Chapter 8

715 Words
Inaya ni Garrett ang mga bata kasama si Clara na pumasyal. Tuwang-tuwa si Chloe ngunit si Sage ay parang wala lang. Hindi parin kasi maayos ang mag ama kaya naman hindi maiwasang malungkot ni Clara. Wala siyang paninirang ginawa kay Garrett. Dahil kahit anong gawin o pag balibaliktarin man ang mundo. Ama parin nang kambal ang lalaking kumuha sa puri ni Clara. Hinihintay ni Clara na gumawa ng masama si Garrett sakaniya. Ngunit wala pa naman itong ginagawang pananakit. Palaging maaliwalas ang mukha nito at masiglang nakikipag bonding kay Chloe. Nahuhuli rin n'ya itong panay ang tingin sakaniya ngunit hindi na lamang niya pinapansin. Ramdam rin ni Clara na nag papahiwatig si Garrett na nais siya nitong makatabi sa kama. Inihahanda na ni Clara ang kaniyang sarili sa mga nais ni Garrett, basta ipangako lamang nito na itatrato nitong mabuti ang kambal nila. Ngunit kahit na hindi na n'ya sabihin iyon ay kita naman niya ang pag pupursige ni Garrett na bumawi. "Sage smile naman," bulong niya. Napangiti si Clara. Kahit kasi may attitude at cold ang anak niyang si Sage ay hindi siya nito natitiis. "Bakit matamlay ka? May masakit ba saiyo?" Nag-aalalang tanong pa n'ya bago sinalat ang leeg at nuo ni Sage. "Hindi naman, pero bakit nga?" Muli niyang tanong. "I'm fine Mama don't worry." "May sinabi bang masama ang Papa mo saiyo?" Narinig sila ni Garrett kaya naman napalingon ito. "I'm trying to be nice. Sinabihan pa n'ya akong hindi ako masaya sa buhah ko", sumbong ni Garrett. "Kuya Sage that's bad, please don't hate Dada." Naiiyak na pakiusap ni Chloe. "Don't cry," mabilis na niyakap ni Sage ang kapatid. "Ok, susubukan kong maging mabait sakaniya." Sabi ni Sage na halata naman ni Clara na sukal sa loob nito ang sinabi. Napasulyap si Clara kay Peter na tahimik lang at focus sa pagmamaneho. Bumaba sila sa tapat ng malaking mall. Kinarga agad ni Garrett si Chloe habang si Sage ay sumama na kay Peter na nauna na sa loob ng mall. "Pwedeng mag usap muna tayo?" Pakiusap ni Clara. Napatango si Garrett. Ipinahawak muna ni Garrett at Clara si Chloe sa tauhan niya upang mabantayan ito. "Huwag mo sanang kainisan si Sage dahil sa inaasal niya." Panimula ni Clara. "Hindi lang kasi s'ya sanay na may ama. Ang buong akala kasi niya ay--" "Namatay ako dahil nabulunan ng kamote? Tss." "Nahihirapan pa s'ya pasensya kana talaga. At isa pa, palagi rin silang tinutukso ni Chloe na walang ama. Kaya kung babawi ka sana ay lubusin mo na." "Gagawin ko iyan Clara. Nahihirapan man ako ok lang, kung sana hindi mo sila nilayo sakin, baka sana hindi naiilang sakin si Sage." Napabuntong hininga si Clara. "Hindi ko pinasisihang inilayo ko sila, pero ngayong nandito ka naman na magiging finally stable na sila. Kapag ok na kayo ng kambal aalis na ako. Iiwan ko na sila saiyo Garrett," napasulyap si Clara sa anak niyang si Chloe. "Kapag nag asawa ka sana ay 'yung tanggap ang kambal. Sana wag silang masaktan, ipangako mo sakin Garrett. Kasi ako? Mag papakalayo na ako. May dalawang matanda pa akong kaylangang balikan dahil napaka laki ng utang na loob ko sakanila. Ikaw na ang bahala sa kambal. Isinusuko ko na sila saiyo." Natutop ni Clara ang kaniyang bibig upang pigilin ang pag hagulhol. Alam naman ni Clara na hindi siya mag tatagal sa poder ni Garrett. "Kaya nga gawin mo na lahat Garrett. Gamitin mo na ako, pahirapan, pasakitan. Kasi ok lang 'yon, sa kabilang banda parang deserve ko naman kasi itinago ko sila saiyo. Kaya nga bawian mo na ako, at pag tapos ay aalis na ako." "Bakit ba palagi mo nalang akong pinapangunahan?" Yamot na tanong nito. "Iyon kasi 'yung nararamdaman ko." Mabilis na sagot ni Clara bago pinahid ang luha niya at ngumiti na parang walang dinadalang mabigat na problema. "Paano mo nagagawa iyan?" "Ang alin?" Takang tanong niya kay Garrett. "Ang ngumiti kahit na nasasaktan ka." Hindi siya agad nakasagot kay Garrett. Para kay Clara naman kasi ay walang manyayari kung iiyak lang siya ng iiyak. Danas na n'ya ang lahat ng hirap sa buhay, at ang pasakit. Kuntento na siyang malaman na maayos ang magiging kinabukasan ng kambal sa ama nila. Dahil kapag na sakaniya lamang ito ay mahihirapan lamang ang dalawang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD