Kabanata 7

1519 Words
Marami akong gustong sabihin sa kanya. Ngunit napabuntong-hininga na lang ako bago ako nagsalita ulit. "Sa bahay na tayo mag-usap. Okay?" Tumango naman siya sa sinabi ko. Ngunit nagpahatid pa muna siya sa bahay nila ni Charles at may kinuhang gamit bago kami bumalik ng Manila. Nasa sasakyan lang ako nag-aantay habang nasa loob siya ng bahay. Halatang mayaman ang pamilya nong Charles at malaki ang bahay na iyon. May katulong din na nagbukas ng pinto. Bago pumasok si Camille ay narinig ko pang tinawag siya na ma'am. Nakakapagtaka kung bakit nagtrabaho siya sa call center. Hindi naman nagtagal ay lumabas na ulit si Camille na dala ang ibang luggages at gamit. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at tinulungan siyang ilagay ang mga gamit sa loob ng sasakyan. Habang nasa byahe na kami pauwi ng condo ay tipid lang kung magsalita si Camille. Kita ko ang pagod sa mukha niya. Kaya isinantabi ko muna ang kung anumang nais kong itanong sa kanya. "Kumain kana ba?" "Not yet." Kaya naman nagdrive thru kami ng may makita akong McDo. Agad kong inorder ang paborito niyang kainin kapag sa McDo kami nabili. "Kumain ka muna." Iniabot ko sa kanya ang mga inorder ko bago ako nagsimulang magdrive. "Ikaw? Kumain kana?" "Hindi pa. Maya nalang ako kakain. Ikaw na muna. At kanina kapa walang kinakain." Sumunod naman siya sa sinabi ko pero maya-maya pa ay sinubuan narin niya ako. Mga mag alas singko na ng madaling araw ng makarating kami ng condo. Kaya ng nakahiga na kami ay kinuha ko ang phone ni Camille at nagtext kay RJ na hindi siya makakapasok. Nagkunwari ako na si Camille ang nag message. Ganoon narin ang ginawa ko. Tinawagan ko si OM maging ang iba pang leaders sinabi kong hindi ako makakapasok at nag bigay nalang ako ng magandang alibi. Naintindihan naman nila ang rason kaya inoff ko na ang alarm clock namin pareho. Mabilis naman nakatulog si Camille sa mga bisig ko. Kaya panatag na akong pumikit hanggang sa makatulog narin. Ala una na ng hapon ng magising ako pero si Camille ay tulog parin kaya maingat akong tumayo. Matapos akong makapaghilamos at magtoothbrush ay nagpakulo narin ako ng tubig upang magkape. Matapos noon ay nagsaing narin ko at naghanda ng lulutuing ulam. Namalayan ko na lang na gising na si Camille ng may yumakap sa likod ko. "Good morning." "Hey! Good morning sleepyhead." Ngiting bati ko pa ng humarap ako sa kanya sabay hinalikan ng mabilis ang mga labi niya. "I'm late. Hindi ako nagising sa alarm. Medyo masama din kasi ang pakiramdam ko kaya baka tatawag nalang ako kay TL maya-maya." "Don't worry ipinagpaalam na kita kagabi. At inoff ko din ang alarm mo para mahaba haba ang tulog mo." "Ganon ba? Mabuti nalang pala. Salamat. Ay, teka! Bakit nandito ka pa pala? Hindi ka rin papasok?" "Oo. Mag almusal ka muna." Inilapag ko sa table ang isang tasang kape, toasted bread at ang dalawang sunny side up na itlog. "Hindi na almusal ngayon." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Inumin mo na rin tong gamot pagkatapos. Okay?" "Okay." Matapos kumain ni Camille ay dumiretso ito sa sofa at sumandal. Halatang masama pa ang pakiramdam nito kaya ang balak kong pag usapan namin ang tungkol sa mga sinabi niya kagabi ay isinantabi ko na muna. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Hindi parin ba okay?" "Medyo okay na. Ipahinga ko na muna." Tumayo si Camille at nagtungo na sa kwarto. Hinayaan ko nalang at tinapos ko na ang pagluluto ng ulam. Sakto din ang niluto kong sinigang na baboy dahil ito ang planong lutuin ni Camille sa darating na off namin. Pagkatapos kong magluto ay sinilip ko siya sa kwarto pero nakita kong nakatulog na siya. Nagpahinga lang ako ng kalahating oras sa sofa habang nanood ng balita bago ako naligo. Alas kwatro na at hindi parin nagising si Camille kaya pinuntahan ko na nang sa ganon ay makakain na siya. Kinapa ko ang noo niya kung mainit at buti nalang ay normal temperature. "Love..." "Hmmm?" "Gumising kana. Hindi ka pa nagtatanghalian." "Later..." Sabay tumagilid at natulog ulit. Gigisingin ko pa sana siya ulit pero tumawag si nanay sa cellphone ni Camille. Nakita ko kasi na nagbiblink ang ilaw ng phone niya at ayun nga si nanay ang tumatawag. Kaya kinuha ko ang phone niya at lumabas ng kwarto bago sinagot ang tawag. Sinabi ko na agad kay nanay na masama ang pakiramdam ni Camille at nagpapahinga. "Ganoon ba? Oh siya sige ay teka... dahil ikaw nalang din naman ang nakasagot ikaw nalang nak ang kumuha ng pinasabay naming mga hipon at bangus kay Ara. Bukas ang luwas niya ng Maynila." "Eh bakit si Camille ang tinawagan mo nay. Pwede mo naman sa akin nalang sabihin at ako nalang ang makipagkita kay Ara." "Gusto kasi ni Ara na makita ang girlfriend mo. Siguro kikilatisin at gawa ng hindi sila nagpang-abot dito noong bagong taon." "Sana sinabi mo parin sa akin." "Pasensya kana anak. Ay teka nga lang. Bakit ka nagagalit diyan?" "Hindi ako galit. Ang inay naman. At isa pa kilala mo naman si Ara may pag kataklesa ang bibig noon baka kung ano ano pang sasabihin kay Camille kapag nagkita sila." "Sus! Ikaw naman ayaw mo lang malaman ng nobya mo ang mga kalokohan mo dati." "Si nanay naman. Hindi naman iyon ang inaalala ko. Baka lang kasi kung ano-anong nakaka-offend na salita ang sabihin niya kay Camille." "Hindi ganoon si Ara. Oh, siya! Tawagan mo nalang ang siya at kayo nalang ang magkita o hindi naman isama mo narin si Camille para magkausap sila kahit papano." "Susubukan ko. Kamusta ba kayo diyan?" "Okay lang kami dito. Huwag mo kaming alalahanin. Kailan kayo ulit dadalaw dito?" "Kapag hindi na masyadong busy nay." "Okay sige. Basta ipaalam mo agad sa amin nang sa ganoon makapagluto ako ng masarap." "Sige po nay. Mukhang namimiss na nga ni Camille ang ginataang tulingan mo eh at pinapaluto ako ng ganoon. Sinubukan niya gawin kaso para daw may kulang. Mas masarap parin daw ang luto mo." "Hahaha! Nakakatuwa naman ang batang iyon. Oh siya sabihin mo iyon ang iluluto ko kapag dumalaw ulit kayo dito." "Sige nay. Mag-iingat kayo diyan." Matapos namin mag-usap ni nanay ay ibinalik ko sa side table ang phone at tumabi kay Camille. "Love..." "Hmmm..." "Gising na. Hapon na." Hinapit ko siya papalapit pa lalo sa akin. "Inaantok pa ako." Pero yumakap ito at isiniksik ang mukha sa dibdib ko. "Malilipasan ka na ng gutom niyan." "I'm not hungry. One more minute please..." Hindi ko na siya pinagbigyan sa pakiusap niyang matulog pa kasi ang one minute niya magiging one hour nanaman. At baka lalong magkakasakit pa siya kapag hindi pa kumain. Kaya pinilit ko na siyang bumangon. Ilang sandali naman ay sumunod na ito. Umupo sa kama na halatang inaantok. "You can go back to sleep later. Kumain kana muna." Saad ko pa na hawak ang kamay niya at pinatayo siya. "Okay." Pinaghandaan ko siya ng pagkain at inilapag sa mesa habang nasa banyo siya naghihilamos. "How are you feeling now?" Bungad ko ng makalapit ako sa pinto ng CR na hindi naman naka CR. Nagpupunas na ito ng mukha pagkatapos maghilamos. "Medyo okay na." "Mabuti naman. Pinaghandaan na kita ng pagkain." "Thank you. Anong ulam?" "Sinigang." "Wow. Mukhang masarap." Natawa naman ako sa komento niya habang tinungo ang hapag-kainan. "Masarap kaya ako magluto ng sinigang." "Oo naman noh... sasarap ng mga luto mo." Pagsang-ayon niya habang paupo na sa upuan na nakaready sa kanya. "At hindi lang mga luto ko ang masarap miss Chavez." Tukso ko pa na sumunod sa kanya. "Hahaha! No comment." "Gusto mo ng patunay?" Ngisi ko habang nakaupo sa tapat niya. Sakto lang din kasi ang laki ng lamesa na pwede sa pang dalawahang tao lang. "Huwag na. Naniniwala naman ako." Sagot sa akin habang nakangiting-napapailing. Humigop narin ito ng sabaw. "Hmm... sarap." "Told you." "Kumain ka na rin." "Busog pa ako." "Okay." "Kumain ka ng marami at napadami ang luto ko." "We can eat it tomorrow kung may matitira." Tumango ako at hinayaan siyang makapokus sa pagkain niya. Lumipat naman ako ng pwesto at dumako sa sofa. Binuksan ko ang TV para manood ng mga palabas. Tiningnan ko na rin ang mga message sa group chats habang patalastas. Medyo marami-raming group chats dahil ang iba ay ang gc noong nasa hotel kami, ung iba ay gc ng leadrship, gc ng team ko, gc ng dati kong mga team na ang iba ay nasa ibang company na, at gc ng pamilya ko. Saka ko naalala ang tawag ni nanay kaya sinabi ko kay Camille. "Tumawag nga pala si nanay sa phone mo kanina. Sinagot ko kasi tulog kapa non." "Bakit daw?" "May pinapabigay na mga hipon at bangus. Nagharvest kasi sila sa fishpond." "Wow! Talaga? Kailan ipapadala?" "Bukas. Sasaglit ako sa Cubao at doon ko kikitain si Ara. Ipapasabay ni nanay sa kanya." "Sinong Ara?" "Kinakapatid ko." Tumango lang ito at ipinagpatuloy na ang pagkain. "Let's talk about last night after you eat. Okay?" Tanong ko ulit na kita ko namang marahan siyang tumango bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD