SEVINNA
Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita sa paligid. Walang duda, mayaman nga sila. Sobrang daming kilalang tao ang nagkalat. Grabe! Ganito ba talaga ang buhay na meron sila?
"Hijo, glad you're finally here."
Halos magtago ako sa likod n Timothy nang lumapit sa amin ang kaniyang mama at papa. Humalik silang pareho sa pisngi ni Timothy na may pilit na ngiti sa kaniyang labi.
"So you must be Sevinna Cruz. You know what, I heard a lot of things about you. Nice to meet you Sevinna."
Humalik din sa akin ang kaniyang magulang na tila ba natutuwa ito na makilala ako. Sana nga totoo ang pinapakita nila hindi lang dahil may camera na nakatutok sa amin.
"Nice to meet you rin po."
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Timothy dahil sa kabang nararamdaman ko ngunit tila lumundag ang puso ko nang ipulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang. Nakita ko naman kung paano bumaba ang mata ng kaniyang magulang dahil sa ginawa ni Damon.
"Mama, Papa, mauna na muna kami. We will just go to Aunt Cathy."
"Go on. She's waiting for you."
Hindi ko alam kung awkward na ba ang mukha ko ngayon, kasi naman...
"Makahawak ka sa akin akala mo mawawala ako," mahinang pagmamaktol ko.
"Just smile."
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging normal. Jusko naman kasi, lahat ng madadaanan namin may camera na tumutunog. Instant artista tuloy ako.
"Oh Timothy, glad you're finally here. So this must be the woman who got viral with you."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Sneakers ha."
Sa tono ng pananalita niya ay tila ba hindi siya natutuwa sa suot ko.
"You are?"
"Sevinna. Sevinna Cruz."
Inilahad ko ang kamay ko ngunit hindi niya ito tinanggap. Edi wow! Tsk.
"Anyway, Shareen is here."
Shareen? Kung tama ang iniisip ko, si Shareen yung sikat na model na sasabak din sa politika.
"Timothy!"
"And just right on time."
Tinanggal ni Timothy ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Nakita ko naman agad ang ngiting sumilay sa kaniyang labi. Mukhang may tama ata ang gago sa babaeng ito ah.
"Hi. Long time no see."
Nagbeso-beso sila na tila ba wala ako sa harapan nila.
"Hi. So you must be the girlfriend."
Tipid lang akong ngumiti dahil hindi naman ito nag abala na bumeso sa akin. Ay b***h? Napailing na lang ako. Bakit ba kasi nandito ako sa sitwasyong ito ngayon?
"Hija, would you mind to give us time for now? We just need to talk about something, if you don't mind."
Tiningnan ko si Timothy na abala ng nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa babaeng kasama niya.
"No worries po."
Hindi na ako nagpaalam pa kay Timothy, umalis na ako sa puwesto nila. Tsk. May pasabi-sabi pa siya sa akin kanina na backup ko siya, tapos nakakita lang ng maganda na buang na.
Tinungo ko ang buffet table at kumuha ng pagkain na gusto ko. Sunod kong ginawa ay naghanap ako ng lugar na makakakain ako ng maayos.
"P'wedeng maki-table?" tanong ko sa lalaking nanatili namang tahimik kaya inilapag ko pa rin ang pagkain ko.
Pasubo na sana ako nang biglang magsalita ang lakaki.
"You're Timothy's girlfriend, right?"
Tumango lang ako.
"I'm Shone, his cousin."
Hindi ko pinakita sa kaniya ang gulat ko nang mapagtanto ko kung sino siya. Of course, kilalang-kilala ko siya. Sikat na sikat siya noong nag-aaral kami. Heartthrob kumbaga. Kung si Timothy nakakainis at nakakairita, si Shone ay friendly at madaling pakisamahan. Kung nandito si Pol ay kikiligin iyon ng bongga.
"I guess you know me," pagkakwa'y saad niya.
"Oh sorry." Mukhang napatagal ang titig ko sa kaniya. "Naglalaro ka pa rin?" Nakagat ko ang aking dila dahil sa naging tanong.
"I guess you're a fan. Yes. I'm still playing. But not as active as before. You see, I was in an accident."
Minsan talaga matabil din ang bibig ko eh.
"Sorry. Naoverwhelm lang ako. Idol ka kasi ng kaibigan ko."
"Pol."
"Oh? Paano mo nalaman?"
Nagkibit balikat lang ito saka muling natahimik. Ang pangit namang kabonding nito. Bigla na lang tatahimik. Itinuloy ko na lang ulit ang aking pagkain. Si Timothy? Ayun! Mula sa kinauupuan ko, kitang-kita ko siyang nakikipagtawanan pa rin kay Shareen, nakalimutan niya na rin ata na kasama niya ako.
"How long have you been in a relationship with him?"
Nagugulat talaga ako sa lalaking ito. Bigla-bigla na lang nagsasalita.
"Recently lang," simpleng sagot ko.
"Recently? How recent?"
Hindi ko naiwasang magtaas ng kilay dahil sa naging tanong niya.
"Why do you care?"
Agad nakuha ng isang baritonong tinig ang aking atensyon. Speaking of the devil.
"Nagteleport ka ba?" taas kilay na tanong ko.
Kita ko agad ang nag-aapoy na galit sa kaniyang mga mata. Problema naman ng isang ito? Umupo siya sa tabi ko.
"So you're here," pagkakwa'y saad niya.
"As usual."
Ang simple lang naman ng pag-uusap nila, pero yung tinginan nila sa isa't isa, akala mo nagpapatayan na.
"So how's Spain?"
"Still Spain?"
Inabala ko ang aking sarili sa aking pagkain habang nakikinig sa kanilang super healthy na conversation.
"So you already met my girlfriend."
Inakbayan ako ni Timothy na tila ba ipinagmamayabang niya na sa kaniya lang ako.
"I actually know her. She's friend with Pol."
"Ah yes." Kita ko kay Timothy na hindi talaga siya natutuwa.
"I always saw them watching me play before."
"Ooh! Naaalala mo pa?"
Hindi ko na naiwasan panga sumingit. Adik kasi talaga si Pol sa kaniya, kaya sa tuwing may game siya ay talaga namang present din ako.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang biglang tumayo si Timothy. Mukha itong kalmado pero ramdam ko ang dark aura niya.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go."
Aangal pa sana ako dahil hindi pa ako tapos kumain kaya lang mukhang hindi naman siya makikinig sa akin. Tinungo naming pareho ang loob ng bahay saka kami nagpunta sa isang study room. Nilock niya pa ang pinto.
"What are you doing there with him?"
Mababakas sa tono niya na hindi siya natutuwa.
"Kumakain," simpleng sagot ko.
"Didn't I tell you to say beside me?"
Hindi ko na naiwasan pang mapakunot noo. Gusto ko sanang magpaliwanag sa kaniya kaya lang para saan? Tsk. Nakakairita.
Huminga ako ng malalim.
"Nagutom kasi ako," pagsisinungaling ko.
Bigla namang nagbago ang kaniyang aura. Marahas itong napabuntong hininga. Lumapit siya sa akin.
"You should have told me. Nasamahan sana kita."
"Gago ka ba? Ayoko namang makaistorbo sa business mo."
"But you're my girlfriend. Hindi ka istorbo sa akin."
Hindi ko naiwasang matawa dahil sa sinabi niya.
"Fake girlfriend," paglilinaw ko sa kaniya.
Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.
"Kahit na." Muli siyang huminga ng malalim. "Gusto mo na bang umalis dito?" pagkakwa'y tanong niya.
"Tapos ka na ba?" tanong ko.
"I know you're not comfortable here."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Kiss mo nga ako," pagkakwa'y saad niya.
"Siraulo."
Kahit kailan talaga ang lakaking ito. Hindi ko siya kinakaya. Noon pa man ay ganito na talaga siya. Tipong wala naman siyang ginagawa, maiinis ka na lang talaga. Hindi naman kami same school eh, sadyang nagkikita lang kami kapag may event ang kaniya-kaniyang school namin lalo na kapag debate ang usapan.
Muli naming tinungo ang garden. Nahanap naman agad namin ang magulang ni Timothy na nakikipag-usap kay Shareen. Nakuha naman agad namin ang atensyon nila.
"Hi Hija. How's the party? It's kind of boring right?"
Opo. Sobra. "Hindi naman po."
"Mama, Papa, we need to go now..."
"Aalis na kayo agad? Stay here muna. Hindi pa tayo masyadong nakakapag-usap, at hindi pa namin masyadong nakakausap si Sevi."
Pinisil ko ang kamay ni Timothy.
"Some other time, Mama. I will just schedule a dinner, but for now, Sevi and I have a private date."
Nakita ko ang kasiyahan sa mga mata ng kaniyang ama, pero sa mama niya? Mukhang hindi siya natutuwa.
"Then go on. Ako na lang ang magsasalita sa auntie mo na umalis na kayo."
Buti na lang hindi na rin kami kinulit pa kaya naman nakalabas kami sa party. Agad ko namang tinanggal ang pagkakahawak kamay naming dalawa.
"Feeling ko nakapasok ako sa impiyerno," bulalas ko.
Grabe kasi yung tinginan sa akin ng mga tao. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa ako pinaglalamayan.
"Don't mind them," mahinahong saad niya.
---
TIMOTHY
When I saw her together with Shone my blood immediately boil. It seems like my nerves gone wild. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay may kumakausap sa pagmamay-ari ng hindi ko alam. What's mine is mine alone. I don't like sharing.
"Anong pinag-usapan niyo ni Shone kanina?"
She never stares at me the way she stare at Shone a while ago. She looks so invested and fascinated.
"Wala. Tinanong niya lang kung kailan tayo nag date."
"When someone ask you the same question again, just smiled at them. You don't need to explain yourself. Let them think whatever they want to think."
"Ayoko naman iyon. Syempre, kapag minaliit nila ako, lalaban ako."
I sneered.
"Bakit hindi ka lumaban kay Auntie kanina?"
She frowned.
"Birthday niya eh. Alam ko naman kung kailan magiging maldita."
"That's my girl," I said as I mess up with her hair, she whined. "Anyway, saan mo gusto kumain?"
"Kahit saan. Basta walang taong nakatingin sa ating dalawa."
Mas lalo akong lumapit sa kaniya.
"O bakit?" kunot noong tanong niya.
"Wala. I just wanna rest on your shoulder. Can I?"
"Ano pa nga bang magagawa ko? Nakalean ka na."
Mahina akong tumawa.
My life is indeed a mess. Everything arounds me works with money and power. All I wanted is a normal life. All I wanted is a peace of mind.
"Bakit gano'n ang pamilya mo? Sobrang formal nila. Bawal bang mag joke sa inyo?"
Napangiti ako dahil sa naging tanong niya.
"Tapos kung makatingin sila akala mo kakatayin nila ako ng buhay. Nakangiti nga sila pero kitang-kita naman yung pang-iinsulto sa mga mata nila."
Umayos ako ng pagkakaupo, ngunit nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata nang ginawa kong unan ang kaniyang hita.
"Just let me rest for a while." I close my eyes.
"Siguro kung totoong mag jowa tayo, panay ang pang-iinsulto nila sa akin dahil magkaiba tayo ng estado sa buhay. Baka nga ang iniisip nila ngayon ay pera lang ang habol ko."
"Don't mind them. Kung iyan ang iniisip sila, wala silang pakealam. You're my woman. You're mine. Kung anong akin, iyo rin."
I heard her laughed.
"Siraulo. Hindi naman talagang totoo na tayo."
"Kahit na. Sa tingin ng iba, mahal natin ang isa't isa."
"Oo na lang. Oo nga pala, saan tayo pupunta?"
"Home. Our home."
Iminulat ko ang aking mga mata upang makita ko ang reaksiyon niya ngunit hindi ko naiwasang matawa nang makita ko siya.
"Why are you glaring at me that way?"
"Anong our home ka riyan? Wala tayong usapan na sa bahay mo ako titira ah."
Bumangon ako.
"Pero kung gusto kong doon ka tumira ay wala kang magagawa. Nasa kontrata iyon."
"Pero wala sa usapan..."
"Ngayon nasa usapan na," putol ko sa sasabihin niya.
"Timothy."
"I said what said."
---