Chapter 3

2085 Words
Hindi tumitingin si Uly sa kagandahan ng mukha at katawan. Dahil kahit gaano pa kaganda ang isang tao kung hindi naman dito titibok ang puso niya ay hindi niya rin ito magugustuhan. Hindi naman sa pagiging judgemental pero hindi niya gusto ang awra ng babaeng iyon. “Bakit mo naman nasabi?” tanong na lamang ni Uly sa sinabi ni Biloy sa kanya kahit hindi siya interesado rito. “Paano naman kasi, e muntik pang masemplang si Inday dahil sa katitingin sa‘yo.” natatawa pang sabi ni Biloy na hindi maalis ang ngiti sa labi. “Huh? Hindi naman siguro. Baka napalingon lang.” maang pa ni Uly. Ngunit napansin din naman niya ang kakaibang tingin nito sa kanya. Ngunit binaliwala na lamang niya ito. Mahirap na rin na masabihang asumero. “Napaka-humble mo talaga. Nako, kung ako ang may ganiyang ka-guwapong mukha ay ibinalandra ko na sa lahat ng kababaihan iyan dito. Naka-ilan na siguro akong gelpren.” sabi pa ni Biloy na ngingisi-ngisi. Hindi naman siya pangit ngunit kung ikumpara ang sarili kay Uly ay tila hindi siya papasa sa level ng ka-guwapuhan nito. May hitsura rin naman si Biloy. Kaya nga lang ay nangitim na ito kabibilad sa araw dahil sa pagta-trabaho nito. Ang pagsa-sideline sa pagkakarpintero at ang pagbibistay ng buhangin. Kadalasan kasi ay iyon lang ang ipinagagawa ng foreman nila sa kaniya. Ilang ligo lang din naman siguro ay puputi na rin si Biloy. “Iyan! Sinasabi na nga ba." angil ni Susie sa sinabi ni Biloy. "Iyan. Diyan ka magaling! Kaya wala kang jowa!” sigaw ni Susie na tila may pagkayamot sa sinabi ni Biloy. Kung maka-react ito sa sinabi ng binata ang akala mo ay boyfriend niya ang nagsalita. “Ito namang darleng ko. Nagselos ka kaagad. Kaya nga hindi ako nabiyayaan ng sobrang ka-guwapuhan. Dahil sa iyo laang ako.” napangiwi naman si Susie sa sinabi ni Biloy. Hindi naman mapagkit ang ngiti ni Uly sa dalawa. Tila abot na sa tainga nito ang mga ngiti. Aliw na aliw siya sa dalawang ito. Akala mo ay aso't pusa na nagbabangayan. At kung darating ang panahon na magkakatuluyan ang dalawang ito ay siguradong magpapa-lechon siya. Bibigyan niya ng isang matabang lechon ang dalawa. “Yuck! At bakit naman ako magseselos? Ang guwapo mo naman.” may pag-irap pang sabi ni Susie. “Yak, yak ka riyan. Kapag ako ang napangasawa mo ay talaga namang napaka-suwerte mo sa akin.” pagbibida pa ni Biloy na alam naman din niyang hindi mangyayari dahil sa may asawa na ito. Pangarap na lang ang maging kabiyak niya ito ngunit nais niyang ilaan pa rin ang oras niya rito. At halos hindi na talaga maalis ang ngiti ni Uly sa bangayan ng dalawang ito. Isa sa kasiyahan niya ang dalawang ito. Panandaliang nawawala ang lungkot niya kapag nasa labas siya. Ang mga ingay sa paligid. Ang bangayan ng dalawa. Ang tunog ng mga nagtatakbuhang bata. Naaagaw nito ang atensiyon niya. Ngunit kapag nasa kuwarto na siya ay hindi na niya makuha pa na ngumiti. Tila nilalamon siya ng kadiliman at nang malalim na pag-iisip. “Hala naman itong si Uly. Sayang-saya eh. Mautot ka riyan.” kantiyaw naman ni Biloy sa binatang kanina pa aliw na aliw at sayang-saya sa kanila ni Susie. Mayamaya pa ay ibinalik na naman nito ang topic kay Inday. Tila hindi maka-move on si Biloy sa babaeng nito lang nakilala ni Uly. Nakinig naman si Uly rito kahit pa wala naman talaga siyang interes sa kung ano'ng klaseng kuwento mayroon sa babaeng ito. “Pero alam mo, Pare. Pangarap yata ni Inday na tumandang dalaga.” hindi naman iniintindi ni Uly ang sinasabi ni Biloy ngunit hindi niya maiwasang mapaisip. “Inday ba talaga ang pangalan niya?” agad naman napalingon si Biloy sa tanong niya. “Huwag mong sabihin na interesado ka na kay Inday? Pare malupit ang manliligaw niyon. Yayamanin. May-ari ng hotel. Napailing na lang si Uly ngunit agad na nagsalitang muli si Biloy. “Pero kung sa gandang lalaki lang? Panalo ka na, Parekoy. Mas lamang ka ng sampung paligo sa lalaking iyon.” napahalakhak naman si Susie sa sinabi ni Biloy. "Sampung paligo talaga?" sabay muling halakhak ni Susie. “Iyan ang gusto ko sa iyo, Darleng. Benta mga juks ko sa'yo.” sabay kindat nito kay Susie. Napangiwi naman si Susie sa pagkindat ni Biloy. “Anong juks? Baka joke. At hindi naman ako sa iyo natatawa e. Kay Nejieh.” napaisip naman si Uly kung sino ang tinutukoy ni Susie. Parang kulang ang kuwento ni Mang Berto sa kaniya at hindi niya rin narinig ang pangalang iyon. “Pinaganda mo pa ang pangalan ni Inday. Bagay naman sa kanya iyon. Bakit ka pala natatawa sa babaeng iyon?” usisa ni Biloy rito habang si Uly ay nakikinig lang sa dalawa. Tsismosong-tsismoso ang dating ni Susie nang napadungaw pa sa tindahan. Sinigurado muna nito na walang ibang nakaririnig ng usapan nila. “Paano naman kasi ang akala mo ay kung sinong napakaganda ng babaeng 'yon. Kung makalait ng kapwa." tila may hinanakit na saad ni Susie. Tahimik naman si Uly na nakikinig. Tila may malalim na pinanggagalingan ang inis ni Susie. "At alam mo ba, Uly? Sa buong barangay ay siya lang ang walang ambag sa kubo ng bayan. Akalain mong nang manghingi kami ng ambag sa kanya, ang sabi ba naman ay hindi naman siya uupo o tatambay roon." hindi alam ni Uly kung ano ang ire-react niya sa kuwento ni Susie. Tila may kataasan nga ang ugali nito. Miss high and mighty kung baga. "At sa dami raw ng school papers niya ay wala na siyang oras para maki-upo roon.” tutok na tutok naman sa pakikinig ang dalawa nang may biglang tumunog. Isang matinis na tunog. Pagkatapos ay may kumalat na nakasusulasok na amoy. “Buwiset ka, Biloy! nagpasabog ka na naman!” gigil na saad ni Susie. Nasa kasarapan pa naman sila ng kuwentuhan nang umutot si Biloy. At ang amoy pa ay parang iyong kinain pa nito kagabi sa sobrang baho ng amoy. “Oh yeah! Silent but deadly. Parang si Parekoy.” ngingisi-ngising sabi ni Biloy. Naiiling na lamang ang dalawa sa kalokohan ng lalaking ito. Saka naman napagtanto ni Uly na kaya pala hindi pamilyar ang babaeng iyon. Dahil hindi ito naisama sa kuwento ni Mang Berto. Madalas kasing dumadaan si Mang Berto sa tindahan. At hindi para bumili kung hindi ay para maghatid nang nagbabagang tsismis. Kaya naman kapag may nais kang malaman ay hanapin lang si Mang Berto at tiyak na malalaman mo kaagad ang nais mo. At mabalik naman kay Nejieh ang usapan ay totoo namang may attitude ito. Kaya naman pala wala ito sa listahan. Sa hitsura naman nito ay mukhang mataray nga ito. Lalo pa sa boses nito na mukhang terror na teacher. Hindi naman talaga napagbabasihan ang mukha sa ugali ngunit ganoon ang ipinakikita ni Nejieh sa kanila. LINGGO na naman. As usual, makikita na naman ang mga taga-barangay sa mga lugar na pinagka-a-abalahan nila. Ang tanging naiba lang ay ang mga tambay sa tindahan. Ang dating sina Biloy at Uly lang ay naging madami na. Nadagdagan ang kaibigan ni Uly. Si Ong, si Coycoy at si Yotyot na kung tawagin sia ay tatlong itlog. Hindi naman dahil sa mga walang isip o walang alam ang mga ito kung hindi ay dahil pare-pareho silang mga walang buhok. In short ay kalbo. Friendship goals ‘ika nga nila. Bawal ang magpahaba ng buhok dahil itatakwil ng samahan. “Oh Parekoy, tagay na. Dalawang oras mo na yatang hawak ang baso na iyan sa kamay mo e.” sabi ni Coycoy sa binatang kainuman na si Uly. “Grabe ka naman, Par, sa dalawang oras. Five minutes’ pa lang naman.” sagot naman ni Uly na napapakamot sa ulo. Nagkatawanan naman ang mga ito. Paano ay palaging ganito si Uly. Hindi kaagad nito iniinom ang laman ng baso. Minsan nga ay nagdududa na sila kung iniinom nga ba nito ang laman ng baso. Ngunit wala naman silang nakikitang tapos sa paligid. “Ayan, diyan kayo magaling! Tumambay nang tumambay. Kaya wala kayong asenso na mga taga-rito.” sabay-sabay silang nagsi-lingunan kung saan nanggaling ang boses at kung sino ang nagsalita. Si Nejieh pala. Ang babaeng ang akala mo ay kung sinong magsalita. At para bang siya ang nagpapalamon sa mga tambay ng Kalye Onse. “Nako, Inday. Nagkakasiyahan lang naman. Halika, shot!” yaya ni Yotyot kay Inday habang iniangat pa ang baso para iabot sa babae. Tinitigan lang naman ito ni Nejieh. Hindi man lang niya ito hinawakan. “Linggo-linggo na lang nagkakasiyahan? Subukan niyo kayang magbanat ng buto?” angil pa nito na ikina-irita naman ni Ong na sinabi ng babaeng walang alam kung hindi ay manita. Ang akala mo naman ay kung sinong sumisita sa kanila. “Hoy, Inday. Pera namin ang ipinang-iinom namin at hindi pera mo. Kung bibili ka, bumili ka na. Nang makaalis ka na. Dami mo pang sinasabi. Nakakasira ka ng bonding eh. Palibhasa wala kang tropa.” gigil na angil ni Ong habang matalim na titig ang itinapon sa babae. Ito ang pinaka-mainitin ang ulo sa talong magkakaibigan ngunit hindi basagulero basta walang papatol dito. Dahil kung mayroon ay tatakbuhan lang din naman niya. “Hoy ka rin! Bastos ka! Pumapatol ka sa babae, kalalaki mong tao!” bulyaw ni Nejieh na parang estudyante lang niya ang sinisigawan niya. Mas ikina-init naman ito ng ulo ni Ong. Ngunit umawat naman si Biloy. “Parekoy, chill!” awat naman ni Biloy na sinegundahan din naman ni Uly. “Iinom mo na lang iyan, Par. Pampalamig ng ulo.” sabi nito na ikinataas naman ng kilay ni Nejieh. Sinamaan niya nang tingin si Uly at inirapan. Pagkatapos bumili ng noodles ay umalis na ang babae. Hindi naman naka-move on si Ong dito. Mainit pa rin ang ulo. “Alam niyo mga, Pare, napakataas ng ihi ng babaeng iyan. Ang akala mo naman ay kagandahan. Tsk. Kung hindi ko lang kayo iginagalang dito ay tiyak nasampiga ko na iyan. Paki-alamera masyado.” sabi pa ni Ong. “Chill lang, Parekoy. Huwag mo na masyadong intindihin. Baka may pinagdadaanan lang.” awat pang muli ni Uly. Kahit na hindi niya rin naman nagustuhan ang sinabi nito. “Mukha ngang may pinagdadaanan. Ang mukha niya mukhang pinagdaanan ng pison.” naiiling na lamang si Uly sa sinabi ni Ong. Para bang napakatindi ng kasalanan ni Nejieh at ganito kagalit si Ong sa babaeng iyon. “Tama na nga iyan. Siya nga pala, Pare. Baka naman may bakante sa pinapasukan mo. Nagtanggalan kasi sa amin ngayon. Tsk.” naiiling na saad ni Ong. Napapatango naman si Uly. Saka niya napagtanto kung bakit galit na galit si Ong sa babaeng iyon. Dahil natanggal pala ito sa trabaho. Hindi mo mahahalata rito na may problema ito dahil sa palatawa ito. Mabilis nga lang mag-init ang ulo pero mabilis din namang kumalma ito. At kahit sino naman ang pagsalitaan ng ganoon ni Nejieh ay tiyak na magagalit din dahil hindi naman nila kasalanan na magtanggalan n trabahador sa pinapasukan nila. “Sige, Par. Tanuning ko ang hr namin.” sagot naman ni Uly rito. “Yown! Salamat, Par. Isama mo na rin itong dalawang itlog na ito. Hindi lang nagsasalita ang mga iyan. Pero kasama kong nawalan ng trabaho ang mga iyan.” sabi pa ni Ong. Napatango naman si Uly at naawa sa mga ito. Siya na pa-chill chill lang at hindi iniintindi ang trabaho habang ang iba ay nagkukumahog sa paghahanap ng trabaho katulad ng tatlong ito. “Sige, Par. Tatatluhin ko na. Ay hindi. Apat na pala. Aapatin ko na ang pagtatanong ng bakante. Para sama-sama tayo.” sabi pa ni Uly. Sa loob ng ikawalang linggong pag-stay niya sa baranggay na ito ay napagtanto niya na hindi naman talaga tamad ang mga tao rito. Sadya lang nawawalan ng trabaho at kung hindi naman ay walang mahanap na trabahong maganda-ganda na aakma sa natapos nila. Ibang klase rin kasi ang qualifications sa mga trabaho. Madalas humihingi ng experience ngunit naghahanap ng fresh graduate. At ang mga graduate naman ay hindi nakakapasok sa mga nais nilang trabaho. Lalo pa ang hindi graduate. Salat na sa yaman, salat pa sa oportunidad. Kaya naman naisip ni Uly na ipasok ang mga ito. “Uy si Linda." bulalas ni Yotyot nang makita ang kapitbahay nilang palakaibigan. Sabay-sabay namang napatingin ang mga ito sa babaeng dumating at napahinto sa pagkukuwentuhan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD