KABANATA 2: Video Scandal

1865 Words
Kabanata 2 TIMOTHY Sevinna, you really never changed. Buong akala ko ay namamalikmata lang ako nang makita ko siya, at akala ko rin hindi niya na ako kilala. Seeing her after so many years feels like I was back in time when we're in high school. Wala siyang pinagbago. Para pa rin siyang bulkang sumasabog sa tuwing natatalo siya laban sa akin. "Gov, naghihintay na po ang inyong ama." Hindi ko binalingan ng tingin si Francis, ang aking secretary. Nanatili ang mga mata ko sa resume ni Sevinna na naiwan niya. Akala ko ay magiging abogado ito dahil iyon ang madalas niyang ipagmayabang sa akin no'n. Pero bakit pagtuturo ang kinuha niya? "Gov, hindi pa po ba tayo aalis? Baka maunahan pa tayo ng mga Chen, magalit pa ang ama niyo." Mariin kong naipikit ang aking mga mata. D*mn! Do I really need to be on that dinner? Alam ko na rin naman ang sasabihin nila, at alam din nila ang lagi kong sagot. "Hanggang kailan ba ako ipagpipilitan ni Papa sa babaeng iyon?" tanong ko sa iritableng boses bago ako tumayo. "Hanggang po siguro hindi niya kayo nakikita na seryoso sa isang relasyon." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. I glared at him but he remain calm as if he is already used to it. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay matali sa isang relasyon na wala naman akong kasiguraduhan. Bakit kailangan ko pa ng isang seryosong relasyon kung nakukuha ko naman ang gusto ko sa mga babaeng nagagamit ko? Magsasayang lang ako ng oras. "Kung gusto niyo po, p'wede kayong kumuha ng babaeng babayaran niyo para magpanggap na girlfriend niyo. Yung babaeng hindi mahahalata na ginagamit mo lang..." "You're right," I cut him off. I sneer at the back of my head. Bakit ba hindi ko iyan naisip? "Ang problema lang ngayon, sino?" tanong ni Francis. I smirk. I already have someone on my mind, and I know she won't say no to this. Lumabas ako sa aking opisina, lahat ay tumitigil sa paglalakad at magalang na bumabati sa akin, ngunit hindi ko pinansin ang mga ito, patuloy pa rin akong naglalakad. I roam my eyes around. Siguradong nandito pa siya ngayon. "Gov, may hinahanap ka ba?" tanong ni Francis, nag-umpisa na rin siyang igala ang mga mata niya. Kung may isang babae na gagawa ng gusto ko, si Sevinna na iyon. Sa mukha niya kanina, alam kong desperada ito na makahanap ng trabaho. Napangiti ako nang sa wakas ay nakita ko na rin ang babaeng hinahanap ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa na maglakad palapit sa kanya. Ngumiti ako nang lumingon siya sa gawi ko. Kahit malayo pa ako sa kanya ay kitang-kita ko na agad ang pagkairita sa kanyang mga mata. I know she won't like what I will do next, but I don't have any choice. She's the best choice to me at this moment. "Take a video, Francis," utos ko na agad niyang sinunod. I smile from ear to ear while staring straight to the woman who looks puzzle right now. "Baby sorry, naghintay ka ba ng matagal?" Mabilis ko siyang hinila palapit sa akin. I hugged her so tight so she wasn't able to push me off of her. "A-Ano bang ginagawa mo?" Nag umpisa siyang mag protesta pero hindi ko siya hinayaang makaalis sa pagkakayakap ko. "Nababaliw ka na ba..." "May mga matang nakatingin sa atin, Sevinna," bulong ko sa kanyang tenga. Tumigil naman siya sa pagpupumiglas sa akin. "May offer akong trabaho sa'yo," saad ko. Bahagya akong humiwalay sa pagkakayakap, ngunit nanatili ang mga kamay ko sa bewang niya. Hindi naman natanggal ang ngiti sa aking labi. Mas lalong nadepina ang galit sa kanyang mga mata nang magsalubong ang mata namin. "Wala akong balak makipaglokohan sa'yong hayop ka," nanggagalaiting saad niya, ngunit sakto lang ito para marinig ko. "Kung wala kang magawang maganda sa buhay mo..." She wasn't able to finish her sentence when I shut her up with my lips. Saglit lang ang pagdampi ng labi ko sa labi niya. D*mn! I didn't know that her lips are soft. I should have bite it. Mas lalong nadepina anh galit sa kaniyang mga mata na kulang na lang humandusay ako at maging malamig na bangkay. "Mag-usap tayo," saad niya na puno ng pagbabanta. At alam ko na sa oras na ito, pinapatay na niya ako dahil sa galit. Her eyes says it all. --- SEVINNA Halos mapigtas na ang litid ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. Akala ko matatapos na ang inis na nararamdaman ko sa kanya nang makalabas ako sa opisina niya, pero hindi ko alam na may mas lalala pa pala ang inis na nararamdaman ko. Kanina ko pa gustong mag mura at saktan siya kaya lang hindi ko magawa dahil sa sobrang daming mga mata ang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niya at gumawa siya ng ganitong eksena, at dinamay pa talaga niya ako. Para akong sasabog dahil sa inis na nararamdaman ko. Gusto ko siyang saktan! Jusmiyo! Magpasalamat lang talaga siya dahil ayoko ng eskandalo! Narating namin ang car park. Pinagbuksan niya agad ako ng pintuan. "Stop glaring. Baka isipin ng mga tao nagtatalo tayo," saad niya na para bang ako pa ang may kasalanan. "Sevinna..." Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin niya nang malakas ko siyang sinampal sa pisngi, at hindi pa ako nakuntento ro'n at pinagsusuntukan ko siya habang sinasabi ang mga bagay na hindi ko alam na lalabas sa aking bibig. "Walangya ka! Manyak! Malandi! Akala mo kung sino ka..." Patuloy niyang sinasalag ang aking mga suntok. "Kumalma ka nga," saad nito sa iritableng tinig. "Paano ako kakalma? Hayop ka! Matapos mo akong halikan sa tingin mo kakalma ako..." "Kung hindi ka titigil, I'll gonna bed you right here, right now..." Bahagya akong napatigil dahil sa sinabi niya. "Calm down, Sevinna, and listen." Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya. Siya na nga itong gumawa ng eksena, tapos ako pa ang pagsasabihan niya? Ako na nga itong ninakawan niya ng halik tapos parang ako pa ang may kasalanan? Marahas akong bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko. "Let me explain, okay? Hindi iyon puro pisikal ang pinapairal mo." Saglit na dumako ang tingin ko sa kaniyang braso na mukhang nakalmot ko. Tsk. Deserve niya 'yan! "Ipaliwanag mo sa akin ang lahat, Timothy, dahil kung hindi ko magustuhan ang paliwanag mo? Patawarin ako ng Diyos, dahil baka ikaw ang kauna-unahang gobernador na namatay ng maaga," puno ng galit at pagbabantang saad ko. Panay ang paghinga ko ng malalim dahil sa galit na nararamdaman ko. Kahit anong pilit kong pagkalma sa sarili ko ay hindi ko magawa lalo pa't sobrang linaw pa rin ng ginawa niya. He kissed me, and the thought that he did that... it's d*mn getting into my nerves! "I have an offer to you..." "Hindi iyan ang gusto kong malaman. Yung pagyakap at paghalik mo sa akin ang ipaliwanag mo sa akin," singhal ko sa kanya bago pa niya magawang ituloy ang sasabihin niya. Inambaan ko siya ng sampal ngunit naputol lang ito sa ere dahil ayokong madungisan ang mga kamay ko. Nanggigil na talaga ako. Masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya nang ngumiti siya sa akin ng nakakaloko. Gusto kong burahin ang mukha niya... ugh! Lord! Please bigyan mo pa po ako ng pasensya. "I did that because I have a big offer to you. You need a job right? I can give you that. I will pay you big." Hindi ko maiwasang mapakunot noo dahil sa sinabi niya. Mukhang may saltik na talaga siya. I didn't bother to speak. Hinintay ko siya kung ano ang ipapaliwanag niya pa sa akin. "I need you to pretend that you're my girlfriend." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ginagalit mo ba talaga?" tanong ko na puno ng pagbabanta. "Ako magpapanggap na girlfriend mo? Ano ako tanga? Kailangan ko ng pera at trabaho pero hindi ko kailangan ang offer mo..." "Fifty thousand a month," putol niya sa sasabihin ko. "Or name your price, Sevinna." He looks frustrated now. Bahagya akong natawa. "Hindi ko ipagbibili ang sarili ko sa'yo, Timothy. Mukhang wala na dapat tayong pag-usapan pa. Kakalimutan ko ang ginawa mo ngayon," malamig na turan ko. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan ng kumunot ang noo ko. "Buksan mo 'to," malamig na utos ko. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya nang taas kilay niya lang akong binalingan ng tingin. I gritted my teeth. "Just say yes, Sevinna. Name your price." Naikuyom ko ang aking kamao at mariing ipinikit ang aking mga mata. Sa loob ng maraming taon, ngayon ko lang ulit siya nakaharap, at mukhang masyado na siyang nasilaw sa pera dahil kung ano-ano na ang sinasabi niya ngayon. "You desperately need money, and I desperately need someone who can pretend as my girlfriend." "Nahihibang ka ba? Do you really think I will do that? Uulitin ko sa'yo, Timothy... hindi ako tanga! Ngayon buksan mo ang pintuan bago pa kita masaktan!" singhal ko na halos ikapigtas na ng litid ko. "Then you leave me with no choice," he then said with a playful smile pasted on his ugly face. "You can go." Nahigit ko ang aking hininga nang bigla siyang lumapit sa akin para siya na mismo ang magbukas ng pintuan. "What?" singhal ko dahil huminto pa siya sa mismong harapan ko. Our face is too close. Isang nakakalokong ngiti ulit ang sumilay sa kanyang labi. "Your lips are so tempting." Mas mabilis pa sa alas kwarto na tinulak ko siya palayo sa akin, narinig ko ang pagdaing niya ngunit hindi ko na iyon pinansin. Mabilis akong umalis sa loob ng sasakyan niya. Napaka manyak ng g*gong iyon! Kung may isang gobernador ang a-award'dan ng Malibog Award? Siya na iyon walang duda. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay ng ligtas at buhay. Ang mga tingin kasi sa akin ng mga tao na makakita sa akin ay akala mo naman kakainin ako ng buhay. May lumapit nga sa akin kanina sa loob ng bus para magtanong tungkol sa gobernador, pero hindi ko iyon sinagot. Naichismis na ba ng iba ang nangyari sa munisipyo ng gagong 'yon? "Anak!" humahangos na lumapit sa akin si Mama at Papa na para bang may masamang balita silang ipapabatid sa akin. "May nangyari po ba?" nag-aalalang tanong ko. Mabilis akong hinila ni Papa at Mama papasok ng bahay bago pa makalapit sa akin ang mga kapitbahay namin. "Ano po bang nangyari?" Natatakot na ako sa inaasta nila. "Anak totoo ba ang video na kumakalat online?" tanong ni Papa na para bang natutuwa ito. "Video online? Anong video?" Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sana mali ang iniisip ko, dahil kung tama... hindi ko papalagpasin ito. Mabilis kong inilabas ang cellphone ko at sinearch ang pangalan ni Timothy. Trending siya. Napamura na lang ako sa aking isipan nang mahagip ng mata ko ang isang video. "Anak, hindi mo naman sinasabi na jowa mo pala si Gov." Tila nagpantig ang aking tenga dahil sa sinabi ni Mama. Masayang-masaya silang pareho na para bang nanalo sila sa lotto. Marahas akong napabuntong hininga. Jowa? Shootangina! ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD