SEVINNA
Hindi ko ba alam kung nahihibang na ba talaga ako o ano, dahil nga wala na akong nagawa pa upang hindian ang alok ni Timothy, titiisin ko na lang ang ilang buwan na kasama siya. Tutal sasahuran naman niya ako ng malaki, hindi na masama.
Magpanggap na jowa niya? Hindi ito kailanman pumasok sa isip ko, akala ko sa panood o kaya naman sa mga kuwento lang ito nangyayari, hindi naman ako nainform
"Sanaol may jowang gobernador."
Hindi na natapos pa ang panunukso sa akin ng mga kakilala ko o kaya naman ng makakakita sa akin. Lahat na nga lang ata ng madaanan ko ay puro sanaol ang sinasabi nila. Kung alam lang nila ang totoo.
Kasalanan kasi talaga niya ito eh. Ang lakas ng loob niyang gumawa ng eskandalo tapos no'ng magkanda letche letche ako pa ang dinamay niya. Kung kailangan niya pala ng jowa na magpapanggap, marami namang iba riyan, bakit ako pa napili niya? Alam naman niyang hindi kami close at ang turing ko sa kaniya ay isa lamang kuto ng aso na sobrang sarap tirisin.
"Sevi!"
Nakuha ni Pol ang atensyon ko. Mukhang isa rin ito sa makikiusyoso sa akin.
"Natanggal ka pala sa trabaho?"
Bahagyang nagtaas ang aking kilay dahil sa naging tanong niya.
"Tantanan mo ako Pol. Alam kong hindi iyan ang tanong mo."
Humagikgik ito na tila ba isang joke ang sinabi ko. Naaalibadbaran ako sa mga matang nakatingin sa akin. Masyado ba akong maganda para titigan nila?
"Oh kalma! Bebe kalma!"
Mas lalo pa itong natawa kaya naman marahas akong napabuntong hininga saka ako uminom sa malamig na inuming inorder ko.
"Isang araw lang akong nawala, may jowa ka na."
Umirap ako. "Tantanan mo talaga ako."
"So paano nga iyon nangyari? Nitong nakaraang araw lang single ka pa, tapos biglang may video? Huwag ako baks. Hindi ikaw ang tipo ng tao na papatol kay Gob. Kung ako p'wede pa... char."
Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya. Hindi ko p'wedeng sabihin sa kaniya ang kasunduan namin ni Timothy dahil iyon ang isa sa mga nakasulat sa kontrata naming dalawa.
"The more you hate the more you love nga di ba?" saad ko kahit alam kong hindi naman iyon bebenta sa kaniya. "Basta nangyari na lang. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh."
He looks at me in full of suspicion. Bahala na lang siya sa kung ano ang gusto niyang isipin.
"O siya, hindi na lang ako magtatanong, hindi ka rin naman sasagot ng maayos. Malaki at matanda ka na, kaya mo na sarili mo."
Hindi naman na siya nagtanong pa tungkol sa amin ni Timothy. Nag-usap na lang kami ng kung anong mapag-usapan namin. Si Pol ay isang rainbow, kaibigan ko siya simula pagkabata, kami na ang magkasanggang dikit. Sikat siyang photographer at videographer kaya naman madalas ay may raket talaga siya.
Nabaling ang atensyon ko sa aking selpon nang tumunog ito.
"Alam mo, imbiyerna talaga ako riyan sa selpon mo. Lahat ng tao pati bata naka modern tech na, samantalang ikaw na stuck sa nakaraan," iiling-iling na saad niya.
"Mas gusto ko ang ganito eh. At saka nakakapag social media pa rin naman ako."
"Ay ewan ko sa iyo. Baka 2G pa nga 'yang signal niyan."
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba, hindi rin kasi ako mahilig sa mga magagarbong gamit. May ibinigay nga siyang selpon sa akin, pero ibinigay ko lang sa kapatid ko.
Nang matapos naming kumain ay sabay kaming lumabas sa kainan. Hindi pa rin nawawala ang mga tingin sa akin ng mga tao.
"Hindi mo dala sasakyan mo?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko mamataan ang kotse nito.
"Hiniram ng ate ko. Alam mo na forda sharing is caring kasi ang motto ko. Mag jeep na lang tayo..."
Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin niya nang biglang may humintong sasakyan sa tapat namin. Kahit hindi pa bumababa ang may-ari nito ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan.
The devil has arrived...
"Anong ginagawa niya rito?" iritableng tanong ni Pol sa tabi ko nang makita niya si Timothy.
"Ewan ko," simpleng sagot ko.
Pareho kaming nakatingin ni Pol kay Timothy na fresh looking. Plain shirt at pants ang suot nito, nakasalamin pa na akala mo model o artista.
"Hi Mahal."
Literal na nagsitayuan ang buhok ko sa katawan nang tuluyan siyang makalapit sa akin at walang pagdadalawang isip na hagkan ang aking labi. Napakurap pa ako ng ilang ulit lalo na nang hawakan niya ang aking kamay.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
Halos magkandabuhol-buhol pa ang aking dila dahil sa gulat. Nanatili siyang nakangiti na tila ba masayang-masaya talaga siya na makita ako.
"Sinusundo ka. Di ba sabi ko sa iyo na may pupuntahan tayo?"
"Ahem."
Nakuha ni Pol ang atensyon ko kaya pati si Timothy ay napalingon na rin kay Pol na ngumiti pa ng bongga.
"Hi Gob." Akala mo naman kinikiliti ang baklang 'to. "Remember me?"
Huminga ako ng malalim.
"Syempre naman. Polino Mendez."
"Grabe ka Gob. Pol na lang. Ang pangit ng Polino."
Bahagyang nagtaas ang kilay ko nang mahinang paluin ni Pol si Timothy sa braso.
"Hiramin ko muna si Sevi sa iyo ah. May pupuntahan kasi kami."
"Ay sige lang Gob. Iyong-iyo na siya."
Binalingan ako ng tingin ni Pol na kumindat pa sa akin.
"O siya sige. Alis na ako. Mag jeep na lang ako. Baks, call me later."
Hindi ko na nagawa pang magpaalam ng maayos kay Pol dahil mabilis itong umalis.
"Saan tayo pupunta?"
Nanatiling nakahawak ang kamay ni Timothy sa akin. Alam kong nagpapakitang gilas na naman siya dahil maraming mata ang nakatingin sa aming dalawa.
"Basta."
Hinayaan ko na lang siya na hilain ako patungo sa kaniyang mamahaling sasakyan.
"P'wede mo ng bitawan ang kamay ko," saad ko dahil nakapasok naman na kami sa sasakyan ay nakahawak pa rin ito sa akin.
"Oops my bad," saad nito na itinaas pa ang kaniyang kamay.
Napairap na lang ako.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Parang wala ka namang sinabing ganap ngayon ah."
"Family gathering," simpleng sagot niya na mas lalong kinakunot ng aking noo.
"Ano namang kinalaman ko sa gathering niyo?"
Bahagya akong napaatras ng bigla siyang humarap sa akin.
"Look. Everyone knows that we have relationship."
"O tapos?"
"My whole family wants to meet you."
Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon, basta hindi ako natutuwa.
"Mamaya laitin lang ako ng angkan mo. Hindi na ako sasama. Ikaw na lang. At saka anong sasabihin ko ro'n? Hindi naman totoong may relasyon tayo..."
"I'm paying you remember?"
Muli akong napairap.
"It doesn't mean na binabayaran mo ako hahayaan ko ang angkan mo na insultuhin o matain ako..."
Napasinghap ako at hindi nagawang ituloy ang sasabihin ko nang mas lalo siyang lumapit sa akin.
"I won't make that to happen. I promise."
Hinawakan niya ang kamay ko na tila ba sinasabi niyang pagkatiwalaan ko siya. Huminga ako ng malalim.
Kilala ang pamilya niya bilang isang makapangyarihang pamilya rito sa syudad. Hindi kasi sila ang tipo ng tao na basta-basta mo na lang malalapitan. Kapag lalapit ka sa kanila, kahit bihis na bihis ka magiging isa ka lang alipin sa kanila.
Dinala ako ni Timothy sa kaniyang bahay. Noong una ay ayokong bumaba sa kaniyang sasakyan dahil shootangina, bakit naman ako papasok sa bahay niya di ba? Kaya lang as usual, wala akong nagawa.
"I already preparation everything that you can use. May mga damit kang pagipilian diyan."
Hindi ko maiwasang mamangha sa loob ng kwarto kung nasaan ako ngayon. Ibang klase talaga ang yaman ng nilalang na ito.
"I'll wait for you here."
---
TIMOTHY
Marahas akong napabuntong hininga habang hinihintay ang babaeng kanina ko pa hinihintay na bumaba. Today is my aunt birthday, since it's also a business gathering, I don't have any choice but to end. My parents also demanded to meet Sevi which I don't really like, because I know those people.
"Okay na ba ito?"
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Hindi ko maiwasang matawa nang makita ko siya.
"Mukha ba akong clown? Kung makatawa ka naman. Ayoko na nga..."
Mabilis akong lumapit sa kaniya.
"No. You look beautiful."
She's wearing a plain simple white backless dress paired with white sneakers, her hair is tied up high. She's also wearing a light make-up. She's so simple but so beautiful.
"That's my girl," I said as I pull her closer to me.
"Lumayo ka nga sa akin. Maka that's my girl ka pa riyan. Close tayo?"
Bahagya niya akong tinulak palayo saka pa ito umirap sa akin. Hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti ko.
"So okay na ba ito? Ito lang kasi ang kaya kong suotin sa mga nandoon, at ito ang nakita kong pinakamura. Bakit ang mamahal ng mga damit na iyon? May gold ba iyon?"
Mas lalo akong natawa.
"Silly. Sa iyo ang lahat ng iyon. I already bought it."
Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata.
"Siraulo ka ba? Aanhin ko naman iyon?"
"You can use them soon. My life is busy, and so your life will be."
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Tara na. Baka malate tayo."
Nang makasakay kami sa aking sasakyan ay pansin ko na kanina pa siya napapabuntong hininga.
"Are you nervous?"
"Sino bang hindi? Eh mga angkan mo ang makakasama ko ngayon."
"Just calm down and just stick on me."
Hindi ko rin naman hahayaan na bastusin nila si Sevinna sa harapan ko. They will earn my respect if they will respect her.
"Wait."
Kinuha ko ang isang kahon sa aking bulsa. Nakita ko agad ang pagtaas ng kilay niya.
"Come closer."
Hinila ko na lang siya dahil hindi naman siya sumunod sa akin.
"You should wear this. If ever na mawala ka sa tabi ko mahahanap agad kita. This has a chip detector."
Isinuot ko sa kaniya ang kuwintas. I bit my lower lip when I smell her. Damn! She's so sweet. I want to bite her. Snap it out asshole.
"Parang sinasabi mong makikidnap naman ako."
"No. I just want to make sure that nothing will happen to you while you're on my side."
"Kailangan ko bang magpasalamat?" sarkastikong tanong niya.
"Just kiss me..."
"Siraulo," putol niya sa sasabihin ko.
I sneered. Nauna siyang bumaba sa akin kaya mabilis naman akong bumaba para lapitan siya. Hinawakan ko agad ang kamay niya, hindi naman siya nagsalita.
"Just calm down, Baby," bulong ko sa kaniya.
"Paano ako kakalma, hindi pa nga tayo nakakapasok sa loob may mga matang nakatingin agad sa atin."
Iniharap ko siya sa akin.
"If you're feeling nervous, just squeeze my hand. You Alway do that before so you could calm yourself right?"
I smiled when I saw her reaction.
"Naalala mo pa?"
"Of course, my hands are so red before because of you."
She frowned.
"Basta backup kita ah."
I nodded. "Yes Ma'am. Let's go."
Muli siyang huminga ng malalim.
"Umpisahan na ang pagpapanggap," pagkakwa'y saad niya.
---