Part 1

2935 Words
Alyas Pogi Ai_Tenshi   "May iba pa? Sagutin mo ako Vince, may iba ka ba?" ang tanong ko habang kinakatok ito sa pinto ng Cr.   "Ano ka ba babe, hindi ba ako pwedeng tumae ng hindi ka nag sspeech dyan?" sagot niya habang kinakalampag ang timba.   "Gusto ko lang malaman." tugon ko ulit   "Wala akong iba, masyado ka kasi praning eh. Dalawang taon na tayong mag karelasyon diba? Ngayon pa ba kita lolokohin? Wala ka bang tiwala sa akin ha?" tanong niya.   "Meron naman, kaso malakas talaga ang pakiramdam kong may itinatago ka sa akin. Sino ba si Andy?" ang tanong ko.   "Si Andy? Ah yun iyong alagang shih tzu ng kasamahan kong nag duduty sa ospital. Ang cute no?" ang tanong nito.   “Sigurado ka ba?” tanong ko ulit   “Oo naman, si Andy yung cute na aso ng kaibigan ko doon. Naku binibihisan pa iyon at pinagugupitan kada linggo. Huwag kana nga mag selos dyan babe, wala ka naman dapat ipag alala. Aso si Andy. Tapos.” ang malambing na boses nito habang napapa iri pa   "Ah ganon ba? Bilisan mong tumae dyan at kanina pa tumatawag yung asong alaga ng kaibigan mo. Nag txt pa kung tuloy daw ba dinner date nyo!" ang sagot ko sabay sipa ng malakas sa pinto ng banyo dahilan para masira ito.   "Tang ina bakit sinira mong yung pinto? Magagalit yung landlord ko nito eh." ang reklamo ni Vince habang mabilis na nag susuot ng short. Samantalang ako naman mabilis na isinilid ang aking gamit sa bag at agad na umalis sa kanyang apartment.   "Eeeyy Coco Crunch please, ano ba? Saan ka pupunta. Bumalik ka nga dito. Jomar!!" ang pag tawag nito ngunit hindi ko na siya pinansin pa.   "Coco Crunch your face! Mag sama kayo ng kadate mong aso! Gago!!" ang sigaw pa sabay sakay sa taxi.   Part 1   Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Jomar, 21 taong gulang at kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kursong Accountancy. Ako ay may taas na 5'7, may tamang pangangatawan at saktong itsura, ang ibig kong sabihin ay hindi nahahanay sa gwapo at hindi rin naman panget, gitna lang kumbaga. Nag mula ako sa pamilya ng mga propesyonal bagamat hindi naman kami ganoon ka yaman. Si Papa ay isang abugado, si mama naman ay isang CPA kaya't kahit papaano ay nais kong masundan ang kanilang yapak lalo't nag iisa lamang akong anak.   Suportado ako nina mama at papa, lahat ng desisyon ko sa buhay ay kanilang sinusuportahan kaya naman labis ang pasasalamat ko na sila ang ipinag kaloob sa akin ng may kapal. Lahat ay kanilang inuunawa kabilang na rito ang pag amin ko sa kanila na ako ay may karelasyong isang lalaki. Malaking pag tataka iyon sa kanila dahil simula noon ay parating babae ang aking nakakapareha, nag kataon lang talaga na parati akong nasasaktan kaya't mas pinili ko ang ibang mukha ng buhay pag ibig, malayo sa normal at mas malapit naman sa pang huhusga ng iba.   Si Vince nga aking naging kasintahan. Siya ay mas matanda sa aking ng tatlong taon, isang nurse sa pribadong ospital sa siyudad. Mahigit dalawang taon kaming nag sama, noong una ay perpekto at masaya ngunit habang tumatagal ay nag kakalabuan kami at ang lahat ay nauuwi sa pag tatalo. Mga bagay na siyang nag papahina sa aming relasyon. Hindi pa naman opisyal na nag sasara ang aming yugto kaya't sa tingin ko ay maaayos rin ang lahat sa aming dalawa.   "Frend heto na yung pinareresearch mo sa akin. Andy Jay Magno ang name nya. Kasalukuyang Mr. Campus doon sa school nila. 5'8 ang taas, maputi at medyo may pag ka chubby ng kaunti at kasalukuyang nasa 3rd year sa kursong Nursing din. Teka, eh sino ba to at bakit ganoon ka kainteresado?" pag tataka ni Yani habang ipinapakita sa akin ang mga impormasyong naka print sa bond paper. Si Bayani ang aking best friend simula pa noong high school, pareho kami ng kursong kinukuha ngayon sa kolehiyo. At kung mayroon isang taong nakaka kilala sa akin ng husto ay siya iyon. Kaya naman talagang nag kakasundo kami sa lahat ng bagay at pag kakataon.   "Siya yung text ng text kay Vince. Nag aaya pang mag dinner date ng gago." sagot ko naman.   "The other woman, este man.. Eh gago naman kasi yang jowa mo. Karupok rupok at madaling maakit. Di naman siya kagwapuhan hano. So ano naman ang balak mong gawin dyan sa mga impormasyong ipinakuha mo? Gusto mo ba abangan na natin mamaya iyan sa gate ng skul nila?" ang seryosong tanong nito.   "Wala, gusto ko lang siyang makilala. Pero mas bagay sa kanyang ang makapal na labi, tapos may buhok sa ilong, bungal at may sipon." ang sagot ko habang dinodrowingan ang larawan nito na naka ngiti na animo artista cover ng mga note book.   "Ayy ang sama mo frend, pero like ko yan. Sige lagyan mo pa sya ng malalaking pimples sa pisngi at mga nunal sa noo. Akin nga ako mag lalagay." hirit ni Yani sabay agaw ng pentel pen. Wala e, pinag kautuwaan nalang namin yung larawan ng tao.   Tawanan..   "Teka bakit ba kasi nag ti-tyaga ka dyan kay Vince? Eh minsan kanang niloko niyan ah. Martir lang teh?" tanong ni Yani.   "Ganoon talaga pag mahal mo ang isang tao, paulit ulit mo siyang papatawarin dahil nga mahalaga yung mga pinag samahan nyo." sagot ko.   "Bona lang Jom? Hindi pag mamahal ang tawag diyan kundi pag papaka tanga no. Pag ibig nga naman, kahit ang pinaka malakas ay nang hihina at ang pinaka matalino ay nabobobo. Saka madami namang gwapo dito sa Campus. Marami dyan hindi babae ang hanap kundi kapwa nila lalaki rin. Halika lumandi tayo doon sa 3rd floor. Mula doon ay makikita natin yung mga students ground." pag yaya nito.   "Lalandi lang aakyat kapa sa 3rd floor? Pwedeng dito nalang?" ang tanong ko.   "Mas ganda roon. Ano game ka ba o hindi? Halika na.." hirit nya sabay hatak sa akin paakyat sa hagdan. "Wag na tayo masyadong maarte at hindi naman tayo masyadong maganda. Tulad mo, hindi gwapo at hindi rin panget. Gitna lang kaya igitna mo rin iyang kaartehan mo okay? Ganoon din ako, yung ganda ko ay pang loob lang kaya di ako masyadong lumalabas. Hanggang doon lang ako sa 3rd floor. Bukod sa pag ihi ko doon lang ako nakakaramdam ng kilig." paliwanag nito habang maingay na umaakyat sa palapag.   Makalipas ang ilang saglit ay nakarating nga kami sa 3rd floor kung saan may malaking balkunahe at mula dito ay makikita ang buong ground at ganoon rin ang mga estudyante dito. Agad kaming pumwesto ni Yani sa bangkuan at dito ay pinag masdan ang aming paligid. May kanya kanyang agenda ang mga mag aaral, yung iba ay nakatambay sa ilalim ng puno ng Akasya, yung iba naman ay nag liligawan sa sulok sa mga gusali at ang iba ay may sariling mundo.   "Tingnan mo kanya kanyang ligawan yung mga estudyante. Ano ba iyan tanghaling tapat mga nag lalandian." wika ni Yani.   "Hayaan mo na nga sila. Masaya sila sa buhay nila kaya dapat ay maging masaya rin tayo sa buhay natin." tugon ko.   "Happy naman tayo frend, saka happy naman sila. Tingnan mo yung mga babaeng member ng beauty queens club todo apply ng foundation sa mukha. Nag lagay ng pulang bubble gum sa pisngi. Oh ayon pa yung mga member ng peace maker club saka yung leader nilang si Shan Dave na napaka gwapo kaso taken na nung grumaduate na estudyante ng nursing." ang wika niya.   "Ah oo, si Julian? Classmate ko siya dati sa Speech Communication 1, binalikan niya iyon bago siya grumaduate." sagot ko naman.   "Oo nga, nakaka inggit no. Happy silang dalawa. Successful ang love story nila samantalang ang sa inyo naman ni Vince ay papunta na sa outerspace. RIP nalang sa relasyon nyong nang hihingalo."   "Sige sabihin mo pa, gusto mo ihulog nalang kita dyan? Mang asar pa ba?"   "Joke lang naman iyon frend no. Tingnan mo to dali.. Ayan na siya!!" ang wika ni Yani na parang matatae sa matinding excitement.   "Eh sino naman iyan?" tanong ko habang pinag mamasdan ang isang lalaking papasok sa gate, naka uniporme ito at naka sampay ang puting polo sa balikat kaya naman kitang kita ang kanyang magandang katawan sa kanyang sandong suot.   "Hindi mo siya kilala? Hindi mo kilala ang pinaka gwapong estudyante dito sa Campus? I mean, bukod dyan kay Papa Shan Dave ah. Tingnan mo frend, lahat ng babae ay nag wewet na sa sobrang pag ka kilig at yung mga beki sa baba ay nag kaka epelepsi na sa sobrang pag ka hot niya. Putok ang dibdib, firm ang muscles braso, may abs, 6ft ang taas at may lahi pang Intsik.  Siya si Bogart Linsangan. Bogsli po short. Diba? Ang hot talaga. Bogs Li.. Wew!"  ang pakilala ni Yani na parang hihimatayin.   "Bogsli? Hindi ba Libog iyon kapag binaligtad? Malibog ba sya?" tanong ko   "Aba e hindi ko alam frend. Sana nga malibog nalang siya at magustuhan niya ang alindog ko para madiligan naman ang tigang kong lupa."   "Tado. Halika na nga doon." wika ko sabay yaya sa kanya pabalik sa classroom.   At habang nasa ganoong pag talikod kami ay siya namang pag hihiyawan ng mga estudyanteng babae sa ground. Kaya naman wala kaming nagawa kundi ang bumalik sa  balkunahe at alamin kung anong nangyayari. "Hala!! Nakalusot yung mga tambay sa labas at ngayon ay nakikipag rayot dito sa ground!! Ayun oh nakikipag bugbugan kay Papa Bogs, buti nalang to the rescue si Papa Shan Dave." ang nag aalalang wika ni Yani habang naka tingin kay Bogs na noon ay may hawak na isang tubo at kapansin pansin na may dugo na ito sa noo. Samantalang si Shan Dave naman ay nakikipag suntukan rin sa mga out siders.   Naging magulo ang buong ground, mukhang mabigat ang pinag huhugutan ng galit ng mga ito kaya't hanggang sa loob ng school ground ay naka pasok. Ni hindi sila natakot sa mga gwardiyang naka bantay sa gate at nagawa pa nila itong bugbugin.   Wasak ang damit ni Bogs, may dugo sa mukha pero naitumba niya yung kaaway, bulagta itong naka handusay sa lupa. Habang nasa ganoong posisyon ang lahat ay siya namang pag responde ng pulis at hinuli ang mga outsiders.   "Huhu, halika sa ground dali, kawawa naman si Papa Bogs. Mukhang malaki ang pinsala niya sa ulo." ang nag aalalang wika ni Yani.   "Kawawa? Eh naka ngiti pa nga. Nakipag apir pa kay Shan Dave na parang pareho silang nanalo sa loto. Anong kawawa doon?" ang pag tataka ko.   "Gwapo kasi siya kaya kawawa. Saka nakalimutan kong sabihin sa iyo na si Bogsli ay ang lider ng mga tambay doon sa Compound ng Bagong Buhay Street at 10x siyang mas maangas, mas gago at mas tambay kaysa kila Shan Dave. Kung baga ay big boss na to. Master mind at hokage. Kaya nakita mo na, kahit basag ang ulo at mukha ay naka tawa pa rin." ang paliwanag ni Yani   "Eh baka naman talagang adobe na sa tigas ang mukha nya kaya kahit duguan ay naka tawa pa rin."   "Wititit frend, gwapo sya, hunk at ang mga bakla ay handang mag pakamatay makita lang ang alindog niya."   "Parang narinig ko na yan somewhere. Di ko maalala."   "Wag mo nang isipin frend, bilisan na natin ang pag baba at maki simpatya tayo kina Papa Shan Dave at Papa Bogs. Kawawa naman sila, kung sino pa yung gwapo at artistahin siya pang napapahamak, pwede naman sana yung mga kaklase nalang natin na panget diba? Bakit sila pa!! Bakeeet?!" ang wika nito na parang nasasaktan at naiiyak pa.   "Anong kaartehan nanaman ba iyan? Kung maka asta ka naman ay parang close mo silang dalawa."   "Pwes, classmate ng pinsan ng pinsan ko si Papa Bogs, at si Papa Shan naman ay kaklase ng classamate ko sa Ensci."   "Ano naman kinalaman noon sa iyo aber?"   "Edi wala. Halika na bilis, maki iyak na tayo doon sa ground!"   Edi ayun nga ang set up, masyadong kating kati itong si Yani na lumapit sa ground kung saan naroon si Bogsli na naka upo habang ginagamot ng mga member ng peace maker club ang kanyang putok na ulo, kilay, at nguso. Naka ngiti pa ito na parang walang nangyari. Samantalang si Shan Dave naman ay nakuha pang kumain ng biskwit habang ginagamot ang may pasang sintido.   Maya maya ay may lumapit kay Bogs na grupo ng mga freshman na babae. Nag tutulakan pa ang mga ito habang hiyang hiyang inaabot sa kanya (Bogs) ang towel, isang boteng mineral water at mga band aid.   Kinuha naman niya ang mga ito at nag bitiw ng matamis na ngiti kaya naman halos mamatay sa kilig yung mga first year. Yung tipong hindi pa masyadong tinutubuan ng boobs ay kumakarengreng na. "Ano ba yan, ang aarte naman, talagang inunahan pa ko sa pag bibigay ng first aid kit." bulong ni Yani na may halong pag kainis.   "At talagang may balak ka pang umagaw ng eksena? Iba klase." bulong ko sa kanya. "Malabo na akong umagaw ng eksena dahil tingnan mo naman nakapila na yung mga babaeng karengkeng na nais mag bibigay ng tulong dyan kay Papa Bogs. Kanya kanya sila ng dalang pag kain at may prutas pa. Mukhang alam na alam na nilang mapapa away ng bongga itong si Pogi." wika ni Yani at doon nga nakita namin na naka pila ang mga babae na animo mag aalay sa duguang si Bogsli.   "Langya, parang pari lang ah. Seryoso ba? Anong nakita nila dyan ka Bogsli at parang nababaliw sila?" tanong ko.   "Gwapo siya, di mo ba nakikita? Luz Valdez nga si Shan Dave oh. Nga nga ang lolo mo! Pak na pak!! Naku frend, im sure deep inside eh gwapong gwapo ka kay Papa Bogs, tingnan mo nga kahit sa kuko ay hindi aabot yang si Vince. Hay naku masyado kang bitter Jom ha. Pero okay na rin iyang nag kakalabuan kayo ng jowa mo para may pag kakataon ka makahanap ng ganyan kay papa Bogs."   "Wala na isip kong humanap ng iba. Im sure pare pareho lang naman ang ending ng mga love story, mag kakalabuan, mag loloko, hahanap ng ibang putahe at mag hihiwalay. At pag katapos noon ay mag kakalimutan, yung parang hindi na mag kakilala."   "Depende naman sa dalawang tao iyon noh. Kaya nga ang advice ko lang sayo ay makipag usap kana dyan kay Vince at bigyan ng tuldok ang dapat tuldukan." wika ni Yani dahilan para pansamantala akong balutin ng katahimikan. Kung sa bagay, tama naman siya. Halos mag tatatlong linggo na kaming hindi nag uusap ni Vince, kahit text o tawag ay wala itong paramdam. Mga bagay na nag bibigay ng kakaibang lungkot sa aking pag katao kapag sumasagi ito sa aking isipan.   "Huwag kana nga malungkot, kung gusto mo ay sasamahan kita mamayang hapon doon sa apartment ni Vince, pwede kayong mag usap para maayos ang problema o kaya pwede rin namang tuluyan kang lumakad palayo at palayain ang sarili mo sa lahat ng sakit na naidulot niya at maaari pa niyang idulot sa buhay mo." mungkahi ni Yani   "Hindi ko alam, pero marami akong nais na linawin. Siguro ay makabubuti nga na makipag usap ako sa kanya." sagot ko naman.   "Ayos, sige mamayang hapon. Im sure naman alas 6 ay tapos na ang duty nya doon sa ospital diba?"   "Oo, at sa tingin ko ay kailangan kong mag handa kung ano man ang maaaring mangyari."   "Wala kang dapat pag handa, kung mag hiwalay kayo edi fine! Humanap ka ng ganyang ka gwapo at ka yummy kay papa Bogs. Jusko kahit duguan at may sugat ang mukha ay gwapo pa rin. Sana ay tuluyan na ring nasira yung sando niya para nakita ko yung abs at yung putok niyang dibdib. Grabe talaga!!" ang wika ni Yani na may halong pag lalaway.   "Punasan mo nga iyang laway mo. Aso lang? Umpp!" suway ko sabay batok dito.   "Arekupp, kill joy ka talaga frend." reklamo nito habang naka pako ang tingin kay Bogs na noon ay naka tawa pa habang nag papa cute sa mga babae.   Ang totoo noon ay hindi ko alam na may ganitong ka gwapong estudyante dito sa paaralan namin, si Shan Dave lang kasi ang matunog at talagang popular. Wala akong ideya na may Bogart Linsangan pala nag eexist. Hindi naman kasi ako yung tipong mahilig sa social life, basta ako ay nag aaral mabuti at mag tatapos ayon ipinangako kina mama at papa. At sa ngayon, iyon ang pinaka mahalaga.   Alas 5 ng hapon noong kami ay mag uwian, katulad ng set up agad kaming dumiretso ang apartment ng aking kasintahan na si Vince upang kausapin ito at bigyan ng linaw kung ano man problemang namagitan sa aming dalawa. Syempre gusto ko rin naman mag karoon closure at linaw kung ano ang posisyon ang aming samahan. Bagamat alam kong pawala na rin ito dahil ang atensyon niya ay maaaring nasa iba na.   Sakay ng jeep, naka rating ni Yani sa compound kung saan naroon ang apartment ng mokong. Pag bungad palang namin sa pinto ay bumukas na agad ito at dito nga ay bumulaga sa amin ang isang lalaking naka tapis ng tuwalya ang bewang at halatang kaliligo palang.   Ibayong pag galit ang aking naramdaman kaya naman halos masira ko ang haligi ng pinto dahil sa matinding pang gigigil sa lalaking iyon.   "Nandyan ba si Vince?" ang tanong ko.   Ngumiti lang ito at nag pakilala. "Hi Im Andy." ang wika niya sabay abot sa aking kamay.   "Nasaan si Vince? Sumagot kundi ay ihahampas ko sa mukha mo itong haligi ng pinto." ang pananakot ko.   "Isama mo na rin tong doormat frend." ang wika naman ni Yani sabay dampot sa maduming basahan sa harap ng pinto.   Noong mga sandaling iyon ay ibayong pag inis ang aking naramdaman, pilit kong ikinakalma ang aking sarili bagamat gigil na gigil na ako. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at pilit na pigilan ang aking emosyon upang hindi mahalatang apektado ako bagamat sa loob loob ko ay gusto ko nang umatras at umuwi nalang para matapos na ang lahat..   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD