02

1185 Words
Chapter 02 Jackson Ortega's POV 7 years old ako 'nong iniwan kami ni papa kasama ang kabit niya. Simula 'non si mama na ang nagtrabaho para makapag-aral ako hanggang highschool. Hanggang sa sumuko ang katawan nito at nalaman ko na may sakit ito sa puso. Kailangan nito ng heart translapant at talagang sobrang laking halaga ang kailangan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng araw na iyon para magkaroon ng pera. Ayoko mawala ang mama ko. Umalis ako ng hospital at doon nakilala ko si Paris. Flashback Wala ako sa sariling umalis ng hospital matapos nga sabihin ng doctor na kailangan ng ma-operahan ang mama ko. Matagal na pala iyon iniinda ni mama at hindi 'man lang niya iyon sinabi sa akin. "Saan ako kukuha ng pera pang-opera kung kahit 1 thousand wala ako," ani ko na naiiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Sinubukan kong puntahan ang lola ko sa side ni papa. Lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa para pautangin ako ng pera ngunit walang nangyari. Pinagtabuyan lang nila ako. Bakit sila ganoon sa mama ko. Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada at may pulang sasakyan na palapit sa direksyon ko. Sa isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko na nasa sahig. Masakit ang katawan at nanlalabo ang paningin. "s**t! Ayos ka lang ba!" sigaw ng babaeng hindi ko kilala. Sobrang ganda nito at muntikan ko na itong mapagkamalang anghel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabing huwag na akong dalhin sa hospital. Bigyan na lang niya ako ng pera. "Gusto ko maipagamot ang mama ko," naiiyak na sambit ko. Pilit akong bumabangon. Hinawakan ko ang ulo konat doon nakakita ako ng maraming dugo. "Bakit ba ang malas ko ngayon," nanghihina na sambit ko hanggang sa tuluyan na ngang umikot ang paningin ko. Wala na akong alam sa mga sumunod na nangyari. Hanggang sa nagising ako sa isang hospital. Noong una nanlalabo ang paningin ko ngunit nang luminaw iyon. Bumungad sa akin ang puting kisame. Napabalikwas ako at napahawak ako sa ulo ko. Nakita kong may mga naka-kabit sa akin na apparatus. Hihilahin ko iyon nang may pumigil sa kamay ko. Napatingin ako iyon 'yong babae na nakabangga sa akin. "Wala akong pambayad sa hospital bills. Ilabas mo na ako dit—" "Sinong may sabing ikaw magbabayad ng hospital bills? Ako ang magbabayad," ani ng babae. Sopistikada ito at mukhang mayaman. Masyado na akong desperaso at kinapalan ko na ang mukha ko. Sinabi kong kakalimutan ko na ang nangyari— ilabas na ako agad sa hospital para hindi na lumaki ang bills. Bigyan ako ng pera kahit magkano. Tiningnan niya ako na parang nababaliw na. Yumuko ako matapos makita kung anong klaseng tingin ang pinukol niya sa akin. "Para saan ang pera at masyado ka yatang desperado. Alam mo bang muntikan ka ng mamatay kanina? Then nagawa mo pang sabihin sa akin na huwag ka ng dalhin sa hospital at bigyan na lang kita ng pera." Niyukom ko ang kamao ko. Hindi ko alam kung sino siya pero nasabi ko sa kaniya ang kondisyon ng mama ko. "Kung bibigyan kita ng doble sa kailangan mong pera— gagawin mo ba lahat ng gusto kong mangyari?" tanong ng babae. Napaangat ako ng tingin at sinalubong ang tingin niya. "Kahit ano— kahit habang buhay ako magtrabaho sa iyo. Kahit buhay ko ibibigay ko— iligtas mo lang ang buhay ng mama ko." End of the flashback Ngayon naalala ko iyon. Imbis pagsisisi hiya ang nararamdaman ko. Ganoon siguro talaga kapag desperado ka na. Hinawakan ko ang kamay ni mama na ngayon ay nakahiga sa malaking kama. Malawak ang kwarto na iyon hindi katulad ng kwarto kung saan dating naka-confine si mama. Hindi din umaalis nag doctor doon at nurse. Tinupad ni Paris ang pangako niya. Naiiyak akong hinalikan ang likod ng palad ni mama. "Mama, magpagaling ka okay? Hindi ka pa pwede mawala. Kailangan mo umattend ng graduation ko. Diba iyon ang gusto mo makatapos ako? Ma, magpagaling ka please," ani ko at nagdasal na sana tuloy-tuloy na ang recovery ng mama ko. Dahil kapag nawala ang mama ko hindi ko na alam kung para saan pa lahat ng sinakripisyo ko. "Natatakot ako mag-isa mama." 3rd Person's POV Tiningnan ni Dahlia at Paige si Jackson matapos sabihin iyon. Kitang-kita nina Dahlia ang pagmamahal at pagpapahalaga ni Jackson sa mama niya katulad nga ng sinabi sa kanila ni Paris. Maya-maya tumayo na si Jackson. Matapos halikan sa noo ang ina lumapit ito kina Dahlia. Sinabing umuwi na sila. "Kung gusto mo pa manatili dito ayos lang. Hintayin ka lang namin dito," ani ni Dahlia. Ngumiti si Jackson at umiling. "Kahit naman nandito ako hindi ko pa din makakausap ang mama ko. Maaga pa tara punta tayo sa malapit na park marami akong alam na street foods treat ko," may ngiti na sambit ni Jackson. Tumawa si Dahlia at sinabing sa ate din nila nanggaling iyon. "Minsan naman huwag kayong kj. Nakakatapak kayo ng pride," biro ni Jackson. Tumawa lang sina Dahlia at niyakap ang braso niya. Maraming tao ang napapatingin sa kanila habang palabas ng hospital. Sino ba naman hindi— may dalawang chix siya na kasama at nakahawak ang dalawang ito sa magkabilang braso niya. "Malapit lang pala ang company dito ni ate," ani ni Paige. Napatingin si Jackson sa tinitingnan ni Paige. Nanlaki ang mata ni Jackson matapos makita ang R.V company. "Wait— iyang R.V company?" tanong ni Jackson. Huminto sila sa paglalakad at tumingin sa napakataas na buildong. Ngayon naalala na ni Jackson kung saan niya nakita si Paris. Nakita niya ang picture nito sa billboard dahil ito ang pinaka-una at pinakabatang naging business tycoon sa edad na 23. "Pwede tayo pumunta diyan?" tanong ni Jackson. Napatingin sina Dahlia. "Kami bawal bilin iyon ni ate pero kung kasama kasi—siguro pwede. Wait tanungin natin." Kinuha ni Dahlia ang phone niya at nag-video call. Sa inis ni Dahlia nakalimang missed call na siya. Binato niya iyon sa sahig at tinapakan. Napatingin ang mga tao. "Teka calm down," ani ni Jackson at hinawakan ang braso ng babae. "Ako na tatawag try natin," ani ni Jackson. Sana hindi siya mapagalitan kung tatawag siya kahit hindi importante. Binilhan siya ni Paris ng phone kung sakali nga may kailangan siya. Mahal iyon kaya ingat na ingat dito si Jackson isama pa na galing iyon kay Paris. Wala siyang balak ipahawak iyon kay Dahlia. Bigla siyang naghinayang sa phone ni Dahlia. Pagka-apat na ring. Agad na sumagot si Paris. "What?" Video call iyon sumilip sina Dahlia. Pinagmumura nito si Paris dahil nga noong tumatawag siya hindi nito sinasagot. "Pwede ba kami pumunta diyan? Galing kami dito sa hospital," ani ni Jackson. Hindi nag-react si Paris at sinabing okay. "Uy! Pwede daw tayo pumunta. Bili muna tayo ng pagkain!" Nagpaalam na si Paris dahil nasa conference meeting pala ito noong tumawag siya. Pagkapatay ng tawag hinila ni Jackson sina Dahlia. Holding hands sila at sinigurado ni Jackson na pareho niyang hawak ang kamay ng dalawang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD