Episode 2

2072 Words
Cyrine's POV Nagtititigan lang kami ni Chard ngayon sa sala hindi ko alam kung paano ko siya uumpisahang kausapin para yayain na mag Ikot dito sa napakalaking bahay.Naiilang pa rin ako hanggang ngayon sa kanya lalo na sa mga titig niya ngayon kaya naman napayuko na lamang ako. "Saan mo gusto unang pumunta?" tanong sakin ni Chard na wala man lang reaksyon pano ba toh mag kakaroon ng reaksyon? "I-ikaw na ba-bahala" sheeeet bat ba ko nauutal sa kanya lintek naman oh. "tara sa dining room" agad naman akong sumunod sa kanya papunta sa dining room. Nasa likod niya lang ako kaya naman malaya kong napagmamasdan ang kabuuang likod niya at amoy na amoy ko rin siya kung gaano siya ka bango hmm. Napahinto naman ako sa pag titig sa kanya ng makarating kami sa  dining area. Malaki ang Dining area kumpara sa dining area namin sa dati naming bahay. Malaki rin ang lamesa at kasya ang 12 na tao.  "Doon naman ang kitchen" sabi ni Chard habang naka pamulsa ang dalawa niyang kamay at tulad kanina wala pa rin siyang reaksyon. Pumunta naman kami sa kitchen at malaki rin ito may isang matatandang katulong ang naghahanda para siguro sa dinner namin. "Manang mag-isa lang po ba kayo na mag hahanda dito" magalang na tanong ko dito.   "ah opo madam kayang kaya ko naman ito at matagal ko na rin itong ginagawa" naawa ako kay lola kasi ang tanda na niya dapat sa kanya nag papahinga na lamang. "Wag niyo na po akong tawaging madam ,Cyrine na lang po. Tsaka gusto niyo po ba na tulungan ko na kayong magluto magaling po ako diyan" masigla kong sabi kay manang. "Wag na Cyrine, narinig ko kanina na mag iikot kayo ngayon diba tsaka ilang taon ka na nga pala at napakagaling mo na agad magluto?" bigla ko naman naalala na kasama ko nga pala si Chard.Kaya napalingon ako dito at nahuli ko siya na nakatitig sa akin.Baka namalik mata lang ako. "sige po manang sa susunod ko na lang po kayo tutulungan magluto tsaka po mag 18 pa lang po ako " sabi ko dito at tumalikod na ko .Tumalikod na rin si Chard kaya sinundan ko ulit siya lumabas kami sa isa pang pinto at pag kalabas ay nakita ko agad ang napakagandang pool at sa tabi nito ay may malaki ring jacuzzi.  "Ayun ang kwarto mo sa walang veranda" turo niya sa glass wall na kwarto na katabi naman ay kwarto na mayroong veranda at tinted na tinted ang glass wall. Pero bakit ang layo ng kwarto ko sa kwarto nila mama? "Bakit parang ibang bahay naman ang kwarto ko?" tanong ko kay Chard. "Diyan ka nilagay ni tito at tita." sabi nito at naglakad papalapit sa pool kaya naman sinundan ko ito "Tsaka hindi ka naman masyado malayo ayun ang kwarto nila tito" turo naman niya sa katapat ng kwarto ko na ang pagitan ay ang malaking pool.Sobrang laki ng kwarto nila mama halos sakanila lang ang buong 2nd floor. "Kaninong room yung dalawa dun?" tanong ko kay Chard.Medyo nawawala na ang pag ka ilang ko sa kanya ewan ko kung bakit agad nawala.Komportable na ko ngayon na makausap siya. "Guest room yung isa na malapit sa hagdanan samantalang yung katabi mong room ay kwarto ko" nakangisi niyang sabi. Wow nakakangisi pala siya akala ko hindi siya marunong HAHAHAHA. Patuloy pa rin kami sa paglalakad sa paligid ng pool habang nakasunod lamang ako sa kanya. Natatakot kasi akong tumabi sa kanya baka mabanga niya ko at mahulog pa ko sa pool e hindi naman ako marunong lumangoy Lalo na pag malalim na't hindi ako makakatayo. "Chard" kailangan maging close ko rin si Chard feel ko masaya naman siya kasama kahit na hindi naman pala ngiti.Tsaka mukhang mabait naman siya hindi tulad nung mga kaklase ko nung grade 3 ako. "hmmm" tanging sagot niya sakin, hays napaka tipid talaga. "Pwede ba tayong maging mag kaibigan?Mukha ka namang hindi ka gagawa ng masama sakin" nakangiti kong sabi dito kahit na nakatalikod pa siya sakin. Bigla naman lumingon sa akin si Chard. "Ayoko" edi wag pala atleast nan diyan pa rin sila Alexie para sakin. Akala mo naman kung sino palibhasa mukhang yelo. "ok, akyat na ko magpapahinga na ko" medyo malungkot kong sabi alam ko naman na kwarto ko pinaka dulo pag akyat sa hagdan. Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita gamit ang malalamig pa rin niyang boses. "Ayoko ng kaibigan lang" huh? pinagsasabi nito? "nevermind, sige mag kaibigan na tayo" sabi nito sabay talikod sakin. "Talaga Chard?yes anim na ang totoo kong kaibigan" meron pa kong isang kaibigan nung grade 3 ako kaso hindi ko na alam kung nasan na siya.Siya yung nagligtas sa akin nung sa cr at naalala ko nung senior high na siya. Sa university kasi ako nag-aaral dati kaso simula ng mangyarin yung aksidente na yun nilipat na ko ni mama. "Akala ko apat lang ang kaibigan mo?" nagtataka niyang tanong. "Meron pang isa kaso hindi ko na alam kung asan na ba siya ngayon.Grade3 pa ko huling kita ko sa kanya" crush na crush ko talaga yun kaso hindi ko man lang nalaman pangalang niya ang layo rin kasi ng building namin sa building nila.Tsaka sobrang bata ko pa nun. "Akala ko ba wala kang kaibigan noong grade3 ka kasi palagi kang inaaway ng mga ito.Kaya nga lumipat ka ng school diba" walang emosyon niyang sabi pero ito na yata yung pinaka mahaba niyang sinabi.Pero paano niya nalaman?hmm baka kinwento lang ni mama. "ah meron yu-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit ito. "Tara na sa taas" anong nangyari doon.Malapit ng makapasok si Chard sa pinto papasok sa kabilang bahay kaya naman tumakbo agad ako kaso may natapakan akong bato kaya naman na out of balance ako at nahulog sa pool. Bandang dulo ako ng pool nahulog kaya mataas na ito.Todo kalampag ako ng kamay ko pero napagod rin at tuluyan ng kong lumubog sa tubig. Third person's POV PAPAAKYAT na sana sa hagdanan ang binatang si Chard ng hindi niya maramdaman sa kanyang likod ang dalagang si Cyrine kaya naman agad siyang lumabas ulit at sobrang kaba niya ng makita niya ang dalaga sa ilalim ng pool agad siyang nag dive papunta sa dalaga at kinuha ito at inangat. Pag ka ahon ng binata agad niyang ginigising ang dalaga "Alzola,Alzola plsss don't leave me again" kitang kita mo sa mga mata ng binata ang pag-aalala nito para sa dalaga. Agad na niyang CPR ang dalaga hanggang sa na pa ubo ito na may kasama pang tubig. "God" Cyrine's POV Bigla akong napaubo at tinulungan naman ako ni Chard na makaupo. "God" rinig niyang sinabi ni Chard. "Thank you friend HAHAHAHA sabi na e ikaw magliligtas sakin" pabiro kong sabi dito. "Nakapag bibiro ka pa niyan huh e muntik ka na ngang mamatay" sabi nito sabay buhat sakit ng pa bridal style.Agad naman akong napahawak sa leeg niya upang hindi ako mahulog. "Sorry Chard, pwede naman na huwag mo na kong buhatin kasi nababasa ka pa oh" habang buhat niya ko nakatitig lang ako sa napaka gwapo niyang mukha.Ang matatangos niyang ilong ang mahaba niyang pilik mata yung mga mata niya na itim na itim tapos yung labi niya na sheeeet ang landi mo Cyrine. "ok lang sakin" nagulat ako kasi hindi na malamig ang pag sasalita niya parang may pakiramdam na at gusto kong ganito siya sana ganito na lang siya palagi. Pag kadating namin sa second floor agad siyang tumungo sa pinaka dulo sa pink na pintuan tapos may pangalan pang nakalagay na 'Beauty' Pagka bukas niya ng pintuan agad akong binaba ni Chard kaya naman  agad akong kumuha ng bathrobe at tuwalya para sa buhok. Si Chard naman ay naupo lang sa sofa ko na pink kaya naman hinayaan ko na lamang at pumasok na ko sa banyo para maligo. Matapos ang 30 mins kong pagligo ay nag suot ako ng bathrobe at pinunasan ko na ang buhok ko.Nagulat naman ako ng nandito pa rin si Chard habang hawak-hawak ang frame na picture ng crush ko nung grade 3 ako. Agad ko naman itong kinuha sa kanya.  "Sino yung lalaki sa picture?" nakangisi niyang tanong na parang nang aasar.  "wala lang kaibigan ko lang" yung picture na 'to ay binigay niya lang sakin bago ako umalis sa university para daw hindi ko siya makalimutan kasi babalik daw siya at papakasalan ako ang cheesy diba. "Talaga ba?e bakit mo pa pina frame ?" nakangiti nitong tanong.Yung ngiting nang aasar. Ang gwapo niya pag naka ngiti kamukha niya si Mr. Sunglasses yung crush ko nung grade 3 hindi niya kasi sinabi sakin pangalan niya nun kaya naman tinawag ko na lang siyang Mr.Sunglasses. "Oo na, siya nga yung crush ko nung grade 3 kami kaso umalis ako ng university namin kaya naiwan siya baka nga may asawa na yun" malungkot kong sabi dito bigla naman akong niyakap ni Chard. "Wala pa" sabi niya habang yakap ako.Anong wala pa?pero hindi ko na itatanong sa kanya ang sarap kasi niyang kayakap HAHAHAHA. Nilayo na niya ang sarili niya sakin at ngumiti my God sobrang gwapo pag nakangiti  "sige magbibihis na ko Chard" tumango siya sakin at lumabas na ng kwarto ko.Hays grabe sobrang bilis ng t***k ng puso pag kasama ko si Chard bat ganito? Pumasok na ko sa walk in closet na sobrang laki. May lalagyanan para sa sapatos ,sa bag, sa alahas, sa mga damit. Nagsuot lang lang ako short at simpleng t-shirt pagtapos ay lumabas na ko ng walking closet ko. Maganda rin ang kama ko pinaghalong violet at pink tapos may sofa na mabalbon.  Nahiga na ko sa kama ko at  binuksan ang cellphone ko para maka pag chat sa gc naming lima. Me: Guys I have chikaAaa.  Ayen: bakit mga katulong lang ang nasa bahay niyo? Alexie: chika mo na Gab: vc na lang para mas madali Agad kaming nag video call pero wala si Andrew. "Nasan si Andrew?" tanong ni Alexie. "offline pa siya sis, mag kwento ka na Cy?" sabi ni Gab habang nag ma make-up pupunta raw kasi siya sa bar mamayang gabi sasamahan niya yung pinsan niyang broken pero ang totoo maghahanap lang naman siya ng gwapo.  so kinwento ko na nga sa kanila lahat ng nangyari ngayong araw. Pati sila Alexie ay hindi makapaniwala na mag kakaroon na ng bagong asawa si mama. Tapos si Gab naman doon lang kay Chard ang tutok kasi daw kiniss ko at tawang tawa sila sa kahihiyan ko maliban kay Ayen na seryoso nanaman. "Kaya pala ng pumunta ko sa bahay niyo puro mga katulong lang ang nandun" sabi ni Ayen,mag kakapit bahay lang kasi kaming lima sa Calamba Village. Tapos ang nilipatan naman namin ngayon ay sa Los Banos Village. "Bat ka nga pala pumunta sa bahay Ayen?" tanong ko dito magsasalita na sana siya ng biglang sumulpot sa video si Andrew. "Hey guys!nasa Manila ako todaaay at ayaw pa kong pauwiin jan sa Calamba" maarteng sabi ni Andrew nakinailing ko na lang. "Kawawa ka naman, hindi mo makikita ang bagong bahay nila Cy" pang-aasar ni Gab dito na kinatawa naming tatlo.  "omg lumipat na kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Andrew at hindi na lamang pinansin ang pang-aasar ni Gab sa kanya. Kaya naman kinwento ko na lang ulit yung nangyari kanina na kinatawa niya rin dahil kiniss ko nga si Chard sa cheek. "Tumigil ka nga diyan Andrew, ang isipin mo kung paano ka makakauwi dito" bigla naman siyang natigil sa pag tawa at nag isip. "Alam ko na!puntahan niyo ko sa bahay kunyari nagulat ako tapos pag dating niyo dito mag kwentuhan muna tayo saglit tapos bigla niyo kong yayain" nagtawanan naman kami sa sinabi ni Andrew kasi mukhang ayaw niya doon sa kanila ngayon. "Sige, alam naman namin yan bahay niyo Andrew. After lunch sunduin ko kayo jan sa bahay niyo Ayen, Alexie, Gab, ayusin niyo na rin yung mga baon niyong damit.Para diretso na tayo sa Manila." tumango naman sila sa sinabi ko.Nang biglang may kumatok sa pintuan ko kaya naman nag paalam nako sa kanila. Lumapit naman ako sa pintuan upang pag buksan ang kumatok at nakita ko si Chard na bagong paligo pa lamang at amoy na amoy ko kung gaano siya ka bangooo. "Tumatawag sa telepono mo si tita" sabi ni Chard at agad na pumasok sa kwarto ko at nahiga sa kama ko. Inamoy amoy niya pa yung malambot kong kama baka bakla talaga toh HAHAHAHA "Hindi ko na pansin pero bakit ba siya tumawag?" pwede naman kasing pumunta na lang siya dito haynako ang tamad talaga ni mama. "Kumain na daw tayo" nakapikit niyang sabi baka inaantok  na siya. Pagtingin ko sa labas ay gabi na rin pala kaya siguro siya inaatok. "Chard" naupo ako sa gilid ng kama ko para malapitan ko pa siya "hmm?" pagod na sabi nito. Hinawakan ko naman yung buhok siya at hinimas himas. "Mukhang inaantok ka na" sabi ko kay Chard.Nagulat naman ako ng bigla siyang dumilat at tumitig sa akin tsaka hinawakan ang kamay ko at ito nanaman yung puso ko na sobrang bilis ng t***k. "Inaamoy ko lang yung kama mo, ang bango kasi" sheeeet nakakahiya nanaman bat kasi feeling ko matagal na kaming close
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD