Kabanata 3

1522 Words
Boris’ POV Hindi ko makuhang kumain ng masarap ngayon nagsisimula na akong magbawas ng kain. Pinipilit kong hindi sarapan ang mga luto ko para mabawasan ang mga cravings ko. Mahirap sa una kasi nasanay ako na kumakain talaga ng marami. Sa loob ng isang linggo, puro gulay at prutas ang kinakain ko. Nag-start na rin akong magpa-member sa dating gym na pinaggi-gym-an ko. Palagi na rin akong nag-a-alarm ng orasan sa madaling-araw para mag-jogging na rin. At hindi ko inaasahan na marami-rami pala sa mga tao dito sa street namin ang nagja-jogging sa umaga. Nung isang araw ay malaki ang kinita ko sa tattoo shop ko. Kapag maganda ang kita, tinatabi ko na agad ang pambayad sa rent ko sa puwestong ‘yon. Palagi kong inuuna ang pambayad sa rent para hindi nagkakaroon ng problema sa shop ko. At kapag naman maraming sobra sa kinikita ko, tini-treat ko ang sarili ko sa samgyupsal, pero dahil nagbabagong-buhay na ako ngayon, nagpunta ako sa mall kahapon, nung isang araw pa kasi ako naglista ng mga gagamitin kong skin care. Oo, aalagaan ko na rin ang sarili kong mukha at pati na rin balat. Sa totoo lang, natatawa ako sa sarili ko. Dati, wala akong ganito. Dati kasi sanay na akong makinis lang ang balat. Pero nitong nilamon ako ng stress at matinding kalungkutan, doon lumabas ang lahat ng sumpa sa katawan ko. Kaya ngayong pumangit na ako, kailangan ko na ng tulong ng mga skin care. Marami akong nabili, may set na pangtagyawat, may sabong pampaputi at mayroon na ring lotion. Sinabay ko na rin ang pagbili ng mga kailangan ko pa para hindi masayang ang pagpunta ko sa mall. Doon na rin ako nag-grocery ng mga pagkaing pang-diet ko. Salamat sa internet kasi kahit pa paano, may idea ako sa mga binili ko at may idea na rin ako kung paano mag-diet nang hindi kailangang mag-hire ng nutritionist. Kaya ngayon, puno ang fridge ko ng mga gulay, prutas at mga isda. Nandoon na rin ‘yung mga mask na nilalagay ko sa mukha bago ako matulog. Kailangan daw kasi ay malamig iyon para mas masarap sa pakiramdam kapag tinapal na sa mukha. “Boris, anak, nandiyan ka ba?” tanong ni Tita Tarsy, ang mama ni Ate Tati. Paglabas ko ay nakita kong may dala-dala siyang mga tupperware. “Anak, oh, may niluto akong pagkain, naisipan kitang dalhan kasi alam kong aabutan pa kita dito sa bahay mo nang ganitong oras. Don’t worry, mga gulay ‘yan kaya hindi ka tataba diyan,” sabi pa niya. Alam na kasi ni Tita Tarsy na nagda-diet na ako ngayon kasi ilang araw na niya akong nakikitang nagja-jogging. “Salamat po, mabuti po ay nandito pa kayo? Bakit wala po kayo sa manisyon?” tanong ko naman sa kaniya pagtanggap ko sa mga tupperware na binigay niya. “Dito muna kami ni Domeng ng dalawang linggo. Gusto niyang mag-bonding muna kami. Nami-miss na rin daw kasi niya itong Norza Town. Pumayag naman si Tati kaya walang problema,” sagot niya habang nakangiti. Wala pa rin talagang tatalo sa kasiyahan kapag narito ka sa bayan na kinalakihan mo. “Mainam po pala at palagi akong may libreng pagkain,” pagbibiro ko naman. “Oo, sure, lagi kitang idadamay sa pagluto ko para may pagkain ka. Alam ko kasing pagod ka rin sa trabaho mo sa tattoo shop mo. Hindi rin kasi biro ang mag-tattoo maghapon. Nakakapagod sa kamay ‘yan kaya imbis na magluto ka pa pag-uwi, bibigyan na lang kita ng ulam mo para kanin na lang ang problema mo,” sabi pa niya. Sadyang likas na talaga kay Tita Tarsy at Ate Tati ang pagiging mabait. Mag-ina nga sila. LUNCH na, wala pa ang pangalang client ko kaya kinain ko na muna ‘yung pagkaing pabaon sa akin kanina ni Tita Tarsy. Binuksan ko na ang mga pagkain. Ang isa ay chopsuey, habang ang isa naman ay adobong sitaw na may sahog na tokwa, isda at chicharon. Hindi na ako nagkanin, puro ulam na lang ang kinain ko kasi nagcha-challenge ako sa sarili ko na no rice ng isang buwan. Kapag naman ganitong wala pang client dito sa shop, inaagad ko ang kain ko para hindi nila ako maabutang kumakain. Ayoko rin kasi na nakukulob ang amoy ng pagkain ko dito sa loob ng shop. Naka-aircon kasi ang shop ko kaya makukulob talaga dito ang amoy ng mga pagkain. Kaya naman pagkatapos kong kumain, sinasarado ko muna ang aircon at saka ko bubuksan ang pinto. Nang sa ganoon ay lumabas ang amoy ng pagkain. Pagkatapos kong kumain, maligamgam na tubig lang ang ininom ko. Hindi na malamig ang iniinom ko kasi nakakalaki raw ng tiyan kapag malamig na tubig ang ininom. Hindi man ako naniniwala, wala namang sigurong masama kung sumunod na lang ako. Nag-uugas na ako ng mga pinagkainan ko nang mag-ring ang cellphone ko. Dali-dali akong nagpunas ng kamay sa suot kong damit at saka ko sinagot ang call na hindi naman naka-register sa phone ko. “Hello po, Boris tattoo artist po,” bungad kong sabi sa kabilang linya nang sagutin ko ‘to. “Good afternoon, I just wanted to ask how much ang rate mo sa mga gawa mong tattoo?” tanong ng isang babae sa kabilang linya. Sa tono nang pananalita nito ay mukha sosyal ‘to. Saka, parang maarte? “Ah, ma’am, kung maliit lang na tattoo, mga 1 to 2 inches na simple lang ang design, na sa ₱1,000 to ₱3,000 ang presyo. Kapag medium naman, mga 3 to 5 inches na may konting detalye, umaabot ng ₱3,000 to ₱7,000. Pero kung large na, mga 6 to 8 inches at detalyado, aabot yan ng ₱7,000 to ₱15,000. Yung mga full sleeve o back tattoo, na sa ₱20,000 to ₱50,000 pataas, depende sa design at oras na kailangan,” sagot ko agad sa kaniya. Kabisado ko na ang mga ganitong tanungan kaya alam na alam ko na rin ang isasagot ko. “Bakit parang mura naman. Magaling ka ba?” diretsyo niyang tanong kaya nagulat ako. “Kasi baka kaya mura lang ay dahil bara-bara kang gumawa,” sabi pa niya kaya napabuga ako ng hangin. Heto na naman tayo sa mga laiterang client na nag-i-inquire palang e, nanglalait na agad. “Ma’am, maganda po siguro ay bisitahin niyo ako rito. Dito sa shop ko, may mga picture ako ng mga nagawa ko ng tattoo. At hindi naman po sa pagmamayabang, ako po ang sikat na tattoo artist dito sa Norza town, kayang-kaya kong makipagsabayan sa mga sikat na tattoo artist sa Garay City,” prangka ko na ring sagot sa kaniya. Sa Garay City kasi ay maraming din sikat na tattoo artist, kasing galing ko rin naman ang mga ‘yun, kaya lang ay madalang silang tumanggap ng client ng pinoy, kasi mas gusto nila ay ‘yung mga may lahi, mas malaki kasi ang kinikita nila roon. Sabihin na lang natin na nang-i-scam na rin sila minsan. Kaya naman ‘yung mga taga Garay City, dinadayo pa ako rito kasi hindi rin naman nalalayo ang mga gawa ko sa mga gawa ng mga sikat na tattoo artist, bukod doon, mura na ako maningil, maganda pa ang kinakalabasan. “Hindi ka pa mayabang niyan ah! Pero, sige, pupunta ako diyan after ng school ko. Anong oras ka ba nagsasara ng shop, Boris?” Uy, first time niyang binanggit ang name ko pero parang ang sexy pakinggan. Maganda kaya ang isang ‘to? Sa ganito pa naman ako nadadale palagi. Tinatarayan ako sa una pero sa huli, sa akin din naman babagsak. “Kadalasan mga alas singko ng hapon nagsasara na ako, pero kung sasadya po talaga kayo ngayong araw, sige po, hihintayin kita ng hanggang alas siyete,” sagot ko sa kaniya. Tutal naman e, dalawang client pa ang ta-tattoo-an ko ngayong hapon. Aabutin pa ako ng alas sais ng gabi dito. At ‘yung natitirang isang oras na hihintayin ko sa pagdating niya ay ilalaan ko na lang siguro sa paglilinis dito sa shop ko. “Fine, hintayin mo ako diyan at gusto kong makita ang mga gawa mo. Don’t worry, kapag nakita ko namang maganda ang gawa mo, kahit isang daang libong piso pa ang ipabayad mo sa akin, wala akong problema doon,” pagmamayabang niya kaya mukhang rich kid nga itong magiging client ko. Kung ganoon naman pala e, kahit alas otso ng gabi, hihintayin ko siya. “Sure, see you p—” Nahinto agad ako sa pagsasalita kasi binabaan na niya ako ng linya. Napapailing na lang ako kasi mukhang magkakaroon nga ako ng maarte, maldita, pero magandang client. Pero sana hindi ako nagkakamali kasi first time ko lang magkakaroon ng sexy at magandang client. Sana nga maganda siya. At sana rin ay sexy. Pangarap ko rin kasing makapag-tattoo sa mga makikinis na hita ng mga babae. Kung sinusuwerte pa e, baka sa ilalim pa siya ng dibdib niya magpa-tattoo. O mas masaya lalo kung malapit sa hiwa niya sa ibaba. Ay, putek, baka habang nagta-tattoo ako ay nakasaludo ang titë ko sa ibaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD