Kabanata 38

2146 Words
Kabanata 38                         Tanaw ko rito sa malayo na sinimulan nan gang kainin ni Hamin ang isda na binigay ko sa kanya. Nang sa ilang oras lang din, may tumabi sa akin dito sa gilid ng ilog sa pag-upo.             “Kumain ka na, luto na ang isdang nahuli ko.” Si Hamina pala, iniabot naman niya sa akin ang inihaw na isda na tinuhog sa mataas na stick na pasadyang ginawa gamit ang mga nakuhang mga sanga ng punong kahoy, para naman hindi kami mahirapan sa pagkain.             “Salamat,” maikli kong sambit, tinanggap ko kaagad ang kanyang alok. Nagsimula na rin akong papakin ang isda, wala mang rekados na nilagay, pero kapansin-pansin ang manamis-namis na lasa ng isda.             “Masarap ‘di ba?” tinanguan ko si Hamina, na hindi man lang nagtapon sa kanya ng tingin, nakahihiya kasing humarap sa kanya lalo na at kumakain ako rito.             “Siyanga pala, Deeve. Ano ka ba bilang estudyante sa El Federico?” Gusto niya lang siguro na may mapag-usapan kami habang kumakain ako. Ang tahimik din naman kasi kung ako rito, kumakain lang, habang siya naman naghihintay kung kailan ako matatapos. Ang sama naman pakinggan.             “Ako, simple lang. Walang araw na hindi naapi ng mga kulang sa pansin kong mga kaklase.” May sumibol pang pilit na ngisi sa gilid ng aking mga labi.             “Ano ba ang ang ginagawa nila sa iyo? Hindi ka ba lumaban? Kahit isang beses lang?” inaalala ko ang mga pangyayari noon.             “Hindi, eh. Kasi duwag ako. At isa pa, lima sila. Laban sa akin na mag-isa lang. Kaya imbes na labanan sila, gagawin ko na lang ang mga pinapaggawa nila sa akin, kahit na labag sa loob ko.” Muli akong ngumiti sa kanya, para hindi niya isiping malungkot akong pinag-uusapan namin iyon, sakto naman na tumingin din siya sa banda ko, kaya nawala ang pagkahabag sa kanyang reaksiyon.             “Kung ganoon, hindi mo sila nilalabanan, at hindi ka rin sumubok na magsumbong sa faculty office sa labis na pang-aapi ng iilan sa iyong mga kaklase?” marahas akong umiling.             “Hindi na, hindi rin naman nila pinapakinggan ang mga boses ng mga estudyanteng inaapi roon, saka pansin ko rin naman na walang pakialam ang mga guro ng eskwelahan na iyon sa mga nasasakupan nito.” Kita ko sa peripheral vision ko na tumingin si Hamina sa akin, hindi ko na lang siya binalingan ng tingin, kasi nga abala na ako sa pagtatanggal ng tinik sa kinakain kong inihaw na isda.             “Kung may pagkakataon kang labanan sila? Kakayanin mo ba?” natigilan ako saglit sa naturan ni Hamina. Isa iyan sa ilang ulit na tumatakbo sa aking isipan, lagi kong tinatanong ang isipan ko kung kakayanin ko ba, gayong hindi pa naman umabot sa puntong naiisip kong labanan sila ng harap-harapan. Hanggang sulat nga lang ang ginagawa ko, para maibsan ang bigat ng aking puso.             “Kasi ako, hindi ko malilimutan ang ginawa nila sa aking pamamahiya sa araw na iyon, hinding-hindi ko iyon magagawang palagpasin. Kahit na sabihin pang hindi ako lumaban sa kanila sa oras na iyon, pero hindi na ako naduduwag pa sa kanila ngayon. Kung hindi pa dumatging ang PE teacher namin, baka kung ano-ano pa ang pagpapahiya na ginagawa nila sa akin, dahil sa kanila ay hindi ko na magawang maging masaya ng totoo. Ngumingiti na lang ako para ipakita sa mga magulang ko na maayos ako.” Saktong naubos ko na ang inihaw na isda, nagbaling ako ng tingin kay Hamina, may namumuong likido sa kanyang mga mata. Hanggang sa hindi na nakayanan ng mata na salukin ang kanyang mga luha, kaya lihim na nalaglag ang tubig papunta sa kanyang pisngi.             Gusto ko siyang aluin, pero sa pagkakataong ito, sarili lang niya ang magpapalakas sa kanya, hindi naman pwedeng sabihin kong ayos lang iyan, dahil sa totoo lang hindi maayos iyon, alam ko ang pakiramdam na ganoon.             “Kung ano man ang ginawa nila sa iyo roon, ang mabisang paraan para makabawi ka ay kalabanin mo na lang din sila ng patas, huwag mong itatatak sa isipan mong maghihiganti ka. Dahil hindi magandang isipin iyon, ang magandang gawin mo para makabawi, ipakita mo sa kanilang hindi ka na basta-bastang natitinag. Dahil hindi na ikaw an Hamina na kayang-kaya lang nilang itulak-tulak. Ikaw na ang Hamina na may misyong ipinagkatiwala.” Mahabang pagpapalakas ko sa kanya ng loob. Ang galing ko talaga sa ganitong bagay, pero sa sarili ko naman, hindi ko magawang sabihin iyon.             “Salamat, Deeve. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Hindi kasi ako mapakali sa kaiisip nitong mga nakaraang araw, saka minsan nga natutulala na lang ako dahil nga sa pumapasok na lang iyon bigla sa aking utak. Kung paano ko sila lalabanan, at haharapin.” Pagsasabi niya ng totoo.             Umamba na siyang tumayo, nang nakatayo na siya, nagpagoag siya ng kanyang pang-upo saka nagtungo sa ilog para maghugas ng kamay at sumimsim ng tubig.             “Hmm! Ang tamis din ng lasa ng ilog. Kaya rin siguro manamis-namis ang lasa ng mga isda, dahil ganoon din ang tubig sa ilog. Ngayon lan ako nakatikim ng mga tubig na ganito, wala kasing ganito sa Siyudad ng IIllustrado.” Napangisi naman ako sa kanyang naiusal.             “Mayroong mga ganito sa Iluustrado.” Malapad kong ngiti sa kanya, at ngayon ko lang naalala na napakapamilyar ng lugar na ito sa akin, hindi ko lang malaman kung saan ko ito nakita noon, pero kung sakali mang may madaanan tayong mas makapag-papaalala sa akin sa kung nasaan tayo, siguradong maaalala ko talaga ito. Busog na busog na kami ngayon sa mga nakain naming mga inihaw na isda, nang tikman namin ang tubig sa ilog ng sabay-sabay, maliban na lang kay Hamina na siya ang naunang sumimsim ng tubig, kaya pinagtatawag na rin niya ang iba, nalasahan talaga naming may manamisnamis na lasa ito kagaya ng batis kahapong nainom namin. Kaya roon na lang din kami uminom. At dahil nga sa puno pa ang sisidlan ng aming mga kinain kanina, ito kami ngayon sa gilid ng ilog na kaninang inuupuan namin ni Hamina kanina. Nagkukulitan saka nagtutuksuhan sa mga nangyayari sa kanila sa El Federico, nakikinig lang ako, habang si Hamina naman ay nakisali na rin sa kanila. “Kaya siguro hindi natin kilala ang isa’t-isa kasi nga hindi naman tayo nagkikitaan sa paaralan, kanya-kanya lang tayong tago sa isang sulok at iniiwasan ang mga bullies.” Pahayag pa ni Hamina. “Paano ba naman kasi, wala naman din akong hilig sa mga ibang ginagawa nila, ang gusto ko lang ay mag-aral nang mag-aral.” Ani Ave na may binabasa na naman sa kanyang dala-dala palaging libro. “Siyanga pala, Ave. Ano ba ang nakasulat diyan sa librong laging dala mo? At aliw na aliw ka riyan sa kababasa?” tinignan naman ni Ave ang pabalat ng libro, kahit isang beses kasi hindi ko pa nakita ang pangalan ng libro, kaya ngayon may pagkakataoon na rin akong tanungin siya, mahilig din kasi akong magbasa. “Fantasy novel yata ito, saka naaaliw ako dahil every pages ang galing ng nagsusulat, saka nakaaaliw basahin, lalo na at may pagkahahalintulad sa mga nangyari sa atin ngayon, lalo na ang mga pangalan, wala pang laman ang ibang chapter pero kapag nagsisim---Teka! Ngayon ko lang napansin, bakit nga kaya ganito ang librong ito?” muli niyang isinarado ang libro at binasang muli ang pabalat. Mukhang may pakiramdam na ako kung ano ang librong iyan na hawak ngayon ni Ave. Kung hindi ako nagkakamali. Pero bakit naman na kay Ave ito? Saka wala pa namang libro iyan, paanong may ganyan?             “Coincide Universe (The Game of the Weaklings), written by Deeve Armania.” Walang kabuhay-buhay pa nitong basa.             “Ang galing talaga ng nagsulat nito kasi kaparehong-kapareho ang mga pangalan natin sa mismong nasa libro, saka grabe ka Deeve kapangalan mo pa ang may akda ng libro. Ano nga ulit ang apelyedo mo?” natatawa ako sa aking isipan, paano kaya kung malaman niyang ako ang nagsulat niyan, saka ano kaya ang reaksiyon niya? Paano kung hindi siya maniniwala, kasi nga paano ko maisusulat ang isang kwento ng patuloy kung nandito naman ako kasama nila, at wala naman akong gamit panulat.             “Armania, Deeve Armania.” Maikling paglilinaw ko ng buo kong pangalan.             Napanganga na ang iba sa mga kasamahan ko, pero si Ave ay parang wala naman siyang narinig. Nang bigla siyang natigilan at napalis na lang bigla ang kanyang ngiti sa kanyang labi.             “Ikaw si Deeve Armania? Ibig sabihin ba---I-Ikaw ang author nito?” napaatras ako ng mabilisan siyang umabante sa akin at sobrang lapit pa ng mukha niya sa mukha ko.             “Kaya pala sobrang pamilyar ng mga pangyayari sa mga nagaganap mismo sa atin sa binabasa ko. Kaya nga ako naaaliw na basahin ito, kasi nga parang nababasa ko na rin kung ano-ano ang mga ginagawa ko rito kasama kayo.” Mukhang galak naman siyang malaman niyang ako ang nagsulat no’n, nasiyahan naman ako dahil ganoon ang naging dating sa kanyang ng isinulat ko, ngayong prudokto lang naman iyon ng hinanakit sa puso ko, dahil saw ala akong mapagsasabihang kaibigan o kung sinoman, kaya nga dinadaan ko na lang sa pagsusulat.             Nilapitan na rin ako ng iba, saka tinitigan lang nila ako, may nakakunot ang noo, nakataas ang kilay, at kung ano-ano pa.             “Pero, Deeve, paano mo naisusulat ng patuloy ang kwento? Eh, hindi mo naman hinahawakan an libro?” nag-isip naman ako ng dahilan, nang may naisip ako.             “Sa tingin ko kasi, hindi lang ako ang nagpupuna ng mga salita sa librong ginawa ko, dahil parte kayo ng mga karakter ko riyan sa aking nobela, kaya kung ano man ang mga ginagawa niyo, ganoon din ang mga naisusulat diyan sa mismong libro na hawak mo. Sa makatuwid, hindi na kailangan ng panulat para makapagsulat ng karugtong sa kwento. Dahil kung saan tayo magpunta, ganoon din ang nasusulat sa aklat.”  Biruin mong naiisip ko iyon, dahil nga naalala ko no’ng huling beses akong napunta rito, hindi ko nga malaman kung paano ko natitipa ang keyboard sa mga oras na iyon, gayong hindi naman ako ang gumagalaw ng aking mga kamay.             May kusang nagpapagalaw no’n sa mga daliri ko para makapatipa, para lang madugtongan ang estorya.             “Ang galing naman!” sabay pa nilang usal. Hindi talaga sila makapaniwalang nagsusulat ako. Saka hindi ko rin naman gustong malaman ng lahat o kung sino pa man, dahil nagsusulat lang naman ako para mailabas ang mga gusto kong ilabas. Pero kung makilala man ang gawa ko, at sumikat, why not grabbing the opportunity? Saka napamahal na rin naman sa akin an pagsusulat, saka oo nga pala, sana hindi nasira ang laptop ko. Hindi ko pa naman napatay iyon nang napunta ako sa lugar na ito. Natapos an gaming pag-uusap, at kulitan. Nagpasya na ang karamihan na magpatuloy na sa paglalakad, para naman hindi masayang ang oras, saka kung abutin man kami ng pagod mamaya, e’di magpapahinga. Hindi pa namin alam kung saan kami papunta, ang alam lang namin ay kailangan naming sundin ang compass na nakasabit mismo sa aking leegan. Ako pa rin ang nasa hulihan, mas nagugustuhan kong walang kasabay maglakad, nakukuha ko kasing magmasid sa paligid ng tahimik lang at walang kausap. Dahil kung may kausap ako, mawawala ako sa focus. Kaya sa ngayon naman nagpasya kami kaninang hindi na muna pumasok sa gubat, sinundan lang namin ang daanan sa gilid ng ilog, mas maganda kasing maglakad na katabi ang ilog, presko sa pakiramdam. Hindi rin mahirap makita ang mga hayop kung saka-sakaling bigla na lang namin makasasalubong. Inaamin ko, kapag nasa ganitong lugar na talaga, takot ako sa mga hayop na nakapaligid rito, paano kung mababangis ‘di ba? Saka may nagtatagong malaking leon sa minsang mga gubat na ganoon. Hindi nga natin alam kung may mga buwaya sa ilog hindi lang natin nakikita, saka hindi naman malayo kung ganoon nga, kasi nasa napakalawak kaming kagubatan. “Ang ganda ng tanawin dito ano? Saka ang presko ng hangin.” Ani Kith, na ngayon ko lang narinig na nagsalita. Pati si Aztar ngayon na itinaas ang kanyang mga kamay at nag-unat. “Ang sarap tuloy humiga. Nakaantok.” Inaantok na ang isang ito, baka maraming nakain kanina, saka totoo rin naman kasing presko ang hangin. “Okay lang naman sigurong dumito na lang muna tayo at magpahinga, ang hirap kasing maglakbay, tapos hindi naman ayon ang mga katawan natin, kahit isang oras lang okay na iyon.” Sumang-ayon naman sila sa akin, kaya mabilis kaming naghanap ng masasandalan at matutulugan, gayong wala kaming dalang mga gamit pantulog. Kanya-kanyang puwesto na nga kami, at hindi pa nga ako nakaayos ng higa, rinig ko na ang hilik nila. Ganoon ba sila kapagod? At parang ang dali sa kanilang matulog? Naiiling na lang talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD