Boris’ POV
“Boris, puwede kitang offer-an?” tanong sa akin ng client kong matandang babae. Siya ‘yung kakamatay lang ang asawa nung nakaraang buwan. Regular client ko siya dito sa tattoo shop ko. Natuwa akong marinig na may offer siya. Inisip ko na baka tungkol sa pagta-tattoo rin. Kaya lang iba pala ang sinasabi niyang offer.
“Anong offer ho ba ‘yan?” tanong ko na rin habang nakangiti. Kakatapos ko lang siyang tattoo-an. Siya ang last client na tina-tatto-an ko ngayong araw.
“Single ka naman at kakamatay lang ng asawa ko. Tanong ko lang kung gusto mong maging sëxmate ako sa kama? Babayaran kita,” sabi niya na agad kong kinagulat. Gusto kong mangiwi kasi hindi manlang siya nakaramdam ng hiya. Hindi naman sa mapanglait ako. Sobrang layo na kasi ng agwat ng edad namin. Kung titignan e, halos kasing edad ko lang ‘yung bunsong anak niya. Saka, hindi rin kasi siya kagandahan.
“Naku, Mrs Torres, pass ho ako diyan,” sagot ko agad. Pero in a good way. Baka kasi hindi na siya magpa-tattoo sa akin pagkatapos nito. Sayang, malaki pa naman siya magpa-tattoo palagi at palagi rin akong may tip.
“Babayaran naman kita, huwag kang mag-alala. One thousand pesos kada may mangyayari sa akin. Pumayag ka na. Hindi ka naman na rin kasing fresh gaya ng dati. Naaalala ko, nung una akong magpa-tattoo dito, maganda pa ang katawan mo. May bycep ka pa at ma-abs pa talaga. Saka ‘yang mukha mo, makinis at hindi pa tagyawatin. Huwag ka nang umarte, tanggap kita kahit mabilbil ka na, Boris,” sabi pa niya. Pinipilit niya talaga akong maka-sëx sa kama. Nakakainis lang kasi hindi nga ako nanlait, pero siya naman ang gumawa nun. Siya pa ‘yung ganito. Close kami, oo, kasi matagal ko na siyang kakilala. Hindi ko lang inaasahan na darating sa punto na kạlilibugan niya ako. Isa pa, tạng-ina, ang sakit niyang magsalita. Talagang na-describe niya sa harap ko ang lahat ng mga pangit na sa akin ngayon. Nasaktan talaga ang feelings ko.
“Hindi ho, ayoko talaga. Sa iba ka na lang ho gumanyan. Saka, kung one thousand pesos lang din naman at ganiyan kalosyang lang ang papatulan ko, mas maganda pa kung sa bakla na lang ako pumatol, limang libong piso pa ang ibibigay sa akin.” Hindi ko na napigilan. Kinailangan kong bumawi para matigil siya.
“Lapastangan, diyan ka na nga. Sa iba na ako magpapa-tattoo sa susunod. Pangit ka naman na rin at hindi na guwapo, arte mo pagtitiyagaan na nga lang kita,” sabi pa niya at saka ito umalis sa shop ko. Hindi ko na lang pinatulan pa kasi baka kung ano pa ang magawa ko. Graduate na ako sa pagiging basag-ulero, pero kung makakatapat ako ulit ng gaya niyang laitera, makakasapak talaga ulit ako kahit na babae pa siya.
Tumingala ako sa orasan. Alas singko na ng hapon. Wala na akong darating na client kaya naglinis at nagsara na ako ng shop.
Dumaan na rin ako papunta sa bilihan ng bigas kasi malapit lang naman itong shop ko sa palengke. May nadaanan akong nagtitinda ng baboy. Gusto kong mag-adobong baboy ngayong gabi kaya bumili na rin ako ng dalawan kilo, para ‘yung isang kilo ay pang-ulam ko na rin kinabukasan.
“Oy, Boris, ikaw pala ‘yan,” bati sa akin ng dati naming ka-tropa ni Grigori sa street namin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Anong nangyari. Parang dati e, sa tropa natin ay ikaw ang pinakaguwapo, pangalawa lang si Grigori. Tol, huwag sanang sasama ang loob mo. Nalolosyang ka na kahit bata ka pa naman,” sabi pa niya. Sa totoo lang, hindi lang ito ang unang beses na nasasabihan ako ng ganito. Marami na rin ang nakakapansin. Kahit pa ang mga magulang ni Tati na sina Tita Tarsy at ang asawa na ngayon nito na si Mang Domeng ay palagi akong sinasabihan na pinapabayaan ko na ang sarili ko kapag madadaan ako sa bahay nila.
“Stress ako, Darwin. Marami akong iniisip nitong mga nagdaang buwan. Puro inom at puro puyat pa ako. Hindi ko na magawang makapag-ayos ng sarili ko. Kaya siguro ganito, isama mo na rin na nagka-phobia na ako sa huling babaeng minahal ko, binigay ko ang lahat pero ang sinukli niya ay kawalangyaan, mas pinili niyang magpabuntis sa bago lang lalaki kaysa sa akin na matagal na niyang boyfriend,” pag-aamin ko sa kaniya. Nakita ko na tinignan niya ako nang malungkot.
Bumuntong-hininga pa siya. “Tol, suggest ko lang. Gawin mong inspirasyon ang kaibigan nating bilyonaryo na ngayon na si Grigori. Ibalik mo sa dati ang katawan at itsura mo. Bata ka pa, kaya mo ‘yun. Saka, pogi ka, makakahanap ka pa ng babaeng makakasama mo habang buhay. Kasi kung itutuloy mo ‘yang pagiging losyang mo, kahit bakla ay hindi ka na papatulan. Malalaki pa tagyawat mo sa mukha. Basta, payong kaibigan lang, ayusin mo ang sarili mo. Kaya mo ‘yan, tol. Marami ka pang babae na makikita diyan.”
Pag-alis niya, lalo tuloy akong nanlumo habang pauwi na sa bahay ko. Hindi ko na nagawang sumakay ng tricycle dahil sa kakaisip sa mga sinabi nila Mrs Torres at ni Darwin. Habang naglalakad na ako papasok sa virak street ay iniisip ko kung bakit nga ba pinabayaan ko ng ganitong kalala ang sarili ko. Kapag nakita ako ni Tati at Grigori, tiyak na pagagalitan nila ako.
Pag-uwi ko tuloy sa bahay, binaba ko lang ang mga supot ng bigas at karne sa lamesa at saka ako humarap sa salamin. Hinubad ko ang suot kong t-shirt. Napangiwi ako sa itsura ko. Tama si Mrs Torres, wala na ‘yung magandang hubog ng bycep ko. Pati mga dibdib ko ay lawlaw dahil sa taba. Ang abs, ni isang anino ay nawala na rin, naging isang malaking abs na lang. Para akong buntis sa laki ng tiyan.
Sinarado ko ang pinto saka ako bumalik sa harap ng salamin. Kung may ipagmamalaki man ako ngayon, ito na lang. Binaba ko ang underwear ko. Kahit mataba na ako ngayon, hindi naman nagbago ang pagiging mahaba at mataba ng ari ko. Daks pa rin ako kaya huwag nilang sabihin na kahit ang mga bakla ay hindi papatol sa akin. Kapag nilabasan ko sila nitong malaki kong titë ay tiyak na luluhod sila at nganga para sambahin ako.
Pero hindi, hindi ko goal ang maghanap ng mga baklang makaka-sëx buddy ko. Ang kailangan kong hanapin ay ang babaeng mapapangasawa ko. ‘Yung babaeng malayo sa dati kong minahal. Yung babaeng ako lang ang mamahalin.
Gusto ko ring maging si Grigori. Maging mayaman at magkaroon na rin ng masayang pamilya. At alam kong kaya ko ‘yon. Kung kaya ni Grigori, kaya ko rin.
Lumapit ako sa harap ng salamin habang hubu’t hubad ako. Tinignan kong mabuti ang sarili ko. Ni-note ko sa cellphone ko ang mga dapat kong ayusin. Mga tagyawat sa mukha, balikat na mataba, bycep na mataba, dibdib na mataba, bilbil at pati na rin balat ko na halos umitim na rin dahil sa kakalakad ko sa labas. Nawala na kasi ‘yung motor na binigay ni Grigori sa akin. Nasanla ko ito dahil sa kapabayaan ko. Nalulong ako sa pagsusugal at naging manginginom pa. Pati itong bahay na binigay niya ay muntik ko pang masanla. Mabuti na lang at inalagaan ko ang shop ko. Kung wala ‘yon, lalo akong lulubog sa putik.
Dito sa Virak street, Norza Town naging suwerte si Grigori kaya alam kong dito rin ako susuwertihin. Iisipin kong lahat ng taong titira sa bahay na ‘to ay magiging succesful sa buhay ko. At ako na ang susunod. Tapos na si Grigori, ako naman, kaya ang kailangan ko lang gawin ay ang maghintay.
Pero habang naghihintay ako, aayusin ko muna ulit ang sarili ko. Ibabaon ko na sa lupa ang pumangit na Boris. Ilalabas ko na ulit ‘yung dating Boris na hinahangaan ng lahat.
Maghintay lang kayo.