Kabanata 11

1078 Words
Boris’ POV Wala na. Wala na akong magawa kundi ang sumuko na lang. Sa isang iglap, nawala ang lahat—ang tattoo shop, ang mga gamit, ang pangarap na pinundar ko nang ilang taon. Para akong nilamon ng apoy. At habang pinapanood kong nagliliyab ang lahat, pakiramdam ko ay ako mismo ang nasusunog. Hindi na ako makakabangon pa rito. Napagtanto ko na kung magtatayo ako ulit ng shop, aabutin ng ilang taon bago ako makabili ng mga bagong kagamitan. Wala na rin akong ipon. Ubos na. Kaya heto ako ngayon, nag-iisip ng ibang paraan para maituloy ang buhay. Alam kong wala nang patutunguhan ang pangarap kong muling magbukas ng tattoo shop sa puntong ito. Kaya nagdesisyon akong maghanap ng trabaho. Ayoko rin namang manghingi nang manghingi ng tulong kay Grigori. Nakakahiya rin, masaya na sa buhay ang kaibigan kong ‘yon kaya deserve niyang magpakaligaya na at huwag nang makasagap pa ng masamang balita sa akin. Baka ma-stress lang siya. Sa Garay City. Maraming tao, maraming oportunidad, sabi nila. Pero ang totoo, puro paghahanap at pagkabigo ang naranasan ko. Hindi sapat na magaling akong tattoo artist, hindi sapat ang talento ko. Kailangan ng mga kumpanya dito ng diploma, ng mga papeles na wala ako. Hindi ko na nga natapos ang kolehiyo, anong laban ko? Paulit-ulit ang rejection. Ang hirap tanggapin na wala akong lugar sa mundong ‘to. Parang lahat ng pinto’y nakasara para sa akin. Nakakapagod. Pero kailangan ko magpatuloy. Walang ibang paraan. Isang hapon, habang naglalakad ako sa tabi ng isang eskinita sa Garay City, pauwi na ako nun galing sa pag-a-apply na wala namang napala, nang marinig ko ang sigaw ng isang babae. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako nagdalawang-isip na tuminag at tignan kung ano ‘yon. Sinundan ko ang tunog at nakita kong may dalawang lalaking hinahabol ang isang babae. Kitang-kita sa mukha ng babae ang takot. Mabilis akong kumilos. Lumabas ang basagulerong nakatago sa loob ko. Mula sa pagkabata, sanay na ako sa mga suntukan, mga rambol. Kinalimutan ko lang iyon nang magsimula akong magta-tattoo artist. Pero ngayon, parang bumalik lahat ng galit at lakas na iyon. Isang suntok. Dalawa. Wala pang limang minuto, bagsak na ang mga holdaper. Tumakbo ako papunta sa babae. “Okay ka lang?” tanong ko habang hinahabol ang hininga. Nakasandal siya sa pader, nanginginig, pero halata sa mga mata niya ang pasasalamat. “Salamat... salamat…” bulong niya at doon ko lang napansin ang mukha niya. Si Tanya. Oo, si Tanya—yung babaeng nangakong magiging client ko, na hindi ako sumipot. Yung dahilan kung bakit walang kita ang shop ko nang isang linggo. Ang babaeng iyon, ngayon, nasa harapan ko at ako ang nagligtas sa kaniya. “K-kuya Boris?” Napatingin siya sa akin habang nagtataka. “Ikaw ba ‘yan?” Ngumiti ako kahit pa parang gusto ko siyang pagalitan sa ginawa niya noon. “Oo, ako nga. Buti naman at naalala mo.” Ngumiti rin siya pero halatang gulat pa rin. “Grabe, ang laki ng pinagbago mo. Ibang-iba ka na ngayon.” Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. “Mukha ba?” “Oo,” sagot niya sabay titig sa katawan ko. “Lumaki ang katawan mo, ah. Ang guwapo mo na ngayon. Hindi kita nakilala agad.” Parang nag-iba ang ihip ng hangin. Nasaan na ang pagiging maarte at pagiging maldita niya? Parang hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. “Huwag mo akong bolahin.” Ngumiti siya pero seryoso ang sumunod niyang sinabi. “Hindi ako nagbibiro, Boris. Ang galing mo kanina. Salamat talaga.” Nawala na rin bigla ang pagkuya niya sa akin. Boris na lang ang tinawag sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pero bago pa ako makasagot, siya na mismo ang nagpatuloy. “May ipapakiusap sana ako sa ‘yo,” sabi niya. “Bilang bayad sa ginawa mo kanina.” Nagtaka ako. “Ano ‘yun?” Naku, mukhang scam-in na naman ako nito. Hindi na dapat ako magpadala sa mga mabubulaklak niyang salita. “Magiging personal bodyguard kita.” Napatigil ako sa sinabi niya. “Personal bodyguard?” “Oo. Kailangan ko ng taong katulad mo. Sobrang dami ng nangyayaring masama sa mga panahon ngayon, lalo na sa mga babaeng katulad ko. At nakita ko naman na kaya mo akong protektahan. Ano sa tingin mo? Ayaw mo ba? Alam mo kasi, ilang beses na akong napapahamak dahil sa pagiging anak-mayaman.” Doon ko na nalaman ang dahilan kung bakit hindi niya ako sinipot. Kinuwento niya ang nangyari sa kaniya kaya parang natakot na siyang maglalabas ng walang kasamang bodyguard. Yung driver niya na nag-iisang personal bodyguard niya na si Kuya Jon ay namatay daw dahil sa mga kidnapper. Nasaksak ito ng mga masasamang tao. Ito namang nangyari sa kaniya ngayon ay dahil sa kapabayaan niya. Tumakas siya sa bahay nila para magpunta ng birthday party. Hindi niya alam na sinusundan na pala siya ng mga holdapper. Late na nung makita niyang sinusundan siya ng mga ‘to. Nung bumaba siya sa sasakyan niya, doon na siya hinabol ng mga ito hanggang sa mapadpad dito. Mabuti na lang at nakita ko siya. “Nakahanda na noon ang two hundred thousand pesos ko na ibabayad sa ‘yo. Totoong magpapa-tattoo ako. Sadyang binalot lang ako ng takot nung mga panahong ‘yon kaya hindi na ako tumuloy. Sorry kung hindi rin ako nagsabi. Sorry, patawarin mo na sana ako. Pero, Boris, ano, gusto mo bang maging personal bodyguard ko? Promise, malaki ang magiging sahod mo sa akin,” alok pa rin niya kaya napangiti ako. Kanina lang ay naiiyak na ako kasi wala na talagang pag-asa para makahanap ako ng trabaho. Panay ang dasal at bulong ko kay Lord kanina na sana ay magkaroon na ako ng trabaho. At mukhang ito na ang sinagot ni Lord sa akin. Nag-isip ako sandali. Hindi ko inaasahan ang alok na ito. Pero sa totoo lang, ano pa bang magagawa ko? Kailangan ko ng trabaho at kung ito lang ang paraan para makaahon ako, bakit hindi ko tatanggapin? Tumango ako. “Sige, tatanggapin ko na.” Ngumiti si Tanya na tila ba natuwa sa sagot ko. “Mabuti. Sisimulan natin bukas. Ako na ang bahala sa lahat. Sigurado akong magiging maganda ang pagsasama natin.” Habang naglalakad kami palayo sa eskinita, hindi ko maiwasang mag-isip. Sino ba ang mag-aakalang sa dami ng pagkabigo ko, dito ako makakahanap ng bagong simula? Kay miss maldita pa nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD