Kabanata 10

1100 Words
Boris’ POV  Pagkalipas ng isang buwan ng seryosong pag-aalaga sa sarili—araw-araw sa gym, maingat na pagpapahid ng mga skin care products, at pagtiyak na maayos ang bawat pagkain na kinakain ko—nararamdaman ko na bumabalik na ako sa dati kong itsura. Hindi ko maikakaila na mas confident na ako ngayon, pati na rin sa sarili kong tingin sa salamin. Ang dating matamlay kong itsura ay napalitan na ng mas maaliwalas na istura. Ang pawis sa bawat pag-angat ko ng mga barbell sa gym ay tila nagbibigay ng dagdag na enerhiya sa katawan ko, habang ang bawat patak ng serum at moisturizer ay may kasama ring pag-asa na bumalik ang dati kong makinis na balat. Mas lumaki pa nga ang katawan ko kaysa sa dating naging katawan ko nung bata-bata pa ako. At nakakatuwa kasi hindi na ako mahihiyang mag-topless sa labas kapag gusto kong magwalis o maglinis ng kanal kapag pawisan ako. Wala na ‘yung bilbil, wala na rin ang mga lintek na tagyawat sa mukha ko. Isang umaga, habang naglalakad ako papunta sa maliit na tindahan sa kanto para bumili ng pandesal, napansin ko si Tita Tarsy. Nasa bakuran siya, nagpapakain ng mga alaga niyang pusa, at kagaya ng dati, ngingiti ito kapag nakikita ko. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil noong mga araw na parang ang bigat ng lahat, siya ang nagbibigay ng mga simpleng payo at ngiti na tila ba isang yakap mula sa nanay kong matagal ko nang hindi nakikita. Binigyan ko siya ng pandesal. Tinaggap naman niya habang tuwang-tuwa. “Boris, anak!” tawag niya habang tinitignan ako nang seryoso. “Tita Tarsy, magandang umaga!” Ngumiti ako at sumandal sa mababang bakod ng bahay nila. “Kamusta po?” “Eto, ayos naman. Eh ikaw? Aba, grabe, anak, nag-glow up ka talaga!” Halatang-halata ang ngiti ni Tita Tarsy, hindi siya nagpapigil sa pagtingin mula ulo hanggang paa. “Ano, may sikreto ka ba? Bigla kang gumuwapo ng sobra ah.” Napangiti ako kahit papaano ay masarap ding marinig mula sa ibang tao ang effort na ibinuhos ko sa sarili ko. “Tita, walang sikreto. Disiplina lang siguro. Eh kayo po, anong balita?” “Aba eh, ang balita eh, ikaw ang balita ngayon sa street natin! ‘Yung mga bagong tira sa may apartment malapit dito ay inaabangan kapag umuuwi. Guwapong-guwapo sila sa ‘yo. Ang laki-laki raw ng katawan mo. Kung minsan pa ay sumisilip pa sila sa bahay mo kung nakauwi ka na ba raw. Para kang artista sa kanila ngayon.” “Nako, Tita, baka naman masyado n’yo akong binobola. Pero salamat po at nakakatuwang pakinggan na napapansin na ulit ako ng mga tao.” Tumawa ako, kahit paunti-unti ay naiilang ako sa papuri. Ngayon na lang ulit ako nakaranasa ng ganito kaya talagang masaya ang puso ko. Tinitigan ako ni Tita Tarsy, tila ba may gustong itanong pero nag-aalangan. “Eh, paano naman ‘yung tattoo shop mo? Ang tagal mo na ring hindi nagkukwento tungkol dun. Maayos pa ba ang negosyo mo, hijo?” Medyo kumunot ang noo ko at bigla kong naalala na halos isang linggo na rin akong hindi napupunta sa shop. Hindi ko masyadong inasikaso ‘yun nitong mga nakaraang buwan dahil mas pinagtuunan ko ang sarili ko, pero alam kong kailangan ko nang bumalik sa dating routine. “Okay naman po ‘yung shop, Tita. Medyo busy lang ako nitong nakaraan, kaya ‘di ko masyadong nabibigyan ng oras ‘yun. Pero babalik din ako dun. Marami pa rin namang naghahanap ng tattoo sa akin.” “Aba eh, dapat lang. Ikaw pa, maraming mga gustong magpa-tattoo sa ‘yo, lalo na ngayon! Sigurado akong dadami pa ‘yung clients mo!” Nagpasalamat ako kay Tita Tarsy at nagpaalam na rin dahil may iba pa akong aasikasuhin. Pag-uwi ko sa bahay, napaisip ako. Totoo, bumalik na ako sa tamang track—pati katawan ko ay bumalik na rin sa dating tikas. Pero kailangan ko ring balikan ang negosyo ko. Mahirap mapabayaan ang isang bagay na pinaghirapan ko. HABANG nagpapahinga ako sa sala, bigla kong narinig ang isang malakas na tunog mula sa labas. Tumunog ang cellphone ko kasabay ng kalabog. Napakunot ang noo ko at dali-daling kinuha ang cellphone. Nakita ko ang pangalan ng isa sa mga tindero sa palengke, si Kuya Andy, ang may-ari ng malapit na restuarant sa shop ko. “Kuya Andy,” bungad ko, “anong balita?” “Boris! May masamang balita!” halos sumigaw si Kuya Andy sa kabilang linya. “Nasusunog ang palengke, Boris! At kasama dun ‘yung tattoo shop mo!” Para akong sinakluban ng langit at lupa. “Ano? Paano nangyari ‘yun?” “Hindi ko alam. Bigla na lang kumalat ang apoy. Dali na! Pumunta ka na dito. Baka may maabutan ka pa!” Agad akong tumayo, ni hindi na ako nag-abala pang magpalit ng tsinelas. Sa dami ng inisip ko kanina tungkol sa pag-aayos ng shop, hindi ko inakala na mangyayari ang ganitong klaseng sakuna. Dumiretso ako sa labas at sumakay ng tricycle. Habang patungo ako sa palengke, naririnig ko na ang mga sirena ng bumbero at ang tunog ng mga tao na tila nasa kaguluhan. Dumadagundong ang t***k ng puso ko, habang iniisip ang lahat ng pinaghirapan ko sa shop—lahat ng oras, pawis, at dedikasyon na binuhos ko sa paggawa ng mga tattoo sa balat ng mga kliyente ko. ‘Yung mismong lugar na nagbigay sa akin ng kabuhayan at kasiyahan, ngayon ay nasa panganib na masunog nang tuluyan. Pagdating ko sa palengke, makapal na ang usok. Nandoon na ang mga bumbero, abala sa pag-apula ng apoy. Pero kahit anong gawin nila, parang hindi pa rin humuhupa ang apoy na bumabalot sa buong palengke. Tumigil ako sa di-kalayuan at tinanaw mula sa malayo ang shop ko. Kita ko ang shop ko—naroon sa mismong gilid ng apoy, at tila wala nang pag-asang maisalba. “Boris!” Narinig ko ang sigaw ni Kuya Andy mula sa likuran ko, humihingal at halatang nagpa-panic din. “Boris, hindi ko alam kung makakasalba pa ‘yung shop mo... pero sana maabutan natin.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong magalit, gusto kong sumigaw, pero higit sa lahat, gusto kong maniwala na may maiaayos pa. Na kaya ko pang buuin ulit ang lahat. Pero sa mga oras na ‘to, parang bigla akong nawalan ng direksyon. “Paano nangyari ‘to?” bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang paglamon ng apoy sa pangarap ko. Wala na akong nagawa kundi maghintay at magdasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD