Alyas Pogi
AiTenshi
May 23, 2017
Part 6
Kinabukasan, tanghali na noong ako ay magising dahilan para malate ako sa first period. Pag baba ko pa lang sa jeep ay nakita ko na nga agad itong si Bogs sa bilyaran kasama ang kanyang mga katropang drug adik ng taon. Kay aga aga ay sugal agad ang inaatupag ng loko, hindi man lang makonsensiyang pumasok sa kanyang klase upang may maipakitang magandang resulta sa kanyang mga magulang. Kawawa naman yung mga taong nag papa aral sa kanya, puro sugal, pakikipag away at kalokohan sa buhay ang inaatupag niya.
Ilang sandali ring napako ang aking tingin sa kinaroroonan ni Bogs hanggang sa mag pasya akong lumakad na papasok sa gate nang may marinig akong tumatawag sa akin mula sa likuran. “Pumpkin!! Sandali!! Hintayin mo ako!” ang pag tawag ni Bogs habang tumatawid sa kalsada.
Napahinto ako sa pag lalakad at pinag masdan itong makalapit sa akin. Naka suot ng puting sando na pakat sa kanyang dibdib at ang polo ay naka sampay sa balikat. “Pumpkin, balita?” ang bungad niya.
“Balita saan?” tanong ko
“Dun sa ginawa nating pag arte kagabi, naniwala ba sila?” tanong niya ulit.
Lumakad ako at sumagot “ayos lang naman. Naniwala naman sila kahit paano. Wala kang klase? Ang aga mo yatang nag susugal?” tanong ko naman
“Ang totoo noon ay hinihintay kasi kita.” tugon nya habang napapakamot ng ulo. “Ako? Bakit naman?” pag tataka ko.
“Gusto ko lang isauli itong polong binili mo. Baka sabihin mo ay masyado kitang pinerahan kagabi.” sagot niya sabay dukot ng polo sa loob ng kanyang bag. “Hindi na, sa iyo na iyan. Mas bagay iyan sa iyo.” wika ko naman.
“Ganoon ba? Salamat ha. Masarap ba?” tanong niya ulit na naka ngising aso.
“Alin?” tanong ko rin na may halong pag tataka.
“Yung halik ko, para kasing nadala ka eh. Nagustuhan mo ba?” tanong niya na parang nang iinis o nanloloko.
Tumingin ako sa kanya at nag wika “Ang masarap na halik ay kusang ibinigay ng may pag mamahal at pag papahalaga. Ang halik mo ay may bayad kaya’t sa tingin ko ay wala itong sarap. Saka paano mo nasabi ang ganyang bagay kung kapwa lang naman tayo nag papanggap. Ang ibig sabihin ay walang totoo sa ginawa natin, kahit yung halik pa na sinasabi mo.”
“Kung sa bagay, hayaan mo sa susunod ay hahalikan ulit kita ng free. Huwag mong tatangihan iyon dahil minsan lang ako mag alok ng libre. Ang “Alyas Pogi” ng Sitio Bagong Buhay, Bagong Pag asa Street ay ngayon lang nag alok ng halik sa isang lalaki. Anong masasabi mo?” pag yayabang nito.
“Wala, ang masasabi ko lang ay bawasan mo ang pagiging GGSS mo.”
“GSGS ano? Ano naman iyon?”
“GGSS ang ibig sabihin ay gwapong gwapo sa sarili. Sobrang tiwala mo sa sarili mo na gwapo ka eh hindi naman talaga.” pang aasar ko bagamat gwapo naman talaga siya.
“Aba eh ikaw palang ang nag sabing hindi ako gwapo, malabo ba ang mata mo? Now I know kaya naman pala nag kagusto ka doon sa Ex mong mukhang tipaklong.” pang aasar rin niya.
“Basta huwag ka agad agad maniniwala sa sinasabi nila gwapo ka, dahil ang iba sa kanila ay hindi nag sasabi ng totoo at binibilog lang na parang kulangot ang ulo mo.” Payo ko naman dahilan para mapakamot ito ng ulo. “Ganoon ba iyon?” tanong niya
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay nakarinig kami ng kakaibang ingay sa labas gate. Para bang may nanabasag na bote at ang ilang estudyante babae ay nag hihiyawan sa takot. Agad na huminto si Bogs sa pag lalakad at mabilis na tumakbo patungo sa tarangkahan. “Puta, mga tropa ko iyon! Tol hawakan mo muna itong bag. Dito ka lang at huwag kang lalabas ok.” Nag aapurang salita niya sabay abot sa akin ng kanyang mga gamit
“Tekaa, nag kaka gulo na dyan sa labas, huwag kanang mag tungo doon. Delikado!!” pag habol ko naman.
“Hindi ko maaaring pabayaan yung mga tropa ko. Dito ka lang at huwag kang susunod sa akin.”
“Bakit hindi mo nalang hayaang rumesponde ang mga pulis? Pag papakamatay iyang gagawin mo. Tingnan mo nga ang dami dami ng kaaway, ni hindi nga ito maawat ng mga tao sa paligid. Rayot na iyan eh! Ibang level na!” pag pigil ko at habang nasa ganoong pag lalakad kami patungo sa nag kakagulong tao ay siya namang pag sulpot ng isang lalaking may dalang pamalo. Saktong hahampasin kami ng lalaki ng biglang iniharang ni Bogs ang kanyang braso sa pamalong kahoy kaya’t siya ang natamaan. Malakas ang pag kakahampas na iyon pero hindi niya ininda. “Dito ka lang, huwag matigas nag ulo mo! Nakita mo na? Madadamay ka eh. Tang ina!! Pumasok kana doon sa gate!!” galit na sigaw nito sabay suntok sa lalaking lumapit sa amin. Kinaladkad niya ito papasok sa bilyaran at doon ay nag kagulo na sila.
Samantalang ako naman ay hinila ng guard papasok sa gate ng campus at sinara nila ito upang walang makapasok na outsiders. Ibayong pag kabahala at pag aalala ang lumukob sa aking pag katao noong mga oras na iyon. Ang totoo nun ay hindi naman dapat ako mag exert ng emosyon ngunit hindi ko mapigil lalo’t alam kong delikado ang pinasok ni Bogs. Naisip ko lang na kung sa akin tumama yung pag hampas kanina ay baka bumulagta ako sa laki ng kahoy, pero nagawa itong sanggahin ng mokong na animo isang super hero na prinotektahan ako. At ngayon ay naroon siya sa loob ng bilyaran habang nag kakagulo ang lahat, wala naman siyang kinalaman sa gusot eh, nag kataon lang na war freak sya at talagang mahilig sa rayot. Tama nga si Yani, mukhang siya ang pinaka hari ng kayabangan at kautuan sa Compound nila. Hindi nag iisip at padalos dalos, masyadong matapang na akala niya ay kaya niya lahat ng bagay. Nakaka inis!!!
Tumagal ng ilang minuto ang magulong paligid, nag liliparan ang mga bato at bote, ang mga sangkot sa gusot ay parang mga hayop na nakikipag buno sa isa’t isa. Hanggang sa dumating ang mga pulis at isa isang hinuli ang mga ito. Ang iba ay nag pulasan sa pag takbo upang hindi maabutan. Maraming na huling tambay at mga estudyanteng kaibigan ni Bogs na noon ay talagang puro pasa ang buong katawan. Pilit ko namang hinanap si Bogs sa mga nahuli ngunit wala siya rito, marahil ay tumakas o nag tago sa ilalim ng lupa upang hindi makalaboso.
Noong makatiyak na payapa na ang paligid ay nag tungo ako sa bilyaran upang hanapin ito sa at tulungan. Maraming pulis ang umikot kaya’t imposibleng makalabas siya mula rito. Pag pasok sa loob ay magulong magulo ang buong lugar, ang mga lamesa at silya ang sira sira na animo dinaanan ang matinding delubyo. Ang mga stick ng bilyar ay bali bali na halatang ginamit bilang pang hampas. “Bogs!! Nandito ka ba?” ang pag tawag ko.
“Bogs!! Buhay ka pa ba?” tanong ko ulit.
Maya maya ay bumukas ang pinto ng isang lumang kabinet na tambakan ng mga gamit at dito nga nakita ko si Bogs na lumalabas. Puro pasa ang mukha, may dugo ang ilong at labi. May gasgas sa braso at parang kinagat pa sa leeg dahil may bakat ng ngipin dito na noon ay nangitim na at may namumuong dugo. “Bakit nandiyan ka? Ayoko nang itanong kung ayos ka lang dahil halata namang hindi.” Puna ko habang marahan itong lumalabas naka hawak sa kanyang tiyan na animo namamalipit sa sakit.
“Nag tago ako dito sa loob ng cabinet dahil ayokong mahuli ng mga pulis, tang ina isang note book yung listahan ko ng violation doon. Kapag nahuli pa nila ako ay baka tuluyan na nila akong ikulong. Arekupp putaa… sakit!!” ang daing pa niya habang umuupo sa sila. Kapansin pansin rin yung brasong tinamaan ng pag hampas kanina, magang maga na ito na halos nag umitim na rin sa sobrang pag ka bugbog.
“Ang yabang mo kasi eh, nung nag sabog yata ng kayabangan ng Panginoon ay bath tub ang dinala mo upang saluhin lahat. Kapag hindi ka tumigil sa pakikipag away malamang sa susunod ay hindi na sa presinto ang bagsak mo kundi sa morge na. Alisin mo nga iyang kamay mo, patingin nyan!” ang utos ko naman.
“Ha? Tangina wag dito. May sugat na nga ako gusto mo pang makita yung ano ako. Hindi titigas to.” ang sagot niya.
“Gago!! Hindi yang ano mo ang gusto kong makita kundi iyang sugat sa tiyan mo dahil kanina ka pa namamalipit. Patingin nga!! Lokoo ka!” ang sagot sabay batok dito. Mabilis kong inalis ang kamay niya at dito nga ay nakita kong may sugat siya sa tagiliran, malaki ito at parang nasaksak ng kung ano.
“Hinampas ako kanina nung kahoy na may pako, bumaon iyon dito sa taligiran ko kaya namaga ng todo.” daing nya.
“Delikado ito, baka may kalawang pa yung pako tiyak na tetano ang aabutin mo. Halika at ipatingin natin sa doktor. May kaibigan si mama doon sa bayan.” pag yaya ko.
“Huwag na ayos lang ako. Lilinisin ko nalang to pag dating sa bahay. Uuwi na ako.”
“Actually gusto talaga kitang pabayaan nalang na matigbak dito. Kaso ay nakokonsensya ako dahil pinag tanggol mo pa ko kanina. Kaya gusto kitang tulungan.”
“Natural ipagtatanggol kita, saka sa itsura mong iyan? Sa tingin ko ay hindi ka naman marunong sumuntok. Pasalamat ka at nag karoon ka ng gwapong prince charming sa katauhan ko.”
“Alam mo mamatay ka nalang nag yayabang ka pa. Halika na..” ang pag yaya ko sabay para ng taxi para dalhin ito sa doktor.
Habang nasa loob ng taxi ay naka hawak pa rin ito sa kanyang tagiliran at halatang pilit na nilalabanan ang matinding kirot. Kapag humaharap ako sa kanya at ngingit pa ito bagamat alam kong nag papanggap lamang siya maayos. Nasa ganoong posisyon ako noong maisipang ilawit ang aking kamay sa bintana ng taxi at dito ay basain ang aking panyo gamit ang isang boteng mineral water.
Patuloy pa ring naka ngiti sa akin si Bogs, pati mata niya ay naka ngiti rin bagamat alam kong nag papanggap lamang siya na walang sakin. Lumapit ako sa kanyang mukha at marahan pinahiran ang kanyang labi na may bahid ng dugo, mga bagay na kanyang ikinagulat. Ngunit sa halip na pigilan ako ay napatitig lang siya sa akin at hayaan ako sa aking ginagawang pag lilinis sa kanyang mukha. “Bakit ganyan kang makatingin?” tanong ko noong mapansin na naka titig ito sa akin.
“Wala, ngayon lang kasi may nag asikaso sa akin pag katapos ko makipag away, karaniwan kasi ay sa presinto ang bagsak ko o kaya ay sa compound namin para mag tago.”
“Alangan namang pabayaan kitang bugbog sarado doon sa doon sa loob ng bilyaran. Konsensya ko nalang kung hindi kita tutulungan, kahit naman huthutero ka, mayabang at kawatan ay tao ka pa rin. Yung mga aso ng kapag nag kakasakit o nasusugatan ay ipinapagamot. Ikaw pa kaya na tao?”
“Huwaw ha, ihanay ba ako sa aso?” pag mamaktol niya dahilan para matawa ako. “Huwag ka munang mag salita para mapunasan kong mabuti ito labi mo na pumutok.” bulong ko
“Arayy, dahan dahan naman.” Reklamo naman niya.
“Tse, uupakan pa kita dyan eh..” biro ko naman.
Pag dating sa clinic ay agad na sumalubong sa amin ang doktor, dito nga ay agad na pinag hubad ng damit si Bogs upang suriin ang kanyang sugat. Medyo nabato balani lang ako noong tumambad sa aking harapan ang kanyang magandang katawan, makinis, maputi at parang hinubog sa perpektong mag kaka gawa. Sa taas niyang 6ft, talagang mag lalaway kahit na sinong makaka kita sa kahubadahan niya. Iyon nga lang ay talagang kitang kita ang mga galos, pasa at yung sugat sa tagiliran niya na parang nahiwa na may bahid ng dugo at nangitim na nag buong paligid. Ang braso niya na ginamit panangga para protektahan ako ay namamaga rin at may bakat ng latay. Gayon pa man ay para bale wala lang ito sa kanya at nakuha pang kumindat habang nahihiga sa kama ng clinic.
“Huuyy, bakit naka titig ka sa katawan ko? Akit na akit ka sa akin no?” ang bulong nito.
“Tumigil ka nga, binibilang ko lang yung tama sa katawan mo. Nakukuha mo bang mag yabang eh bugbog sarado ka nga.”
“Tangina, sila ang bubog sarado sa akin. Sa tindi ng mga sapak na ginawa ko malamang ay nanghihiram na sila ngayon ng mukha doon sa alaga nilang aso!”
“Umabot na talaga sa ganyang level ang kayabangan mo? Lalabas muna ako at baka liparin ako ng buhawi sa kahanginan mo.” ang wika ko sabay katok sa kanyang ulo.
“Ang sweet nyo naman sir.” Ang biro ng Nurse.
“Oo naman, sweet talaga iyang si Pumpkin” ang naka ngising sagot naman ni Bogs bagamat napapangiwi ito dahil ginagamot ang sugat niya sa tagiliran.
At dahil nga matagal tagal na gamutan ang naganap, naupo muna ako sa waiting area at habang nasa ganoong posisyon ako ay napatingin ako sa bag ni Bogs. Hindi ko alam ngunit parang naakit akong buksan ito at silipin kung ano ang laman. Alam ko mali ngunit huli na dahil namalayan ko nalang na nakapasok na ang aking kamay sa loob nito.
Nandito yung polong ibinigay ko sa kanya, tapos ay may isang ballpen na itim, isang notebook na binder na wala namang sulat pero maraming papel ang naka ipit, mga quiz niya sa ibat ibang subject na karamihan ay zero. Pinaka mataas na yata yung 3 at 5 na nakita ko, halatang hindi nag aaral ang mokong. May mga band aid rin at ointment para sa sugat, may gamot na pain reliver at tatlong pirasong bubble gum. Naakit rin akong buksan ang bulsa ng kanyang bag, dito ay may 130 pesos na halaga at kaunting barya. At may dalawang pirasong condom na hindi ko malaman kung saan niya gagamitin.
“Mainam iyan nag practice kayo ng safe sex.” Ang biro ni doc noong makita akong hawak ang condom.
“Ha? Hindi po. Hindi ko kilala yung taong iyon, ang totoo ay skulmate ko lang siya na nadamay sa rambulan doon sa labas ng campus. Naawa ako kaya dinala ko rito.” Depensa ko naman.
“Hindi kilala pero kitang kita ko sa mata mo ang labis na awa at pag aalala kanina. Naku, huwag mo nga akong echusin Jomar, isusumbong kita sa mama mo eh. Binata ka na nga, dati ay uhugin ka pa at iyak ka pa ng iyak noong tinuli kita.” ang natatawang biro ni doc.
“doc naman eh, paano naman akong mag kakagusto doon sa taong iyon e nakita mo naman kakambal na niya yung malas. Bugbog sarado ang katawan at puro pasa pa. Walang magandang maidudulot iyan sa buhay ko.”
“Tulak ng bibig kabig ng dibdib. Nag daan rin ako sa ganyang stage Jomar, alam na alam ko iyan. Ang mainam pa ay reresetahan ko ng gamot iyang kaibigan mo, kailangan rin siyang masaksakan ng anti tentano dahil nakuha namin ito sa sugat niya.” Ang wika ni doc sabay pakita ng isang malaking pako na may kalawang. “Malakas ang pag kakahampas sa tagiliran ng pasyente at sa sobrang pamamaga nito ay tiyak na hindi lang dalawa o tatlong beses siyang hinataw kundi maraming beses pa dahilan para maalis ang pako at bumaon ito sa kanyang katawan. Kung mahina ang taong makakaranas ng ganoong kalupit na pambubugbog ay mamatay. Super human yata ang kaibigan mo.” Paliwanag ni Doc.
“Hindi po siya super human dahil makapal lang talaga ng balat niya na parang isang buwaya. Gwapong gwapo pa sa sarili at saksakan ng yabang” tugon ko.
“Gwapo naman talaga siya ah. Kahit nga yung mga nurse na babae doon ay kilig na kilig at nag uunahan pa sa pang gagamot sa kanya. Kahit yung pasyente sa kabilang silid ay nag aalok rin ng tulong sa kanya. At dahil nga napaka gwapo niya ay napag kasunduan namin na ilibre na ang gamot at mga gastos niya dito sa klinika” ang naka tawang wika ng doktor.
“Seryoso?!” tanong ko naman
“Oo, mukha ba akong nag bibiro?” sagot ng doktor
“Eh opo, porket gwapo may insurance na agad? Ayos ah.”
“Hayaan mo na at minsan lang may mag pagamot na gwapo dito klinika ko. Tingnan mo buhay na buhay ang mga nurse.” Masayang wika ng doktor kaya naman napaka kamot nalang ako ng ulo.
Bandang alas 6 ng hapon noong magising si Bogs, nag dala ako ng isang mangkok na lugaw at isang styro na pansit para sa kanya. Eh hindi ko rin naman matiis ang mokong dahil nahahabag ako habang pinag mamasdan itong natutulog. Puro pasa ang mukha, may tama sa tiyan at naka nga nga sabay hilik ng malakas. At dahil nga uwian na rin sa campus at hindi na ako naka pasok ay pina diretso ko na si Yani dito sa clinic upang may kasama ako. Baka maya maya ay dito pa rumesbak yung mga kaaway niya at pati kami ay madamay.
“Ang sabi ng doktor ay gwapo raw ako.” ang wika ni Bogs habang bumabangon ito sa higaan.
“Iyan ang epekto ang kumakalat na tetano sa katawan mo, umayak na ito sa utak mo kaya’t nag iilusyon ka naman.” Pang aasar ko bagamat sinabi naman talaga iyon ni Doc.
“Ganoon ba iyon?” ang pag tataka nya
“Oo kaya heto kumain kana at baka nalilipasan ka lang ng gutom” tugon ko.
“Wow salamat, kaninang umaga pa nga ako hindi kumakain eh. Buti nalang may dala ka” masayang wika niya. “Kain tayo, hati tayo.” Dagdag pa niya
“Kumain na ako kanina habang natutulog ka” sagot ko
Maya maya ay laking gulat ko nang itinapat niya sa aking labi ang kutsarang plastic na may lugaw. Naka ngiti ito at nag wika “Sayo ang unang subo.”
“Seryoso ka?” tanong ko rin.
Nag bitiw ito ng matamis na ngiti at tumango “hindi ako nag lalambing ng ganito sa kapwa ko lalaki. Sayo lang talaga. Ahhhhh.”
Wala naman akong nagawa kundi ang ibukas ang aking bibig at isubo ang kutsara na may lugaw. Nahihiya ako ngunit ayoko rin namang basagin ang trip niya. At habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag pasok ni Yani sa silid. Kitang kita niya ang ginawang pag subo sa akin ni Bogs ng pag kain. “Anong kaartehan naman iyan? May subuan portion pa kayong dalawa hano. Ke lalandi!” ang entrada nito sabay lapag ng isang plastic na mansanas, ubas, orange at kung ano anong pang prutas sa lamesa. “Oh para sa iyo papa Bogs, ipinabibigay ng mga babaeng taga hanga mo sa skul. Hindi ko na nga itinuro itong klinika ni Doc dahil baka mag ka stampede pa rito.
“Wow ang dami naman niyan.” Namamanghang wika ni Bogs.
“Oo nga eh, para kang pari na inaalayan ng pag kain ah. Umabot na ba sa ganyang level ang pang huhuthot mo?” tanong ko.
“Hindi ah, GL card lang yan..” sagot niya
“GL card? Ganda lang?” tanong ko ulit
“Tado, “Gwapo Lang”, saka kasalanan mo bang ipinanganak akong hot, matipuno, magandang lalaki, matangkad at malakas ang appeal sa mga babae?”
“Eh kung paturukan kaya kita ng anti tetano ulit? Baka sakaling mawala ang kayabangan mo. Naku, kaya ka napapag tripan ng mga tambay doon sa kanto ay dahil GGSS ka.” Tugon ko.
“Oo nga naman papa Bogs, bakit ba parating kang nasasangkot doon sa gulo? Saka sino ba yung grupong parating kabakbakan nyo?” pang uusisa ni Yani
“Matagal na naming kaaway ang grupo na iyon. Taga doon sila kabilang compound. Nag simula ang alitan namin sa larong basketball noong hindi nila ibigay ang premyong napag pustahan sa aming grupo. Mag buhat noon kapag may katropa kaming naliligaw sa compound nila ay binubugbog nila ng walang awa. Kaya kapag may naliligaw rin na tropa nila doon sa compound namin ay binubugbog rin namin. Gantihan lang hanggang sa mag paulit ulit na ang away at gulo na parang isang sumpa. Mayabang kasi yung leader nila kaya parating may rayot. Mga supot naman at urong ang mga t**i kaya naduduwag kapag na tatalo na sila. Tiyak na tatakbo ang mga ito palayo habang tinatawag ang nanay nila.” Paliwanag ni Bogs.
“Eh bakit hindi nyo kausapin ang leader ng tropa nyo para makipag peace talk doon sa leader ng kabila? Lahat naman ay nadadaan sa mabuting usapan diba? Whats wrong with you people? Puro kayo away, upakan dito, bambuhan doon. Naka bawas ba ng pag kalalaki kung iiwas kayo sa gulo?” tanong ni Yani
“Ako ang leader namin sa compound. Ako si “Alyas Pogi”, at kahit kalian ay hindi ako makikipag peace talk sa mga gung-gong na iyon.” Inis na salita ni Bogs.
“Alyas Pogi? Eh bakit may mga ganon pa? Saka in fairness sa compound nyo ha, ang daming gwapo, kahit yung tambay doon ay gwapo pa rin. Pinaplano ko na nga na lumipat dyan eh” hirit ni Yani
“Doon kasi sa compound namin ay may kanya kanyang code name ang mga sikat na tao, may Kanto Boy, May Hari ng Angas, Gwapong Gago at ako ang pinaka Leader nila. Lahat kami ay may kanya kanyang agenda sa buhay. Siguro maiiwasan ang masangkot sa gulo pero sanay na kami sa ganyan.” Paliwanag ni Bogs.
“So ikaw pala ang leader, im sure ikaw ang pinaka worst at pinaka buset sa lahat. Kung sa bagay, halata naman dahil sa dami ng tama na nandyan sa katawan mo” sagot ko naman.
“Mali ka doon tol, hindi ka dapat nang huhusga ng kapwa batay sa nakikita mo lang, malay mo may mas malalim na rason itong pakikipag away ko diba? Saka pasalamat ka nga at sinangga ko pa yung pag barog kanina, kung sa iyo tumama iyon ay baka tulog ka pa hanggang ngayon.” Pang aasar niya sabay bulong “Pasalamat ka at “pumpkin” kita”.
Ngumisi pa ang mokong sabay subo ng pag kain..
“Salamat ha PUMPKIN!!” ang sarcastic kong tugon habang naka nguso.
Nakakainis talaga itong si Bogs, at hindi niya mapigil ang sobrang pag yayabang. Gayon pa man masaya naman ako dahil ligtas na siya mula kapahamakan at kahit papaano ay pansin kong may namumuong pag kakaibigan sa aming tatlo, dati ay para lamang kaming mga estranghero na hindi pinapansin ang isa’t isa. At dahil dito ay batid kong mag iiba na ang sitwasyon mula ngayon.
Itutuloy..