagot ni Garrett. "So, you mean Papa hindi po ganun ka sarap?" Malungkot na tanong ni Chloe. "Masarap princess," mabilis na sagot ni Garrett upang pasiyahin ang anak. "You should try Sage," nakangising alok niya sa anak na nakapamulsa pa. "I like cookies and I think it's delicious lalo na ikaw Mama ang gumawa, pero kasi--" "No excuses son," mapanuksong sabat ni Garrett kaya natigilan si Sage sa sinasabi. Napabuga na lamang ito nang hangin. "Fine". Dumampot ito nang isa at kumagat. Kita ni Garrett ang pag ngiwi nang anak niya kaya naman lihim siyang na tawa. "M-masarap." Nahihirapang wika pa ni Sage kaya naman napatalikod si Garrett upang pigilan ang tawa niya. "Madami pa akong gawa dito. Ayos lang ba kung ibigay natin kila Mang Peter?" Napangiwi si Sage at Garrett sa tanong ni Clara. Mukang hindi kasi magandang idea ang nais nito dahil nga sa hindi naman talaga masarap ang cookies. "Kakainin na lang po namin ni Papa," napasulyap sakaniya si Sage. Kaya naman napilitang tumango si Garrett. "Yeah, leave it there." Sagot niya. "Favorite namin ang cookies." Dagdag pa n'ya. "I told you Mama! May talent ka po talaga sa pag gagawa nang cookies. I'm so proud of you, Ma! Dada love your cookies, and Kuya Sage too." Napapalakpak pa si Chloe habang humahagikhik. "Manuod kaya tayo nang movie?" "Movie marathon, you mean Chloe?" Tanong ni Sage. Napatango ang bunso na anak ni Garrett. "Please? Para happy tayong family!" Nag mamakaawang sabi nito bago nag pretty eyes kay Garrett. "Papa, please?" "Sure, no problem." Nakangiting sagot niya bago kinarga ang bunso. "Spoiled brat," bulong ni Sage. "Kulang lamang sa atensyon ang kapatid mo Sage kaya hayaan mo na lamang muna si Chloe. Ikaw ang Kuya kaya ikaw ang dapat na umiintindi, ok?" Paala ni Clara kaya naman napatitig si Garrett dito. Kaya naman pala lumakaing matalino ang kambal. Busog ito sa pangaral at pagmamahal, maging si Clara ay hindi na masyadong nakakapag ayos dahil mas inuuna niya ang dalawang bata. Napabuga nang hangin si Garrett bago ibinaba si Chloé. Nag paalam siya na may kakausapin lamang. Agad siyang lumabas upang puntahan si Peter. Nadatnan niya itong nasa garden at dinidiligan ang mga halaman. "Peter", tawag niya. Agad naman nitong itinigil ang ginagawa at lumingon sakaniya. "May i-uutos ako saiyo." "Ano po iyon sir?" "May kakilala ka bang tao na pwedeng makapamili nang damit na babagay kay Clara? Here's my credit card, bilhin mo lahat." Utos niya bago muling pumasok sa loob nang bahay. Nasa sala na si Chloe at busy sa pag lalaro. Habang si Sage ay nanunuod nang sports, at si Clara ay nasa kusina nililinis ang kalat. Hinawi niya ang buhok ni Clara. Hindi niya napigil ang kaniyang sarili. Natigilan si Clara at napatitig sakaniya. "May pinabili akong damit para saiyo," basag niya sa awkwardness. "Hindi mo naman na kaylangang gawin 'yon dahil katulong mo lang naman ako." Sagot ni Clara sakaniya bago tinuloy ang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD