Tanya’s POV
Nag-aayos na ako ng sarili ko para pumasok sa school nang pumasok si Daddy dito sa loob ng kuwarto ko. Magkasalubong ang mga kilay nito nang tignan ako. Alam ko na agad kung bakit. Lumapit siya sa akin at saka tinignan ang braso ko. Hindi ko na nagawang itago kasi mukhang alam na niya talaga. Isa na naman sa mga madadaldal na kasambahay namin ang nagsumbong sa akin.
“Even if it’s just a small heart tattoo, I still don’t like it, Tanya. I don’t want you disrespecting your body like that!” sigaw niya sa akin kaya napapikit ang mga mata ko. Ayaw na ayaw kong sumisigaw siya. Ang sakit sa tenga. Pero ang kagandahan naman sa Daddy ko ay hanggang sigaw lang siya. Ni minsan ay hindi pa niya ako napagbubuhatan ng kamay.
“Daddy, I’m already an adult. Plus, I’m over eighteen years old. Parang maliit na tattoo lang nagagalit na po agad kayo,” katwiran ko. Akala ko pa naman ay hindi sila magagalit kahit maliit na puso lang ‘to. Kapag baril, hindi sila natatakot o nagagalit na ipahawak sa akin. Porket iyon ang business namin, okay lang. Parang tattoo na maliit na puso, galit na galit. Ewan, mahal nga nila ako, pero minsan, OA na sila. Lalo na itong si papa.
“Fine, but this will be the first and last, anak. Please lang, ayokong madungisan ang magandang kutis ng anak ko. Kahit malaki ka na, ikaw pa rin ang baby namin ng mommy mo. You know how much we love you, Tanya.” Tumango ako. Gusto ko na lang matapos itong usapin na ‘to. Na-o-OA-han man ako kay Daddy nage-gets ko naman siya. Talaga kasing ganito na siya noon pa man, kahit pa nung bata pa ako. Even if I just get a small cut, my dad really hates it. He would immediately send me to a dermatologist to make sure my skin doesn’t scar.
PAGBABA ko sa ibaba, tumuloy na ako sa dining area. Kumpleto na silang lahat doon, ako na lang ‘yung wala. Napangiwi ako nang makita kong parang nasa fiesta-han na naman kami sa dami ng pagkain sa lamesa. Hindi na ako magtataka kung bakit tumataba na ang mga parents ko.
“Good morning po,” sabay kong bati kay Daddy at Mommy. Humalik na rin ako sa mga pisngi nila bago naupo.
“Aware ka na ba na maraming kidnaper at holdaper na umaaligid sa school na ‘yon?” tanong ni mommy habang sumasandok na ako ng brown rice.
“May mga ganoon po ba sa Sta Monica College?” tanong ko na rin sa kanila. Kakalipat ko lang kasi ng school sa Garay City. Doon ko na ipagpapatuloy ang nahinto kong course sa pinag-aralan ko dito sa probinsya.
Sta. Monica College is a prestigious school where almost all the wealthy kids in the Philippines study. So, I wouldn’t be surprised if kidnappers and robbers are lurking around there.
“Oo, anak, mayroon. That’s why your daddy will assign one or two of his personal bodyguards to you, so you’ll be safe while studying there. We can’t take any risks, especially since our family is well-known across the Philippines as one of the wealthy families because of our business. Kaya dapat lang na mag-ingat ka,” sabi ni mommy at saka ako nilagyan ng ulam sa plato ko.
Ang nakakainis, ang chachaka ng mga bodyguard ni daddy. “Saka na lang po siguro kayo mag-assign na bodyguard sa akin kapag gusto ko na. Magsasabi naman ako kapag nasa panganib ako. Saka, sa laki ng school na ‘yon at sa dami ng mga taong nakapaligid sa labas nun, imposible na may mga ma-kidnap o ma-holdap pa doon. Saka, itong taray kong ‘to, hindi sila uubra sa akin,” katwiran ko na lang ulit. Ah, basta, ayokong maging bodyguard ang mga gurang na bodyguard ni daddy. Kung gusto nilang magka-bodyguard ako, iyong malapit lang sana sa edad ko. Saka, dapat hot at guwapo para hindi nakakahiyang kasama. Kasi ‘yang mga bodyguard na ‘yan, nakabuntot ‘yan palagi sa akin. Ang nakakachaka naman kung may chakang bodyguard na nakapaligid sa akin palagi.
“Hindi, magsasama ka na agad ngayon ng mga bodyguard mo, anak. Pumayag ka na, hindi puwedeng hindi,” pagpupumilit ni Daddy.
“Daddy, please, huwag muna. Titignan ko po muna kung may mga bodyguard din ang mga student doon. Nahihiya kasi ako. Baka kung anong isipin ng mga student doon kung magdala agad ako ng bodyguard, tapos sila wala naman pala.” Kay daddy ata ako nagmana na hindi rin nagpapatalo. Alam kong mananalo ako sa usaping ‘to. Ayoko ng mga bodyguard niya, tapos!
“Okay, may point naman ang anak mo, Lito. Hayaan na lang muna natin siyang pumasok nang mag-isa. Pero, siguraduhin mo, Tanya na mag-iingat ka. Tawagan mo agad ang driver mo kapag alam mong may masamang tao sa paligid mo, okay?”
“Yes, Mommy,” I replied, then continued eating my breakfast. The problem with them during breakfast is that they just keep talking and talking. I can’t eat properly because of it.
NAKANGITI at excited na ako habang nasa biyahe. Papunta na ako sa school ngayon. Natupad ko ang kagustuhan kong huwag munang magsama ng bodyguard. Itong driver lang ang kasama ko ngayon. Panira lang ang mga chakang bodyguard na ‘yun. Isa pa, malalang hunting ng mga hot guy ang mangyayari sa akin mamaya sa Sta Monica College. Ang bali-balita pa naman ay nandoon daw ang lahat ng mga poging student.
“Ma’am, excuse me po, puwede po ba akong sumagot ng tawag kahit saglit lang?” tanong sa akin bigla ng driver ko habang nakalingon sa akin. Napairap ako kasi puwede kaming mabangga dahil sa ginagawa niya. Isa pa, nasira niya ang imagination ko sa mga poging student sa Sta Monica College.
“Sige lang, walang problema sa akin, pero please lang, habang sinasagot mo ‘yang call na ‘yan, mag-focus ka nang tingin sa daan, baka kasi mabangga pa tayo,” mabilis kong sagot sa kaniya.
“Yes po, Ma’am Tanya, pasensya na po,” paghingi naman niya agad ng tawad sa akin. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para mag-selfie. Nakalimutan ko kasing mag-selfie kanina sa bahay habang suot ang magandang uniform ng Sta Monica College.
“Hello, tol. Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo ang address? Sa Norza town ‘yon, malapit sa palengke. Basta, ipagtanong mo na lang ang pangalan ni Boris Valdez, siya ang pinakamagaling na tattoo artist na nakilala ko. Malayo man ‘yon, pero sulit naman ang gawa niya, itataya ko ang pangalan ko pagdating sa tattoo artist na ‘yon, basta, iba siya, sobrang galing!” dinig kong sabi ng driver ko kaya napatingin ako sa kaniya. Lately kasi, napupusuan kong magpa-tattoo talaga. Madalas kasi akong makakita sa mga pinapanuod kong movie ang mga babaeng may tattoo. At ang astig nila tignan. Kaya minsan, natatakam na rin talaga akong magpa-tattoo. Kaya nga naisipan kong magpa-tattoo ng maliit na puso sa braso ko. Ang problema lang, kahit maliit na ‘yon galit na galit na agad si Daddy. Minsan, parang gusto ko na lang din tuloy maging independent na, para nagagawa ko na rin ang mga gusto kong gawin sa buhay ko.
Pero, kung magpa-tattoo kaya ako sa tagong parte ng katawan ko, puwede naman siguro?
Pagbaba ni kuyang driver ng linya niya, hindi ko napigilang magtanong sa kaniya.
“Puwede mo bang ibigay sa akin ang number nung Boris Valdez na ‘yan?”
“Opo, puwede po,” mabilis niyang sagot at saka niya inabot sa akin ang cellphone niya. Mabilis kong nilagay sa contact list ko ang number nung Boris na ‘yon.
One day, tatawagan ko siya para magpag-schedule. Wala nang makakapigil sa akin, kahit si Daddy pa ‘yan, magpapa-tattoo na talaga ako ng malaki sa balat ko.