bc

THE LOVE OF MY LIFE

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
family
drama
bxg
brilliant
campus
small town
like
intro-logo
Blurb

Nagmahal lang naman ako at bakit ganito? Bakit sa maling tao?Ako si Nash at ito ang kwento ko.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
I stumbled across a photo that I almost forgot I had. I hid it in the mini drawer before everything went astray. At sa pagkaalala ko this was taken four years ago. My stomach did a somersault as I stared at the picture and yet I couldn't help but to trip down memory lane. Flashback... Kasagsagan ng pandemic ng panahong iyon I was one of the team leaders na piniling mag onsite at habang ang iba ay mas piniling mag work from home. Hindi ko akalain na sa pag onsite kong iyon ay may nakarelasyon akong agent ng ibang team, si Camille. Matanda siya sa akin ng 3 years pero para sa akin mukha lang siyang eighteen years old kumpara sa edad niyang twenty eight noon. Sobrang tahimik niya kapag hindi kayo close pero sa mga kaibigan niya doon makikita kung gaano siya kasayang kasama. Unang kita ko palang sa kanya ay na-attract na agad ako pero syempre hindi ko pinahalata kasi agent siya ng kaibigan kong si RJ. Mabait si Camille at magaling din sa trabaho. Very professional. Kapag oras ng trabaho focus lang talaga ito. One time she had a call and natawa ako dahil mukhang hindi sila nagkakaintindihan ng kausap niya kaya naman napataas ang boses niya. Medyo malapit lang kasi ang station ko sa pwesto niya, may pagitan nga lang para hindi magkadikit ang bawat isa. Maging mga teammate niya nang time na yon ay natawa narin kasi first time nilang marinig na magtaas ng boses sa call si Camille. Pero ewan ko ba sira na nga yata ang ulo ko noong oras na iyon kasi ang dating sa akin ay parang naglalambing siya sa call. May pagka bedroom voice kasi kapag pinapakinggan mo ang call niya. Ewan ko ba! Pakiramdam ko ginagayuma niya ako. Syempre malabo naman iyon dahil hindi naman kami madalas nagkakausap. Lumipas ang mga araw at doon ako sa office inabutan ng aking kaarawan. Sakto naman na day off naming lahat kasi fixed Saturday & Sunday off ang account namin. Kaya nag-ask kami ng permission sa management to occupy ang isang vacant room. Doon nga kami nag-celebrate ng kaarawan ko pero may social distancing pa rin. Mahigpit na protocol iyon sa lahat. Ininvite ko rin si RJ at ang team niya kaso napansin kong wala si Camille sa room kaya tinanong ko ang mga malapit niyang teammate. Pinasundo ko si Camille sa isang kaibigan niya kasi pareho sila ng room na inoccupy noon. Magkaiba lang sila ng bed dahil nga mahigpit ang sosyal distancing. Natawa nalang ako sa itsura niya noon kasi halatang bagong gising pero parang ang fresh niya pa rin tingnan. Sobrang attracted talaga ako kay Camille. Masaya akong makitang nag enjoy siya sa mga food na inorder ko. Binati niya pa ako habang nakaupo siya sa katabing upuan ko. "Happy Birthday TL Nash. May all your wishes come true soon." Nagpasalamat ako at ngumiti sabay sabi na mukhang malabong matupad pa iyon kasi bawal. Kaya nagtaka siya at tinanong ako kung ano yon. Syempre ngumiti nalang ako at sinabi ko sa kanya na sa akin nalang iyon. Hinayaan ko na siya at ang iba pa na mag enjoy sa kabila ng pangamba sa buhay namin dahil sa virus. Marami parin nman kami nagawa noon kahit may Social Distancing pa. Andyan na yung nagtiTiktok ang iba, nag XBOX ang iba at ang iba naman ay nanonood lang ng movies sa phone nila. Hanggang sa nag announce ulit ang management na kung sinuman man ang gustong mag WFH ay ilista lang ang mga pangalan. Samantalang ang ayaw mag Work From Home ay ililipat sa Hotel. Syempre free parin lahat. Free accomodation, food, laundry at transpo service. Kumbaga, trabaho lang talaga kami noon at ang kumpanya na ang bahala sa necessities namin. Kasama ko parin si Camille sa mga pumiling mag Hotel. Ang buong akala ko na mag WFH na siya kasi kaming mga TL ay required na hotel to assist ung mga agents na ayaw mag WFH. Si RJ at iba pang agents ay sa ibang hotel napunta, ako at sina Camille ay sa iba din. Hanggang sa ang set up ay Hotel to Office at office to hotel. Pero ang layo ng office to hotel would take 45 minutes. Kapag off namin bumibisita kami sa room nila Camille minsan sila naman sa room na inooccupy namin, nanood o nagkwekwentuhan lang. Hanggang dumating ang Rest Day at kapag Rest Day ito ang araw ng laundry. Wala namang problema dahil kokontakin lang namin ang driver ng Van at dadalhin na kami sa office para don ipalaundry. Kaso nagulat ako na hindi pala sumama si Camille pumunta sa office. Pagkalabas ko ng pinto ng room namin ay nakita ko si Camille na papasok ng room din nila kasi magkatabi lang naman room namin. So tinawag ko siya at tinanong kung bakit hindi siya sumama magpalaundry, sabi naman niya pinasabay nalang niya ang mga labahan niya. Niyaya niya akong mag kape kasi may kinuha din siyang inorder niyang pagkain sa groundfloor ng hotel at iyon ang nakita kong bitbit niya. Tumanggi ako kasi syempre kaming dalawa lang baka kung anong isipin ng iba kapag naabutan kami. Pero nagtanong kasi ulit siya kung nag almusal na ako kaya sinabi ko na hindi. Iyon nga ang dahilan kung bakit ako lumabas ng kwarto para sana icheck kung andon na sa baba ang rasyon na galing sa company. Sabi pa niya "Magkape ka na muna tl at share ka nalang ng food sakin kasi wala pa ung deliver na food sa baba. Tiningnan ko kasi ung table wala pang nakalagay don. Saka marami naman to." "Sure ka okay lang sayo?" Yan mismong tanong ko kasi nagugutom na rin ako at kagabi pa ako hindi kumakain dahil sa pagod nakatulog ako. Napanis narin naman ang pagkain na dineliver kagabi dahil hindi nailagay sa mini ref sa room. Wala rin naman si Allan na siyang kasama ko sa room at agent ko rin. At doon nga tuluyan na akong pumasok sa room nila. After niyang iprepare pinagtimpla niya ako ng kape at nag share siya ng food. Kaya sabi ko bayaran ko ung kalahati. Syempre inunahan ko na siya na wag ng tumanggi dahil magagalit lang ako. Nasa cr siya after namin kumain. Ako naman nasa bed lang kasi dalawang bed naman un. Ang allowed lang kasi ay 2 persons in 1 room so andon ako sa isang bed nag cecellphone at nagmemesage kung anong oras babalik ang mga ahente kong nasa office pa. Wala akong nareceive na reply kaya nanood nalang ako ng movie sa Netflix habang si Camille ay naliligo na nagpapatugtog pa ng music sa loob ng cr. Nagpaalam ako na babalik sa room namin nilakasan ko ang boses para marinig niya kasi maliligo narin ako at init na init na ang pakiramdam ko. Half an hour later bumalik ako sa room nila at kumatok. Si Camille parin ang nagbukas kaya tinanong ko kung wala pa sila. Sabi niya nagchat sa kanya iyong roommate niya na matatagalan sila kasi aantayin nila matapos ang mga pinapalaba marami kasing nakapila. Pero pinapasok niya parin ako sa loob. Dumiretso ako sa isang chair na nasa tabi ng kama ng roommate niya at siya naman sa bed niya. Tinanong niya ako out of nowhere habang nanood kami sa Netflix. Tinanong niya ako kung bakit hindi ko pinili mag work from home tutal naman daw my mga Team Leader naman na mag aasist sa kanila at karamihan sa mga ahente ko ay naka WFH narin. Sagot ko na kinabigla ko rin na mas gusto ko kasing nakikita siya palagi. Pareho kaming nagkatitigan at hindi nakaimik. Kitang kita ko ang gulat niya sa sinabi ko. Alam kong mali pero wala eh nasabi ko na at hindi ko na pwedeng bawiin. Kaya bago pa man siya makapagtanong ay inunahan ko na siya habang umupo ako ng maayos na nakaharap sa kanya. "Gusto kita Camille. Alam kong bawal pero hindi ko maiwasang hindi magkagusto sayo." Tinanong niya ako kung bakit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko basta sinabi ko sa kanya kung ano ang totoong naramdaman ko. "Gusto kita. Gutong gusto kita Camille. Sinubukan ko naman balewalain eh kasi alam kong bawal. Hindi mo naman ako kailangan gustuhin. Pasensya ka na kung ginulat kita sa mga sinabi ko. Nahihirapan narin akong ilihim tong nararamdaman ko." Matapos ng mga sinabi ko wala akong narinig na ibang salita mula sa kanya kaya tumayo ako dahil ayokong magmukhang tanga sa harap niya. "Sana hindi mo ako iiwasan pagkatapos ng mga sinabi ko." At lalabas na sana ng room nila. Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob bigla niya ako hinawakan sa braso na nasa likod ko na pala. "Teka TL." Lumingon ako at nakita kong balisa ang mukha niya. "Don't worry hindi kita kukulitin sa office. At ayokong makasira din sa performance mo. Natatawa akong sinabi sa kanya para lang i-lighten ang ambience kasi feel ko nong time na un ay ang bigat na.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook