Episode 3

2055 Words
Cyrine's POV "Are you ok Cy?" agad na tanong ni mama pagkadating namin sa dining room ni Chard. "Sinabi sakin ni Chard na nahulog ka daw sa pool" nag aalalang sabi ni mama. "ok na ok ako mama, wag na po kayong mag-alala niligtas naman ako ni Chard" sabi ko kay mama para naman mabawasan na yung pag-aalala niya. "Mag-ingat ka palagi anak, alam mo naman na palagi akong nag-aalala sayo. Thank you nga pala Chard, buti na lamang at nan diyan" pag papasalamat ni mama kay Chard. Ngumiti lamang si Chard kay mama. "Nakakangiti ka na ngayon Chard" biglang singit ni daddy. Napatingin naman ako kay Chard na ngayon ay namumula ang tenga. "Masama bang ngumiti ngayon tito?" ngising tanong ni Chard kay tito.  "Daddy, mag kaibigan na po pala kami ni Chard. Mabait naman po siya." biglang sabi ko kay Daddy. "Kaya naman pala honey" nakangiting sabi ni mama pero hindi ko naman maintindihan ang pinupunto niya. Kaya hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni mama. "Ay mama pupunta nga po pala kami sa Manila nila Alexie para sunduin si Andrew" sabihin ko na ngayon baka kasi makalimutan ko pa. "Sige anak, pero wala ang driver natin ngayon naka leave siya" sheeet sira lahat ng plano. "Mag ta-taxi na la-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng sumingit bigla si Chard. "No,sumabay ka na sakin pupunta rin naman ako sa Makati bukas" seryosong sabi ni Chard. "Akala ko ba hindi ka muna papasok sa trabaho mo?" sabi ni Daddy na nakangising pang-aasar. "May meeting ako" maikling sabi ni Chard na namumula nanaman ang tenga. "sabi mo e" sabay na sabi ni mama at daddy na parang inaasar si Chard. Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa sala at nag kwentuhan ng nag kwentuhan.Masaya ka usap si Daddy sapagkat mapagbiro. Nang matapos ang mahaba naming pag kwekwentuhan ay nagyaya na si daddy na mag pahinga napagod siguro kaka kwento. "Goodnight mama, Goodnight Daddy" kiniss ko sa cheek si mama at daddy bago umakyat sa kwarto ko. Pag ka tapat ko sa kwarto ko nakita ko si Chard na nasa likod ko lang pala "Goodnight Chard" sabi ko dito sabay kiss sa cheek niya na mukhang mali na ginawa ko kaya naman tumalikod na ko dito at pumasok sa kwarto ko. "Nakakahiya ka nanaman Cyrine!tuwang tuwa ka na hinahalikan siya sa pisngi" sabi ko sa sarili ko at pumasok na sa banyo. Nag linis lang ako saglit ng katawan ko at nag toothbrush pagkatapos ay nag bihis na ng patulog.Nakakapagod itong araw na toh kaya naman agad akong nakatulog. Nagising ako mula sa masarap kong tulog.Pag tingin ko sa orasan ko ay 11:30 na pala kaya naman agad akong pumasok sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Pag tapos ko maligo ay nag suot ako ng high waist jeans at crop top na sleeveless.Summer kasi ngayon kaya nag sleeveless ako. Pagkababa ko dumiretso agad ako sa dinning room at nakita ko silang tatlo. "Good morning Cy, ipapasundo na sana kita sa kwarto mo kaso nan dito ka na pala. Let's eat" sabi ni mama. Lumapit naman ako kay mama at daddy para i kiss sila sa cheek. Tumingin naman ako kay Chard at nakakunot ang noo niya mukhang badmood. "sorry na late lang po ako ng gising ko mama"  Habang kumakain kami biglang nag ring ang phone ko at nakita ko na si Ayen pala ang tumatawag. "Excuse me lang po" sabi ko at agad na sinagot ang tawag. ["Kanina pa ko tumatawag sayo akala ko tulog ka pa e"] "Gising na ko bye na see youuu" at binaba ko na ang cellphone ko kumakain kasi kami kaya ayaw ko ng patagalin ang pag-uusap naming sa telepono. "Sino yung Cy?" tanong sakin ni mama. "Si Ayen lang po mama, kanina pa daw po kasi siya tumatawag ngayon ko lang sinagot" kilala ni mama sila Ayen at tinuring na rin ni mama na parang anak sila Ayen. "Mukhang may gusto sayo yan si Ayen" pang aasar sakin mama. "Naku mama hindi po magkaibigan lang po kami ni Ayen" parang kuya ko na rin si Ayen sa grupo kasi namin si Ayen ang pinaka seryoso at hindi tulad ni Gab at Andrew na puro kalokohan ang nasa isip. "Pero siya mukhang hindi kaibigan ang turing sayo.Nakikita ko kasi sobrang maalaga si Ayen sayo" patuloy pa rin si mama sa pang-aasar na hindi ko naman sinakyan ayoko kasi na masira ang pag kakaibigan namin dahil lang dun. "Haynako mama, ganun talaga si Ayen pati rin naman kay Sophia ginagawa niya yun kasi kami ang babae sa grupo namin" yung dalawa kasi piling babae lang. "Antayin kita sa garahe" biglang sabi ni Chard at lumabas na.Bigla naman natawa si Daddy. "HAHAHAHA napikon mo yata siya hon" tuwang tuwang sabi ni Daddy kay mama. "Mukha nga HAHAHAHA sundan mo na yung Cy.Ingat kayo" tumango na lamang ako kay mama at daddy at pumunta na sa garahe. Nakita ko siyang nakasandal sa kotse habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay. Pinagbuksan naman niya ko ng pintuan na kinabilis nanaman ng t***k ng puso ko. Kahit simple lang naman ang ginawa niya tumitibok na agad yung puso ko. Sumakay na rin siya at nag umpisa na mag maneho. Seryoso lang ang mukha niya baka nga bad mood siya. "Sa Calamba Vil-" hindi nanaman ako natapos sa pag sasalita ko ng sumagot agad siya. "Alam ko" tumango na lang ako para kasing napahiya ako.Ang sungit nanaman baka nireregla HAHAHAHA Habang nasa byahe kami tahimik pa rin siya kaya naman nagsalita na ko para mabawasan ang pag akwardness. "Bakit ka badmood" tanong ko sa kanya. "Bakit kasi ganyan ang suot mo?" reklamo niya sakin pero maganda naman ang suot ko. "Alam mo naman na mainit diba" sagot ko dito na kinailing niya naman. "May damit ako diyan sa likod.Yun ang suotin mo" mukhang mas malala pa ito kay Ayen.Sinunod ko na lang siya malamig naman kasi sa loob ng kotse.Isang plain t-shirt lang yun kaya pinatong ko na lang sa sout kong crop top. "Sobrang laki pala sakin.Wag ko na kayang suotin" sabi ko kay Chard na mas lalo yatang nainis. Bigla niyang itinigil yung kotse sa gilid. "f**k! TACK IN MO.GUSTO MO BA AKO PA GUMAWA?" nagulat naman ako sa pag sigaw niya. "Bakit mo ko sinisigawan" kalmado kong sabi, hindi ako pwedeng magalit baka mapagod lang ako. "f**k!sorry,sorry Alzola,ayoko lang masyadong nakalantad yung balat mo sa kanila." malambing na sabi niya na kinagulat ko naman. Tapos ito nanaman yun puso ko na parang hinahabol ng aso. "ok, ta tack-in ko na,ahm talikod ka na" pagkatalikod niya agad ko naman tinack in yung damit niya. Maganda pa rin naman ako HAHAHAHA. "ok na" sabi ko dito kaya naman lumingon na siya sakin. "Good girl" at pinagpatuloy na niya ulit ang pag mamaneho. Pag karating namin sa tapat ng bahay ni Alexie baba na sana ako ng hawakan niya ang braso ko. Napatingin naman ako sa kanya. "huwag ka ng bumaba" sabi nito at bumusina na lamang agad naman nag silabasan ang tatlo galing sa kani kanilang bahay.  Binuksan ko ang bintana ko para makita nila ko "Guys!pasok na kayo" agad naman silang pumasok at naupo sa likod. "Lagay niyo na lang yung gamit niyo sa likod" nilagay naman ni Ayen ang mga gamit nila. "Hi Cy!pakilala mo naman kami sa kanya" malanding sabi ni Gab  "Chard mga kaibigan ko nga pala.Si Gab, Ayen at Alexie. Guys si Chard" tumango lamang si Chard sa kanila at nagmaneho na "shemaaay ang gwapo nga niya Cy" nahiya naman ako sa sinabi ni Alexie.Hindi kasi alam ni Chard na nagkwento ako sa mga kaibigan ko about sa kanya. "Shut up Alexie" inis na sabi ko sa kanya madaldal pa naman si Alexie baka ano pa masabi niya. Pagkarating namin sa tapat ng bahay ni Andrew nakahinga na ko ng maluwag kasi hindi naman sila nag ingay about sa kiwento ko kahapon sa kanila. Thanks God! Hindi na nila kinuha sa kotse yung gamit nila kasi susunduin rin naman kami ni Chard. Bababa na rin sana ako ng pigilan ako ni Chard. "Akin na ang cellphone mo" ibinigay ko naman yung cellphone sa kanya at may nilagay siya. "Nan diyan ang number ko.Pag aalis ka ng bahay wag mong kakalimutan yung cellphone mo" at binalik na niya sakin ang cellphone ko. "Sige ingat ka,balikan mo na lang kami mamayang 5:30" tumango na lamang siya kaya bumaba na ko. "Ang tagal mong bumaba sa kotse" mapang asar na sabi sakin ni Gab na tinarayan ko na lamang. "Nandito pala kayo Cy, tara pasok kayo sa loob magugulat si Andrew dahil nandito kayo" sabi ni mama Jing ang mama ni Andrew.Kung alam mo lang tita planado namin ito. Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila Andrew nakita namin siya na nanonood ng t.v sa sala nila. "SURPRISE!!" sabay-sabay na sabi naming apat. "OMG guys, mahal na mahal niyo talaga ko" kunyaring gulat naman na sabi ni Andrew HAHAHAHA "Kukuha lang ako ng miryenda niyo" sabi ni mama Jing at umalis na.Pag alis ni mama Jing agad naman kaming nag tawanan kasi umaayon ang plano namin. "Ang galing mong umarte HAHAHAHA" sabi ni Alexie kay Andrew. "Ako pa, kamukha ko yata si Nadine" nagsi ubuhan namin kami sa sinabi ni Andrew HAHAHAHA eme "Napaka emedora mo" asar na sabi ni Gab na kinatawa naman naming lima. Tumigil lang kami sa pag tawa ng dumating na si mama Jing dala ang miryenda.  "Kain na kayo" masayang sabi samin ni mama Jing. "Thank you mama Jing" sabay-sabay naming sabi na kinangiti naman ni mama Jing at umalis na. "Tara guys doon tayo mag-usap sa kwarto ko" sabi ni Andrew at pumunta na kami sa kwarto niya. Pagpasok namin sa kwarto niya agad akong dumapa sa kama. "Sayang Andrew hindi mo nakita kanina yung Chard na kini kwento ni Cy.Grabe napaka gwapo parang greek God" sabi ni Gab na parang ngayon lang nakakita ng gwapo.Bigla naman binuksan ni Alexie ang laptop ni Andrew.Napakapakilamera talaga HAHAHAHA. "Tapos pinagkamalan lang na bakla ni Cy?HAHAHAH" hindi makapaniwalang sabi ni Andrew kaya ito nanaman ako at nahihiya kasi naalala ko yung pag halik ko sa cheek niya argg. "Guys sikat na sikat pala talaga si Chard. Check niyo toh" sabi ni Sophia at binigay samin ang laptop. Sabi dito isa siyang walang pusong CEO at Abogado.Hindi mo matatapatan ng pera ang pagiging abogado niya.Sa edad na 26 marami na siyang ari-arian.Single din siya. "Ang layo pala ng edad natin sa kanya, parang kuya na natin siya" biglang sabi ni Ayen na parang kina inis ko. "Ikaw din naman parang kuya namin.Lagi mo kaming pinag sasabihan" sabi ko sa kanya na biglang kinakunot ng noo niya. "Wag mo ngang ikunot yang noo mo Ayen nagmumuka kang matanda" sabi ni Alexie na kinatawa namin ng malakas HAHAHAHA buti nga sayo para mo kasing pinalalabas na matandan na si Chard. "Tsaka mas mukha ka kayang kuya" sabi naman ni Andrew na kinatawa ulit namin. "uy guys tama na yan" tumigil naman kami sa pagtawa ng mag salita si Gab "baka umiyak na si kuya Ayen HAHAHAHA" natawa ulit kami ng may idagdag papala siya HAHAHAHA. "Hindi naman ako pikon" sabi ni Ayen na hindi namin inintindi kasi parang uusok na yung ilong niya HAHAHAHA. "ok ok tama na, may chika pala ko about sa pag punta ko sa bar" sabi ni Gab kaya naman napatingin kami sa kanya. "Sobrang daming gwapo dun next week punta tayong lima"  "Pero 17 pa lang kayo 18 na" sa May 14 pa kasi ang birthday ko samantalang sila katatapos lang. "Kasama mo naman kami tsaka hindi ka na niyan mahahalata" sabi ni Alexie na kinatango namin maliban kay Ayen. "Sige,sunduin niyo ko sa Bahay. Hindi ako papayagan niyan kaya ang sasabihin ko na lang party ng kaklase natin HAHAHAHA" sabi ko sa kanila, hindi kasi ako papayagan niyan ni mama lola na't 17 pa lang ako. "Wag ka ng sumama.Mausok dun diba bawal ka sa mausok." parang tatay na sabi ni Ayen. "Pag umalis tayo wag natin isama si Ayen. Napaka kj hayst" sabi ko sa kanila na kinatawa nila. "Fine, kailangan niyo kong isama baka mapahamak kayo" yeah tama rin si Ayen, baka mapa away pa kami. Madami pa kaming pinag kwentuhan ng biglang may tumawag sa cellphone ko.Nang makita kong si Chard ang tumatawag agad akong napangiti. "Hmm sino yan at ngumingiti ka pa?" chismosang tanong ni Gab. Hindi ko na lang pinansin yung tanong ni Gab. "excuse lang guys sagutin ko muna" sabi ko at sinagot ang tawag. [Nandito na ko sa baba] "ok ,wait" sabi ko at binaba na ang tawag. "Baba na tayo guys nan diyan na sa baba si Chard" agad naman kinuha ni Andrew ang bag niya. Pag baba namin nakasalubong namin si mama Jing "Mag o-overnight po kami ngayon sa bahay namin mama Jing" "ok,ingat kayo" naghiyawan naman kami sa sinabi ni mama Jing kadalasan kasi hindi siya pinapayagan kahit na lalaki siya. Alam na rin kasi ng mga magulang ni Andrew na bakla siya pero tinangap pa rin siya.Tulad ni Gab na tangap din sa pamilya nila. "Ok bye,bye mama Jing" paalam namin at lumabas na. "Sino mauupo sa pinaka likod?baka kasi hindi kayo magkasya" tanong ko sa kanila. "Ok lang kami,mas gusto namin mag tabi tabi tsaka kasyang kasya kami" tumango na lang ako sa sinabi ni Alexie at pumasok na kami sa kotse. "Chard, si Andrew nga pala. Andrew si Chard" pagpapakilala ko sa kanila pero tulad kanina tumango na lamang si Chard at nagmaneho na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD