Chapter 10

749 Words
Maayos na nakauwi sila Clara. Mag kasama ang mag ama na si Sage at Garrett habang si Clara at ang anak niya ay inaayos ang mga pinamili nila. Walang binili si Clara para sa sarili niya kahit na sinabihan na siya ni Garrett. Ayaw na niyang maging siya ay pasanin pa ni Garrett. Hindi rin naman s'ya mag tatagal. Tingin niya'y nagiging maayos naman na ang samahan ni Sage at Garrett kaya naman kampante na siya. Matapos ayusin ang mga laruan ay iniwan na ni Clara si Chloe na nag lalaro sa sala. Pumunta siya sa garden upang makalanghap ng sariwang hangin. "Lalim ng iniisip mo." Napukaw ang atensyon ni Clara ng mag salita si Peter. Hindi n'ya itong namalayan na nasa tabi na pala niya. Si Peter ay may edad na ngunit patuloy parin siyang nag tatrabaho kay Garrett kaya naman na mamangha si Clara. "Hindi naman may inaalala lang." Sagot niya. "Sino? Si sir Garrett ba?" Napailing si Clara. "Mga taong nakagawa po ng mabuti sa akin." Nakangiting sagot niya bago inalok na maupo sa tabi niya si Peter. "Parehas pala tayong marunong tumanaw ng utang na loob. Ako naman ay kay sir Garrett," panimulang kwento ni Peter sakaniya. "Dati kasi ay isang hamak na mag babasura lamang ako. Iyon ang paraan ko para mabuhay ang aking pamilya, pero dahil kay sir Garrett ay nag karoon ng saysay ang buhay ko. Pinag-aral niya ang dalawa kong anak. Habang ako naman ay binigyan niya ng trabaho. Driver n'ya at kanang kamay," nabuntong hininga si Peter. "Sa katagalan ay na sanay narin ako sa trabaho ko. Dating basurero na naging detective, ayos ba?" Nag thumbs up si Clara. "Ayos po," sagot niya. "Ang totoo niyan ma'am, ay hindi naman talaga masamang tao si sir Garrett. "Saksi po ako sa hirap at sakit na dinanas niya bago nakamit kung ano ang meron s'ya ngayon. Kasi 'yung pamilya niyang dapat ay kauna unahang susuporta sakaniya. Ang s'ya pa mismong nag lulugmok kay sir. Hindi ko alam ma'am kung ako ba dapat ang mag sabi ng totoo sainyo o si sir na, pero isa lang po ang kaya kong mapatunayan. Hindi po n'ya kayo ginahasa. Nag kataon lang na may naging problema kaya naman nawala kayo sa sarili na inakala naman ni sir na parehas ninyong ginusto iyon. Hindi n'ya po kayo kayang saktan. Ito lang po muna ang maari kong ibigay na clue sainyo ma'am para po hindi nyo husgahan si sir." Mahabang paliwanag ni Peter. "Ganun po ba." Mahinahong sabi ni Clara bago ngumiti kay Peter. "Hindi naman na po ako galit, masama lang po ang loob ko. May karapatan naman po siguro ako diba? Hindi naman na po maibabalik pa ang nangyari, at ngayon po hindi ko 'yon tinuturing na mistake. Kung may dinulot iyon na trauma sakin ay may idinulot din po iyong maganda. Kasi po may dalawang anghel na iniregalo sakin. Kaya sa tuwing bumabalik 'yung takot sila lamang po ang magiging pampakalma ko. Mahal na mahal ko po ang mga anak ko." Naluluhang paliwanag ni Clara. Mabilis niyang pinigil ang nag babadya niyang luha. "Kung totoo man pong hindi ako nais saktan ni Garrett sana po iparamdam n'ya." ______ Samantalang ang mag ama naman ay seryosong sinasalubong ang titig ng isat-isa. Nakasarado ang pinto, bukas ang aircon ngunit ang buong mukha ni Garrett ay pawis na pawis. Kanina pa s'ya hindi makatira kay Sage. Kada move niya ay mas nagiging komplikado. Talo na s'ya una palang ngunit sinubukan parin niyang makipag tuos sakaniyang anak. Hindi maiwasang malungkot ni Garrett. Ganito ba s'ya kaayaw ni Sage? "Sana alagaan mo si Mama," basag ni Sage sa katahimikang bumabalot sakanila. Bago sumagot ay umintra muna si Garrett. "Aalagaan ko kayo." "Masyado nang maraming sinakripisyo si Mama para samin ni Chloe. Ayoko na sanang masaktan pa s'ya. Kasi sa tuwing nasasaktan s'ya ako 'yung mas nadudurog. Wala kasi akong magawa para protektahan s'ya. Palagi niyang sinasabi na ayos lang daw kasi bata pa ako, pero sakin hindi 'yon ayos. Lalo na sa tuwing makikita ko siyang palihim na umiiyak." Habang nagsasalita si Sage ay nag papalitan sila ng intra hanggang sa mapansin nalang ni Garrett na s'ya pala ang nanalo. "Gawin mo lahat, Pa. Makalimutan lang ni Mama 'yung bangungot na gabi-gabing nag papahirap sakaniya." Napaiwas ng tingin si Garrett. Alam niyang pinatalo ni Sage ang laro nila. Ramdam ni Garrett ang pamamasa ng mata niya kaya naman tuminga na lamang siya upang pigilan ang pag tulo ng kaniyang luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD