SEVINNA
Hindi ko maiwasang mairita o mainis dahil sa gusto niyang mangyari. Para kasi sa kaniya, sobrang dali lang ng gusto niya. Tipong lahat ng gusto niyang mangyari ay dapat sundin ko. Oo, nabasa ko naman yung tungkol sa pagtira ko sa bahay niya, pero kapag kailangan lang... eh ngayon mukhang trip niya lang eh.
"Stop frowning."
Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya.
"Binabayaran kita..."
"Wow ah! Parang ako pa ang lumabas na may utang na loob sa iyo. Paalala ko lang sa iyo, ikaw ang gumawa ng isyu dinamay mo lang ako."
Alam ko namang malaki ang bayad niya sa akin, pero hindi naman ata ako papayag na gawin niya ang lahat ng gusto niya 'no. Ano siya gold?
"Kahit na anong sabihin mo, wala ka na rin namang magagawa."
May point naman siya. Kahit nga kung ano ata ang sabihin ko sa kaniya ay wala pa rin itong epekto sa kaniya. Bahala nga siya sa buhay niya.
"O saan ka pupunta?" tanong niya nang tumayo ako mula sa aking kinauupuan.
"Uuwi na. Wala akong balak tumira rito kasama ka," iritableng saad ko.
"Sevinna," tawag niya sa pangalan ko.
Sa sobrang lalim at maawtoridad ng tinig niya, kung hindi ko siya kilala ay matatakot ako. No wonder na ang tawag ng iba sa kaniya ay 'Cold Gob'. Ni hindi ko nga rin talaga lubos maisip kung paano at bakit siya nanalo eh.
"O bakit? Ikaw pa ang galit?"
Marahas itong napabuntong hininga.
"I already told my parents that we're getting married soon. That's why, I want you to stay with me."
Otomatikong nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
"Siraulo ka ba?"
Mas lalo kong naramdaman ang pagkairita ko sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Kung hindi ko gagawin iyon ay ipapakasal nila ako sa Shareen."
"O anong problema ro'n? Maganda nga iyon at ikakasal kayong dalawa. Bagay naman kayo..."
"But I don't like her," putol niya sa sasakyan ko.
Hindi ko naiwasang matawa dahil sa sinabi niya. Mukhang siraulo nga talaga ang gagong ito.
"Hindi naman ako nasabihan na ang isang tulad mo ay naghahanap din ng totoong pagmamahal," iiling-iling na saad ko. "Akala ko puro bili lang ng babae ang gusto mo."
Agad na kumunot ang noo nito.
"Of course, I also wanted to have a family. Tao lang din ako Sevinna."
"Huh? Tao ka ba? Kung pamilya naman pala ang gusto mo, bakit hindi ka magmahal ng totoo? Bakit ako pa ang isinali mo sa isyu mo? Makakahanap ka naman ng iba riyan ng hindi ka nanggagamit ng iba."
Imposible naman kasi na wala siyang taong mahal, at kung may mahal man siya paniguradong ngayon palang ay nakuha na niya sana ito. Pero si Timothy siya eh, siya ang tipo ng tao na hindi makukuntento.
"Di ba may crush ka no'ng college? Bakit hindi iyon ang hanapin mo at gawin mong asawa? Hindi ka na magbabayad do'n," saad ko.
"You don't understand."
Nagsalubong ang aking kilay lalo na nang talikuran niya ako.
"Hindi ka aalis. Mananatili ka rito kasama ko."
"Ay sino ka para sundin ko?" taas kilay na tanong ko, pero agad na natanggal ang angas ko nang makita ko ang tingin niya.
Naglakad siya palapit sa akin kaya naman agad akong umatras.
"Sino ako?" tanong niya sa tinig na nang-aasar.
Napasinghap ako nang kabigin niya ako palapit sa kaniya. Nakangisi ito sa akin na para bang gustong-gusto niya ang ginagawa niya.
"Boss mo," makahulugang dagdag niya. "O bakit namumula ka? Kinilig ka ba? Hindi ko naman alam na may epekto pala ako sa iyo..."
"Siraulo," putol ko sa sasabihin niya saka ko siya itinulak palayo sa akin.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito. Kahit kailan talaga ang kutong ito. Ang lakas makakulo ng dugo.
"Sevi, just do what I want for now. Pangako, hindi naman ako gagawa ng isang bahay unless gusto mong gawin ko ito."
Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya.
"Pero wala sa usapan na titira ako kasama mo."
"I know, but since we're into this situation already, why don't we just do it? Mas maniniwala ang pamilya ko kung dito ka sa puder ko titira."
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang takbo ng utak niya, kasi promise hindi ko talaga siya lubos maintindihan. Oo, alam ko bilang isang mayamang nilalang, syempre ang gusto ng magulang niya para sa kaniya ay pareho sila ng estado sa buhay, hindi ang tulad ko na ganda lang ang ambag sa mundo.
Kung iisipin din kasi, talagang magdadalawang isip sila kung kami ba talaga, biglaan kasi lahat ang nangyari.
"Bakit ba ayaw mo si Shareen? Bagay naman kayong dalawa. At saka base sa nakita ko sa party, mukhang maayos naman kayong dalawa," saad ko kasi nakakapagtaka talaga ang lahat.
"I told you already, I don't like her."
"Bakit? Maganda naman siya."
Sa halip na sagutin niya ako ay nag tsk na lang ito, saka napailing.
---
TIMOTHY
Everyone thinks that I'm some kind of asshole who is not seriously in love, perhaps yes, but I also dreaming to have a family that I will really call mine.
Marahas akong napabuntong hininga habang pinanonood si Sevinna sa CCTV. I know that I shouldn't drag her into this kind of situation but I don't have any choice at all. Siya lang ang tamang babae na p'wede kong magamit ngayon.
We're rival before, she hates me so much that she can't stand to talk nor see me. Masarap siyang asarin kaya naman lagi siyang pikon sa akin.
Nabaling ang tingin ko sa aking selpon nang umilaw ito. Agad namang nagtaas ang kilay nang makita ko ang pangalan ni Shareen.
Shareen: Hey! Wanna hangout tomorrow night?
Sa halip na abalahin ko ang sarili ko sa kaniya ay hindi ko ito nireplyan. I don't have time to waste to her. Muling nabaling ang aking atensyon sa aking selpon nang makita ko ang pangalan ng aking secretary. Sinagot ko agad ang tawag niya.
(Good evening Gob. Na review ko na yung mga videos at pictures niyo sa party. Naemail ko na yung mga pagpipiliin niyo.)
"Okay, I'll check it right away."
Ibinaba ko ang tawag saka ko chineck ang email. I immediately check all the photos and videos that was taken earlier. I smirk when I saw her pictures together with my cousin. She never stares at me like that. I deleted it immediately. Muli akong napahinto sa pagtingin ng larawan nang makita ko ang kuha naming dalawa.
"I didn't know that she can smile that way."
I sneered.
I didn't what happened why she suddenly failed her entrance exam to law school. She's smart and all. Against me, she always win. Wala pang debate ang naipanalo ko dahil sa kaniya.
Nang matapos ko sa pagtingin ng mga pictures at video ay muli kong pinuntahan si Sevinna sa baba.
"O buti naman nagpakita ka ulit," bungad na tanong niya sa akin.
"Bakit namiss mo ako?"
I wasn't able to stop myself from laughing when she rolled her eyes at me. I sat down beside her.
"Asa ka naman. Nasa matinong pag-iisip pa ako 'no."
Kung meron mang hindi nagbago sa kaniya, iyon ay ang pagiging masungit niya. Hindi ko ba alam kung bakit lagi na lang siyang galit sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya.
"Bakit wala pala akong nakikitang ibang tao rito? Huwag mong sabihing mag-isa ka lang sa malaking bahay na ito."
Pinanliitan niya ako ng mata.
"I'm alone here."
Nagtaas ang kilay nito.
"Pati kasambahay mo hindi nakatagal sa ugali mo? Grabe ah!"
I should be offended right now because of what she's saying, but I don't know why I don't feel anything.
"Bakit ba ang tingin mo sa akin lagi ay masama ang ugali ko?"
"Bakit hindi ba?"
Nagtaas ang aking kilay.
"Hindi mo ba nabalitaan na marami na akong natulungan?"
She make face.
"Sariling pera mo ba? Galing sa bulsa mo? Hindi naman ah! Sa tao rin naman nanggagaling ang mga tulong mo. Nakapangalan lang sa iyo."
What the?
"That's kind of hurt, Sevinna. How could you say that?"
"Well, truth hurts."
Nagkibit balikat ito na tila ba wala siyang pakealam. This is who she is, that's why I never win against her through debate. Alam niya kung paano niya targeten ang kalaban niya.
"Bakit hindi ka tumuloy sa law?" tanong ko.
"Pake mo?"
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Kung hindi lang ito babae ay baka kanina ko pa siya nasaktan.
"I heard you failed the entrance exam."
"O tapos? Anong gusto mong mangyayari?"
"Sevinna, I'm just asking."
"O edi huwag kang magtanong."
Marahas akong napabuntong hininga. Nakakaubos talaga siya ng pasensiya.
"Ang pangit mo talaga kausap," aburidong saad ko.
"Inaayon ko lang sa mukha mo."
She smiled at me, an annoying one, but no, I won't let her win against me. Kung hindi ako manalo sa kaniya sa salita, mananalo ako sa kaniya sa gawa.
"Talaga?"
I saw how she flinch when I lean my face closer to her.
"Bakit hindi ka makatingin sa akin?" nakangiting tanong ko.
"Bakit, kailangan bang tingnan kita?"
Mas lalo akong lumapit sa kaniya.
"Bakit namumula ka?"
"Asa ka naman."
"I think you like me."
"Assuming."
"Kung hindi tingnan mo ako..."
Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong balingan ng tingin. Shootangina!
"O ano? Masaya ka na?"
F*ck!
---