KABANATA 3: Statement

2103 Words
Kabanata 3 SEVINNA Hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang aking tingin, dahil sa tuwing ililibot ko ang aking mga mata ay may mga taong nakatingin. Tapos 'yong tingin pa nila sa akin akala mo naman nahusgahan na nila ang buong pagkatao ko, at akala mo naman kung kilalang-kilala nila ako. Mga tao talaga, sobrang mapanghusga. Kasalanan talaga 'to ng lintik na gobernador na iyon. Gagawa na nga ng iskandalo 'yong tipong pangmalakasan pa. Hindi na nag-isip! Sa isang video lang na wala namang katotohanan, pinagpipiyestahan na ako ngayon. Kung sa tutuusin ayoko na nga sanang lumabas ng bahay kaya lang kung gagawin ko iyon baka isipin ng mga tao na super affected ako at totoo ang nasa video. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko kaya lang bago pa ako nakapag post sa social media para linawin ang lahat, ang lintik na gobernador na 'yon nakapag released na agad ng statement na. Written statement of Governor Timothy Despirro: I'm writing this letter to clarify what's going on online. I know you all are surprised with the video circulating right now. Hindi na po ako maglilihim pa, at ayoko namang ideny ang babaeng nagbigay saya sa akin sa tuwing nalulumbay ako. Opo, kung ano po ang nasa video ay totoo, kung kaya't hinihingi ko ang inyong basbas na sana suportahan niyo ako sa pag-ibig na nabuo namin ni Sevinna Cruz. Ipapangako ko na hindi ko pababayaan ang tungkulin ko bilang gobernor niyo, katulad ng pangako na hindi ko rin pababayaan ang babaeng kumumpleto sa buhay ko. Sa tuwing nababasa ko talaga ang statement niya ay hindi ko maiwasang maduwal dahil sa sobrang dugyot ng sinasabi niya. Sobrang kapal ng mukha niya. Ni hindi man lang siya nagsabi sa akin. Basta nalamang ito gumawa ng kuwento na pinaniwalaan agad ng mga tao. "Naku! Makita ko lang talaga ang kamoteng iyon, malilintikan talaga iyon sa akin. Kahit siya pa ang gobernador, wala talaga akong pake," saad ko sa aking sarili habang patuloy pa ring naglalakad sa kahabaan ng mainit na panahon. Panay na ang pagmumura ko sa aking isipan dahil sa pagkainis na nararamdaman ko sa lintik na iyon. "Sev! Totoo ba?" And here we go again, another usisera na naman po ang tumambad sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang tao na ang nagtatanong sa akin kung totoo raw ba ang video o ang statement ni Gago, at alam ko naman na kahit na anong sabihin ko ay walang maniniwala sa akin. "Paano nangyari 'yon? Paano na ang isang gobernador ay nainlove sa tulad mo? Like napakaimposible! Isa ka lang hamak na dukha samantalang yung nabingwit mo isang himala!" saad ni Tina na akala mo naman kinaganda niya ang peke niyang pilik mata. Jombagin ko ito eh nang makita niya ang hinahanap niya. "Ganda lang," nakangiting saad ko. Kita ko naman agad ang pagtaas ng kilay niya. "Sige mauna na ako. Kikitain ko pa kasi yung jowa ko na himala kong nakuha katulad ng sabi mo," dagdag ko saka pa ako pekeng ngumiti sa kanya. Para naman malaman niya na hindi lang siya yung may masamang ugali sa aming dalawa. Naku talaga! Muli akong tumuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang paradahan ng dyip. "Nandito na ang masuwerteng nagkajowa ng gobernador!" kantyaw sa akin ng isa sa mga jeepney driver na ginatungan agad ng iba. Pero sa halip na maaburido ako sa sinabi nila ay nakisakay na lang ako sa mga biro nila. "Syempre maganda ako eh," pagbibiro ko. Nagtawanan ang mga ito pero hindi nakakainsulto. Sanay naman na ako sa mga biro ng mga jeepney driver dahil sa tuwing nasakay ako ay nagbibiruan kami. Iba yung biro nila sa mga biro ng mga nakakasalubong ko kanina. "Naks Ma'am! Congrats sa'yo." "Ma'am, pasabi naman kay Gov na bigyan kami ng suporta," ani Manong Berto na siyang President ng asosasyon ng kanilang grupo. "Kaya nga, Ma'am. Baka lang naman." Hindi naman kami gano'n ka close ni Gago, at hindi rin naman totoong may relasyon kami. "Sabihin ko po, pero hindi ko po maipapangako," saad ko na lang kahit hindi naman ako sigurado sa mangyayari. Masyadong mahal ng mga tao si Gago, tipong kakatakbo lang nito na gobernador ay nanalo agad. Dati rin siyang mayor dito sa amin pero nung natapos ang term niya tumakbo ito ng gobernador. Konti na nga lang no'n lumapit ako sa kanya para ipasok niya ako public, kaya lang knowing him — kalahating gago at kalahating tao siya. Just like what is happening to me right now, kakakita lang namin pero ginamit na niya agad ako para sa sariling kapakanan niya. Alam kasi niyang hindi siya ma-he-hate ng mga tao, pero ako? Jusmiyo! Kulang na lang magpatayo ng haters club ang fans club niya para sa akin. Matapos ang hindi kahabaang byahe ay nakarating ako sa munisipyo. Tinginan agad ang mga tao sa akin. Aba syempre! Sa isip nila 'Iyan na ang jowa ni Gob!' Panay ang pagbati nila sa akin, at tanging ngiti lang naman ang maisagot ko. Nakakahiya! Ayoko ng ganitong atensyon! Kasalanan kasi 'to ng gagong 'yon eh. "Miss Sevinna, kanina pa po kayo hinihintay ni Gob," ani Betty, yung babae sa labas ng office ni Gago. Nakangiti siya sa akin pero kita naman sa mga mata niya na disappointed ito. Malamang lahat ng may gusto kay Gago, madidisappoint talaga kung isang gaya ko lang ang makikinabang sa kanya. Hindi naman sa binababa ko ang pagkatao ko, sobrang layo kasi ng estado namin sa buhay ni Gago. At imposible talagang magkaroon ng kami. Kaya nga nandito ako ngayon sa lungga niya para itama ang lahat. "Sige salamat." Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan patungo sa impyerno. "Mahal ko." Agad na gumuhit ang pagkadiri sa aking mukha dahil sa itinawag sa akin ni Gago. "Ang dugyot nito," pagmamaktol ko sa aking sarili. Lumapit siya sa akin saka bahagya pang humalik sa aking pisngi. Putik! Nakakarami na 'to ah! "Smile. My father is here," pagkakwa'y bulong nito. Pero sa halip na ngumiti ako ay masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya. Kita ko naman sa panlalaki ng mata niya na nagbabanta na ito. I rolled my eyes, however I fake a smile for a second. Baka sabihin nito bato ang puso ko. "So she's the woman behind your viral video, huh," isang malalim, baritono, at maotoridad na tinig ang umalingawngaw sa bawat sulok ng opisina ni Gago. Bahagya akong inilapit ni Gago sa tabi niya. Ipinulupot niya sa aking bewang ang kanyang kamay. Nakailang mura na ako sa aking isipan dahil sa pinag gagawa niya. Humanda talaga ito sa akin. "Hindi mo ba siya ipapakilala sa akin ng maayos, Timothy?" pagkakwa'y tanong nito. Walang mababakas na kung ano sa mukha niya kaya hindi ako sigurado kung natutuwa siya sa akin o ano. "She's Sevinna Cruz, papa. She's a licensed teacher," pagpapakilala ni Gago sa akin. "Sa ngayon wala siyang trabaho dahil isa siya sa natanggal sa eskwelahang pinapasukan niya. Sa totoo niyan nag apply siya bilang volunteer sa gaganaping Mission Para sa Kabataan." At honest din siya. Akala ko naman ililihim niya sa papa niya ang pagkatao ko. "Sevinna Cruz, sounds familiar. I don't know where I heard that name, but I think I heard it already." "Siya ang kauna-unahang topnotcher sa ating lugar, Papa. Siya rin 'yung madalas kong kalaban sa debate no'ng high school kami." Aba! Makapag-flex ang gagong 'to akala mo naman talaga seryoso ang relasyon naming dalawa. Oo na lang muna ako, dahil mamaya mabubura na siya sa mundo. "Siya nga!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil biglang pagsigaw ng dating gobernador na si Tristan o kilala bilang Tatang Tisoy. Humalakhak ito. "Siya ang babaeng madalas makatalo sa'yo sa debate!" Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo, at lumapit sa amin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ni hindi ko alam kung ano na ngayon ang itsura ng mukha ko. "Hija, sobrang tagal kong hinintay na makilala ka. Base sa mga kuwento ng aking anak ay isa kang mabuting babae," saad niya sa isang maawtoridad na tono pa rin. Nakakatakot siya kung tutuusin, dahil sa pananalita palang niya ay masasabi mo ng isa siyang makapangyarihang tao. Hindi naman siguro darating ang araw na tatanungin niya ako kung binoto ko ang anak niya ano? Jusmiyo! Hindi ko suportado ang nga Despirro sa totoo lang. "Nice to meet you po." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Tumitig lang siya na para bang sinisigurado niya kung tama ang gagawin niyang pag handshake sa kamay ko. Ngunit nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "Sa wakas! Ito na ang matagal kong hinihintay, ang makilala ang babaeng siyang tinitibok ng puso ni Timothy." Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang lahat o talagang natutuwa sa akin ang tatay ni gago. Seryoso ba 'to? O pakitang tao lang ito? "Akala ko ay hindi seryoso ang anak ko na binayaran ka lamang niya para magpanggap, pero sa nakikita ko ngayon, alam kong mahal ka niya." Gusto kong masuka dahil sa sinabi ng tatay ni Gago. Mahal niya ako? Magaling lang talagang magpanggap ang anak niya! Mas lalo atang hindi maipinta ang mukha ko sa sitwasyon na nangyayari ngayon. "Gusto kong makilala ang iyong mga magulang, Hija." Otomatikong nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng tatay ni gago. Meet the family agad? Excited naman ito masyado. "Papa, masyado ka namang mabilis. Mamaya niyan matakot ang mahal ko sa'yo. Magbago pa ang isip niya sa akin," saad ni gago na hindi rin naman nakatulong para gumaan ang loob ko. Marahas na napabuntong hininga si Tatang Tisoy. "O siya sige. Mauna na ako sa inyo. Hija, alagaan mo ang anak ko." Ngumiti sa akin si Tatang Tisoy ng pagkatamis-tamis. Hindi nagtagal ay naiwan na ako kasama si Timothy na hindi pa rin inaalis ang kanyang kamay sa bewang ko. "Baka gusto mong tanggalin 'yang kamay mo?" saad ko sa nagbabantang tinig. Masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya. "Oops! My bad," pagkakwa'y saad nito na may mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. "Bakit ka nga ba naparito? Namiss mo ba ako?" "Utot mo." Sinuntok ko siya sa tiyan na siyang ikinadaing niya. "Nandito ako para sabihin sa'yo na sobrang kapal ng mukha mo para gamitin ako sa isyu mo!" "Aray naman!" singhal niya dahil sinabunutan ko siya. "Ang brutal mo naman. Paano na lang kung may makakakita na minomolestya mo ako? Baka mas masama ang isipin nila sa atin." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Anong minomolestya ka riyan? Bibig mo talaga pasmado ano?" Tinampal ko ang labi niya. "Grabe ka naman sa akin. P'wede naman na yung labi mo na lang ang ipinangsampal mo sa labi ko... biro lang," biglang bawi nito sa sinasabi niya. Napailing na lang ako. "Nagpunta ako rito hindi para makipaglokohan sa'yo, nagpunta ako rito para sabihin sa'yo na bawiin mo ang sinulat mo kung ayaw mong..." Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil mukhang tanga itong nakatingin sa akin. Okay lang ba ang hinayupak na ito? "Oh, bakit ganiyan ka makatingin?" tanong ko sa isang mataray na tinig. Ngumiti ito na para bang may nangyaring maganda na naman sa buhay niya. "Secret walang clue," pagkakwa'y sagot nito. Napamaang ako ng ilang segundo. Muli siyang bumalik sa working table niya at umupo ito sa kanyang swivel chair. "Sevinna, wala na akong magagawa para baguhin ang statement ko, pagbigyan mo na lang kasi ako. Aayaw ka pa ba? Sa gwapo kong ito maswerte ka nga," saad nito sa isang nakakarinding tinig. Naglalaro ang index finger nito sa kanyang ibabang labi habang pilyo itong nakatingin sa akin. Masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya pero iniikot niya lang ang kanyang swivel chair para talikuran ako. "Hoy! Huwag mo akong tinatalikuran!" Mabilis akong lumapit sa kanya. "Hindi pa ako tapos magsalita." Iniikot ko ang swivel chair niya paharap sa akin. Nanatili siyang nakangiti na para bang may sapak talaga ito. "Timothy! Hindi ako nakikipagbiruan!" gigil na gigil na saad ko. I swear! Konti na lang talaga, mauubos na ang pasensya ko sa kanya. "Tanggapin mo na lang ang alok lo dahil wala ka na rin namang magagawa." Sa inis ko, nadampot ko ang folder sa mesa niya at akmang ipapalo ko ito sa kanya nang pigilan niya ang kamay ko. "Bitawan mo ang kamay ko..." Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang hilahin niya ako palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ko dahil sa naging posisyon namin. Nakaupo ako sa hita niya ngayon. "Gob...ay sorry po." Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa pagpasok ng secretary niya. "Ilang buwan lang, Sevinna. Ilang buwan lang." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD