Cyrine's POV
Pagkababa niya ng kotse agad niya kong pinagbuksan at hinawakan sa bewang ko. Aalisin ko sana kaso bigla niya kong pinagbawalan "Don't"
Pag kapasok namin sa loob ng kompanya niya agad siyang binati ng mga tao pero hindi niya man lang binati pabalik. Ang mga mata niya rin ay cold tulad ng una naming pagkikita. Narinig ko naman ang pag-uusap ng iba niyang trabahante.
"ngayon lang nagdala si sir ng babae sa kompanya"
"Ang bata bata pa ang landi agad"
"Saan naman kaya na pulot ni sir yang babaeng yan?"
"Bayarang babae"
Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa mga salitang binitawan nila na wala namang katotohan. "Chard, iwan mo na lang ako dito" nakayukong sabi ko ayoko naman na masira siya dahil sakin.
"GUARD!PALAYASIN MO ANG MARURUMING BABAENG YAN SA KOMPANYA KO!" galit na sigaw ni Chard at hinila na ko papunta sa private elevator.
Grabe nakakatakot siyang magalit para siyang monster. Nang bumukas ang elevator agad kaming pumunta sa office niya na kasing laki yata ng sala namin.Pagtingin ko sa kanya galit pa rin ang itsura niya kaya naman hinawakan ko siya sa braso.
"Hey!Mr.CEO kumalma ka lang" napatingin naman sakin si Chard at nawala na lang bigla ang madilim na awra sa kanya
"Buti sa kanila yun lang ang inabot nila sakin" niyakap ko na lang si Chard para naman kumalma na siya ng tuluyan.
"Tumigil ka na" sabi ko dito at niyakap rin ako.
"Ayoko lang naman na sinasabihan ka nila ng ganung salita" mahinahon na niyang sabi. Bigla naman akong nahiya sa ginawa kong pag yakap sa kanya. Hihiwalay na sana ako ng mas yakapin niya pa ko ng mahigpit "Gusto ko na lang palaging magalit"
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya na parang nawala ang hiya ko sa nangyari kagabi at nangyayari ngayon.Parang normal na lang sakin.
"Para lagi mo kong pinapakalma" namula naman ako sa sinabi niya at hindi ko na lang pinahalata.
Hindi pa sana kami titigil sa pag yayakapan ng biglang may kumatok. Agad naman akong bumitaw sa yakap ni Chard at nagtago rin sa likod ni Chard baka kasi may galit din yun sakin.
"Come in" malamig niyang wika.
"Sir, nasa conference room na po ang lahat kayo na lang po ang hinihintay" sabi ng lalaki na mukhang secretary niya. Narinig kong nagsara na ang pintuan kaya naman lumingon na ulit sakin si Chard.
"Wag kang aalis dito babalikan agad kita" tumango na lang ako sa sinabi niya kasi ang bilis talaga ng t***k ng puso ko. Parang may mga paru-paro na naglalaro sa tyan ko.
Hinalikan muna ako ni Chard sa noo bago siya lumabas. Sheeeet bat ganito siya sakin kinikilig ako. Tuluyan na yata akong mag kakagusto sa kanya o baka gusto ko na talaga siya. Sheeeet legit gusto ko na siya. Para kasing matagal ko na siyang kilala.
Naupo na lang ako sa sofa niya at nagbuklat ng mga magazine. Nang biglang may pumasok na babae na sobrang kapal ng make-up at ang ikli ng palda. Halos makita na rin yung hinaharap niya dahil hindi naka butones ang polo t-shirt niyang suot.
"Ikaw pala ang babaeng lumalandi kay Chard" baliw na yata si ate na mukhang espasol.
"Galing po ba kayong Laguna ate?Kasi ako galing din doon pero hindi naman ako mukhang espasol" sarcastic kong sabi sa kanya na kinausok ng ilong niya na puro naman black heads.
"Nang iinsulto ka ba?" galit na tanong ni Ms.Espasol.
"Bakit po?naiinsulto po ba kayo?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"MALANDI KA TALAGA!"galit na sabi niya sakin at bigla akong sinabunutan.
"Wala po akong ginagawang masama" masyado siyang malakas at hindi ko mapigilan.
"p****k!BAYARANG BABAE DAPAT LANG SAYO TO'!!" napahiga naman ako at na upo naman si ate sa tyan ko at patuloy pa rin akong sinasabunutan. Hindi pa siya nakuntento at sinampal at kinalmot niya po ako. Naiyak na lamang ako sa pinag gagagawa sa akin ng babaeng ito.
Please Chard,Help me! sigaw ko sa aking isipan. Bigla naman may humatak sa buhok ng babaeng nakadagan sa akin at pinagsa sasampal ito.
"f**k YOU b***h!HOW DARE YOU TO HURT MY WOMAN" galit na sigaw ni Chard sa babae "ILABAS MO YAN SA COMPANYA KO AT IPATIRA SA BLACK GUARD THEN TAPUSIN!" sabi naman ni Chard sa secretary niya.
Agad akong nilapitan ni Chard at binuhat ng pa bridal style at dinala sa sofa.Kinuha niya ay first aid kit at pinatong sa mini table. Mabilisan naman akong binuhat ni Chard at naiupo niya agad ako sa lap niya ng patagilid. Ang bilis nanaman ng t***k ng puso ko sheeet.
"Dapat hindi na kita iniwan dito,dapat hindi na kita sinama dit para hindi ka napapahamak" nakokonsensya niyang sabi.Hinawakan ko naman siya sa pisngi niya at tinitigan.
"Wala kang kasalanan.Hindi naman ikaw ang nanabunot sa akin. Buti nga at bumalik ka agad kasi kung hindi baka kung ano pang gawin sakin ng baliw na babaeng yun. Kaya wag mo ng sisihin yung sarili mo" bigla ko siyang kiniss sa ilong na kinangiti niya at ito nanaman ako gusto na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na ginawa ko.
"Bat parang nahihiya ang Alzola ko?" nakangising tanong ni Chard sa akin na lalo kong kinapula kaya naman yumuko na lamang ako para maitago ang mukha kong parang kamatis na yata. "Ang bilis talaga mag laho ng galit ko pag kasama kita." ang bilis naman ng t***k ng puso ko pag kasama ka.
"Chard..." hindi ko alam ang sasabihin ko.Bakit ang sweet-sweet niya sa akin?
"Gamutin na natin yang sugat mo" at nag labas siya ng bulak at alcohol.Nilagyan niya ng alcohol ang bulak at uting uting niya dinampi ang bulak sa pisngi kong may kalmot.
"Aray Chard" agad naman niyang hinipan para mawala ang hapdi at nawala nga. Pagkatapos niyang gamutin lahat ng kalmot sa akin ng babaeng yun ay binuhat niya ulit ako at ngayon sa sofa na mismo ako nakaupo.
Kumuha siya ng suklay at lumapit ulit sa akin at sinuklayan ang buhok kong nagulo dahil sa babaeng yung. Maayos niya rin na pinusod ang buhok ko na kina ngiti ko nanaman.
"Thank you Chard" nakangiting sabi ko dito.
"I like you Alzola" ito nanaman ang puso ko na hinahabol ng kabayo. Sobrang bilis at lakas ng t***k baka marinig ni Chard.
"Gu-gusto mo na agad ako?E kakakilala pa lang natin" nauutal na tanong ko.
"Matagal na tayong mag kakilala Alzola ko.." bigla naman niyang sinuot ang salamin niya at binaba ang buhok niya. Tinitigan ko siya ng maigi hanggang sa maalala ko na.
"Mr. Sunglasses!" masaya kong sabi at niyakap ko siya ng mahigpit kaya naman napakandong ulit ako sa kanya patagilid.
"Naalala mo din ako Alzola, crush mo pala ako" pangaasar sa akin ni Chard.
"Crush lang naman hindi pa love" para naman nalungkot yung mga mata niya.
"Mamahalin mo din ako" sabi nito na kinangisi ko lang.
"Ako nga gusto mo lang pero hindi naman ako nag demand" nakangusong sabi ko sa kanya na kinatawa niya.
"Hindi ka na naiilang sa akin ngayon" pag-iiba niya ng usapan.
"Bakit naman ako maiilang sa crush ko, baka ikaw mailang HAHAHAHA" natawa rin siya sa sinabi ko.
"Syempre hindi nahalikan na nga kita sa labi" hmm inaasar mo ko huh. Hinawakan ko naman siya sa dalawa niyang pisngi at nilapit ang mukha ko. "Gusto mo pala kong halikan Alzola"
"Chineck ko lang kung may kulangot ka HAHAHAHAH emedora ka" bigla naman niya kong hinalikan ng mabilisan sa labi ko. "Ganun mo ba ko kagusto Chard para mag nakaw ng halik HAHAHAHHA"
"Be mine" natigilan naman ako sa pagtawa ng bigla niya sabihin yun.
"Tigilan mo ko Chard, bawal pa ko mag boyfriend 17 pa lang ako" pag 18 na ko tsaka pa lang ako papayagan ni mama na mag boyfriend.
"Edi sabihin natin kila tita sa birthday mo. Gusto ko na kasi mag karoon ng karapatan na magselos. Gustong gusto kita Alzola, Gusto kitang bakuran sa lahat ng manliligaw sayo. Kahit na araw-araw kitang ligawan ok lang sakin. I like you so much" inantay ko yung 3 words pero hindi naman pala niya sasabihin okray.
"Sorry Chard, pero masyado pa talagang maaga para sa atin. Sana maintindihan mo ko" sabi ko sa kanya at tumayo na sa pagkakaupo.
"Pero liligawan pa rin kita Alzola" tumango ako sa sinabi niya.Payag naman ako, liligawan lang naman.
"Tara na kumain na tayo. Nagutom ako sa pag sabunot ng babaeng yun" bigla naman nag dilim ang awra ni Chard.
"Papatayin ko talaga yung babaeng yun" kinilabutan naman ako sa sinabi niya pero niyakap ko pa rin siya upang kumalma.
"Tara na kain na tayo, sige ka baka magutom ako at hindi na kita magustuhan" pabirong sabi ko dito.
"Saan mo ba gustong kumain?" malambing niyang tanong sakin.
"Sa Chinese Restaurant na lang" agad naman niya kong inakbayan kaya naman kumapit na rin ako sa bewang niya. Para kaming mag kasintahan pero hindi pa po.
Pagkasakay namin sa private elevator bigla naman ako natakot baka awayin nanaman ako ng mga mukhang espasol. Masakit din ang makalmot, masabunutan at masampal.
Pagkalabas namin ng elevator napayuko na lang ulit ako habang naglalakad kami ng biglang tumigil si Chard kaya napatigil na rin ako. Nabigla naman ako ng hawakan ni Chard ang baba ko at iangat kaya naman napatingin ako sa kanya."Hindi dapat yumuyuko ang magiging asawa ko"
Yung mga titig niya na parang ang bilis akong mapasunod kaya naman tinanguan ko siya at naglakad na ulit palabas ng office niya. Agad akong pinagbuksan ng pintuan ni Chard kaya sumakay na ko. "Thank you"
Ngumiti naman si Chard at umikot na papuntang driver seat. Bigla naman siyang lumapit sakin at alam ko naman na ikakabit niya lang ang seatbelt ko kaya inunahan ko na siya.
"Safety first" nakangiting sabi ko kay Chard. Bigla naman niya kong hinalikan sa noo ko na kinabilis nanaman ng puso ko.
"Mas safe ka pag nasa tabi kita" nakangising sabi nito sa akin.
"Tumigil ka na nga.Mag drive ka na papuntang restaurant" kunyaring naiinis kong sabi dito na kinatawa na lang niya at nag umpisa ng mag drive.
Mabilis kaming nakarating sa Chinese restaurant medyo malapit lang kasi sa kompanya ni Chard. Pinagbuksan niya ko ng pintuan at hinawakan na ulit ako sa bewang ko na parang may hihila sa akin palayo.
Pagpasok namin sa restaurant agad kaming nagtungo sa VIP room. Tabi kami sa upuan at nakaakbay pa rin siya sakin.
Bigla naman may pumasok ng mga crew at nilapag ang mga Chinese food sa lamesa namin."Enjoy sir" sabay-sabay nilang sabi at nag silabasan na.
Nilagyan ako ng pagkain sa pingan ni Chard kaya naman sinubuan ko naman siya. "Ang sweet naman ng magiging ina ng mga anak" nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napainom agad ako ng juice.
Bigla naman nahulog ang pitsel kaya nabasag to' agad naman may pumasok na lalaking crew at nag umpisang linisin yun. Tumingin naman ako kay Chard at madilim nanaman ang kanyang awra.
"Kain na tayo, hayaan na natin yung crew" sabi ko kay Chard at sinubuan ko ulit siya pero yung mga tingin niya ay nasa crew pa rin. Hinawakan naman ni Chard ang legs ko at inurong papunta sa kanya.
Habang kumakain kami nagulat ako ng biglang may humipo sa binti ko kaya agad akong napatayo. Biglang naman na pinagsususuntok ni Chard yung crew "PUTANGINA MO, MALI KA NG BINASTOS!NAKAKAPAG PIGIL PA AKO KANINA PERO NGAYON HINDI NA" halos mapatay na ni Chard yung crew kaya naman lumapit na ko kay Chard at niyakap siya mula sa likod.
"Umuwi na tayo Chard,pleaseee" malambing ko sambit sa kanya agad naman niya kong hinawakan sa bewang ko at hinatak na ko palabas ng restaurant.
Binuksan niya agad yung kotse niya at sinakay ako. Habang siya ay naiwan sa labas at may kinausap sa cellphone niya. Pagkatapos niya makipag-usap ay agad siyang sumakay ng kotse. Nakita ko naman ang kamay niya na may dugo pa, dugo ng crew kanina. Nilabas ko naman ang panyo ko.
"Akin na yang kamay mo pupunasan ko" inabot naman niya yung kamay niya kaya pinunasan ko agad. "Bawasan mo naman minsan yung init ng ulo mo Chard, muntik ka ng makapatay" binaba ko na yung kamay niya pagkatapos kong mapunasan.
"hindi na sana humihinga yung lalaking yun kung hindi pa nabawasan yung init ng ulo ko" sabi ni Chard sa akin. Seryoso ba siya?nabawasan na niya yung init ng ulo niya sa lagay na yun?
"Umuwi na nga tayo, baka ma traffic pa tayo rush hour pa naman. Baka nag-aalala na si mama" 7 P.M na rin kasi tsaka 2 hours pa byahe namin e traffic pa baka maging 3 hours.
"Nasabi ko na kay tita na late tayong makakauwi.Alam naman niya na traffic sa Metro Manila" tumango na lang ako sa kanya.
Habang nasa byahe kami hindi ako nainip kahit na traffic masaya kasing ka kwentuhan si Chard. Hindi ko na rin namalayan na nakauwi na pala kami. Pagbaba ko ng kotse tsaka lang ako nakaramdam ng antok 9:45 P.M na rin kasi.
Pagkapasok namin sa bahay nakita namin si mama at daddy na nasa sala at nag lalambingan napatigil naman sila ng makita nila kami. "Nakakain na ba kayo anak?" agad na tanong ni mama.
"Opo mama, Goodnight po" aakyat na sana ako ng biglang mag salita si Chard.
"Tita, tito, babakuran ko na si Alzola ko"