Cyrine's POV
7:45 P.M na kami nakarating sa Bahay dahil medyo traffic.Agad nilang kinuha ang kani-kanilang bag sa likod.Habang ako nandito pa sa kotse at hindi pa bumababa.
"Thank you Chard,Ibabalik ko na lang yung t-shirt mo" bababa na sana ako ng bigla niya kong pigilan at lumabas siya ng kotse at umikot para pagbuksan ako.Napangiti naman ako sa ginawa niya.
"Hey guys!sakto ang dating niyo.Let's eat na." rinig kong sabi ni mama sumunod naman kami."Iwan niyo na muna sa sofa yung gamit niyo tapos sumunod na kayo sa dining room"
"Thank you tita" sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko. Pag kalapag nila ng mga gamit nila ay agad ko silang niyaya papunta sa dining room.
"Mag behave lang kayo guys.Lalo na kayong dalawa." turo ko kay Gab at Andrew.
"opo ma'am" sabi nilang dalawa at pumunta na kami sa dining room.
Agad naman akong naupo sa pwesto ko.Tatabi na sana sakin si Ayen ng biglang dumating si Chard at naupo sa tabi ko."Maupo na kayo" nakangiting sabi ni daddy sa mga kaibigan ko.
"By the way guys si Daddy Emmanuel nga pala.Daddy mga kaibigan ko po si Ayen,Alexie ,Gab at Andrew" pagpapakilala ko kay Daddy sa mga kaibigan ko.
"Ang bata niyo pong tignan tito" pambobola ni Andrew kay daddy.
"Oo nga po tito, hindi halata na may edad na kayo" dagdag na pambobola ni Alexie.
"Mukha lang po kayo 30s tito" isa pa itong si Sophia.
"Tama ka nga hon, mababait ang kaibigan ni Cyrine.Magaling ka pa lang pumili ng totoong kaibigan Cyrine" napangiti naman ako sa sinabi ni Daddy.Tama yung sinabi niya mga totoong kaibigan nga sila Alexie.
"Nambobola lang po yang mga yan dad" natawa naman sila sa sinabi ko.
"Bakit mukha na ba akong matanda?" tanong sa akin ni Daddy.
"Joke lang po daddy, syempre po mukha pa rin kayong bata HAHAHAHA" sana pag tumanda ako mukha pa ring bata yung itsura ko tulad nila mama at daddy.
Napuno ng tawanan ang loob ng dining room dahil pinagsama-sama ang mga puro kalokohan ang nasa isip.Pagkatapos naming kumain hinatid ko na sila sa guest room.
"Ang laki ng guest room niyo Cy" sabi ni Ayen.Pina-ayos kasi ito ni mama para kila Ayen kaya may apat na kama para sa kanila.
"Tig iisang kama pa kami" manghang sabi naman ni Gab.
"Pina ayos yan ni mama para sa inyo" sabi ko na kinangiti nilang apat.
"Napaka bait talaga ni tita" sabi naman ni Alexie nanakadapa na sa kama niya.
"Mukhang may gusto sayo si papa Chard" nagulat naman ako ng biglang sabihin ni Andrew yun.
"Sira ka!matanda yun sakin baka nga nakababatang kapatid lang ang turing niya sa akin" malungkot kong sabi.
"Bakit ka naman na lungkot sis?May gusto ka na sa kanya noh?" tanong naman ni Alexie.
"Iba kasi yung tingin niya sayo kanina habang tumatawa ka.Tingin ng pagmamahaaaal" sabi ni Andrew.
"Oo nga sis, napansin ko din kanina na tingin siya ng tingin sayo" dugtong pa ni Gab na kinailing ko na lang.Ayaw kong umasa.
"Wag na nating pag-usapan yan.Mag bihis na kayo ng pang swimming para makababa na tayo" pagkatapos ko yun sabihin ay lumabas na ko ng guest room at pumunta sa kwarto ko para makapag bihis na rin.
Pumunta na kong walk in closet ko at kumuha ng one piece swimsuit na backless.Pagkatapos kong isuot ay nagpatong ako ng bathrobe.Lalabas na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Chard.
"May problema ba Chard?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Anong suot mo?" seryosong tanong niya.
"A-ahm one piece swimsuit,bakit?" nagtataka na ko dito kay Chard huh.
"Magpalit ka." malamig na sabi nito.Na parang malapit ng sumigaw.
"Bakit naman?e mag swi-swimming kami" baka naman gusto niya rin yung swimsuit ko?
"Mag rushguard ka" utos niya sakin na parang hari.
"ayoko" matapang kong sabi.Anong akala niya mauutusan niya ko basta-basta.No way.
"Magpapalit ka o hahalikan kita?" nagulat naman ako sa sinabi niya.Siya ba talaga to'?Pero parang mas bet ko yung pangalawa HAHAHAHA charot.
"Fine" sabi ko at pumasok na ulit sa walk in closet ko kinuha ko naman yung one piece rushguard ko.Rush guard daw e.Pero bakit ba ang bilis kong sumunod sa gwapong yun??
Bago ako lumabas sinuot ko ulit yung bathrobe ko "ok na po ba?naka rush guard na ko"
"Good girl" nakangising sabi nito at lumabas na.Lumabas na rin ako para puntahan yung mga kaibigan ko.
Pagbukas ko ng pintuan nakita ko na ready na silang lahat. "tara na guys"
Pakababa namin agad naman silang nagsitalunan sa pool. Habang ako natawa sa kanilang apat. Bigla naman akong napatingin kay Chard na nasa veranda niya habang nakatingin sa akin. Kinawayan ko na man siya. Hinubad ko naman ang bathrobe ko at pagtingin ko ulit kay Chard Nakita kong nagdilim ang mukha niya. Nyare dun?
"Hey Cy, talon ka na sasaluhin kita" sabi ni Ayen na nag-aabang.Tumango naman ako sa kanya at tumalon na.
Pag kalubog ko sa tubig ay inangat agad ako ni Ayen.Nilagay niya ko sa likod niya kaya naman kumapit agad ako sa leeg niya at ang dalawang paa ko ay nakapulupot sa bewang niya.Ganito kami palagi kapag mag swi-swimming kami.
"Laro tayo tulad ng dati" sabi ni Gab.Yung larong papasan ka sa balikat at kung sino ang unang matumba siya ang talo.
"Sige ako ulit ang referee" sabi na man ni Andrew
"Ok dating partner" masayang sabi ni Alexie.Tumango naman ako sa kanya.
Agad naman lumublub sa tubig si Ayen para makasakay ako sa balikat niya.Pag kasakay ko kumapit agad ako sa kamay ni Ayen.Nakapasan na rin si Alexie kay Gab. Kaya naman gumitna na si Andrew.
"Ok,ready ,set, fight!" agad kong tinulak si Alexie para mahulog pero magaling siyang mag balance kaya naman agad niya kong tinulak kaya naman nahulog agad ako.Hindi pa ko nakakatagal sa ilalim ng tubig ng kunin agad ako ni Ayen.
"Talo nanaman kayo HAHAHAHA" natatawang sabi ni Gab.
"Ang laki kasi ng braso ni Alexie hindi ko kinaya HAHAHAHA" pang-aasar ko kay Alexie.
Sa inis ni Alexie kinuha niya ko at dinala sa malalim."Ah malaki pala ang braso ko huh" habang yung tatlo ay natatawa lang.
"Hey nag jo-joke lang ako" sabi ko habang nakakapit kay Alexie.Bigla naman siyang lumubog kaya lumubog rin ako pero saglit lang yun umangat agad siya.
"Ano sinong malaki ang braso" nakangising tanong Alexie sakin.
"Niloloko lang kita Alexie, tama na HAHAHAHA" agad naman akong dinala ni Alexie sa mababaw kaya nakahinga na ko ng maluwag.
Nag palipas pa kami ng 2 oras bago umahon. Hinatid ko na sila sa guest room mukha kasing pagod na rin sila. "Goodnight guys" hindi ko sila inantay na sumagot pagod na rin kasi ako.
Pagpasok ko sa kwarto ko nagulat ako ng madatnan ko si Chard na nakaupo sa sofa ko. "Bakit ka nandito?" takang tanong ko sa kanya.Agad naman siyang tumayo at lumapit sa akin.
"Naisahan mo ko dun huh naka rush guard ka nga one piece naman. Naglolokohan ba tayo dito?" malamig na sabi niya na kina atras ko naman.
"Sabi mo lang kasi rush-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ko bigla.Sinubukan ko siyang itulak kaso masyado siyang malaki at hindi ko kaya.
"f**k! nawala lahat ng galit ko dahil sa masarap mo labi" namula naman ako sa sinabi niya kaya agad akong tumakbo sa banyo at nag lock. Sheeet grabe hindi ako makahinga ng maayos bakit ganto.
Nagbanlaw na ko at nag bihis ng pantulog. Pagkahiga ko sa kama naalala ko nanaman ang pag halik niya sakin. Paano ko siya haharapin nito??nakakahiya,
Hindi tuloy ako makatulog ng maayos.Argg nakakainis ka Chard.Pinikit ko na lang ang mata ko at nagumpisang mag bilang para makatulog.
Kinabukasan nagising ako sa malakas na katok ng mga kaibigan ko. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko sila na mga nakapang tulog pa. "Goodmoring Cy, lunch na kaya bumaba na daw tayo" masiglang bati ni Andrew.
Kaya naman pumunta na lang ako sa banyo ko para maghilamos at mag toothbrush habang ang buhok ko naman ay tinali ko na. Pagkalabas ko ng banyo nakita ko sila na nasa kama ko at inaantay ako.
"Tara na guys" yaya ko sa kanila at nakasabay pa namin si Chard na bumaba.Kaya naman namula agad yung mukha ko kasi naalala ko yung nangyari ka gabi sheeet.
Pagdating namin sa dining room nandun na si mama at daddy.Nakahanda na rin lahat ng pagkain. "Tumawag nga pala dito kagabi ang mama mo Andrew, sa Manila ka daw umuwi para makapag enroll ka" nagulat naman kami sa sinabi ni mama
"Sa Metro Manila ka mag-aaral sis?" tanong ni Gab.
"Ah oo sa Makati University, ngayon ang huling enrollment kaya need ko agad na umuwi" sagot ni Andrew.Mukhang mag kaka hiwa-hiwalay na talaga kaming lima
"Cy, ikaw na ang bahala na mag hatid sa mga kaibigan mo" sabi ni mama sakin na kinatango ko na lang.Baka kasi hindi ako makapag salita ng maayos katabi ko kasi si Chard at naiilang pa rin ako.
"Sasamahan ka ulit ni Chard" sabi ni daddy, tatangi sana ako ng maalala ko na wala nga pala ang driver namin ngayon.
"Kayo Alexie,uuwi na rin ba kayo?" tanong ni mama kay Alexie.
"Opo tita, sasabay na po ako kay Andrew" sagot ni Sophia.
"Kami rin po ni Ayen tita" dagdag pa ni Gab.
Pagkatapos naming kumain ay nag si akyatan na kami para maligo. Pagkatapos kong maligo nag suot lang ako ng highwaist short, plain white t-s**t at pinatungan ko ng cardigan.Para tuloy akong nakapang office. Inilugay ko na lamang ang buhok pag katapos ay tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin. Ang ganda ko talaga HAHAHAHA
Pag kalabas ko sa kwarto ko dumiretso agad ako sa guest room at nakita ko sila na nag aayos na ng mga gamit nila. "Hey Andrew" tawag ko sa kanya.
"Bakit sis?" lumapit naman ako sa kanya at tumabi na maupo sa kama.
"Mag-ingat ka sa Metro Manila,marami daw basag ulo dun baka mabasag yung chaka mong mukha HAHAHAHA" natawa naman si Gab at lumapit na rin samin.
"Basag na talaga mukha niyan sis wala ng mababasag HAHAHAHA" asar ni Gab na chaka rin naman HAHAHAHA charot
"Hoy Cy!Ewan ko ba kung nag-aalala ka sakin o nilalait lang ako" nagtatampong sabi ni Andrew
"Joke lang naman Andrew, pero seryoso mag-ingat ka dun lalo na malalayo ka samin" malungkot na sabi ko.Ang drama ko nanaman hayst.
"Madaming gwapo dun hanapan mo ko sis HAHAHAHA" singit naman ni Alexie.Kitang nag dra-drama ako dito tapos sisingit.
"Ingat ka dun bro" sabi ni Ayen na kinainis naman ni Andrew.
"Hoy Ayen,wag mo kong ma bro-bro diyan sis ako sis" galit na sabi ni Andrew na kinatawa namin ayaw niya kasing tinatawag na 'bro'.
"Pero teka diba medyo malayo yung Makati University sa Bahay niyo?Araw-araw kang babyahe niyan sis.Hagard ka agad" sabi ni Gab.
"Nakabili na si mama ng condo ko malapit sa school kaya naman wala na talaga atrasan to' e kayo saan kayo mag-aaral?" tanong ni Andrew.Ako kahit saan mag-aaral ako pero mas maganda kung kasama ko sila.
"Hindi ko pa alam e tsaka may kapit naman siguro si Dad kaya kahit late ako mag enroll ok lang" sagot ni Alexie.
"Basta maraming gwapo dun ako" sagot naman ni Gab
"Kahit saan basta maayos" sagot naman ni Ayen
"Bahala na kung saan ako ipasok ni mama" sagot ko naman.Bigla naman nag ring ang cellphone ni Andrew.
"Pauwi na mom" rinig naming sagot niya sa mommy niya mukhang pinapauwi na siya.Pagkababa niya ng cellphone niya agad siyang nag yayang bumaba.
Pag kababa namin nakita ko si Chard na naka black pants habang naka tack-in ang white polo na nakatupi hanggang siko niya.Grabe nakaupo lang siya sa sofa pero mukha na siyang model. Pero agad ko din iniwas ang tingin ko sa kanya kasi naalala ko nanaman yung paghalik niya sakin.
"Thank you po tita" sabay-sabay nilang sabi at nag kiss sa cheek ng mama ko.
"Mag-ingat kayo sa byahe" sabi ni mama.Tumango na lamang kami at pumunta na sa garahe.
Bubuksan ko na sana ang passenger seat sa likod para hindi makatabi si Chard ng bigla niya kong hatakin."Dito ka sumakay" wala na kong nagawa kundi ang sumakay na lang.
Pag kasakay nila Alexie sa kotse nagmaneho na agad si Chard papuntang Calamba Village.Habang bumabyahe kami walang nag sasalita pag tingin ko ay tulog pala sila maliban kay Ayen.
"Mukhang pagod na pagod sila" sabi ko kay Ayen
"Ang ingay kasi ni Andrew at Gab kagabi hindi kami nakatulog ng maayos ni Alexie" pag rereklamo ni Ayen.
"sige matulog ka na rin Ayen,gisingin ko na lang kayo" unting-unti naming pumikit si Ayen.Kaya ayokong kasama si Gab at Andrew sa kwarto masyado silang madaldal at hindi ka talaga makakatulog ng maayos.
Nang makarating kami sa Village nila Ayen agad ko silang ginising."Bye Cy" pagpapaalam ni Alexie sakin.
Nang makababa silang tatlo agad rin na pinaandar ni Chard ang sasakyan.Pag tingin ko naman kay Andrew ay tulog pa rin.Hinayaan ko na lamang para hindi antukin mamaya sa enrollment niya.
Makalipas ang 2 oras ay nahatid na rin namin si Andrew sa Bahay nila. So Lalo akong nailang kasi dalawa na lang kami ni Chard ngayon.
"Dumaan muna tayo sa office bago umuwi" sabi ni Chard na kinatango ko na lang."Iniiwasan mo ba ko?Kung tungkol sa kagabi hindi ko pinag sisisihan yun"
"Huh?" tanging lumabas sa bibig ko.
"Gusto kita Alzola, kaya hinalikan kita"