Blurb

242 Words
Nagsumikap si Boris para magpalaki at magpaganda ng katawan niya. Napatitig kasi siya sa salamin at nakita niya kung ano na ang itsura niya. Mabilbil, stress at mukhang walang babaeng iibig sa kaniya. Dati, wala siyang pakelam sa itsura ng mukha at katawan niya. Madalas ay lango siya sa alak. Nang maging successful ang buhay ng kaibigan niyang si Grigori, parang natauhan siya. Gusto niyang maging ganoon na rin ang buhay niya kaya doon na nito naisipang magbago at maghanap ng magandang trabaho. Pinagsasabay niya ang paghawak sa tattoo shop niya, pagi-gym at paghahanap pa ng magandang trabaho. Isang araw, habang nasa Garay City siya at nag-a-apply ng trabahao, aksidente niyang nakita na may mga holddapper na humahabol sa isang maganda at mayamang babae. Kitang-kita niya kung gaanong takot na takot ang babae sa mga lalaki kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ito. Dahil sa galing niya sa pakikipaglaban, siya ang napili ni Tanya na maging personal bodyguard niya. Si Tanya na anak ng mayamang pamilya. Pinag-training siya nito sa paggamit ng iba’t ibang armas. Hindi nagtagal, naramdaman ni Boris na parang trip siya ni Tanya. Lalo na’t malagkit ang tingin nito sa kaniya sa tuwing pawisan siya habang nagte-training. Isang gabi, habang nasa isang malaking event sila, nagulat si Boris nang bumulong sa kaniya si Tanya na lasing na. Sinabi nito na bukod sa pagiging personal bodyguard niya, gusto rin niyang magpa-serbis kay Boris sa kama. Pumayag kaya si Boris?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD