Part 3

2643 Words
Alyas Pogi AiTenshi May 20, 2017   Part 3   "Good morning frend, anong nangyari sayo? Hindi ka ba natutulog? Parang pinag sukluban ka ng langit at lupa ah." ang bati ni Yani noong pumasok ako sa classroom.   "Lunes na ngayon, sa Biyernes na yung double date. Anong gagawin ko?" ang tanong ko.   "Kaya nga pag iisipan nating mabuti ang plans diba?"   "Pinag isipan ko na iyan noon pang Sabado at Linggo. Imposible iyang nais mo na ayain sa date iyang si Bogart dahil unang una ay hindi tayo nag eexist sa mundo niya. Di niya tayo kilala at lalong hindi iyon makikipag date sa kapwa niya lalaki. Tingnan mo nga ang itsura, ang angas ng dating at parang di gagawa ng mabuti. Ang mata ay parating nanlilisik kapag naka tahimik." tugon ko.   "Dont judge the book by its cover lalo't hindi naman siya book. Maayos din ang problema mo at sa Biyernes ay taas noo kang rarampa sa restaurant na kasabay si Bogart Linsangan. By hook or by crook!" pag pupumilit si Yani.   "Eh paano naman natin siya makaka usap? At nakakahiya iyang gagawin natin. Pati sa Bogart idadamay natin sa kalokohang ito. Ikaw kasi eh, sana ibang tao nalang yung pinakita mo." paninisi ko.   "Wala na kong ibang naisip frend. Emergency na kasi iyon, kumbaga ay sukulan na yung tipong desperado na akong maiangat ang moral mong sumadsad sa bangin. Saka papayag nalang ba ikaw na yurakan at salahulain ng Andy na iyon? Pwes ako? Hindi!! Lalaban ako! Mag kamatayan na!" sigaw ni Yani.   "Oh edi sige lumaban ka, labas na ko diyan." tugon ko sabay layo sa kanya.   "Ano ka ba friend, ibinu-boost ko lang ang self confidence mo. Wala naman akong sinabing umatras ka noh. Maayos rin ang lahat, chillax lang." sabay hatak sa akin pabalik sa silya.   "Paano akong makakapag relax e nalalapit na ang araw ng pag huhukom sa kalokohan natin, saka akala ko ba ay may naisip ka nang paraan?" tanong ko.   "Oo nga, halika gawin natin habang vacant ang oras natin." excited na tugon nito sabay tayo at mabilis akong hinatak sa labas ng classroom.   "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit.   "Doon sa canteen. Alas 10 na ng umaga siguradong nandoon na iyon." sagot niya.   "Sino?"   "Basta.."   Edi ayun nga ang set up, agad kaming nag tungo sa canteen upang sundin ang kawirduhang paraan na naisip ni Yani. Pag dating dito ay agad siyang luminga linga na wari'y may hinahanap. "Sino bang hinahanap mo?" pang uusisa ko.   "Ayun, siya ang susi!" ang galak na galak na wika ni Yani sabay turo sa kinaroroonan ni Shan Dave na noon ay kumakain ng pansit. Punong puno ang bibig nito habang apura sa pag subo.   "Si Shan Dave? Bakit?" tanong ko.   (Author's Note: Ang kwentong ito ay nangyari noong si Shan Dave na ang kasalukuyang naka upo Lider ng peace maker club kung saan grumaduate na si Julian ng Ang Hari ng Angas)   "Syempre, barkada si Shan Dave at Bogsli diba? Remember pareho sila ng compound na tinitirhan. Ang Hari ng Angas na si Shan Dave at ang Alyas Pogi na si Bogsli. At alam mo ba na ang leader nila ay si Bogs? Kaya tiyak na kilala nila ang isa't isa. Mabait naman na si Shan ngayon kaya hindi na ito mang gugulo pa." paliwanag ni Yani sabay lapit sa kinaroroonan ng binatang abala sa pag nguya.   "Hi Shan Dave, may kasama ka?" tanong ni Yani sabay harap sa akin at napakagat labi ito. "Shet ang gwapo."   "Tse! Kilos na." bulong ko naman.   "Apurado naman ito." bulong rin niya sabay harap kay Shan.   "Kaen." naka ngiting bati nito.   "Sige, kain kang mabuti." sagot ni Yani.   "May kailangan ba kayo mga pare?" tanong ni Shan.   "Ah e oo, ito kasing kaibigan ko na si Jomar ay kaklase ni Julian. Kamusta na pala siya?" ang tanong ni Yani, para mema pag usapan lang bilang pambungad.   "Ah, okay naman siya. Kakapasa lang niya ng board exam at ngayon ay naka duty bilang nurse sa clinic ng papa niya na tatay ko na rin kasi nga ay engage na kami." naka ngising sagot ni Shan.   "Wow naman, congrats sa inyo. Basta ikamusta mo nalang siya kay Julian. Ang buong pangalan niya ay Jomar Ronquillo." tugon ni Yani   "Sure naman." sagot ni Shan sabay sigaw sa serbidora ng canteen. "Isang platong pansit pa nga! Teka, may kailangan pa ba kayo?" tanong pa niya.   "Eh meron pa sana, diba kilala mo si Bogart Linsangan?" hirit pa ni Yani.   "Si boss? Bakit? Siguro kayo yung ninakawan niya ng pera hano? O baka naman kayo yung may ari ng cellphone na inisnatch niya? Kung kayo iyon ay hindi ko siya maaaring ituro." sagot ni Shan   "Hindi kami iyon, nais lang namin siya kausapin tungkol sa isang proposal." tugon ni Yani.   "Proposal? Aalukin nyo ng kasal si Pareng Bogs? Naku, hindi titino buhay nyo doon dahil gabi gabing bumibirada ng babae iyon." sagot ni Shan dahilan para mapakamot nalang ako ng ulo. Ang akala niya sa proposal ay literal na pag yayaya ng kasal. "Shunga ang lolo mo, gwapo lang talaga." ang bulong ni Yani sa akin dahilan para takpan ko ang kanyang bibig. "Huwag kang maingay, baka marinig niya tayo e ihampas sa atin itong lamesa." bulong ko rin.   "Palabiro ka talaga pareng Shan Dave, hindi naman kasal ang ibig naming sabihin sa proposal." paliwanag ni Yani.   "Ah ganoon ba? Tamang tama ayun na si Pareng Bogs." wika ni Shan sabay kaway sa kaibigan. "Pare, may nag hahanap sayo. Proposal daw!" sigaw nito dahilan para mag tinginan yung mga estudyante sa loob ng kainan.   Yung iba ay nag bulungan pa. "Mag popo propose sila kay Bogs? Mga bakla."   "Anu ba naman iyan, nakakahiya.. Pinag bubulungan na tayo dito." bulong ko kay Yani.   "Wala tayong paki sa kanila. Hindi naman sila ang nag papalamon sa atin hano. Its now or never! Kapalan na ng mukha ito! Todohan na!! Kahiyaan na!!" sagot ni Yani.   Maya maya ay lumapit na nga sa amin si Bogs. Naka suot ng uniporme habang naka ngiti ng matamis. Medyo mukhang bad boy talaga ang dating niya, kahit di mag salita ay parang presko, maangas at may kayabangan taglay. 6ft ang taas, lalaking lalaki ang tindig na pang modelo. Ang mukha ay makinis, matangos ang ilong, ang buhok ay clean cut ang gilid ngunit trendy sa ituktok. Parang nag slow motion pa nga ang pag lalakad niya sa aking paningin na parang lumulutang sa alapaap.   Agaw eksena lang talaga yung mga babaeng humaharang sa kanya para abutan ng chocolate, sandwich, chichirya na animo paring inaalayan sa simbahan. Tapos pag tinanggap ni Bogs ang kanilang ibinibigay ay kikiligin ang mga ito ang mag hahampasan pa.   "Pare ano yon? May problema ba?" tanong ni Bogs noong makalapit ito sa aming kinalalagyan.   "Wala naman pare, may nag hahanap lang sa iyo." sagot ni Shan.   "Anong kailangan ninyo sa akin? Wala naman siguro akong atraso sa inyo kasi ngayon ko lang kayo nakita." sagot ni Bogs.   "Syempre wala, nais ka lang sana naming kausapin tungkol sa isang bagay. Kung pwede lang naman." wika ni Yani.   "Sige, tungkol saan ba iyon?" sagot ni Bogs  samantalang si Shan Dave ay walang paki alam sa amin. Tuloy lang ito sa pag kain ng pansit at tinapay.   Edi ayun nga, sumang ayon si Bogs na makipag usap sa amin. Ngunit pa bago iyon ay humiling kami na sa pribadong lugar nalang mag tungo upang walang makarinig. Mabuti nalang ay may isang bakanteng silid kaya doon ay ikinuwento ni Yani ang lahat ng detalye Bogs. Pati tungkol sa panloloko sa akin ni Vince ay isinalaysay rin niya para mas mag mukha akong kaawa awa sa paningin niya. Nandyan yung mga kasinungalingan na binubog ako, sinaktan, niloko ang harapan at nag pakatanga dahil sa sobrang pag mamahal. Sinabi rin niya ang tungkol magulong sitwasyon na aming pinasukan. At kalakip nga nito ang isang mahalagang pabor na kung maaari ay mag panggap siyang aking kasintahan.   "Naku mahirap iyang nais nyo, panloloko iyan eh. Good boy tayo mga pare. Pero nauunawaan ko naman na gwapo talaga ako at maraming nag iilusyon na maging boyfriend ako. Yung ibang mga babae nga diyan ay ipinag kakalat na iniyot ko sila at yung mga bakla naman ay nag nanais na chupain ako kapalit ng malaking halaga. Hindi ko sila masisisi lalo't pogi problems ko na ang mga iyan kaya't nakasanayan ko na rin. Yung mga matrona nga ay humihingi ng sperm cell ko para maging gwapo rin ang anak nila katulad ko." ang naka ngising wika ni Bogs.   "Ano ba iyan, umabot naman sa sukdulan ang kayabang ni Bogs. Masyadong mahangin ah." bulong ko kay Yani.   "Wag kang maingay frend. Hayaan mo na siya. Remember tayo ang may kailangan kaya't tayo ang mag papakumbaba." bulong ni Yani kaya naman pinag patuloy lang namin ang pakikinig sa walang katapusang kaangasan ni Bogsli.   "Pero sige na nga, dahil kawawa ka naman at niloko ka ng shota mo. Sige, Im in." ang naka ngiting wika nito.   "Wow, talaga!?" ang sabay naming salita ni Yani na hindi maitago pag tataka dahil sa bilis ng kanyang desisyon.   "Oo, IN ako dyan. Sa pogi kong ito? Lahat talaga ay nag papantasya sa akin. Pero mahirap iyang pinapagawa mo lalo't lolokohin natin ang mga tao." saad ni Bogs.   "Dalawa lang naman ang lolokohin natin at para lang iyon sa moral na niyurakan nila.  Saka pogi ka naman diba? Kayang kaya mo iyon." hirit ni Yani.   "Syempre kayang kaya ko iyon PERO kailangan ay bayaran nyo ako dahil mahirap ang pinapagawa nyo." tugon ni Bogs   "Seryoso?" tanong ko.   "Oo naman, walang libre sa mundo. Parang sa rentahan lang iyan ng videoke o ng sasakyan na lahat ay may bayad. Parang rerentahan nyo ako diba? So dapat ay mag bayad kayo. Ano deal? Kung ayaw nyo ay mag hanap nalang kayo ng iba." sagot ni Bogs.   "Eh mag kano ba ang talent fee mo?" ang tanong ko ulit.   "Mura lang naman, 500 pesos ang ibabayad mo sa akin sa gabing iyon, pwera ang padamit ha dahil sagot nyo iyon. Tapos syempre dahil mag kasintahan nga tayo kailangan ay extra sweet kaya may extra charge din iyon. Kapag nag pa halik ka sa akin ay may bayad na 200, tapos yung pag arte ko na kasintahan mo ay 200 din at syempre kung gusto mong makipag s*x sa akin pag katapos ng gabing iyon ay may bayad din na 1,500 pesos. Kaya mag handa ka ng mga kulang tatlong libong piso. Mayaman ka naman diba?" naka ngising sagot ni Bogs.   "Pucha eh kawatan yata itong si Bogs eh. Ang mahal ha, ano sya artista? Lahat may bayad? Ang kapal ha." ang bulong ko kay Yani.   "Ayaw nyo yata eh, sige huwag na lang. Kayo rin ang mapapahiya dahil sa kasinungalingan ninyong dalawa." pag paparinig pa ng mokong.   "Ang mahal naman kasi Bogs, baka naman pwedeng babaan mo ang talent fee mo." paki usap ni Yani.   "Mura na nga iyon eh, kapag nakikipag date ako sa mga bakla ay 10k kada gabi ang nakukuha ko." ang sagot ni Bogs at maya maya ay biglang nag ring ang CP niya kaya dali dali niya itong sinagot. "Hello Pareng Raul, saan tayo mamaya?" ang tanong nito.   "Doon nalang sa kanto. Sagot mo mga alak ha." ang wika ng kausap niya.   "Oo naman akong bahala sa inyo. Sandali lang at nirerentahan ako ng bakla para mag panggap na jowa nya. Tawagan kita mamaya." sagot ni Bogs.   "Putang ina mo pre, halang talaga bituka mo. Parang kailan lang ay kumabit ka sa matrona tapos ngayon ay magiging jowa ka ng bakla? Hanep. Bow!" ang wika ng lalaki sa telepono.   "Gago ka Robles. Sige maya nalang." tugon ni Bogs sabay patay sa telepono. Maya maya ay humarap ito sa amin at ngumiti. "Saan na nga ba tayo?" tanong niya   "Doon sa talent fee." sagot ko.   "Ah oo, mababa na nga iyon. Ano deal ba kayo? May lakad pa ako oh, nagiging cause of delay kayo eh. Nasisira ang professionalism ko sa inyong dalawa." pag mamaktol nito.   "Oh sige na. Deal na kami. Sa Biyernes 7 pm ha." ang wika ni Yani at maya maya ay inilahad ni Bogs ang kanyang kamay. "Down p*****t? Kalahati muna." ang wika nito.   Napa buntong hininga nalang ako habang naka tingin kay Bogs. Noong mga sandaling iyon ay parang nanliliit ako at nahihiya sa aking sarili. Pakiwari ko ay para akong isang protistute na nag hahanap ng lalaking makakasama. Wala na akong nagawa kundi ang dumukot sa aking pitaka. "Oh ayan 500 muna. Saka na yung iba." tugon ko.   "500? 3k ang usapan ah." pag tataka nito.   "Kaya umabot ng 3k ang presyo mo ay dahil doon sa 1,500 pesos na bayad kung sakaling makipag s*x ako sayo. Im sorry to burst your bubble pero hindi ako aabot sa ganoon Mr. Linsangan." sagot ko.   Napakamot ito ng ulo at napatingin sa akin. "Ganoon ba? Sayang naman. Malaki pa naman ito at tiyak na mag eenjoy ka. Baka kinabukasan ay hindi kana makalakad sa akin." ang naka ngising demonyong sagot niya.   "No thanks. Basta nakipag deal kami. Ang kabuuang bayad ay makukuha mo kapag tapos na ang trabaho mo sa gabing iyon. Salamat sa oras Mr. Linsangan." ang wika ko sabay hatak kay Yani palabas ng silid.   "Oy! Hooy! Sige sa Biyernes, wala akong damit ha. Kayo ang sasagot noon." pahabol pa nito.   "Oo sige papa Bogs." sigaw ni Yani.   "Kawatan ang gago! Ang yabang, ang kapal ng mukha at napaka presko. Gwapong gwapo sa kanyang sarili ang mokong." ang reklamo ko.   "Eh gwapo naman talaga frend. Natutulala nga tayo habang kausap siya diba? Nakaka loka ang kagwapuhan niya grabe parang nag precum na ako." tugon ni Yani na wariy namatanda   "Inaakit ka lang niya dahil batid niya desperado ka na. I mean tayong dalawa actually."   "Desperado naman talaga tayo no, pero isipin mo nalang na hindi kana magiging loser sa mata ni Vince at Andy na iyon. Basta ienjoy mo nalang ang moment na kasama mo si Bogs. Ang saya saya diba?" tanong nito habang kinikilig.   "Paanong masaya e ubos na yung allowance ko.  Ipasahe mo ko sa jeep ngayon." naiinis kong tugon at habang nasa ganoong pag lalakad kami palabas ng gate ay nakita ko nga itong si Bogs na naka upo sa waiting shed habang abala sa pag ttxt. Panandaliang napako ang tingin ko sa kanya bago ito lumingon sa akin. Maya maya ay binawi rin niya ito na para bang hindi niya ako kilala.   Nag patay malisya lang ako habang namumuo ang pag dududa sa aking dibdib. Hindi ko alam kung mapapag katiwalaan ang mokong na ito. Baka naman iniscam lang niya ako at hindi siya sumipot sa napagkasunduang oras. Kung sa bagay konsensiya nalang niya iyon kung mayroon man siya noon.   "Natural mayroon siyang konsensiya hindi lang natin alam kung active ha." sagot ni Yani   "Patay don, oh siya aalis na ako. Ikaw mag bayad ng pamasahe ko." ang wika ko naman sabay baba sa jeep.   Pag dating sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking silid. Inihiga ko ang aking katawan sa kama at dito ay napako nalang ang aking tingin sa kisame. Paulit ulit kong iniisip yung mga kayabangan ni Bogs, ang akala yata niya ay sobrang gwapo na niya at ang lahat ay nag papakamatay para sa kanya. Ewan ko ba naman, ang sabi nila ay parating nakikipag babakbakan iyang si mokong pero ni hindi man lang mabangas ang mukha nito para matigil ang pagiging GGSS nya.   Nag mukha tuloy akong desperado at atat na atat mag karoon ng kasintahang gwapo. Or else baka iniisip pa niya na pinag papantasyahan ko siya kaya isinama niya sa talent fee nya ang s*x. Ibang klase talaga ang gago, akala naman niya ay laway na laway sa kanya ang buong sanlibutan.   Pero ganon pa man ay hindi maalis sa akin isipan ang humanga sa kanyang pisikal na anyo. Yung mga nakaka lokong ngiti niya ay paulit ulit nag pa flash sa aking isipan na para bang nais ko pa siya makita bukas o masilayan. Natural lang naman siguro ang humanga bagamat naiinis talaga ako sa ugali niyang presko at punong puno ng pananalig sa kanyang sarili. Hindi man lang mag pa humble ng kaunti.   Gayon pa man ay talagang gwapo sya. Erase erase!!   Pati yata ako ay naguguluhan pa rin pero sa tuwing sumasagi siya sa aking isipan ay napapa ngiti nalang ako sa hindi malamang dahilan.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD