Sevinna
Apakaassuming niya. Ako? May epekto sa kaniya? Asa siya! Kahit kailan hindi mangyayari iyon. Hindi siya ang tipo kong lalaki. Estado palang ng buhay namin ekis na agad siya. Ayoko ng komplikadong buhay.
"O kumusta ang date niyo anak?"
Iyan agad ang tanong ni Mama sa akin nang makita niya ako. Hindi ako napilit ni Timothy nang sabihin niya sa akin na mag stay ako sa bahay niya. Ano siya gold?
"Mama, naniniwala ka talaga sa relasyon namin?"
Ngumiti ito na para bang alam niya ang gusto kong ipahiwatig.
"Anak, ang mahalaga alam ng tao."
Napailing na lang ako. Kahit naman hindi ko sabihin sa kanila alam kong alam nila ang totoo. Hindi naman kasi sila ang tipo ng tao na mabilis mapaniwala lalo pa't alam nila na hindi naman si Timothy ang tipo kong lalaki talaga.
Pumasok ako sa aking kwarto at dumiretso sa maliit kong banyo. Nakuha ng atensyon ko ang kuwintas na ibinigay niya sa akin. May detector talaga ako o chinacharot niya lang ako? Hinubad ko ito dahil baka kumupas kapag nabasa kasalanan ko pa, baka ipabayad niya pa sa akin eh.
Nang matapos kong mag shower ay lumabas ako sa aking kwarto at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Hindi ko namang maiwasang mapakunot noo dahil hindi ko mahagilap ang aking magulang hanggang sa naisipan kong lumabas na sana ay hindi ko na lang ginawa.
"Anong ginagawa mo rito?" salubong ang kilay na tanong ko.
Nakaupo si Timothy sa mahabang bangkito kasama ang aking magulang. Mukhang nagkukuwentuhan ang mga ito bago ako umeksena sa kanila. Tumayo naman si Timothy upang lapitan ako. Agad nagtaas ang aking kilay lalo na nang humalik ito sa aking noo.
"I already told them that I will take you home with me."
"Ano?"
Hindi ko napigilan ang aking sarili na magtaas ng tinig. Nanatili namang nakangiti ang aking magulang na tila ba sang-ayon pa sila sa kung anong gustong mangyari ni Timothy.
"Mag-usap nga tayo."
Mabilis ko siyang hinila papasok ng bahay, dumiretso kami sa aking kwarto. Ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo. Shootangina! Imbiyerna itong lalaking ito ah!
"Ano bang sinasabi mo? Siraulo ka ba? Anong pumasok sa kokote mo para gawin iyon? Paladesisyon ka? Di ba sabi ko naman na sa iyo na hindi ako titira sa isang bahay kasama ka? Malinaw ko iyong sinabi sa iyo, Timothy. Alam kong gago ka, pero hindi naman ako nasabihan na selfish ka rin pala!"
Hindi ko makontrol ang galit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako. Tipong, wala na akong pakealam sa sinasabi ko, kung masasaktan man siya o hindi!
"At saka, ang lakas ng loob mong pumunta rito? Tapos makikita kita na kausap ang magulang ko? At ano? Sinabi mo pa talaga sa magulang ko ang tungkol sa pagtira ko sa bahay mo..."
"I will give you a million," putol niya sa sasabihin ko.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya saka ako sarkastikong natawa.
"Puro na lang pera ang bukambibig mo ano?"
Marahas itong bumuntong hininga na tila ba hirap ito sa kung ano.
"I just need you to stay beside me."
Bahagya akong napahinto. Tila may kung anong kumislot sa aking dibdib hindi dahil sa sinabi niya kung hindi dahil sa tono nito. Umupo ito sa aking kama at saka napahilamos na lang ng mukha.
"Should I just marry you instead?" frustrating na tanong nito na tila ba wala na siyang ibang choice.
Huminga ako ng malalim.
"Ano bang problema?" tanong ko dahil mukhang mabigat ang pinagdadaanan ni gago.
Kahit naman iritable ako sa kaniya, marunong pa rin naman akong maawa. Mukha na kasi talaga siyang problemadong-problemado na kulang na lang pasanin niya ang mundo.
"P'wede mo na namang sabihin sa akin para mas maintindihan ko, para na rin alam ko ang gagawin ko," mahinahong saad ko.
Gusto ko kasing maintindihan ang side niya, hindi iyong binibigla niya ako. Muli itong marahas na bumuntong hininga.
"Hindi mo sasabihin? O sige, limang milyon titira ako sa bahay mo," taas kilay na saad ko, nakuha ko naman ang atensyon niya. "Sa tingin mo talaga makukuha mo lahat sa pera 'no?" dagdag na tanong ko. "Timothy, hindi naman lahat nadadaan sa pera. Paliwanag mo lang ang gusto ko."
Muli itong bumuntong hininga.
"My relatives want me to break up with you so they could tie me with Shareen. You see, business partners ng pamilya namin ang pamilya ni Shareen. Ayaw nilang pumayag na sa isang simpleng babae ako mapupunta, no connection at all... no power. I don't like that idea. Ayokong matali sa isang babae na hindi ko naman gusto, at mas lalong ayokong matali sa isang relasyon na hindi pa ako handang pasukin. Meron akong sariling plano."
Bahagya akong natahimik dahil sa mahabang litaniya niya. Hindi naman ako naorient na madrama pala ang gagong ito. Akala ko puro kalokohan lang ang alam niya sa mundo.
"So anong gusto mong gawin ko? Tumira ako sa bahay mo para hindi magawa ang plano nila sa iyo?"
"I know it's too much to ask, but yes."
Bahagya akong natawa saka napailing.
"Sa dinami-rami talaga ng babae sa buhay mo, ako pa talaga ang napili mo."
"Dahil kilala kita."
Nagtaas ang aking kilay.
"You won't fall for me."
Umirap ako. "Buti naman alam mo."
Huminga ako ng malala.
"Kung titira ako sa bahay mo, ano na ang next?" tanong ko.
Nakita ko naman agad ang pag aliwalas ng kaniyang mukha.
"Sa tingin mo tatantanan ka na nila?"
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"As long as they see you beside me, they won't do anything. Papayag ka na ba?"
Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo sa aking kama. Nakita ko na ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi.
"Payag ka na."
Bahagyang nagtaas ang aking kilay nang hapitin niya ako palapit sa kaniya.
"Lumayo-layo ka nga sa akin," saad ko saka ko siya rin tinulak. "Tatlong buwan lang naman di ba?" tanong ko.
Tumango ito ng may ngiti sa kaniyang labi.
"You're going to live with me now?"
Huminga ako ng malalim.
"Oo, mukhang hindi mo rin naman ako tatantanan. Pero Timothy, binabalaan kita. Huwag kang gagawa ng ayaw ko."
"Yes!"
Para itong nanalo sa lotto sa sobrang saya nito. Napasuntok pa ito sa hangin. Kahit gaano man kasama ng ugali ko, alam ko namang tumanaw ng utang na loob.
---
TIMOTHY
Buong akala ko ay mahihirapan pa ako sa kaniya, ngunit nagkamali ako. Akala ko ay hindi na lalambot ang puso niya, pero siya pa rin talaga ang Sevinna na nakilala ko. Nang marating namin ang bahay ko, nakita ko ang marahas niyang pagbuntong hininga habang napapailing ito.
"Sana tama ang desisyon ko," saad niya habang iiling-iling ito.
Inakbayan ko siya. "Don't worry, I will make it right... aww!"
Napadaing ako nang suntukin niya ang aking tiyan.
"Feeling close 'yan?"
I sneered.
"Hindi naman tayo same room di ba?"
"Yes. But our room is connected to each other. Just in case they suddenly visit, they won't think of anything."
"Okay," simpleng sagot niya. "OA talaga ng buhay mo. Papasok-pasok ka sa politiko tapos hindi mo naman kayang panindigan, idinamay mo pa ako."
Hindi ko naiwasang matawa dahil sa sinabi niya.
"So ibig sabihin, dalawa lang tayo rito di ba?"
"Not really."
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Akala ko ba?"
"Of course, I do have my security, but they are just roaming around at night or if it's necessary. I have cooks but they are just here every morning, afternoon, or midnight... when it's time to cook. They are mostly staying at their quarters."
Tumango-tango ito.
"So literally speaking, sa loob ng bahay na ito ay mag-isa ka lang talaga?"
"Yes."
"Bakit? Ayaw mo ba ng mga kasama?"
"Not really. I just want some privacy."
"Privacy pala ang kailangan mo, bakit gusto mo akong makasama rito."
Pinanliitan niya ako ng mga mata.
"You're different."
---