KABANATA 9: What's wrong?

1504 Words
Sevinna "What happened? Who did this to her? Didn't I tell you that you should guard her properly?" Panay ang paghingi ng tawad ng kaniyang security na mukhang hindi niya naman pinapakinggan. Nandito kami ngayon sa office ni Mayor. Nagpatawag pa siya kanina ng Doctor upang linisan at gamutin ang sugat ko. Akala mo naman sobrang lala ng nangyari sa akin eh galos lang naman ito. At saka mamaya baka hindi naman sinasadya ang pagkalmot sa akin. "Ay si Oa. Okay nga lang ako. At saka malayo ito sa bituka... aray!" Dumaing ako nang pindutin niya ang braso ko. "Siraulo ka ba?" "See? It's painful. Damn it!" Hindi ko maiwasang mapailing dahil sa inaasta niya. Mas apektado pa siya kesa sa akin. "Wala ka naman ng ibang galos?" Inumpisahan niyang i-check ang katawan ko. "Wala na..." Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang hawakan niya ang aking pisngi. "Are you sure?" tanong niya na tila ba nag-aalala talaga ito. Tinanggal ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. "Oo nga," saad ko saka ako umiwas ng tingin sa kaniya. Bigla akong pinagpawisan shoota! Kasi naman kung makatingin siya at kung makapag-alala siya akala mo napakahalaga ako sa kaniya. Teka! Bakit parang mali naman ata itong nararamdaman ko? Hindi ito tama. "Sevi." Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Sorry this happened because of me." Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay dahil sa sinabi niya. "Alam mo ang OA mo. Makapag sorry ka riyan akala mo huling araw ko na sa mundo." Arte ng isang ito. Hindi ko akalain na may ganitong side siya. Akala ko puro kagaguhan lang ang alam niya. "I just feel sorry." Tinapik ko ang balikat niya. "Arte mo bro. Labas na tayo, nakakahiya naman kay Mayor. Inangkin mo na ang office niya." Akmang tatalikuran ko siya nang hawakan niya ang kamay ko, pagkakwa'y sinenyasan niya si Jun na agad namang umalis. "O bakit?" takhang tanong ko. Pero sa halip na sagutin niya ako ay bahagya niya akong hinapit palapit sa kaniya na siyang mas lalong kinakunot ng noo ko. "Bakit?" Huminga siya ng malalim. "I'm just checking something." "Kailanman mo ng red ballpen?" pabirong tanong ko, mahina itong tumawa. "Silly," pagkakwa'y saad niya. Ngunit literal na humiwalay ang kaluluwa ko sa sumunod niyang ginawa. "Pambawi ko," pagkakwa'y saad niya. "Gago," bulalas ko saka ko siya marahas na itinulak palayo sa akin. "Siraulo ka ba? Paano kung may makakita?" Kaya pala pinalabas niya yung security kasi may balak siyang gawin. "I can't stop myself. Your lips are very tempting." Nag make face na lang ako. "Magkano bayad kapag halik?" pagkakwa'y tanong niya. "Sapak," iritableng sagot ko. "Sapak ulit sa labi? Isa pa nga..." Tinampal ko ang labi niya. "Siraulo." "First kiss mo ako?" Masamang tingin anv ibinaling ko sa kaniya? "O nagka boyfriend ka na noon?" "Ano ako ikaw? Huwag mo nga akong itulad sa iyo." "So ako ang first kiss mo?" "Ano ka gold?" "So hindi." "Malamang." "Sino?" "Timothy p'wede ba, huwag mo akong bwisitin." "Nagtatanong lang." "Edi huwag kang magtanong." Tumawa ito na akala mo nag j-joke ako. "Bahala ka na nga riyan..." Muli niya akong hinapit palapit sa kaniya kaya hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko. "Dito muna tayo. Sobrang daming tao ro'n." "Mahiya ka kay Mayor," saad ko saka ako naunang lumabas sa kaniya, syempre wala siyang choice kung hindi sumunod sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Agad namang sumabay sa amin sa paglalakad ang mga security niya na mukhang kanina pa naghihintay, nang makita kami ni Mayor ay lumapit agad ito sa akin. "Gob, I'm apologizing for what happened. Miss Sevinna, pasensiya sa nangyari." "Naku, Mayor wala po iyon. Panigurado naman akong naexcite lang ang mga tao. Baby, iwan ko muna kayo ni Mayor," saad ko dahil panigurado namang may pag-uusapan silang dalawa. Kita ko po ang gulat at saglit niyang pagtigil nang tawagin ko siyang baby. "Jun, guard her. Laters Baby." I eyed him when he literally kiss me on the lips right in front of the mayor. Hindi na lang ako nag talk dahil baka makatunog si Mayor. "Opo Gob." Hindi ko na siya muling binalingan pa ng tingin, diretso lang ang lakad ko. Instant celebrity talaga ang drama ko. Nang marating namin ang sasakyan ay nakahinga na ako ng maluwag. Nilabas ko ang aking selpon at tinawagan si Pol na forever busy ata dahil hindi niya sinagot ang tawag ko. Kailangan ko ng kausap eh. "Ay putik!" gulat na singhal ko nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Timothy. "Tapos niyo na? Ang bilis naman," saad ko. Umupo siya sa tabi ko. "We just had a quick talk, but we'll be having an official and private conversation some other time regarding of the project he wants to propose." Kumunot ang aking noo. "P'wede namang ngayon na." He stares at for a couple of second before he talk. "May pupuntahan tayo." Mas lalong kumunot ang aking noo. "Saan naman?" --- Timothy Hindi ko maiwasang mairita sa tuwing nakikita ko ang galos sa kaniyang braso, kung p'wede lang gawin ito sa gumawa sa kaniya ay gagawin ko. "O para ka ng papatay diyan," puna niya sa akin. "Kumain ka na lang." Naglagay siya ng pagkain sa aking plato. Huminga ako ng malalim. We are here at a private restaurant where we can eat and talk things we want. Ayoko siyang dalhin sa mataong lugar dahil baka may mangyari na naman. "Sevi." Shit! Honestly, every time I call her name I can't stop myself to feel something. "Bakit hindi mo tinanggap ang item mo noon?" Nagsalubong ang kaniyang kilay. "I mean you know that..." "Unfair naman iyon sa mga matagal ng nakiki-assess," putol niya sa sasabihin ko. "At saka kung para sa akin talaga ang isang bagay, para sa akin." I sneered. "Do you still believe on that?" She rolled her eyes. "Of course, ayoko namang makapasok dahil may kapit ako 'no. At saka ayoko ngang magkautang na loob sa iyo." "You got mad at me back then," I said while staring straight to her eyes. "I'm just doing you a favor before, and you ruthlessly rejected it. You want to be fair for others? Sa tingin mo naging fair ba ang iba?" "Kung hindi sila fair, wala akong pakealam, basta ako? Gusto kong makapasok dahil sa potensiyal ko hindi dahil nirequest lang ng ibang tao." She's really high of herself. I offered her a position in public school before when she passed and top her exams, but instead taking that position and be thankful for what I did, she get mad at me in return. Iyon ata ang huling pagkakataon naming nagkita at nag-usap. "I'm just helping you." Umiling ito saka nagpatuloy sa pagkain. "I have a question," I said but she remained focus on eating. "Hindi ako tumatanggap ng tanong ngayon." Hindi ko naiwasang matawa. "Nakausap mo ba ang pamilya ko noon?" Agad na kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko. "Siraulo ka ba?" "Nagtatanong lang ako." "Bakit ko naman kakausapin ang pamilya mo? At ano naman kaya ang sasabihin ko sa kanila kung sakali di ba? Hindi naman kami close." Huminga ako ng malalim saka ko isinandal ang aking likod sa aking kinauupuan at nag cross arms. "Alam mo, kung merong hindi nagbago sa iyo, that's your temper. How could your temper became so worse like this?" Masamang tingin ang ibinaling niya sa akin ngunit pinagtaasan ko siya ng kilay. She was about to say something, but chose not to. She continued eating. Hanggang sa makauwi kami sa bahay ko ay tahimik lang kami. Gusto ko sana siyang kausapin kaya lang tila ba may itim na awra ang nakapalibot sa kaniya. "May schedule bukas?" Finally! Tila nakahinga ako ng maluwag nang magsalita ito. "Yes, schedule of us dating... of course that's a joke." Binawi ko agad ang sinabi ko dahil nagbabanta na naman ang tingin niya. She's really something. She knows how to lose my cool. "Nagtatanong ako ng maayos, Timothy." "I'm just joking. Ikaw naman hindi mabiro. Bakit, may pupuntahan ka ba bukas?" "Sana, nag aaya kasi si Pol." Bahagyang nagtaas ang kilay ko. "Huwag mong sabihing bawal akong lumabas nang hindi kita kasama," pagkakwa'y saad niya na tila hindi na ito natutuwa. Huminga ako ng malalim. "We will be attending an event tomorrow, but it's at night." "Oh naman pala. Edi makakalabas pa ako kasama si Pol." "Okay. I will ask Jun to accompany you." Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya kaya naman muli akong nagsalita. "I just want to make you safe. Ayoko ng maulit ito." Hinawakan ko ang braso niya. "Malayo ito sa bituka. Huwag kang oa." Binawi niya mula sa akin ang kaniyang braso. Huminga ako ng malalim. "Still, you were hurt," saad ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata. I don't know what's happening to me... all I want to do right now is to protect her. Maybe because I know her life would be in danger because of me? Oh come on! What's wrong with me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD