Cyrine's POV
"Trinidad, Alzola Cyrine with high honor." Masaya kong umakyat ng stage kasama si mama para isabit sa akin ang medalya na matatanggap ko. "Congratulation" ngiti sa akin ng aming principal.
"Thank you po" masaya kong sambit at ngumiti na sa camera pagtapos ay agad na kaming bumaba ni mama at bumalik na ko sa aking pwesto.
"Congrats Cy!" sabay-sabay na sambit ng aking apat na kaibigan ko na sila Alexie, Gabrielle, Andrew at Ayen.
"Congrats din sa inyo guys! Punta nga pala kayo sa bahay bukas para sa school end party," Nag pa pool party si mama sa bahay namin kasi tapos na namin ang high school at mag ka-college na kami sa mga susunod na buwan.
Masaya ko na lahat ng hirap namin sa acads ay nalagpasan na namin at ilang buwan na lang ay panibagong yugto na naman ng buhay namin dahil papasok na kami sa mas malaking University dito sa Pilipinas.
"Omg! Sis go na go ako diyan alam ko naman na kami lang ang iimbitahan mo e," masayang sabi ni Gabrielle, si Gab ay isang lalaki pero bakla talaga siya pero kahit gano'n ay tangap pa rin namin siya kasi nag bibigay siya ng saya tulad ni na lang ni Andrew.
"Yeah! Me too go na go ako," hyper rin na sabi ng Andrew. Tumingin naman ako kay Alexie at tumango siya patunay na pupunta rin siya.
Dalawa silang bakla sa grupo naming lima at masaya ko na naging kaibigan ko sila. Wala naman kasing mali sa pagiging isang bakla at wala rin mali sa kanila dahil tao pa rin sila.
"Ikaw Ayen?" tanong ko kay Ayen na nagiisang lalaki sa aming grupo dahil ang dalawa ay nagpapangap na lalaki lamang.
"Syempre sasama ko party yata yun ng kaibigan ko," sabi niya sabay akbay sa akin.
"By the way guys pool party nga pala yun kaya magdala na kayo ng pang swimming at pwede rin naman na mag overnight kayo," masigla kong sabi sa kanila na mas kinasaya nila ng malaman na pwedeng mag overnight sa bahay.
Minsan lang kasi kung pumayag si mama na mag overnight si mama. Hindi niya kasi kami basta-basta pinapayagan lalo na kapag may pasok kinabukasan.
"I'm so super duper excited na!" malakas na sigaw ni Sophia na kinatakip naman ng tenga ni Gab at Andrew.
Normal na sa kanya 'yan na sobrang tinis na para bang nakalunok ng mega phone. Minsan nga ang ginagawa pa niyang bulong ay rinig na rinig pa rin ng iba.
"The hell, Alexie! Hinaan mo naman 'yang boses mo na nakakarindi," maarte na saad ni Andrew.
"Opss... Tama na ang away na 'yan mag picture na tayong lima tulad ng pwesto natin nung elementary graduation natin." Agad naman silang tumigil at pumwesto na. Gitna kami ni Alexie habang nasa gilid niya si Gab at sa gilid ko naman si Ayen at si Andrew na katabi ni Ayen. So ganito kami Gab, Alexie, Ako, Ayen, Andrew.
Bago kami mag punta sa kani kanilang pamilya namin inabutan muna kami ni Ayen ng bulaklak. Sunflowers kay Alexie samantalang sa akin ay tulips. "Congrats ulit Cy! Keep it up!"
Ganyan siya ka sweet sa amin ni Sophia kaya sobrang swerte ng magiging girlfriend niya kasi isa siyang matino na lalaki pero hindi ko siya gusto ah.
"Thank you Ayen, bye guys see you tom!" pag ka paalam ko sa kanila ay tumungo na agad ako kay mama at niyakap ito.
"Congrats sa pinaka mamahal kong anak na maganda!" sabi ni mama at kiniss ako sa cheeks ko.
"Ako lang naman ang anak mo mama," natatawang sambit ko na kinatawa rin ni mama.
"Binibiro lang naman kita sweety. Okay, let's go, kumain na muna tayo," tumango naman ako kay mama at sabay na naglakad papunta sa kotse niya.
Masaya na ko sa buhay ko kahit wala na si papa at nasa ibang pamilya niya na kasi kahit gano'n nandito pa rin naman ang mama ko na mapagmahal. Ang mama ko na naging papa ko na rin. Kahit kelan naman ay hindi siya nagkulang sa akin kahit na minsan ay busy siya sa restaurants namin na mga 5 stars na.
Kuntento na ko kahit na si mama na lang ang pamilya ko. Masaya ko na palagi siyang nandiyan para sa akin lalo na kapag kailangan ko siya.
Pag ka sakay namin ng kotse ay agad na nagmaneho si mama papunta sa isa sa mga restaurant namin ng bigla siyang mag salita. "Cy, okay lang ba sayo na mag karoon ng bagong ama?" tanong ni mama na kinalingon ko sa kanya halata sa kanya ang pag ka kaba kaya naman may naisip ako.
"Hindi, ma. I don't want a father anymore," seryoso kong sabi at hindi nakasagot si mama. "I'm just joking ma! Grabe nakakatawa ang reaksyon mo." Napahawak pa ako sa tiyan ko sa sobrang lakas ng tawa ko na hindi ko kayang mapigilan.
"So pumapayag ka na mag ka asawa ulit ako?" masayang tanong sa kanya ng mama niya na kinatango ko. Agad naman nitong itinigil sa gilid ang sasakyan at niyakap niya ko ng mahigpit "Thank you so much anak, sobrang saya ko."
"Masaya rin ako mama, basta masaya ka pero sana hindi ka masaktan kasi pag sinaktan ka no'n sasapakin ko talaga siya." Natawa naman si mama Cacycech sa sinabi ko at pinagpatuloy na ulit ang pa dri-drive.
Ilang taon din si mama na naging single parent. Ilang taon siyang hindi naghanap ng makakasama at sa akin lang nag focus pati na rin sa mga business namin. Wala namang masama kung pagbibigyan ko ang mama ko lalo na't alam kong magpapasaya 'to sa kanya.
Pagkadating namin sa restaurant ay nakahanda na ang lahat pero nagulat ako ng pang apatan ang mesa namin ngayon. "Ma,may bisita ka ba?" tanong ko kay mama.
Karaniwan kasing pang dalawan lang ang lamesa namin ni mama sa tuwing kakain kaming dalawa kaya nakakapagtaka ngayon na sa apatan kami nakapwesto. Marami pa namang bakanteng lamesa na may pang dalawahan na upuan kaya bakit sa pang apatan pa?
"Ah oo, anak. Inimbita ko kasi dito yung mapapangasawa ko para naman mag kakilala na rin kayo," nahihiyang saad ni mama.
Pero bakit dalawa ang extrang upuan? Baka naman may anak yung magiging step dad ko. So, ibig sabihin magkakaroon na rin ako ng step sister o step brother? Nakaka excite!
Pag kaupo namin ay agad naman bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang gwapo na lalaki yung isa ay mukhang nasa 40s na habang yung isa ay 20s pa lang hindi ko pinahalata ang pag titig ko sa gwapong lalaki na batang-bata ang itsura. Matangkad na ko pero mas matangkad pa rin itong lalaki na ito at mukha six footer pa. 'Yung mga mata niya napakalamig parang dala niya lahat ng problema sa Pilipinas tapos hindi man lang marunong ngumingiti. Sayang gwapo pa naman kaso mukhang pang maala-ala mo kaya ang buhay niya.
Nagulat naman ako ng biglang halikan ng kasama ng gwapong lalaki ang mama ko sa pisngi. "Hi honey sorry na late kami," malambing na sabi nito kay mama. Ito ba yung mapapangasawa ni mama? Ibig sabihin magiging kapatid ko yung gwapong lalaki? Sayang na talaga charot.
"Halos kararating lang rin namin honey," sweet na tugon ni mama. Kitang kita ko sa mata ni mama na masaya siya kaya naman hindi ko ito sisirain. "Maupo na kayo." agad naman silang naupo at tumabi pa talaga sakin si Mr. Pogi.
"Hi Cyrine, I'm Emmanuel Carpio. Congrats." Sabay abot sa akin ng regalo na tinanggap ko naman. Mukha namang mabait ang bagong mapapangasawa ni mama kaya wala naman siguro kong dapat na alalahanin pa. Halata rin naman na mahal nila ang isa't isa.
"Hi din po, tito Emmanuel, wag niyo pong sasaktan si mama kundi ipapakain ko po kayo sa alaga kong leon," prankang sabi ko na kinatawa naman nilang lahat dahil sa sinabi ko maliban dito sa tabi ko na parang nababalutan ng yelo.
Sakto lang naman ang lamig dito sa loob ng restaurant pero parang biglang lumamig 'yung paligid ko dahil kay kuyang pogi/
"Wag kang mag alala iingatan ko ang mama mo, Cyrine, tska tawagin mo na kong dad kung okay lang sayo." Natuwa naman ako sa sinabi ni tito kasi mukha talaga siyang mabait hindi tulad ng katabi ko.
"Sabi niyo po yan hah! Wala ng bawian dad kasi po pag binawi niyo ipapakain ko po talaga kayo sa kaibigan kong leon," natatawang sambit ko.
"Oo naman, Cyrine tsaka mag papakasal na rin kami ng mommy mo," sabi ni dad habang nakatingin kay mama. Halata sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Baka nga sila talaga ang para sa isa't isa first love nga niya ang papa ko pero si daddy Emmanuel naman ay kanyang true love.
"Masaya ko para po sa inyo basta masaya si mama, nga po pala kailan po ang kasal ninyo?" sasagot na sana si daddy Emmanuel ng biglang dumating ang pagkain namin.
Isa-isang inilapag ang mga pagkain namin at nag umpisa na kaming kumain ng magsalita si mama. "Malapit na ang kasal at simpleng kasalan lang naman, anak." Napatango na lang ako sa sinabi ni mama at kumain na ng biglang umubo ang katabi ko na ikinatawa naman ni daddy Emmanuel ewan ko kung bakit natatawa si daddy naubo na nga yung tao. Inabutan ko na lang ng baso na may tubig ang katabi kong mukhang nasamid.
"Ahm ehem, Cyrine siya nga pala si Chard Kristian Peterson," sabi ni dad kaya naman tumingin ako sa katabi ko at inabot ang kamay ko.
"Alzola Cyrine Trinidad, masaya ko na magiging kuya kita," nakangiti kong sambit pero nakatingin lang siya sa akin na kinailang ko. Ibaba ko na sana ang kamay ko ng abutin niya ito. Grabe ang ganda ng kamay niya lalaking lalaki tapos ang laki pa at maugat. Ang ha-haba pa ng mga daliri niya sa kamay.
"I'm not your brother," masungit na sabi nito sabay bitaw sa kamay ko. May regla siguro ito o baka naman bakla rin siya tulad ng mga kaibigan ko. Natawa naman bigla si mama at daddy kaya naman napahalakhak na rin ako kasi baka nga bakla talaga siya at kaya niya sinabi na not your brother kasi sister siya.
"Okay-okay, wag ka ng magalit sister ko, magiging mabuting kapatid ako sa 'yo." Napatingin ako sa itsura niya na namumula na ngayon kaya lalo pa akong napatawa. "Sabi na e! Sister ka, tangap pa rin naman kita, sis." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan ang pisngi niya na ngayon ay namumula na parang isang kamatis.
Natigil naman sa pagtawa si mama at daddy. "Tumigil ka Cyrine, hindi siya bakla at lalong hindi mo siya kapatid."
Hindi ko siya kapatid? Eh ano ko siya? Anong ganap niya dito?! Shocks! Nakakahiya! Hinalikan ko pa naman ang pisngi niya tapos hindi naman pala siya bakla at mas lalong hindi ko naman pala siya magiging kapatid.
"Anak ng kaibigan kong namayapa na si Chard kaya naman inampon ko na ito at tinuring ko na ring anak," sagot ni daddy.
Oh. My. God. Kiniss ko pa naman siya sa cheek niya. Lagot na! Nakakahiya nararamdaman ko yung pamumula ng pisngi ko kaya naman yumuko na lang ako dahil nakakahiya talaga ang kalokohan ko!
"Ah sorry po," nakayuko kong sabi kay Chard. Bakit kasi hindi agad sinabi sakin. Nakakahiya talaga. "C.R lang po muna ako, excuse me," pagkapaalam ko at nagmadali agad akong pumunta sa cr. "Nakakahiya ka, Cy!" sigaw ko sa sarili ko habang nakatingin sa harap ng salamin.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago naghugas ng kamay ko tsaka lumabas. Pag balik ko sa table namin wala si Chard paglingon ko sa labas ay nando'n siya habang mag kausap sa telepono at naninigarilyo. Kahit nakatalikod ang gwapo niya pero naisipan ko pa rin na bakla siya. Mukhang kailangan ko na talagang mag pa check up baka nababaliw na ko.
"Honey sobrang busy ni Chard 'no," biglang sabi ni mama kay Daddy na kinatango naman ni daddy.
"Siya na kasi ang nag ma-manage ng kompanya nila tapos abogado pa siya." rinig kong sagot ni daddy.
Wow ang cool naman niya CEO na attorney pa. Mukhang bigatin din ang napangasawa ni mama at pati na rin si Chard.
"Daddy nasan na po ba ang pamilya niya?" bigla kong tanong nagulat din ako sa sarili ko bat ko ba yung natanong.
"Namatay kasi yung mama niya noon sa brain cancer. Hindi ma tangap ng papa niya kaya naman nag lasing ito nang naglasing hanggang sa bigla na lang ito bawian ng buhay." Pang MMK nga pala talaga ang buhay niya kaya siguro gano'n siya ka cold. Tumingin ulit ako sa labas pero agad akong napaiwas ng makita ko na nakatitig sa akin si Chard. Lagot! Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?! Anong nangyayari sa akin?
"Na gwa-gwapuhan ka siguro kay Chard, anak," pang aasar sa akin ni mama na ikinapula ng pisngi ko.
"Hindi po mama," pag sisinungaling ko kay mama na mukhang hindi naman nito naniwala.
"Sa 'kin ka pa nag sinungaling, Alzola Cyrine. Kilalang-kilala kita." Mas lalo kong kinapula ang sinabi ni mama dahil totoo naman. Gwapo talaga siya kahit na sobrang lamig ng emosyon niya.
Nakita ko naman si Chard na papasok na at pabalik na ulit sa pwesto namin kaya nag isip agad ako ng pwedeng pang change topic.
"Nga po pala mama, sinabihan ko na sila Ayen about sa pool party bukas na overnight." Nakahinga ako ng maluwag ng nakaisip agad ako ng pang change topic. Tumabi naman na ulit sa akin si Chard kaya ayon na naman yung puso ko. Bakit ganito? Dapat kasi hindi ko na siya kiniss sa cheek niya kanina.
"Hindi mo ba nasabi sa kanya, hon?" biglang tanong ni daddy kay mama.
"Sorry, hon, nakalimutan ko. Sa iba na tayo titira, Cy. Doon na tayo sa bagong pinagawa ni Emman na bahay na titirhan natin at nandoon na rin lahat ng gamit natin at nakaayos na." grabe ang bilis ng mga pangyayari na ito bat kasi ngayon lang sinabi sakin ni mama na may magiging daddy na pala ko hays.
Mukhang minamadali nila ang pagsasama nila. Sa tingin ko rin matagal na silang may relasyon ni daddy Emmanuel at hindi lang masabi sa akin noon ni mama.
"Malaki ang pool do'n at may jacuzzi na rin kasyang kasya kayo do'n. Ilan ba kayo para makapag paluto na rin ako o kaya makapag pa cater man lang." Akala siguro ni dad madami akong friends samantalang a-apat nga lang pero purong tao naman walang halong ka plastikan.
"Kahit hindi niyo na po masyadong pag handaan kasi po apat lang naman po ang mga kaibigan ko. Hindi rin naman po silang masyadong mapili sa pagkain. Masaya na ang mga 'yun sa luto ko pa lang o kaya sa luto ni mama." masayang kaibigan sila Alexie kaya okay na ko kahit sila lang ang kaibigan ko simula elemetary.
"So, tapos na tayong mag lunch pwede na tayong pumunta sa bagong bahay natin para naman makita mo na ang kwarto mo, Cyrine." Napatango naman ako grabe ang bilis ko talaga maka close ang mga tao lalo na pag mabait. Tumayo na kami at pumunta na sa parking lot agad kaming sumakay sa kotse ni dad.
Nakaupo sa harap si mama habang si dad naman ang nag drive so tabi na naman kami ngayon sa likod ni Chard. Habang papunta kami sa bago raw naming bahay ay walang nagsasalita kahit isa tapos parang yelo pa tong katabi ko hay nako. Nabasag lang ang katahimikan namin ng biglang sabihin ni daddy na nandito na raw kami. Pag kababa ko ng kotse namangha agad ako sa ganda at laki ng bago naming bahay. Pag kapasok namin sa bahay ay agad na naupo si mama at daddy sa sofa habang nakayakap ni Daddy kay mama. Sana all.
"Thank you sa oras mo Chard, welcome ka palagi dito," masayang sabi ni daddy habang nakayakap pa rin kay mama.
"Dito ako titira," parang hari na sambit ni Chard habang nakaupo sa pang isahang upuan at naka dekuwatro pa ang hita.
"Pero sabi mo sa 'kin kahapon lang na sa condo mo na lang muna ikaw titira. Ano naman kaya ang nagpabago ng isip mo?" tanong ni daddy sabay tingin sakin. Habang ako ay nakikinig lang sa usapan nila. "I'm just kidding. Sige aakyat na kami ng future wife ko, Chard. Ikaw na ang mag tour sa kanya" nakangising sambit ni daddy pero wait ano raw? Tour? Eh hindi nga pala salita ang lalaking 'to.
Ano naman kaya ang magaganap sa tour na 'to kung tahimik na tao naman siya? Wala rin sa pagmumukha niya na friendly siya kaya baka hindi ko lang makasundo 'to. Sanay pa naman ako sa mga kaibigan ko na maiingay at hindi sa tulad niya na tahimik lang at malamig pa ang pakikitungo.