KABANATA 1: Lost and Found Enemy

1664 Words
SEVINNA Hindi ko alam kung ilang beses na akong napapabuntong hininga habang iniisa-isa kong minamarkahan ng ekis ang dyaryong hawak ko. Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho dahil isa ako sa mga minalas na matanggal sa trabaho nang magbawas ng guro ang eskwelahang pinapasukan ko. Magsasara na rin kasi ito kaya mas okay na lang din siguro na maaga akong nawalan ng trabaho para makahanap ulit ako ng bago. Kaya lang dahil ongoing palang ang school year, karamihan sa mga pribadong paaralan ay hindi tumatanggap ng aplikante. Kaya heto ako ngayon naghahanap ng ibang trabaho. "Hindi ako p'wedeng umuwi hangga't hindi ako nakakakuha ng trabaho," saad ko sa aking sarili. Kung saan-saan na ako napapadpad para lang maghanap ng trabaho, at kahit na ano pa ang maging trabaho ko siguro ay tatanggapin ko na lang basta hindi lang ako maging tambay. Masyado ng mahirap ang buhay namin, at ayoko ng mas maranasan pa ang kahirapan. Ibinaling kong muli ang aking mga mata sa dyaryong hawak ko. Isa na lang ang hindi ko napupuntahan, at iyon ang office ng Gobernador kung saan kasalukuyan silang naghahanap ng volunteer ng tatlong buwan. Hindi na masama ang offer nila dahil malaki naman ang sasahurin at may incentives din. "Kaya lang parang imposible naman na matatanggap ako sa opisina niya. Hindi ko pa naman siya binoto." Nakagat ko ang aking ibabang labi. "Ay bahala na!" Wala naman ding mawawala sa akin kung susubukan ko. Kung hindi man ako palarin, edi wow na lang talaga! Forda lungkot na lang ang ferson if ever. Dahil nga magkukulang na ang pera ko para sa aking pamasahe pag-uwi, naisipan ko na lang maglakad, may dala rin naman akong payong at hindi naman na malayo ang lalakarin ko. Hindi ako lumaki sa isang maranyang buhay kaya naman kahit na anong klaseng trabaho talaga ay pinapasok ko na ngayon. Nagtapos ako sa kolehiyo nang kursong edukasyon at may latin honor, nakapasa na rin ako sa board exam pero tila ba wala naman itong silbi sa akin. Nang marating ko ang munisipyo ay dumiretso na muna ako sa comfort room para mag-ayos at magmukha akong presentable. "Ang gwapo talaga ni Gov. Buti na lang at nandito siya ngayon nasilayan ko tuloy siya." Bahagyang nagtaas ang aking kilay dahil sa narinig ko. Patuloy na nag-uusap ang mga babae na para bang walang tao sa paligid nila. Kung makapagpantasya kasi sila ay akala mo naman may pag-asa sila sa gobernador. "Ang suwerte ng mga mag-apply ngayon dahil si Gov mismo ang makakaharap nila. Parang gusto ko tuloy mag apply bilang asawa niya." Iiling-iling akong lumabas sa comfort room dahil hindi kinakaya ng braincells ko ang usapan nila. Masyado silang hibang sa isang tao na imposible nilang makuha. Sa halip na sayangin ko ang oras ko sa mga walang ka-kuwenta-kuwentang bagay ay tinungo ko na lang ang lugar kung saan ako magpapasa ng papel. Hindi naman ako naligaw, buti na lang. "Miss, mag a-apply sana ako." Mabilis kong inabutan ng resume ang babae na nanatili namang kalmado. "Saglit lang. Tatawag lang ako sa opisina ni Gov." Hindi ko naiwasang magtaas kilay dahil sa sinabi niya. Bakit pa siya tatawag sa gobernador? "Sumunod ka sa akin, Miss." Iginiya ako ng babae sa kung saan ako pupunta. Otomatiko akong napakunot noo nang dalhin niya ako sa mismong opisina ng gobernador. "Bakit dito?" tanong ko. Ngumiti ang babae sa akin. "Ikaw na lang ang natitirang aplikante, sa totoo niyan ay kanina pa tapos ang interview kaya lang mukhang masuwerte ka ngayon at si Gov pa mismo ang mag i-interview sa'yo." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Huwag kang mag-alala mukha lang nakakatakot si Gov, pero mabait 'yon." Mabait? Lagi ko ngang naririnig ang tungkol sa kung gaano kaiksi ang pasensya niya. Pero hindi na ako pwedeng mag back out, nandito na ako, kailangan ko na lang harapin ito. "P'wede ko bang tanungin kung ilan na ang natatanggap?" Ngumiti siya sa akin na para bang isang napakagandang tanong ang sinabi ko. "Kung papalarin ka ay panglima ka na." Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Wala pang kalahati ang natatanggap? "Bakit gano'n ba kahirap na makapasok? Ano bang qualifications?" Kung education ang usapan, paniguradong pasok ako. Nagkibit balikat siya. "Pasok ka na," pagkakwa'y saad nito. Pinagbuksan lang niya ako ng pintuan. Bago ako tuluyang pumasok sa loob ay huminga muna ako ng malalim at kinalma ang nagwawala kong sistema. Mas lalo akong kinabahan nang tuluyan na akong pumasok, bumungad agad sa akin ang gobernador na prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Muli akong huminga ng malalim dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako. "Good day, Governor Despirro," magalang na bati ko. Nakuha ko naman agad ang atensyon niya. Tsk. Kung hindi pa ako nagsalita ay hindi pa niya ako babalingan ng tingin. I bit the inside of my cheek when our eyes met. "Umupo ka." Sinunod ko ang utos niya. Nag-iwas na rin ako ng tingin. Shoot*ngina! Baka isipin niya pinagpapantasyahan ko pa siya. I secretly took a deep breath before I sat down. Inilabas ko ang papers ko at iniabot ko iyon sa kanya. I rolled my eyes at the back of my head when he didn't even bother his self to read my information. "How are you?" Tila lumundag palayo ang puso ko palabas sa akin nang bigla siyang magtanong. Sobrang lalim at lamig ng tono niya kaya hindi ko tuloy alam kung natutuwa siya na nandito ako ngayon sa harap niya o napipilitan lang dahil kailangan niyang ipakita na may pakealam siya sa mga aplikanteng nag-a-apply. "I'm fine, Governor," simpleng sagot ko. Buti na lang ay hindi ako nautal. Sobrang hirap salubungin ng mga mata niya. "But I'm not. You just disturb me." Naglakas loob akong salubungin ang mga nagbabanta niyang mga mata dahil sa sinabi niya. Buti na lang talaga hindi ko siya binoto. Akmang tatayo na ako para umalis na lang nang muli itong nagsalita. "Since you already disturb me, I will only ask you one question. Simple lang ang gusto kong marinig sa iyo, Miss Sevinna." Huminga ako ng malalim. Ano ba 'yan, ilang beses na nga akong sumalang sa mga interview, ngayon pa ako kakabahan. Hindi na bago sa akin ang ganito, kaya lang hindi ko talaga mapigilan ang malakas na pagkabaog ng dibdib ko. "Maliban sa kakayahan mong tumulong, ano pa ang maibabahagi mo sa proyektong ito?" Nakagat ko ang aking dila. Simple lang ang tanong, pero kung titingnan ito sa ibang aspeto may malalim itong ibig sabihin. Huminga ako ng malalim. Tutal nandito na lang din ako, makikipag bardagulan na lang ako sa kanya sa mga sagot ko. "Magbigay aral," simpleng sagot ko. "As you can see sa resume ko, isa akong lisensyadong guro, at sa tingin ko kailangan niyo ang isang tulad ko sa proyektong ito," dagdag ko. Ngumisi ito na para bang kalokohan para sa kanya ang naging sagot ko. "Anong ginagawa ng isang lisensyadong guro rito? Hindi ba dapat nasa eskwelahan ka ngayon at nagtuturo?" Naikuyom ko ang aking kamao na nakalagay sa aking hita. "Ang proyektong papasukin mo ay hindi tungkol sa pagtuturo." Mas lalong lumamig ang tingin niya sa akin, pero kung tingin niya matatakot niya ako sa mga mata niya, nagkakamali siya. Masyado akong desperada na makakuha ngayon ng trabaho kesa ang matakot sa kanya. "Alam ko. Hindi naman ako nagpunta rito para magturo sa kung anong itinuturo ko sa loob ng paaralan. Ang pagtuturo ay hindi lang naman nangyayari sa loob ng paaralan. Maaari kang magbigay aral sa ibang aspeto, katulad ng aral patungkol sa buhay. Hindi naman kasi lahat may kakayahang umintindi sa mga ibang bagay na nangyayari, pero kung may sapat silang aral at kaalaman malaking tulong iyon para sa kanila," saad ko nang hindi tinatanggal ang mga mata ko sa kanya. Alam kong nakakabastos ang naging sagot ko kaya lang hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Ayoko namang insultuhin niya ako ng harap-harapan. "At anong ituturo mo sa mga tao? Good manners and right conduct? Tingin mo ba maniniwala sila sa'yo kung ikaw mismo na nasa harapan ko ay mukhang wala namang respeto?" Napatigil ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. Biglang tumigil ang utak ko, at ayaw nitong gumana. "Magbigay aral patungkol sa buhay?" He sneer as if it's really a big joke to him. Bigla akong nakaramdam ng pagkairita sa loob ko. "Anong gusto mong marinig? Magbigay inspirasyon?" Hindi ko na napigilan pa ang umirap. Nakakatuyo siya ng dugo sa katawan. Nakakairita! Alam ko Gobernador siya at makapangyarihan pero hindi ko naman hahayaang maliitin niya ako base lang sa naging sagot ko. "Inspirasyon? Not bad." Bahagya akong napatigil dahil mukhang okay siya sa sinabi ko. Napangisi ako sa aking isipan. "Ngunit paano mo bibigyan ng inspirasyon ang mga tao kung ikaw mismo wala pang narating sa buhay?" Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Hoy Timothy! Hindi por que may narating ka na sa buhay may karapatan ka ng insultuhin ako." Masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya. Sawang-sawa na akong magpanggap na mabait sa harapan niya, at kung akala niya hahayaan ko siyang apak-apakan ako, nagkakamali siya. Naging mabigat ang aking paghinga dahil sa inis na nararamdaman ko, lalo na nung ngumisi lang ito nang nakakaloko. "You finally showed up yourself, Sevinna." Naikuyom ko ang aking kamao kasabay ng marahas kong pagbuntong hininga. This is what I expected to happen the moment I get myself into his cage. Akala ko ay magagawa kong tiisin ang lahat, at mairaraos ito ng matiwasay pero nagkamali ako. Tumayo na ako, dahil kung baka mas tumagal pa ako rito ay tuluyan ko talagang makalimutan na Gobernador siya ng lugar namin. "Aren't you desperate to get the job?" I glared at him. "Desperada ako, pero kung ikaw lang naman ang magiging boss at makakasama ko, huwag na lang." Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Isa pa rin siyang kupal sa buhay ko na sobrang hirap mabura. Alam kong ako naman ang pumunta rito sa lungga niya kaya kasalanan ko rin. Timothy and I? We're enemy! ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD