17

1261 Words
Chapter 17 3rd Person's POV Walang kaalam-alam si Jackson kung anong klaseng mga babae ang asawa niya. Kung anong klaseng mga pagkatao ang tinatago nito sa likod ng mala-anghel ng mga itong mukha. Unang araw ni Jackson sa klase. Maagang nagsing ang lalaki para mag-prepare sa pagpasok at magluto ng breakfast. Pagkalapag niya ng mga pagkain sa lamesa nakita niya ng papasok ng kusina ang mga asawa. Hinubad ng lalaki ang apron na suot niya— napako ang tingin ng tatlo sa katawan ni Jackson. "Girls, kaliligo ko lang." Natatawa na sambit ni Jackson at hinalikan sa noo ang tatlong babae. Umapila si Dahlia. "Wait! Bakit sa forehead lang?" gusot ang mukha na sambit ni Dahlia. Umapila din si Paige— si Paris lang ang hindi nagreklamo ngunit masama ang tingin nito sa kaniya. "May mga make up na kayo at may lipstick kayo," sagot ni Jackson. Sinabi pa nitong masama ang lasa ng lipstick. Napairap si Paris at sinabing maarte si Jackson. Kumuha ng tissue si Paris sa table at tinanggal ang lipstick niya. Pinigilan ni Jackson matawa dahil talagang tinanggal ng mga ito ang lipstick nila para mahalikan sila ng binata. Kinabig ni Paige ang likod ng ulo ni Jackson at hinalikan ito sa labi na agad naman sinagot ni Jackson. Nang maghiwalay ang labi nila tumawa si Jackson. "Nagbibiro lang ako kanina. I don't mind kung may lipstick kayo ang akin lang— naka-lipstick na kayo hindi pa kayo kumakain," ani ni Jackson. Hinalikan niya din si Dahlia na nakasimangot. Sa araw kasing iyon sabay-sabay na silang aalis kaya naman lahat maagang nag-prepare. Kaso iyon nga nakabihis na sina Paris nakalimutan nilang kakain pa sila. Kinabig ni Jackson ang bewang ni Paris at hinalikam din ito sa labi. Pinulupot ni Paris ang mga braso sa leeg ni Jackson. "Pagkatapos ng klase tawagan mo ako kapag pupunta ka na sa studio ni Dahlia," ani ni Paris matapos maghiwalay ang labi nila. Ngumiti si Jackson at sinabing oo. Bumitaw na si Paris at pinaghila siya ni Jackson ng upuan. Umupo na din si Jackson at kumuha ng pagkain. Inabutan niya ng ulam si Dahlia. "Husband, sabay tayo pumunta sa faculty room ah. Kuhanin natin I.D natin," ani ni Paige. Natawa si Jackson at sinabing sige. Halata kasing excited na si Paige sa first day of school niya. Malayo sa nararamdaman ni Jackson. Kinakabahan siya dahil halatang mayayaman ang nandoon. "Anong problema?" tanong ni Paris. Napatigil si Jackson at napatingin. Nakapako ang tingin sa kaniya nina Dahlia. "Private school iyon diba? Natatakot ako. Baka i-bully na naman ako. Pakiramdam ko hindi ako nababagay doon," ani ni Jackson. Napataas ng kilay si Dahlia. "Kapag may nam-bully sa iyo suntukin mo," ani ni Dahlia. Napatigil si Jackson at napatingin kay Dahlia. "Kapag may sinabi sa iyo na hindi maganda ang mga estudyante na nandoon suntukin mo after 'non ako an bahala," ani ni Paris at naghiwa ng meat. "Huwag ka matakot. Hindi ka maki-kick out doon. Isa si ate sa investor," ani ni Paige. Ngumiti si Paige at mahinang bumulong. "Kapag may nangkamali na saktan ka. Babaliin ko lahat ng buto nila sa katawan," ani ni Paige. Napangiti si Jackson at nagpasalamat na halatang hindi narinig ang sinabi ni Paige. Si Paris ang naghatid kina Jackson at Paige sa university. Unang bumaba si Paige sumunod si Jackson na hawak na ngayon ang bag niya. Naagaw nila agad ang pansin ng mga estudyante na papasok din sa university. Kilala si Paige sa university na iyon at talaga wala sa lalaking sa university na iyon ang hindi pinagpapantasyahan ang babae. Bumaba si Paris sa driver seat. Kahit iyong mga lalaking kasama ang mga girlfriend nila at hindi naalis ang tingin kay Paris. Tiningnan ni Jackson ang loob ng bag niya. Chineck kung may naiwan siya sa unit. Tinanggal ni Paris ang suot na sun glasses at lumapit kay Jackson na sinasara ngayon ang bag niya. "Ito ang card mo. Nandiyan na din ang allowance mo for this month," ani ni Paris at inabot kay Jackson ang isang black card. Gusto ni Jackson na tanggihan iyon ngunit siguradong hindi magugustuhan iyon ni Paris. Ayaw ng magkakapatid na Rivas na tinatanggihan sila ni Jackson. Kinuha iyon ni Jackson at ngumiti. Nagpasalamat sa card— hinalikan niya si Paris sa labi. Mabilis lang iyon. "Pasok na kami," paalam ni Jackson. Ngumisi si Paris at umikot na para sumakay sa sasakyan niya. Pinulupot ni Paige ang braso kay Jackson at sinabing pumasok na sila. Tiningnan ni Jackson si Paige. "Ako na magdadala ng bag at books mo," ani ni Jackson at kinuha ang bag ni Paige. Humagikhik si Paige at nagpasalamat. Umatras ang sasakyan at umikot. Tumigil muli ang sasakyan ni Paris sa harapan nina Jackson. Binaba ni Paris ang bintana. "Text mo ako pagtapos ng klase mo," bilin ni Paris. Tumawa si Jackson at sinabing sige. Kumaway si Paige sa ate niya bago hinila si Jackson paalis ng parking lot matapos makalabas ng gate ang sasakyan ni Paris. Kinuha ni Jackson ang books ni Paige. Hinawakan ni Jackson ang kamay ni Paige at nilampasan ang mga estudyante na may hindi makapaniwalang expression. Sinong hindi magugulat kung may kahalikan siyang babae tapos ka-holding hands niya ngayon ang kapatid ng kahalikan niya kanina. Tinatawag pa siya ng dalaga na husband. Sabay nina Jackson tinungo ang faculty para kuhanin ang I.D nila ni Paige. Marami din naghihintay doon. May nakita si Jackson na bench tumungo sila doon. May dalawang babae na nakaupo at may space pa. Pinaupo ni Jackson si Paige. Napatingin ang dalawang babae. Hindi ang mga ito nakapagsalita matapos makita sa tabi nila ang tinaguriang school goddess ng university mula highschool. "Masakit ba paa mo?" tanong ni Jackson matapos hindi mapakali si Paige. Hindi nito maabot ang ankle niya dahil siguradong aangat ang skirt niya. "Wait," ani ni Jackson. Napatingin si Paige— binaba ni Jackson ang mga gamit nila sa sahig at hinubad ang coat niya. Pinatanong niya iyon sa hita ni Paige para takpan ang hita ng dalaga. Lumuhod ang lalaki at hinawakan ang ankle ng babae. Tinanggal ang heels ng asawa. Namumula iyon. Tiningnan ni Jackson si Paige. "May iba ka pa bang sapatos?" tanong ni Jackson. Tumango si Paige. "Meron akong reserba sa locker," ani ni Paige. Sapatos niya pa iyon last year. Bago lang ang heels na suot niya. Naiinis siya tuloy. "Kuhanin muna natin iyon." Hinubad ni Jackson ang suot niya na sapatos at sinuot iyon sa paa ni Paige. "Wait, wala kang sapatos. Maglalakad ka ng nakamedyas?" natatawa na sambit ni Paige. Biglang nawala pagkabadtrip niya doon. "Susuutin ko heels mo," banat ni Jackson na natatawa. Kinuha ni Jackson ang mga gamit niya at sinuot ang heels ni Paige. Dahil lalaki siya at malaki paa niya— wala sa kalahati ang naipasok niya heels. Tawa ng tawa si Paige habang hinila ni Jackson ang heels. Natawa na din si Jackson. Paige found it sweet lalo na ng dalawang girls na nakaupo lang tabi ni Paige kanina. Sinundan nila ng tingin si Jackson na pinagtatawanan ng ilang boys na nasa hallway din na iyon. Kumuha pa 'non ng litrato si Paige at sinend sa mga kapatid niya. Sumuko din kalaunan si Jackson at kinuha na lang ang heels ni Paige. Naglakad itong naka-medyas. May nakasalubong silang teacher na agad sinita si Jackson. "Nasaan ang sapatos mo at naka-medyas ka lang?" tanong ng teacher. Napakamot sa ulo si Jackson. "Sorry ma'am. Pinahiram ko sa asawa ko," sagot ni Jackson at tinuro si Paige. Napataas ng kilay ang teacher. Nagtawanan ang mga estudyante na nandoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD