Chapter 9

804 Words
Matapos mag usap ay pumasok na sila sa loob upang makapamili na ang mga bata. Si Chloe at Clara ay pinasamahan ni Garrett kay Peter at sa iba pang tauhan. Habang si Sage ay kasama niya. Mabuti nalang at hindi ito umangal kaya naman tahimik lang siyang nakamasid sa anak na pumipili ng chess. Natuon lamang ang atensyon ni Garrett sa anak. Napalapit siya kay Sage upang itayo ito ng mabunggo ng malaking lalaki na may kasama ding anak. Imbis na mag sorry ang mga ito ay tinawanan lamang ng mag ama ang kaniyang anak. "Mag sorry ka sa anak ko", galit na utos ni Garrett. Sumenyas siya sa kaniyang mga nakamasid na tauhan na wag kikilos ng walang senyas niya kaya naman nakamasid lang ang mga ito. "At bakit ko naman gagawin 'yon? Anak mo itong la-lampa lampa tapos samin mo isisisi ng anak ko?" Mapang insultong tanong ng lalaki na mas ikinainit ng dugo ni Garrett. "Nah, it's fine Papa." Sagot ni Sage bago siya hinawakan. "There are people who are really educated, but have no respect and no proper manners." "What did you say to my Dad?!" Galit na sigaw nang batang kasing edad lamang ni Sage. "Bayaan mo na ang lampa na iyan anak." Natatawang saway ng ama nito kaya naman naikuyom ni Garrett ang kaniyang kamao at handa ng sumugod. “Stop, and think about what you’re saying.” Malamig sabi ni Sage na ikinatigil ni Garrett. Ito na naman ang anak niya sa pagiging matandang pag-iisip. “Do you realize that your behavior is not nice? Have you stopped to think how your behavior is affecting me?" Tanong ni Sage sa ama nang bata bago siya bumaling sa ka edad naman niya. "How do you think you would feel if another kid did that to you?” Natahimik ang mag ama sa sinabi ni Sage kaya naman napangisi si Garrett. “You never know what somebody might be going through; and your actions and words could be the thing to push them over the edge. It’s not worth it.” "Anak ko iyan," pagmamalaki ni Garrett bago inakbayan si Sage. "Enough Papa," saway ni Sage sakaniya bago ito lumakad palayo sa salbaheng mag ama. Natigilan si Garrett. Nilapitan lamang siya ng isa sa mga tauhan niya upang tanungin. "Sir may problema po ba?" May pag-aalala sa boses nito. "Pakitawag si Clara." Wala sa sariling utos niya. "Pinapatawag mo daw--" Hindi na natuloy si Clara ng yakapin n'ya ito. "Tinawag akong Papa ni Sage!" Masayang sabi ni Garrett bago napalingon kay Chloe. Nanlaki ang mata ni Garrett dahil sa muwestra ng daliri ng kaniyang bunso. Nakadirty finger kasi ito habang matamis na nakangiti. Humiwalay siya ng yakap kay Clara at bumaling kay Chloe. "Anak what is that? That's bad, don't do it." Saway ni Garrett. "P-po? Pero thumbs up lang po ito Dada." "Anak hindi 'yan thumbs up," si Clara na ang nag paliwanag. "Makinig ka sa Dada mo." "Ok po, pero may request po ako." Napahagikhik si Chloe kaya naman nag katingan sila ni Clara. "Pwede pong mag kiss kayong dalawa ni Mama?" Nangungusap ang mata ni Chloe habang pinag kikiskis ang palad. "Anak maraming toys dun oh!" Turo ni Clara sa mga nakahilera pang laruan upang malibang ang kaniyang makulit na anak. "Clara," tawag ni Garrett bago hinawakan ang kamay nito. "Pwede bang pag bigyan na natin 'yung bata? Kalimutan mo na 'yung mga nangyari." "Garrett ganun ba ako kababaw na tao? Trauma 'yung inabot ko sa mga dinanas ko. Sana naman kahit kunti lang mag pakita ka ng respeto sakin." Hindi naman nag iinarte si Clara ngunit nakaka-offend para sakaniyang nakaranas ng bagay na iyon na sabihang kalimutan nalang ang lahat. Hindi iyon basta ganun kadali, may proseso ang lahat. At sa ngayon, nag uumpisa palang si Clara na pagalingin ang sugat sakaniyang puso. At kung makita man niyang may sinseredad kay Garrett ay pag bibigyan niya ito. Pipilitin niyang buksan ang puso niyang naging mailap dahil sa trauma alang-alang sa dalawang bata. "May napili na ako." Bigla na lamang sumulpot si Sage. "Tinanong ko na 'yung price pero itatanong ko pa din saiyo kung bibilhin mo sakin kahit na may kamahalan." "Dumampot kana lang ng gusto mo without looking at the price." Sagot ni Garrett. "Mamaya ay mag lalaro tayo ng chess old man. Kapag nanalo ka payag na akong maging kayo ni Mama, pero kapag nanalo ako. Hahayaan mo s'ya at hindi guguluhin pa." Seryosong sabi ni Sage kaya maging ang tauhan ni Garrett ay gulat kay Sage. "Sige, deal!" Nakipag kamay si Garrett. "Kapag nanalo ako hindi na old man ang tawag mo sakin." Dagdag na sabi ni Garrett. At nag kasundo nga silang mag ama. Napailing na lamang si Chloe at Clara bago linampasan ang mag ama sa kalokohan ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD