Chapter 7

758 Words
"Good morning my princess!" Pinilit pasiglahin ni Garrett ang kaniyang boses nang batiin ang kaniyang bunsong anak na si Chloe. Babawi na s'ya sa mga panahong sinayang n'ya. Mahal na mahal n'ya ang kambal dahil dugot at laman n'ya ang mga ito. Mukang kay Sage lang talaga s'ya mahihirapan dahil lumalabas na kaparehas n'ya ng ugali ang panganay n'ya. "And you too Sage," baling n'ya sa anak na wala man lang kibo. At wala talaga siyang balak batiin kaya naman s'ya na ang nag first move. "Sage binati ka ng ama mo." Sita ni Clara ng mapansing umirap lang ito sakaniya. "Dad? S'ya?" Takang nakaturo si Sage kay Garrett. "I thought Papa is dead? Nabulunan s'ya ng kamote." "Kuya Sage bad ka! Dada is a nice person. Tsaka sabi nga ni Mama s'ya Papa natin kaya bakit ka nagagalit kay Dada?" Malungkot na tanong ni Chloe bago yumakap sa ama. "Ako happy po kasi nakasurvive ka sa kamote, binigyan ka ni Lord ng panibagong buhay." "Chloe ang patay hindi na nabubuhay, ok? Tandaan mo iyan. Mama can you explain it to Chloé, please.. I think sinabi lang ni Mama na ama natin s'ya," itinuro ni Sage si Garrett. "Because we're here, no choice. At tsaka baka sugar daddy s'ya ni Mama which I understand kasi kapos talaga tayo pag dating sa pe--" "Ikaw na bata ka!" Hindi nakapag pigil si Garrett kaya naman parehas na naman nilang sinalubong ang titig ng bawat isa. "Palagi nalang ba tayo mag aaway? Pwede naman tayong maging friends, you know." "No way old man. I won't forgive you, pinaiyak mo Mama ko and I see it clearly and heard it, loud and clear." Napataas ang kilay ni Garrett ng bumaling kay Clara. "Sage that's rude. Huwag mong kausapin ng ganiyan ang nakakatanda saiyo. Sorry honey, pero nag sinungaling ako. I hope you and Chloe will understand. It's ok, kahit magaling pa kayo kay Mama I'm not mad. Mali ang ginawa kong pagsisinungaling. Magulo kasi ang isip ko nun kaya sana anak hayaan ninyong bumawi ang Papa ninyo." Mahabang paliwanag ni Clara kaya naman maging si Garrett ay nalinawan. "Ako Mama ok lang po sakin cause I love you all." Malambing na sagot ni Chloe. "Ikaw Mama love mo ba si Papa? Ibig sabihin ba mag papakasal na kayo?" Sunod-sunod na tanong nito na ikinatahimik nilang dalawa ni Clara. Paano nga ba n'ya sasabihin sa mga anak niya ang naging sitwasyon nilang dalawa ni Clara? "Gutom na ba kayo? Niluto ko 'yung paborito ninyong pagkain ni Sage." Pag-iiba ni Clara upang alisin sa isip ni Chloe ang mga katanungang hindi pa naman nila kayang sagutin sa ngayon. "I'm not hungry. Kayo nalang ni Chloe Mama, eat well." May halong pag tatampo sa boses ni Sage kaya naman na sulyapan ni Garrett na lumungkot ang expression ni Clara. "Ako na," saad niya ng makitang susundan na sana ito ni Clara. Susubukan parin n'ya na kuhanin ang loob ni Sage kahit na mahirapan pa s'ya. "Hey buddy," bati n'ya bago naupo sa tabi nito. "Anong favorite toys mo?" He asked while staring at the ceiling. Ayaw n'ya kasing tignan sa mata si Sage dahil nakikipag titigan ito sakaniya ng walang kurap. "Bakit mo tinatanong?" "Wala, masama?" Tanong din n'ya. "Basta sumagot kana lang." Dagdag pa ni Garrett. "I don't like toys, si Chloe lang. I like chess, pero 'yung sakin na iwan namin sa Lola at Lolo ko." Really? Chess? Namangha si Garrett. Kasi nung bata s'ya ay baril barilan ang laro niya at hindi ang chess. Hindi s'ya ganun ka smart na bata, pero masasabi niyang ngayon ay wais siya at naging matalino na. Nabilib lang si Garrett dahil sa murang edad ng kaniyang anak ay marunong na itong mag chess. "Pinalaki kang matalino ng Mama mo." Proud na sabi niya habang malawak ang ngiti. "At ang fluent mo sa English kahit na hindi naman naging marangya ang pamumuhay ninyo." "Hindi naman rason ang kahirapan para maging mangmang. Kasi kung gugustuhin lang talaga nating matuto magagawa natin. But I don't blame people lalo na 'yung walang tinapos at mangmang sa mundong ito. Minsan sila pa kasi 'yung mas may alam kaysa sa iba na nag mamataas at feeling matalino. Kasi 'yung mga mahihirap, they know how hard life is. They have experienced, so that's how they value what they have. Unlike you, you are rich, but you can't tell if you are really happy with your life." Napatanga na lamang si Garrett sa anak niyang nakaisingit pa 'yung bagay na 'yon sa usapan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD