Alyas Pogi
AiTenshi
May 20, 2017
"Nasaan si Vince? Sumagot kundi ay ihahampas ko sa mukha mo itong haligi ng pinto." ang pananakot ko.
"Isama mo na rin tong doormat frend." ang wika naman ni Yani sabay dampot sa maduming basahan sa harap ng pinto.
Noong mga sandaling iyon ay ibayong pag inis ang aking naramdaman, pilit kong ikinakalma ang aking sarili bagamat gigil na gigil na ako. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at pilit na pigilan ang aking emosyon upang hindi mahalatang apektado ako bagamat sa loob loob ko ay gusto ko nang umatras at umuwi nalang para matapos na ang lahat..
Part 2
Si Andy, nasa 5'7 ang taas. Makinis ang balat, medyo malaman ang katawan at nag aaral sa kabilang siyudad sa kursong Nursing. Marahil ay talagang nag kakasundo sila ni Vince dahil pareho sila ng propesyong tinatakbuhan. Compatible kung baga at nakakarelate sila sa isa't isa.
"Are you here to make a scene?" ang tanong ni Andy.
"Oo, kung talagang may relasyon kayo ni Vince." sagot ko naman.
"Well, if you are expecting for some cheap cat fight, its not happening. Nag kataon lang na mas gwapo ako sayo at mas matalino, hindi boring kasama." sagot ni Andy
"At mas magaling ka sa kama, mas magaling lumingkis at mag landi. Kung sa bagay, nasa itsura mo naman na himasin lang ay tutuwad na." sagot ko naman.
Natawa ito. "Tama ka dyan, magaling ako sa kama, magaling akong gumiling at mag muscle control. Gusto mo ay paturo ka na rin sa akin para hindi ka napapraning. And Just so you know, yes! May relasyon kami ni Vince at habang tulog ka at tumutulo ang laway sa kahimbingan, kami naman ni Vince ay umuungol sa sarap habang pinag sasaluhan namin ang init ng mag damag. Sa umaga ay uuwi siya sayo na pagod at wala sarili dahil ang utak niya ay nasa akin na. Kawawa ka naman, hindi ka lang tanga, boba ka pa." ang naka ngising wika nito kaya naman mas lalong nanginig ang aking kalamnan..
Wala akong nagawa kundi ang panandaliang tumahimik..
"Wow, eh talaga palang malandi ka eh. Gusto mong palarin? Ito oh palad in your face!" ang wika ko sabay sampal sa kanyang mukha.
Bumiling ang kanyang mukha at maya maya ay humarap ito sa akin. "Ah, eto ang bagay sayo, mag asawang sampal na may kabit!" ang sagot niya sabay sampal sa akin ng tatlong beses.
Muli akong humarap sa kanya at mas lalo pang nanlisik ang aking mata. "Eto ang sayo, sampal na padakot!" ang pag sampal ko habang naka dakot ng pakalmot.
"Yun lang ba ang kaya mo? Ang mga sampal mo ay laos parang ikaw, palaos na. Heto ang sampal na may kasamang tadyak at may bonus pang pompyang!" ang wika nito sabay sampal sa akin ng isang beses at sinipa pa ako sa tiyan.
"Gago ka ah! Eto sayo sampal na...." hindi natuloy dahil dumating si Vince sa likuran ni Andy.
"Epic failed na sampal. Haha" ang wika ni Andy sabay tawa ng malakas
"Ano ba iyan? Bakit dito kayo nag uusap? Nag eeskandalo ba kayo?" ang tanong ng Vince at doon ay muling nag balik sa normal ang lahat. Imahinasyon ko lang pala ang sampalan na iyon.
"Oyy ano kaba frend, natulala kana." ang wika ni Yani.
"Ha? Sorry nawala ako sa sarili. Anong sabi ni Andy?" ang wika ko naman noong mag balik sa normal ang aking ulirat.
"Hay naku masakit yung sinabi niya no, muntik ko na ngang isampal itong doormat sa mukha niya. Ang sabi niya ay "Tama ka dyan, magaling ako sa kama, magaling akong gumiling at mag muscle control. Gusto mo ay paturo ka na rin sa akin para hindi ka napapraning. And Just so you know, yes! May relasyon kami ni Vince at habang tulog ka at tumutulo ang laway sa kahimbingan, kami naman ni Vince ay umuungol sa sarap habang pinag sasaluhan namin ang init ng mag damag. Sa umaga ay uuwi siya sayo na pagod at wala sarili dahil ang utak niya ay nasa akin na. Kawawa ka naman, hindi ka lang tanga, boba ka pa." Ayan ha eksakto iyan, dapat mag focus ka frend para di tayo ma luzvaldez.” ang pag uulit Yani
"Eh sira ulo pala talaga itong si Andy eh, makati pa sa higad ang katawan. Kung sa bagay sa itsura niyang iyan, im sure bigyan lang iyan ng kendi ay mag huhubad na." ang wika ko naman.
"Bittermuch?" ang sagot ni Andy. "Obvious naman na ako ang pipiliin dahil mas makinis, mas gwapo at mas masarap ako sayo. Call me whatever you want, mistress, ahas, other woman, but i will never be a pathetic boring house wife." ang wika niya habang naka tingin sa aking mata.
"Aba, No other woman ang peg ng lolo mo. Siya siya Anne Curtis at ikaw naman si Cristine frend. Kaya ilabas mo na ang Gretchen Bareto dyan sa iyo. Lumaban ka dahil maraming mukhang snatcher." ang wika ni Yani.
"Oo maraming mukhang snatcher, katulad mo." ang pang aasar ni Andy habang naka tingin kay Yani.
"Nakakaloka frend, dalawa na tayo ay natatalo pa rin tayo ni Andy. Upakan na natin iyang ahas na iyan!" ang bulong ni Yani na hindi maitago ang pag kainis.
"Eh ano bang ginagawa niyo rito Coco Krunch?" ang tanong ni Vince na noon ay nag susuot ng short. Kaliligo lang din nito at walang pang itaas na damit.
"Bakit nandito iyan? Edi tama nga ang hinala ko na nag tataksil ka sa akin? Sinayang mo yung dalawang taon natin Vince. Anong klaseng tao ka? Manloloko!" ang sigaw ko.
"Babes, huwag kang sumigaw dito. Baka kung anong isipin ng mga kapit bahay." pigil ni Vince.
"Talagang mag iiskandalo ako dito. At huwag mo kong tatawaging Coco Krunch dahil hindi ako crispap! Bakit mo ako niloko? Sabi mo sa akin ay shih tzu si Andy? Siya yung alagang aso ng ka work mo. Pero bakit eto, pareho kayong naka hubad ng alagang aso ng kasamahan mo?" tanong ko.
"Dahil nag dog style sila!" sabad ni Yani.
"Nito lang naging kami, nung nawala ka. Ang akala ko kasi ay tuluyan mo na akong iniwan. Lalaki lang ako, nag hahanap ng pag mamahal at kaligayahan. Si Andy yung nandito kaya siya ang pinili ko." katwiran ni Vince.
"Tatlong linggo lang akong nawala Vince, hindi bale sana kung isang buwan o dalawang buwan ay pwede. Ang kapal ng face mo kasi kapal ng bulbol mo!" sigaw ko
"Excuse me, inahit ko ang buhok niya kanina. Saka huwag ka ngang gumawa ng scene dito. Marami pa namang lalaki dyan eh. Sa iba ka nalang noh. At isa pa ay halatang bitter na bitter ka besh." ang sabad ni Andy.
"Excuse me, hindi bitter si Jomar no, ang totoo noon ay parito kami para sabihin na lagyan na ng closure ang epic failed na relasyon nyo. Saka hello, sayang naman yung manliligaw ni Jom diba? Napaka gwapo at napaka hunk. Sikat na sikat sa campus namin. Im sure kapag nakita nyo iyon ay tiyak na mag peprecum kayong dalawa." ang wika ni Yani dahilan para mapatingin ako dito na may halong pag tataka.
"Weh?" tugon ni Andy.
"Oo nga hano, at tiyak kong kuko lang niya si Vince. Oh narito ang picture nya." ang pag mamalaki ni Yani sabay pakita ng larawan sa kanyang tablet. Laging gulat ko nang ipakita niya ang larawan ni Bogsli na mga stolen shot, may naka uniform, may kumakain ng fish ball, may nag lalaro ng basket ball, may close up pa na naka ngiti na animo artista. "Pangalan niya ay Bogs Linsangan. Gwapo hano?" ang dagdag pa niya dahilan para mapatakip nalang ako ng mukha.
"Parang hindi naman yata totoo iyang sinasabi mo. Baka naman ginayuma lang ni Jomar iyang Bogs na iyan." wika ni Andy.
"Tangina, ipag papalit mo ako dyan sa panget na iyan?" tanong naman ni Vince.
"Ikaw ang panget Ulol!" sagot ko naman. "Isama mo iyang alaga mong asong si Andy." sagot ko.
Natawa si Andy. "Ako mukhang aso? Mr. Campus 2017 ako, fresh na fresh ang pag kapanalo ko last week. Kaya nga proud na proud itong si love sa akin. Gusto mo ipakita ko pa sayo ang sash ko na may title?" ang pag yayabang nito.
"Huwag na dahil may dala akong sash para sayo." ang wika ko naman at doon ay hinugot ni Yani ang ginawa naming sash kanina sa classroom.
Kinuha ko ito at isinabit kay Andy. "Ayan, yan ang bagay na title sa iyo. Kabet 2017. Take your first walk as pambansang kabet ng taon. Unlimited ang reign mo kaya dont worry sayong sayo iyan." ang pang aasar ko.
"Wow naman, ang sweet mo pala Jom. Pero sa tingin ko ay mas sweet ako dahil i have the best title for you." ang wika niya sabay kuha ng sash na naka sabit sa pintuan. "Ginawa ko rin ito kanina. LOSER 2017, para sa iyo na talunan at luzvaldez ng taon." ang wika niya sabay sabit din sa akin ng sash. "Ayan it so bagay for you." dagdag pa niya
"Sweet ka rin pala. Gusto mo mag suntukan na tayo o sampalan kaya para mas intense?" ang tanong ko.
"Huwag na, kikita na itong scene nating dalawa. Anyway may naisip ako. Tutal naman ay may boyfriend kana at happy na rin kami ni Vince, bakit hindi tayo mag karoon ng double date? Para makilala naman namin yung imaginary boyfriend mo." alok ni Andy habang naka ngising aso.
Ako naman ay napalunok nalang at palihim na napatingin kay Yani. "Excuse me, hindi imaginary si Bogs. Kelan ba iyang double date na iyan at darating sina Jom at Bogs dyan." ang naka taas noong sagot ni Yani.
"Date? Sa sweldo ko nalang. Wala nga akong pera eh." sabad naman ni Vince.
"Dont worry love, ako nang bahala doon." malambing na tugon ni Andy sabay halik sa labi ni Vince.
"Ang lalande!!" sigaw ko sa aking sarili.
"Yes, tama next week nalang, sa Biyernes. Sa HighLand Restaurant. 7pm sharp." tugon ni Andy.
"Sure, ipag celebrate narin natin yung pang aagaw mo sa boyfriend ko." sagot ko.
"Excuse me." ang tanong ni Andy.
"Ang ibig kong sabihin ay mag celebrate tayo para sa pag ibig. Diba?" palusot ko.
"Yah sure. Oh pano 7pm ha, next week. Dalhin mo si Bogs ha. Aasahan namin iyan." paalala ni Andy sabay bitiw ng nakakalokong ngiti. Parang hindi talaga ito naniniwala sa mga sinabi ni Yani. Eh hindi naman talaga kapani paniwala eh. Parang artista yung ipinakitang larawan ni Yani at imposibleng pumatol ito sa akin.
Habang naka sakay sa taxi ay halo halo ang emosyon na aking nadarama, nariyan yung umiyak ako dahil sa matinding sama ng loob, kumikirot rin ang aking dibdib lalo't ganoon ako kabilis na ipinag palit ni Vince. Pinilit kong lakasan ang aking loob kanina ngunit ang aking dibdib ay talagang sasabog na dahil sa nag iigting na kirot. Isabay mo pa yung malaking problema na ginawa ni Yani. "Eh gusto ko lang naman iangat yung moral natin kanina dahil talong talo na tayo sa pakikipag sagutan doon kay Andy. Lalo na ikaw, gusto ko lang naman na huwag ka nilang pag tawanan at pag isipan na kawawa ka. Worry lang ako sayo na baka tuluyan kang maging loser. Ang pangit naman kasi na aalis ka roon na hindi man lang sila sinusupalpal sa mukha." paliwanag ni Yani
"Eh malaking problema pa iyan. Hindi naman ako kilala ni Bogs at lalong walang maniniwala sa palabas nating iyon. Wala tayong ibang choice kundi ang umiwas nalang at huwag nang umatend sa double date na iyon." pag iyak ko.
"Ang bilis mo namang sumuko. May one week pa tayo para pag isipan iyan. Basta sa atin ang huling halakhak." tugon ni Yani sabay himas sa aking likuran.
"Imposible iyang nais mo. Sa ginawa mo ay para mo ring sinabing maaari tayong lumipad lumipad patungo sa buwan."
"Ano kaba Jom, huwag kang nega. Tao rin naman iyang si Bogs at may naisip na akong paraan kung paano siya kakausapin." naka ngising salita ni Yani dahilan para mapa iling nalang ako.
itutuloy..