Kabanata 6

1364 Words
Maagang umalis ng condo si Camille kaya hindi kami magkasabay na pumasok. At sa mga buwan na sabay kaming umuwi at pumasok ay hindi pa naman kami nahuhuli o nakikita ng mga nakakakilala sa amin. Sinisigurado rin kasi na ipark ang sasakyan sa hindi madalas pinaparkingan ng mga kakilala namin. "Camille!" Narinig kong tawag ni Bea palabas ng production floor. Hindi ko rin napansin na lumabas si Camille. Pero maya-maya lang ay bumalik na ito sa loob kasama na si Camille. Hanggang sa napansin ko nalang na pumunta si Camille kay RJ at may sinabi. Hindi ko alam kung ano ang pinag usapan dahil pinagmamasdan ko lang sila mula sa pwesto ko. Hindi nagtagal ay pinuntahan nila si OM sa dulo kung saan din ito nakapwesto. Para akong timang na palihim na nakamasid sa kanila. Hanggang sa hindi ko na napansin ang sumunod na nangyari dahil oras narin ng plotted meeting ko with my team. Matapos ang isang oras ay natapos ang meeting namin at hindi ko nakita pa si Camille sa pwesto niya. Akala ko lumabas lang at nagbio-break. Ilang oras pa ang nagdaan at wala parin siya sa pwesto niya. Kaya nagmessage na ako sa Viber. Pero hindi siya nakaonline. Lumabas ako para tawagan siya sa mismong number niya kaso hindi rin niya sinagot. "Where are you?" Inulit ko pa ang pagmessage sa kanya. Habang pabalik ako ng production floor ay nakasalubong ko sa may entrance si Herlene, kateam din ni Camille kaya naman tinanong ko na. "Napansin mo ba si Camille. May ipapasuyo kasi sana ako sa kanya." Pagdadahilan ko. "Ay, TL wala po si Camille. Nag-halfday po." "Half-day? Bakit? May nangyari ba?" "Narinig ko lang pong sabi ni Bea na may emergency sa bahay nila Camille." "Ganoon ba? Okay sige. Salamat." Natapos ang buong shift na hindi ko makontak si Camille kaya halong inis at pag aalala ang naramdaman ko ng time na yon. Hindi ko na alam ang gagawin. Kaya nakaisip ako ng idea. Tinawagan ko si RJ. "Hello?" "Brad, si Nash to." "Oi, bro! Akala ko kung sino. Ibang number kasi." "Ah personal number ko to. Anyway, alam mo ba kung saan banda sa Bulacan iyong sinabi dati ni Camille na private resort?" "Private resort?" "Oo. Naalala mo nabanggit niya na kung magteam building pwede sa Bulacan? Kasi sabi niya meron daw magandang private resorts doon at mayroon din na for staycation." "Ah... parang naalala ko nga yan. Teka.. iisipin ko kung saan." Nabanggit kasi sa akin ni Camille dati na malapit lang ang bahay nila sa private resort sa Bulacan. "Naalala ko na. Parang sa may Northwinds ata yon. Try ko tanungin si Camille kung saan eksakto. Hindi ko narin kasi maalala ang eksaktong address." "Oh sige. Salamat. Pwede mo ba siyang matawagan or machat? Need ko kasi sana ngayon. Magkikita kita kasi kami ngayon ng mga kaibigan ko." "Hindi ko maipapangakong sasagot siya agad bro. May emergency kasi sa bahay nila. Baka abala pa iyon ngayon. Wrong timing kung kukulitin ko ngayon." "Ha? Teka. Anong nagyari? Anong emergency?" Kunwaring pagulat ko pang tanong. "Medyo maselan pero isa sa family niya ang naaksidente." "Ganoon ba? Kawawa naman. Oh sige bro. Next time mo nalang itanong at wrong timing talaga kapag ngayon." Nasabi ko nalang bago ko tapusin ang tawag. Pero magkaganon pa man, dumiretso ako ng Bulacan. Hindi pa ako nakapunta sa mismong bahay niya kaya hindi ko alam kung saan siya nakatira. Pero naihatid ko na siya sa mismong kanto ng lugar nila. At dahil looban iyon ay nagta-tricyle siya simula sa kung saan ko siya ibinababa kapag hinahatid ko siya. Hindi naman ganoon katraffic kaya nakarating ako ng halos isang oras lang. Nagtanong tanong muna ako kung saan may malapit na ospital o pagamutan at agad kong tinungo ang isa sa mga ospital na binaggit na mas malapit sa kung nasaan ako. Halos mag ala-una na ng madaling araw ng narating ko ang unang ospital at agad kung tinungo ang emergency room. May mga nurse akong napagtanungan. Nacheck ko na rin ang ibang nga taong nasa hallway at sa ibang room pero wala akong nakitang Camille. Tinawagan ko ulit siya habang nakaparada ako sa isang gilid. Umalis na ako sa unang ospital at mayroon pang dalawa akong pupuntahan. Nakailang tawag pa ulit ako bago sinagot ang tawag ko. "Hello?" Medyo namamaos na boses ni Camille ang narinig ko. "Love nasaan ka?" "Sorry. Hindi ko nasabi sayo." "Nasa Bulacan kaba?" "Oo. Nandito ako sa ospital." "Bakit may naaksidente ba?" "Si Charles at -" "Sino?" "At yung kaibigan niya." "Saang ospital?" Tanong ko pa. Siguro nasa isip niya na hindi ko naman pupuntahan kaya sinabi niya sa akin ang pangalan. Mabilis kong pinaandar ang kotse at tinumbok ang ospital na sinabi niya sa tulong ng Google maps. Thirty minutes din halos bago ako nakarating sa ospital na sinabi ni Camille. Agad naman akong nagtungo sa emergency room at nagtanong doon. Buti may isang nurse na nagsabi na mayroon ngang na-admit na pasyente kanina dahil sa car crash. Buti nalang at walang ibang naadmit kundi isa lang. Pinuntahan ko ang room na sinabi ng nurse at habang papalapit ako sa room na iyon ay unti unting bumabagal ang mga hakbang ko. May biglang lumabas ng kwarto at marahil kamag-anak iyon ni Camille. Pero ng nasa tapat na ako ng mismong pinto ng kwarto ay bigla akong nagdadalawang isip. Tinanong ko pa ang sarili ko kung bakit ako nandon. Kaya naman mabilis akong tumalikod at tumungo sa may mahabang upuan hindi kalayuan sa kwarto nila. Tambayan siguro ng mga dumadalaw sa mga pasyente. Nakita ko ulit ang ginang na lumabas kanina sa kwarto na papalapit at may dala na itong gamot at papel. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa lumabas ng kwarto si Camille at nagkasalubong sila. Si Camille ay mukhang kagagaling lang sa pag iyak. May sinabi sa kanya ang ginang na parang pinipilit pa siyang kausapin ng ginang pero mariin na umiling si Camille at tuloy tuloy na lumabas. Hindi niya ako napansin dahil mabilis akong tumalikod. "Camille!" Narinig kong tawag ng ginang pero tuloy tuloy lang si Camille sa paglalakad hanggang sa nakalayo na ito. Ang ginang naman ay malungkot na pumasok sa loob ng kwarto. Mabilis akong umalis at hinabol si Camille. Muntik ng mawala sa paningin ko ito ng lumiko ito sa dulo. Mabuti nalang huminto ito at may tinanong sa guard bago naglakad ulit. Bago pa man makalabas ng gate ng ospital si Camille ay mabilis ko siyang hinawakan sa braso. "Love-" Gulat siyang napalingon sa akin. "Nash?!" "Tara sa sasakyan." Hawak ko parin ang braso niya habang naglalakad patungo sa pinagparkingan ko sa may basement. "Anong ginagawa mo rito??" "Hinanap ka. Nag-alala ako sayo." "Hindi ka dapat pumunta dito." "Bakit hindi? Hindi kita makontak. Ang sabi lang ng kateam mo na may emergency. Hindi ka rin nagsasabi sa akin. Parang balewala lang ako sayo." Hindi na sumagot si Camille pero pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan. "Uuwi naman ako kaya hindi ko na sinabi agad." "Uuwi? Kailan? Baka nga sinasabi mo lang yan ngayon dahil nandito ako. Tapos ano malalaman kong hindi ka na uuwi ng condo natin dahil iintindihin mo na ang asawa mo." "Hindi ko siya asawa and ayokong pag usapan ang tungkol sa kanya sa ngayon." Malamig na sagot niya sa'kin. "Ano?" "Hindi kami kasal ni Charles. Okay na??" Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko sa sinabi niyang iyon. May halong tuwa, at inis dahil hindi niya sinabi lahat. "Pero bakit sabi mo-" "Simula ng makunan ako nawala na ang pagmamahal ko sa kanya. Siya ang may kasalanan kung bakit nawala ang baby namin." "Kung ganoon hindi ka talaga kasal sa kanya??" "Muntik na. Kung hindi pa ako nakunan baka natuloy ang kasal namin. Bago magpandemic ng makunan ako. Kaya nga ako nag sick leave noon ng almost a month." "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit pinaniwala mo ako na okay kayo? Bakit hindi mo siya hiniwalayan dati pa? Nagmukha pa akong tanga kakaisip sa mga bagay na hindi naman pala totoo." May halong sama ng loob ang nararamdaman ko ng mga oras na yon pero ng makita ko siyang paiyak nanaman ay natigilan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD