Chapter 2

1042 Words
Mag-iisang linggo na si Ulysses sa paupahan ni Aling Susan at marami-rami na rin siyang nakikilala sa Kalye Onse. Marami-rami na rin siyang tsismis na nasagap. At bagong kaibigan. Ang isa sa mga naging ka-close niya ay ang tambay na si Biloy o sa totoo nitong pangalan ay Gelo. Hindi Angelo kung hindi ay Gelonimo. Hindi nga maintindahin ni Biloy kung may lahi pa silang hapon dahil sa ang 'r' dapat ay naging 'l' naman. Taga ika-limang kanto ito pero sa tindahan ito ni Aling Susan palaging nakatambay. Paano ay pinopormahan nito si Susie---ang anak ni Aling Susan. Sa kasamaang palad ay hindi pabor si Aling Susan dito. Bukod sa tambay ito ay wala itong ibang natapos sa pag-aaral kung hindi ay high school lang dahil sa katamaran nitong mag-aral. Graduate naman si Susie. Ngunit hindi siya nakapag-apply noon para makakuha ng magandang trabaho dahil nakapag-asawa na ito kaagad. Kaya naman hindi na ito nagtrabaho at nagtayo na lang ng tindahan mula sa nahiram niyang puhunan kay Billy---ang kapatid niyang sumunod sa kanya na kaibigan ni Uly. “Hi, Darleng.” bati ni Gelo sa anak ni Aling Susan na si Susie. Close na rin ni Ulysses si Susie. Sa isang linggong pag-i-stay niya sa barangay na iyon ay hindi siya nahirapang maka-close ang mga taga-roon. Talaga namang mababait ang mga ito. Maingay nga lamang dahil sa lakas ng mga boses ng mga ito ngunit masaya naman. “Naku, Biloy. Magtigil ka nga riyan at baka marinig ka ni Nanay. Tiyak na mababambo ka niyan.” angil ni Susie sa binata. Sa araw-araw na nilagi niya sa tindahan ay siya namang laging pangungulit nito sa kanya. At doon naman ito nakilala ni Uly. Ang kakulitan ni Biloy at pagtambay nito rito. “Oo nga, Biloy. Huwag mong daanin si Susie sa malalim mong biloy at baka malagot ka kay Aling Susan.” segunda naman ni Uly na tatawa-tawa naman. Aliw na aliw siya sa binatang ito dahil sadyang masayin at palabiro. “Sinabi mo pa, Uly. Mabuti sana kung mapapakain ako at ang anak ko ng biloy niya.” napahimas naman sa batok si Biloy. Ilang taon na niya itong sinusuyo ngunit alam niyang wala siyang pag-asa dahil may asawa na ito. Ngunit ano'ng magagawa niya? Iyon ang itinitibok ng puso niya. Marami namang single sa lugar niya sa ikalimang kanto ngunit si Susie ang tumambay sa puso niya. Mabait naman si Biloy at masipag. Talaga lang na inalat siya ngayon kaya tambay siya. “Ito namang si Uly. Kanino ka ba kampi, Parekoy? Parang kay Mama Susan ka pabor ah.” reklamo ni Biloy sa binata. Tunay naman na inalat lang siya. Noon ay kabi-kabila ang sideline niya ngunit ngayon ay wala siyang raket. “Ano na namang Mama Susan ang sinasabi mo riyan, Biloy? Aba’y lumayas ka nga rito at inaalat ang aming tinda dine.” bulyaw ni Aling Susan na kanina pa pala naroon sa loob ng tindahan at nagpapatulog sa apo niya. “At idinamay mo pa si Pogi. Magsipag ka rin nang may mapala naman ang tindahan naman sa iyo. Isang oras mo nang hawak ang beer na iyan.” sabi pa ni Aling Susan saka umalis at dinala ang nakatulog na apo niya sa kuwarto nila. Napangisi na lamang si Biloy. Tunay na isang oras na nga niyang hawak iyon. At wala na itong lamig. Ganito naman talaga ang ginawa niyang madalas. O-order ng isang beer at pagkatapos ay ibabad sa palad niya para naman matagal niyang makausap at makasama si Susie sa tindahan. At kapag iinumin na niya ito ay hihingi siya ng yelo at baso rito saka isang tunggaan na uubusin ang beer kapag pauwi na. Tatawa-tawa naman si Uly sa mga ito. Naaaliw siyang tunay sa pagtambay sa tindahan kapag wala siyang pasok o kaya naman ay tinatamad siyang mag-part-time. Hindi naman siya regular na pumapasok sa trabaho. Kapag naisipan niya lang. At simula nang makilala niya si Biloy ay panay na lang ang tambay niya. Inom dito, inom doon. Ngunit katulad ni Biloy ay nakababad lang din ang beer sa palad niya. Sabay silang napalingon ni Biloy sa dumating na babaeng bibili sa tindahan ni Susie. “Susie, pabili nga ng shampo. Iyong dating brand, at tooth paste na rin.” hindi maalis ang tingin ni Uly sa babaeng bumili sa tindahan. Paano ay ngayon niya lamang ito nakita. Mag-i-isang linggo na siya roon ay ngayon niya lamang ito nakita. At parang bago lang ito sa lugar nila. Ngunit naisip naman ni Uly na kung bago lang ito ay bakit parang kilala agad ito ng mga tao rito. Lalo na nang sambitin nito na dating brand. At alam na alam naman ni Susie ang sinasabi nito. Kung sa bagay ay katulad din niya noong unang salta niya sa barangay na ito. Sa rami ba naman ng tsismoso at tsismosa rito ay paniguradong walang hindi sila kilala. Hindi niya alam kung paano natatandaan ng mga ito ang mga detalye ng bawat tao rito. Sa rami ng nakatira rito ay tila may listahan sila ng bawat tao na kapag tinanong mo kung sino si ganito at sino si ganiyan ay maituturo kaagad nila. Madalas nga kapag may delivery ang mga tao rito ay nakikita kaagad ng mga delivery boy dahil madaling naituturo ito sa bahay ng um-order. Nang mapalingon siyang muli sa babae ay saka lamang niya napansin na nakatitig na pala sa kanya ang babaeng bumibili. Bago pa umalis ang babae ay napa-second look pa ito kay Ulysses. At dahil doon ay naging sanhi ito ng agkantiyaw ni Biloy sa kanya. “Naks naman, Parekoy. Ikaw na yata ang bibihag sa puso ni Inday.” natatawang saad ni Biloy. Napakunot naman ang noo ni Uly sa sinambit ni Biloy. “Huh?” nalito siya sa sinabi ni Biloy. Napaisip rin siya na Inday pala ang pangalan ng babae kanina. Napapatanga na iniisip pa rin ni Uly ang sinabi ni Biloy. “Sabi ko, ikaw na ang bibihag sa puso ni Inday.” pag-uulit pa nito na hindi pa rin na-gets ni Uly. Unang-una ay wala siyang planong ma-in love sa kahit na sinong babae sa barangay na iyon. Pangalawa ay hindi niya tipo ang katulad ng babae na iyon na tinatawag nitong Inday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD