18

1141 Words
Chapter 18 3rd Person's POV "Ang mga kabataan nga naman. Oh siya sige na. Umalis na kayo— male-late kayo sa klase," ani ng teacher at nilampasan sila. 'Gosh, pinatulan iyan ni Paige?' 'Baka mayaman girl.' Nailing na lang si Jackson sa kani-kanilang komento ng mga estudyante na nandoon. "Binigyan ka ni ate ng credit card. Anong gusto mo naman regalo galing sa akin?" tanong ni Paige. Medyo nagulat doon si Jackson. Napatakip ng bibig ang ilang estudyante matapos marinig iyon. Natawa na lang si Jackson sa trip ni Paige. Hindi mayaman Jackson kung hindi sina Paige. Sila ang nagi-spoil sa lalaki. "Treat mo ako mamaya sa cafeteria. Credit card binigay sa akin ng kapatid mo hindi pocket money," banat ni Jackson. Niyakap ni Paige ang braso ni Jackson at sinabing sige. Halos malaglag ang panga ng mga nakarinig doon. — Napakamot sa ulo si Jackson habang nakatingin sa professor nila na ang tinuturo ay math. Basic pa daw iyon sabi ng professor. Gusto na ni Jackson magsisi dahil Business management ang kinuha niya. Hanggang sa tawagin si Jackson ng professor. Napamura si Jackson sa isipan dahil doon. Alanganin na tumayo si Jackson at tinanong ang sagot sa blackboard. Pinagawa sila kanina ng solution at dahil nga wala siyang naintindihan kahit pa napag-aralan niya iyon ng senior high. Wala siyang naisagot. "6.1" Bulong ng lalaking nasa likuran ng upuan niya. Iyon ang sinagot ni Jackson at pinaupo na siya ng professor after 'non. Lumingon siya. Napatigil si Jackson matapos may may makita siyang grupuhan ng lalaki sa likuran ng iniuupuan niya. Tumawa ang binata. "Transferee ka diba? By the way— I'm Bryan," pakilala ng lalaki. Nagpakilala si Jackson at nagpasalamat na din. "Nahirapan ako sa math," ani ni Jackson. Pagkatapos ng first subject tinanong siya nina Bryan kung saan itong galing na school at anong trabaho ng parents niya. Sinabi ni Jackson ang totoo— galing siya sa public school, hiwalay ang parents niya at ansa hospital ang nanay niya. "Nakikitira ka sa girlfriend mo? Which is kina Paige?" tanong ni Bryan na may hindi makapaniwalang expression. Dumating na ang professor nila sa second subject. Puro intro lang naman since first day iyon at iyong professor lang naman nila sa math ang walang konsiderasyon. First subject nila, first meeting nagkaroon agad ng quiz. Sa pangatlong subject nila before ang lunch. Lilipat na sila ng room. Nagkataon na pare-pareho ng schedule sa isang subject si Jackson at iyong apat na nasa likurang upuan ni Jackson. Niyaya ng apat si Jackson na sumabay sa kanila. Maraming mga babae ang tumitingin sa direksyon nila ngunit hindi dahil sa kaniya. Dahil iyon sa apat na lalaki na kasama niya. May tiyura ang mga ito at nalaman niyang naging model minsan si Bryan sa isang fashion week magazine. Nakarating sila sa next class nila. Mukhang wala pang professor. "Jack!" Napatigil si Jackson matapos makita si Paige na nakaupo sa pinakataas ng hanay ng upuan. Napapalibutan ito ng ilan pang babae na mukhang mga kabarkada ni Paige. Hinawakan ni Jackson ang strap ng bag niya at naglakad palapit kay Paige kasunod ni Jackson sina Bryan na natulala kay Paige na hindi 'man lang sila tinapunan ng tingin. "Dito ka. Hinanapan na kita ng upuan," ani ni Paige at tinapik ang tabi niya. Binaba ni Jackson ang bag niya at umupo sa tabi ni Paige. "Siya ba iyong Jackson?" tanong ng mukhang kaibigan ni Paige. Ngumiti si Paige at sinabing oo. Niyakap ang braso ni Jackson. Pinakilala ni Paige ang tatlong babae na nakaupo sa table nila kanina. Medyo nahihiya si Jackson at nag-hi lang ito. "Jackson baka gusto mo kami ipakilala sa mga chix mo," ani ni Bryan na may ngisi sa labi. Namula naman ang mga kaibigan ni Paige pero hindi si Paige. Sumandal lang si Paige sa balikat ni Jackson at tumingin sa unahan. "Nagkakamali kayo. Wala akong chix. By the way ito si Paige Rivas— one of my Wi—" Hindi naituloy ni Jackson ang sasabihin. Ngunit naging iba ang meaning 'non kina Bryan. "Wife ba ang sinasabi mo? Mistress si Paige ganoon? Ilan ba ang asawa mo Jack?" pabiro na sambit ni Bryan. Dumating na ang professor nila para sa klase na iyon kaya lahat nagbalikan na sa upuan. "Huwag mo sila kaibiganin," bulong ni Paige. Kinuha ni Jackson ang book niya at sinabing oo. Alam ni Jackson ang pakay sa kaniya ng apat. Gusto ng mga ito mapalapit kay Paige. Pakilala lang ulit iyon at attendance. Pagkatapos ng lunch sinabi ni Jackson na sasabay siya kay Paige ngunit nag-insist ang mga ito sa reason na iisa lang ang cafeteria sa university na iyon. Sama-sama na sila sa iisang table. Pagdating nila sa cafeteria. Mapa-babae o lalaki napapatingin sa direksyon nila. Hindi na sila pinansin ni Jackson at naghanap ng lamesa. "Husband ako na bibili ng pagkain natin," ani ni Paige. Napatingin si Jackson. "Samahan na kita. Iwan ko lang itong mga gamit—" "Ako na babalik din ako agad," ani ni Paige at hinalikan sa labi si Jackson. As in walang pakialam ang babae kung marami sa kanilang makakita. Napa-pokerface si Bryan ngunit agad din nagbago ang expression nito matapos tumingin sa kanila ni Jackson. Biniro niya pa si Jackson kung anong klaseng gayuma ang pinainom nito kay Paige. Nagpaalam ang apat na bibili din ng kakainin nila. Pinabantay nila ai Jackson sa mga gamit nila at table. Tiningnan ni Jackson ang apat na pumuwesto sa likod ni Paige. Sa pila naramdaman ni Paige si Bryan sa likod niya bumulong pa ito. "Hindi ko maintindihan kung bakit si Jackson. Hindi siya matalino at alam mo ba kung hindi ko pa siya tinuruan sa math kanina pagtatawanan siya ng buong klase," ani ni Bryan. Hindi umimik si Paige at hinayaan lang ang apat na siraan si Jackson sa kaniya. Nang siya na ang kukuha ng pagkain at bibili ng inumin nila ni Jackson. May naramdaman siyang humahawak sa hita niya. Narinig niya ang tawanan nina Bryan. Naramdaman din ni Paige ang pagtaas ng kamay ni Bryan patungo sa ilalim ng skirt niyam. Hindi nag-react si Paige. Sinadya ni Paige na ibuka ng kaunti ang hita niya. Pag-atras niya naramdaman niya ang bumubukol sa harapan ni Bryan. Pagkakuha ni Paige ng tray. Humarap si Paige at yumuko si Bryan. Sinabing magkita sila sa restroom. "Mas matutuwa ako kung sa hospital room kita makikita ngayong araw." Napahiyaw si Bryan matapos sipain ni Paige ang bumubukol nitong alaga. Hindi pa nakuntento si Paige at kinuha ang nadampot na baso sa counter. Tinapon ang laman ng baso sa ulo ni Bryan na nakaluhod ngayon hawak ang alaga niya. "Kailangan mong magising sa katotohanan. Wala ka pa sa kalingkingan ni Jackson," ani ni Paige na may ngisi sa labi. Napasinghap ang mga tao sa cafeteria matapos makita iyon. May mga tumawag pa na teacher.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD