Part 5

1741 Words
Alyas Pogi AiTenshi May 23, 2017   Part 5   Nag patuloy kami ni Bogs sa pag hahalikan, damang dama ko ang malambot niyang labi na dumadampi sa aking labi at ang mainit niyang hininga na dumadampi naman sa aking ilong. Pakiwari ko ba ay nag slow motion ang lahat at panandaliang huminto ang oras para sa aming dalawa. Wala akong ingay na marinig at tila nawala rin ang tao sa aking paligid. Lumaban ako ng halikan hanggang sa maramdamang ko ang dila niya na nag lalaro sa aking bibig, mabilis lamang iyon ngunit talagang nakakadala.   Noong mga sandaling iyon ay para bang gusto kong maniwala sa kasinungalingang aming ginagawa, gusto kong mag padala sa mga bagay na hindi totoo at hindi maaaring maging totoo. Sana ay siya nalang talaga, ngunit hindi naman maaaring mangyari iyon dahil ang lahat ng ito ay pawang isang malaking panlilinlang lamang kina Andy at Vince at ganoon rin  sa  aming mga sarili.   Makalipas ang ilang minutong halikan, nag bitaw ang aming mga labi at doon ay kapwa kami napatingin sa mata ng isa. Yung tipong nag kahiyaan ngunit nag uusap kami sa tingin, pati sya napatitig rin ng seryoso sa aking mata kaya’t nakaramdam ako ng pag hiya.   “Wow ha, nag halikan na at nag titigan pa.. The Nerv!” ang maaarte wika ni Andy.   “Ayos, happy na tayong lahat! Cheers tayo dyan!” sabad naman ni Vince sabay taas sa kanyang baso.   Natawa rin si Bogs at muli niyang kinabig ang aking pisngi. Nagulat nalang ako ng muli nya akong halikan, mabilis lamang ito ngunit punong puno pa rin ng emosyon.  “I love you.” ang bulong niya ngunit sapat lang ito para marinig nina Vince.   Ngumiti ako at hinimas ang kanyang bilugang braso “I love you too.” sagot ko naman.   Noong mga sandaling iyon ay mas lalo pang nagging sweet si Bogs dahil nag simula nang lumingkis ang kanyang kamay sa aking likuran na para bang sabik na sabik akong yakapin ng mahigpit. Kaya naman walang nagawa sina Vince kundi ang mapatingin na lamang na may kasamang inggit.   Tumagal ng halos isa at kalahating oras ang dinner date na iyon, kung ano anong pinag usapan namin. Payabangan sa pag dadate, sa pag giging sweet at kung ano ano, syempre ay hindi naman kami nag patalo ni Bogs, lahat ng sagad na kasinungalingan ay sinabi na naming upang makasabay sa kanilang kabayangan. Nandyan yung parati kaming nag dadate ni Bogs, parati kaming mag kasama, madalas siyang nag bibigay siya ng bulaklak sa akin at bilang kapalit ay ipinag luluto ko siya ang masarap na pag kain. Lahat naman ng ito ay hindi totoo at panloloko lang upang hindi ako lumabas na talunan.   “Bogs is lucky to have you, kung totoo ngang kayo.” ang naka ngiting wika ni Andy habang naka tingin sa akin at para ayaw pa rin niyang maniwala.   Natawa ako “Ganoon din si Vince, sana ay mag tagal ang relasyon nyo at hindi rin siya maagaw ng iba sa iyo katulad ng ginawa mo sa akin. Im sure kapag naka kita iyan ng mas fresh sa iyo at iiwan ka rin niya. History repeat itself kasi, pa ikot ikot lang kaya’t baka maranasan mong ikaw naman ang agawan.” Naka ngiti kon tugon.   “Thanks sa advice mo, im sure na mag tatagal kami ni Vince dahil hindi ka naman niya papalitan kung happy siya sa iyo. Kaya ka nga niya pinalitan ay naka kita siya ng mas “best” at ako iyon” sagot niya.   “Madaling mag sawa iyang si Vince, marupok at madaling maakit. Payong kaibigan lang.. Ingat ingat rin pag may time. Saka salamat nga inahas mo sya, atleast nag karoon ako ng kasintahang 1 thousand times na mas gwapo sa kanya. Walang effort oh, pinag sisigawan ng buong mundo na gwapo ang bago ko.” pag yayabang ko dahilan para matawa si Vince “Ayos lang, ako naman ang naka virgin sayo. Panalo pa rin” ang hirit niya dahilan para mapa ngiwi ako. Gago talaga ito, alam na alam kung paano ako papatahimikin.   “Ang akala mo lang ay ikaw. Pwede ring ako. Diba Pumpkin?” ang wika ni Bogs habang naka ngising aso.   Napa kunot ang noo ni Vince at halatang napikon ito. “Im sure ako iyon. Diba Jom?” ang wika niya   Natawa ulit si Bogs. “Ang liit daw kasi.. Hindi niya naramdamang nawala ang virginity niya.”   Tawanan..   Pero may kasamang inis..   “Anyway thanks sa advice mo Jom, cheers!”ang sagot ni Andy sabay taas rin ng kanyang baso.                     “Cheers! Best of luck!” ang naka ngiti kong tugon.   Alas 9 ng gabi noong matapos ang double date, agad kaming sumakay sa taxi at dito ay nag settle ng obligasyon sa isa’t isa. Halos balot pa rin ng kaba, tuwa at kakaibang pakiramdam ang aking buong pag katao, muntikan na akong maniwala sa palabas namin ni Bogs bilang mag kasintahan. Masyado nga siyang mahusay na aktor, bigay todo sa pag halik at ka sweetan. Kaya naman pala madaling nakakapera ito dahil bihasang bihasa sa pag aakit ng kapwa. “Bale hinalikan kita ng dalawang beses so 400 iyon. Tapos yung mga himas ko pa at ang pag sisinungaling ko bale 500. Kulang pa kayo ng 3,200 pesos dahil down lang ibinigay nyo” naka ngising wika ni Bogs.   “Ha?! Umabot ng ganoon kalaki ang bill ko? Ano ka metro ng taxi? Ang mahal ah.. Saka yung ikalawang halik mo ay smack lang naman at hindi ko iyon naramdaman pati iyon ay may charge?” ang tanong ko.   “Natural, walang libre sa mundo. Saka wala kayong makikitang ganitong kagwapong tao na sasakyang ang kautuan ninyong dalawa ng kaibigan mong bakla. Tangina, lalaking lalaki ako pero nakipag halikan ako sa iyo, iyon ang magaling na aktor. Doon palang ay tiyak na paniwalang paniwala na sila na tayo nga. Maayos naman ang trabaho ko diba? Ginawa ko ang best ko kaya gawin nyo rin ng maayos ang obligasyon nyo.” sagot niya   “Pangingikil na iyang ginagawa mo Bogs, siguro ay family business nyo ang pagiging kawatan. Yung tatay mo ay mang huhuhot at yung nanay mo naman ay mangongotong kaya ayan lumaki kang ganyan. Saka ang laki ng gastos ko sa iyo pati iyang polo at pang gupit mo ng buhok ay ako pa ang sumagot. Bawasan mo yung presyo mo sa makaturangan halaga.” ang inis kong tugon.   “Tangina, kukuriputan mo pa ako e lahat naman ay ginawa ko, kapag nga lumalabas ako kasama ng mga bakla doon sa kanto ay 5 libong piso agad ang ibinibigay sa akin, walang kahirap hirap iyon! Samantalang sa iyo naman ay  effort kung effort ako sa pag arteng boyfriend mo. Gawin mo ang obligasyon mo at mag bayad ka ng eksakto. Ano mag babayad ka ba o pupunta ako ngayon doon sa ex mong mukhang tipaklong at sa kasintahan niyang mukhang uod at sasabihin ko na ang lahat ng ipinakita natin sa kanila ay malaking kasinungalingan. O baka mas magusto pang basagin ko iyang nguso mo para amanos na tayo?!!” ang gigil rin niyang sagot sabay hablot sa aking kohelyo.   “Aba mukhang pera talaga ang hinayupak! Pati ako ay sasaktan para sa maliit na halaga!” ang wika ko naman.   “Mag babayad ka ba o hindi?! Dali kating kati na itong kamao ko!” ang gigil na gigil niyang tugon habang naka amba ng suntok sa akin.   “Tama na nga iyan. Oh heto ang kulang papa Bogs. 3,200 pesos.  Ayan ha, peace na at please lang huwag na kayong mag skandalo dito sa bus ni Poging taxi driver noh.” wika ni Yani.   Agad na kinuha ni Bogs ang pera, binilang muna ito ay inilagay sa kanyang bulsa. “Kung kanina pa kayo nag bayad edi walang gulo. Sige aalis na ako. Salamat!” ang wika niya sabay baba sa taxi.   “Bakit ibinigay mo lahat? Sobra sobra na yung nakuha niya sa atin ah? Ang laki ng gastos ko ngayong linggo dahil sa kanya, pati savings ko ay ubos na rin.” reklamo ko naman.   “Hayaan mo na iyon frend, kesa naman mapaaway pa tayong dalawa diba? Ang isipin mo nalang ay hindi kana mukhang loser sa mata nina Andy at Vince. Saka isa pa ay todo effort naman talaga si papa Bogs sa pag arteng boyfriend mo, parati ka niyang inilulusot kapag nasa bingit na kayo ng kabukingan. Tama nga naman siya, kahit lalaki siya ay nagawa niyang makipag torrid kiss sa iyo para lang mapatunayan na hindi ka nag sisinungaling. Iyon lang ay malaking effort na..” ang wika ni Yani.   “Kahit na, maling mali pa rin iyon.”   “Ang isipin mo nalang ay successful ang plans natin. At the first place ay iyon naman talaga ang aim natin diba? Ang paniwalain sina Andy at Vince ikaw ay may kasintahang gwapo at sweet. Ngayon ay hindi kana talunan sa paningin nila.”   Wala akong nagawa kundi ang mapa buntong hininga nalang habang naka lingon sa bintana ng taxi. Halo halong emosyon ang aking nararamdaman.  Paki wari ko ba ay naguguilty ako dahil sa ginawa kong panloloko kina Andy ngunit wala naman akong ibang pamimilian kundi ang mag panggap upang hindi mag mukhang talunan. Ngunit sa kabila ng mga ito ay nakaramdam naman ako ng tuwa dahil kahit sa sandaling oras ay naranasan kong mag karoon ng sweet na kasintahan sa katauhan ni Bogs. Hindi ko makakalimutan iyong pag aasikaso, pag lalambing, pag titig at pag halik niya sa akin habang mag katabi kami sa upuan. Bagamat ang lahat ng iyon ay isang malaking pag papanggap lamang, masaya pa rin ako dahil naranasan ko ito. Iyon nalang siguro ang iisipin ko upang gumaan ang aking pakiramdam.   Alas 11 ng gabi, ni hindi ako dalawin ng antok, biling baligtad ako sa aking higaan. Ewan, paulit ulit na nag babalik sa aking isipan ang eksenang halikan namin ni Bogs. Hindi ko makalimutan ang pag dampi ng kanyang labi sa aking labi. Hanggang ngayon ay parang naamoy ko pa rin ang kanyang mabangong hininga at pati na rin ang kakaibang kabog ng aking dibdib ay hindi pa rin nawawala. Ang lahat ng kaganapan kanin ay pilit na kumakapit sa aking utak at walang paraan para maiwaksi ito ng ganoon kabilis. Ayoko mang aminin ngunit para bang hinahanap hanap siya ng aking mga mata, parang gusto ko nang mag bukas para masilayan siyang muli.   Pinilipit kong kontrahin ang isipan kong iyon ng mga eksenang hindi kanais nais katulad nalang nung pag hablot ni Bogs sa aking kohelyo, yung pangingikil niya ng malaking kabayaran sa effort na ginawa niya para mag panggap na kasintahan ko. Syempre naiinis ako kapag naiisip ko iyon ngunit maya maya ay papasok nanaman sa aking isip yung eksenang halikan namin at kasabay nito ang muling pag kabog ng aking dibdib. Muli nanaman siyang hahanapin ng aking mata hanggang sa umagahin na ako at hindi na unabis naka tulog.   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD