Sevinna
Paano ako naging iba? Iyan ang tanong ko sa aking isipan, ngunit agad ko rin itong iwinaksi sa aking sistema.
Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ko ang aking kwarto. Sobrang laki at luwang nito, kumpleto ang gamit. Parang isang bahay na ito. May walk in closet na rin. Mukha talagang plinano niya ang lahat ng ito.
"Everything inside this room is yours."
May mini refrigerator pa, at ang banyo, shoota! Buong kwarto ko na ito sa bahay eh.
"Ang yaman mo talaga 'no? Saan ito galing? Sa kaban ng bayan?" taas kilay na tanong ko.
"Tingin mo talaga sa akin corrupt?"
"Sino bang politiko ang hindi? Parang wala pa akong narinig na politician na malinis."
"Ako?"
Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Asa ka."
"From the tax, budget, funds, my personal money, assets... you can check everything if you want."
Nag make face ako dahil sa sinabi niya.
"O edi ikaw na ang mayaman," sarkastikong saad ko.
"Later I will give you our schedules."
Kumunot ang noo ko. "Schedules? Para saan?"
"From now on, lahat ng pupuntahan kong event ay kasama ka."
"Huh? Bakit naman? Anong kinalaman ko riyan? Wala naman akong alam sa mga ganap mo sa buhay," saad ko dahil mukhang imposible ang gusto niyang mangyari.
"Of course, your presence should always be present in every occasion that I will attend. Para mas maniwala sila na totoo ang relasyon nating dalawa."
Madami pa siyang sinabi sa akin ngunit hindi na ito kayang i-absorb pa ng aking braincells. Jusko naman, iba ata talaga ang napasok ko. Kailangan ko ng pera at trabaho, pero mukhang sakit sa ulo lang ang nakuha ko.
"I know this is too much, but don't worry, you'll be paid wisely."
"Oo na oo na. Alis ka na, at mag shower na ako. "
"Okay. Sleep tight."
Bahagya akong napatigil nang bigla niya akong halikan sa noo. Ni hindi agad nakapag react ang aking sistema hanggang sa makaalis na ito. Shootangina! Huminga ako ng malalim.
"Siraulo talaga iyon," bulalas ko saka ako iiling-iling na nagtungo sa banyo.
Hindi pa man sumasabak sa pagkapolitiko si Timothy ay kilala na ito. Noong nag-aaral pa nga lang kami ay matunog na ang pangalan niya kaya hindi na talaga ako magtataka pa kung bakit siya nananalo. Oo aaminin ko, good looking naman talaga siya, matalino, mayaman... pero parang wala pa akong nabalitaan na nagka girlfriend siya. Kaya siguro gano'n na lang ang kagustuhan ng pamilya niya na itali siya kay Shareen. Kung ako naman ang tatanungin, bagay naman talaga sila. Pero gaya nga ng sabi niya hindi niya ito gusto. Teka! Hindi kaya shoki siya? Kinilabutan ako dahil sa napagtanto ko. Hindi naman siguro.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising, sobrang himbing ng tulog ko. Ang komportable naman kasi ng tulugan ko. Paglabas ko ng aking kwarto ay walang Timothy sa paligid kaya naman muli akong pumasok sa aking kwarto at tinungo ang pintuan na konektado sa kwarto niya.
"Ay shoota!" bulalas ko nang pagpasok ko ay saktong paglabas niya sa banyo.
"Hindi mo naman sinabing katawan ko pala ang gusto mong pananghalian."
Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya.
"Delulu ka. Aanhin ko naman sana 'yang katawan mo? Buti sana kung nakakain 'yan," pagtataray ko.
"Nakakakain 'to. You can have it if you want."
"Gago," saad ko saka ko itinaas ang middle finger ko.
Bago ko siya tinalikuran ay narinig ko ang malakas niyang tawa. Aba! Malay ko ba na naliligo pala siya. Tsk.
Bumaba na agad ako at saka tinungo ang kusina. Gaya nga ng sabi niya, meron ng pagkaing nakahanda. Hindi ko na siya hinintay pa at nag-umpisa na akong kumain mag-isa.
Bakit kaya mas gusto niyang mag-isa? Hindi ba siya nalulungkot? Ay ewan ko sa kaniya.
---
Timothy
"You're eating already?" tanong ko nang madatnan ko siyang kumakain na.
"Ay hindi. Obvious ba?" pagtataray nito sa akin.
Umupo naman ako sa tabi niya.
"Kumain ka ng marami. Hindi ka nag breakfast kanina. Gigisingin sana kita kaya lang naaalala ko na ayaw mong nabibitin ang tulog mo."
Nakita ko ang pagkunot niya ng noo dahil sa sinabi ko.
"Ah!" she then said.
"I still remember that day when I woke you up because the event is about to start. You hit me hard in the face..."
"Excuse me? Paanong hindi kita sasapakin, hinila mo yung upuan na pinagpapatungan ko ng ulo, sumubsob ako, remember?"
I chuckled.
"Siraulo."
"I don't have choice back then. Kung hindi kita ginising edi sana hindi ka nanalo. You know, I'm still confuse about you shifting to education instead being a lawyer. Of course, being a teacher is such a good job, but..."
"Chismoso ka?" putol niya sa sasabihin ko.
"Curious lang ako."
"I failed the entrance exam, remember?"
"Iyon nga. Bakit?"
Huminga siya ng malalim. "Ewan ko," kibit balikat na sagot niya.
I stare at her, but she just continue eating.
"What happened?" tanong ko ulit.
"Ewan ko nga."
"You ace the mocked exam..."
"Ayokong pag-usapan 'yan," putol niya sa sasabihin ko.
"Do you want to try again?" muling tanong ko. "It's just that, it's indeed a waste."
She arched her brow at me. "Paano naging sayang iyon? Licensed professional teacher na ako, top notcher pa. Hindi man ang pangarap kong kurso ang naabot ko..."
"I will help you," putol ko sa sasabihin niya.
She rolled her eyes. "O edi ikaw ang mag-aral kung gusto mo. Alam mo Timothy, hindi naman sa lahat ng pagkakataon nasusunod ang gusto mong mangyari. May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na hindi natin makuha ang gusto natin. At saka masaya na ako sa kung ano ang narating ko."
I stare at her. There's something in her eyes that I couldn't understand at all.
"Kumain ka na lang."
Naglagay siya ng pagkain sa aking pinggan. She's indeed something. Sa sobrang tagal ko na siyang kilala, kung may hindi nagbago man sa kaniya iyon ang pagiging magaling niya sa pananalita.
Habang kumakain kami ay sinabi ko na sa kaniya ang schedule namin ngayong linggo. Kitang-kita ko agad sa mukha niya na ayaw niya ang mga kaganapan ngunit wala siyang magagawa.
"Kailangan ba talaga kasama ako? Hindi ba p'wedeng ikaw lang?"
"Napag-usapan na natin ito di ba?"
"Hindi p'wedeng magbago?"
Umiling ako. "I need you beside me."
---
Sevinna
Hindi ko talaga alam ang pinasok ko. May event na naman kaming pupuntahan mamayang gabi, tapos may mga schedule pa kaming iba. Ngayon ay papunta kami sa baryo sa isang medical mission.
"Where's the necklace I gave to you?" tanong niya, ngunit bahagya akong napatigil nang hawiin niya ang buhok ko. Shootangina talaga!
"Nasa bag ko," simpleng sagot ko.
"You wear it. Baka mamaya mawala ka bigla, hindi ko alam kung saan ka hahanapin."
Kinuha ko ang kuwintas na bigay niya sa loob ng aking bag.
Tila huminto ang t***k ng puso ko nang kinuha niya mula sa akin ang kuwintas. Marahan niyang hinawi ang aking buhok saka niya isinuot sa akin ang kuwintas.
"Huwag mong tatanggalin ito lalo na kapag nasa labas tayo."
"Oo na," sagot ko.
Bahagyang nagtaas ang kilay ko nang maramdaman ko na itinaas niya ang aking buhok.
"Anong ginagawa mo?"
"Mainit do'n. You should tie up your hair."
Hindi ko maiwasang mapangiti nang itali niya paitaas ang aking buhok.
"Ikaw naman, hindi mo man lang sinabi sa akin na gusto mong maging hair stylist," pagbibiro ko.
Hinarap niya ako sa kaniya.
"Stupid," pagkakwa'y saad niya. "You wear this too."
Isinuot niya sa akin ang sumbrero na kanina pa niya dala.
"Paano ka?"
"I can manage the heat."
"Sure ka?"
"Yes."
Nang marating namin ang baryo, agad na sinalubong ng mga tao si Timothy. Lahat ay nakangiti at mukhang masayang-masaya na makita siya. Nasa likod lang ako ni Timothy kasama ang ilang security niya. Panay ang pagtunog ng camera na akala mo artista ang dumating.
"Aray!" daing ko nang biglang may humatak sa aking braso.
Agad naman akong hinarangan ng security ni Timothy. Si Timothy ay kasalukuyan ng dinudumog kaya naman medyo malayo na kami sa isa't isa.
"Miss ayos lang po kayo?" tanong ni Jun ang security ni Timothy na madalas niyang kasama.
"Opo. Ayos lang."
Tiningnan ko ang braso kong mukhang kinalmot ng pusa. Hindi ko nakita kung sino ang nangalmot sa akin.
"Sa sasakyan na lang po muna tayo," pagkakwa'y saad niya.
"Hindi po. Okay lang po talaga ako."
Nakita ko ang pag-aalanganan sa kaniya ngunit ngumiti lang ako. Sabi ni Timothy dapat sa ganitong sitwasyon ay nasa tabi lang niya ako, kung babalik ako sa sasakyan baka kung ano pa ang isipin sa akin ng mga tao. Nang marating namin ang loob ng gym ay nakaupo na si Timothy at kausap ang tila head ng baryo. Nakuha ko naman agad ang atensyon niya.
Nang makaupo ako sa puwesto niya ay agad na lumapit si Jun sa kaniya at bumulong.
"What?" rinig kong saad ni Timothy saka niya ako binalingan ng tingin.
Agad na bumaba ang kaniyang mata sa aking braso. Kita ko sa mukha niya na hindi siya natutuwa.
"Okay lang ako," nakangiting saad ko.
"Gob, akyat na po tayo sa state," pagkakaupo saad ng isang hindi katandaang babae.
Marahas na bumuntong hininga si Timothy at sumunod din sa babae. Nakatingin ang lahat kay Timothy lalo na nang mag-umpisa itong magsalita. No wonder, nanalo ang kutong lupang ito.
"Kunin ko lang din po ang pagkakataong ito, makikiusap na sana iwasan po natin ang mga bagay na maaaring makasakit sa iba. Kung mapapansin niyo po, kasama ko po ang babaeng sobrang halaga sa akin..."
Shootangina! Siraulo ba siya?
"Siya po si Sevinna Cruz, ang aking kasintahan, kung mapapansin niyo po ay malaki po siyang galos sa kaniyang braso, alam ko naman po na hindi ito sinasadya ngunit nakikiusap po ako, nawa'y maging mas maingat po tayo."
"Gob! Sobrang sweet mo!" biglang sigaw ng isang hindi katandaang lalaki na sinundan agad ng maraming pangangantyaw, humalakhak naman si Timothy.
"Gano'n po talaga kapag mahal mo ang isang tao, poprotektahan mo kahit na anong mangyari. Katulad niyo rin po, mahal na mahal ko kayo kaya naman ay poprotektahan ko kayo sa lahat ng makakaya ko, ang inyong kalusugan ay pananatilihin nating maayos, at ibibigay ang kailangan at makatutulong sa inyo sa lahat ng aking makakaya."
Ang galing talaga niyang mang-uto. Siguro kung totoo nga ang nararamdaman naming dalawa, siguro ay kikiligin ako sa mga mabubulaklak niyang salit, pero hindi eh... pera pera lang ang lahat ng ito.
---