Kabanata 39
Pinagyuyugyog ko na silang lahat, paano ba naman kasi, baka hindi na sila magising. Maabutan na naman kami ng gabi rito. Wala na naman kaming oras para makapaglakbay, kasi puro tulog na lang ang inaatupag, buti na lang at mukhang naibalik na nila ang kanilang mga lakas, nang nakatulog na nga sila ng maayos ng ilang oras.
“Ang sarap ng tulog ko.”
“Ako nga rin, eh.”
“Paano na lang talaga kung hindi ko kayo ginising, baka hindi na kayo bumangon, maabutan na naman tayo ng dilim. Hindi na naman tayo makauusad sa ating pupuntahan.” Sermon ko sa kanila. Paano ba naman kasi, masaya pa talaga silang pag-usapan kung gaano kaganda ang kanilang tulog, gayong ako naman ay kanina pa nagising at abala silang pinupukaw.
“Napakaseryoso mo naman yata ngayon, Deeve.” Turan pa ni Ave. Na ngayon ay nakatayo na katabi si Hamina.
Binatukan naman siya ni Hamina, pati si Kith ay abala na rin sa pagpagpag ng kanyang damit. Saka si Aztar naman ay inaayos na rin ang kanyang suot.
“Anong oras na ba ngayon?” tinignan ko ang aking kwentas na may maliit na orasan sa gitna.
“Pasado alas dos na ng hapon. Kaya kailangan talaga nating magmadali, kailangan natin ulit na pumasok sa loob ng kagubatan, para mas madali nating mapuntahan ang Kanluran, kasi ayon sa compass ko, mukhang matatagalan tayo kung susundan natin ang ilog, maayos lang din naman iyon, pero kasi nga hindi tayo sigurado kung hanggang saan ang ilog. Kaya ang mainam na gawin natin ay sa gubat dumaan at doon na rin tayo magpalipas ng gabi.” Paliwanag ko sa kanila. Naghanda na silang maglakad, nang sa pagkakataong ito ay tinabihan ako ni Aztar sa paglalakad.
“Deeve, pansin kong ang seryo-seryoso mo yata ngayon, may problema ba? Saka kung may gumugulo man diyan sa isipan mo, nandito lang ako, makikinig.” Nginitian lang ako ng kaibigan.
“Wala naman akong problema, saka pansin ko lang sa compass ang daan papuntang Kanluran, kaya mukhang mali ang tatahakin natin kung ipipilit nating sa tabing-ilog na dumaan.” Marahang tumatango si Aztar.
“Ganoon ba? Hmm…” iyon lang ang naging tugon ni Aztar, balik ulit kami sa aming pwesto, nang napaigtad kami dahil sa nakitang ahas sa aming dinadaanan.
“Tigil!” sigaw ni Aztar sa lahat. Kasi naman hindi ito ordinaryong ahas, kasinlaki ito ng isang PVC. Sa sobrang laki nito ay nahihirapan itong gumapang, pero laking gulat namin na ang kanyang mga mata ay nasa amin na nakatingin, may palabas-labas pa ng kanyang dila.
Parang gutom yata ang ahas na ito, may posibilidad na kainin kami nito! Kaya bago pa niya kami matuklaw kaagad na kaming nag-iwas ng hakbang saka tumakbo ng mabilis. Nang nakalayo na kami dahil sa pagkaripas namin ng takbo, nilingon namin ang ahas, nang nakasunod pa rin pala sa amin ito, mabilis din itong gumapang, kami talaga yata ang pinupunterya nito!
“Bilisan niyo pa ang pagtakbo!” kalmadong sigaw ko sa kanila, kailangan ko kasing maging kalmado. Lalo na at ako ang nasa hulihan, nag-iisip na ako ngayon ng mabisang paraan para kalabanin ang ahas na ito.
“Mauna na kayo! Ako na ang bahala rito!” dagdag kong sigaw sa kanila, nang sinadya kong magpaiwan, kaunting distansiya na lang sana ang pagitan namin ng ahas, nang humrap ako sa kanya, saka iniharap sa kanya an aking palad, inisip ko ang kapangyarihang maaaring makapagpatigil sa ahas, kaya ngayon ang malaking ahas na aakma na sana akong lamunin ay hindi na makagalaw dahil sa mahikang inilaban ko sa kanya.
Nang may mga kaluskos na akong naririnig sa bandang gilid ko, pati na rin sa likod. Mukhang nagtawag pa ng mga kasamahan ang lintik na ahas na ito, kailangan ko ulit makaisip ng paraan.
“Deeve!” Sabay-sabay pa nilang tawag sa akin, kaya ngayon ay nawala ang aking focus sa isang ahas at tumalon ako sa isang banda, para hindi nila ako ma-corner.
Maliliit na ahas na ang ibang nakikita namin, may mga malalaki, mukhang mga anak ito ng ahas na ito, tama ang hinala ko, pinagtatawag nga nito ang kanyang mga kasamahan.
Ginamit ko na ang lazer na kapangyarihan na nakopya ko kay Hamina, ganoon din naman si Hamina ngayon, habang itong si Kith ay ginamit niya ang pagkakataong hindi nakikita ng mga maliliit na ahas, at pinagpapana ang mga ito. Si Aztar naman ay ginagamitan ng armas na tanging apoy lang ang lumalabas, ang dalawang kamay nito talaga ang ginamit, kaya unti-unti nang nauubos ang mga maliliit na mga ahas, samantalang itong si Ave naman ay abala sa pagtulong sa akin, gamit ang kanyang espada at pananggalang, siya ang nagpoprotekta sa akin na hindi malapitan ng pinakamalaking ahas.
Pansin kong ubos na nga ang ibang mga ahas, kaya nagsilapitan na ang lahat sa banda ko, at all force na naming ginamit ang aming mga kapangyarihan, nang pansin naming sa bawat pagbabato sa kanya ng aming mga kapangyarihan, lalong lumalaki ang ahas. Kaya itinigil na muna namin ang aming ginagawa. Ginamit ko ulit ang kapangyarihang nakapagpatigil sa ahas na makapit sa amin, pero sobrang lakas na nito at nahihirapan akong patagalin ang pagpigil sa hayop na ito.
“Kailangan nating m-makaisip ng paraan para m-mapigilan ang hayop na ito. Pero hindi na natin pwedeng gamitin ang kapangyarihan natin sa kanya para patayin ito, kailangan nating gumamit ng bagay na maaaring isaksak natin sa malaking ahas na iyan.” Usal naman ni Aztar.
“Kami na ang maghahanap ng maaaring magamit na pansaksak. Hahanap kami ng matulis na kawayan!” wala namang inaksayang panahon ang mga kasamahan ko, kami na lang ni Ave ang natira rito, siya ang nasa ilalim na pumipigil sa ahas, habang ako naman ang sa ulo nito. At ang espada naman ngayon ni Ave ay hindi niya rin maaaring magamit, kasi nga naipit ito sa kanyang pananggalang, kung kanya itong kunin, baka mawala kami sa aming posisyon.
“H-Hindi ko na yata kayang pigilan pa ang lakas ng ahas, Deeve.” Aniya sa nahihirapang boses, ramdam ko rin ang kanyang hinaing, kasi naman ako rin naman ay nahihirapan na rin dito sa aking posisyon, hanggang kailan ba sila maghahanap ng kawayan? Ang tagal naman yata!
“Kunting tiis pa, Ave.” pagpapalakas ko sa kanya ng loob, nang matiim kong ipinikit ang aking mga mata, saka nagdasal, walang tigil na rin ang aking ulo sa pag-angat at pagyuko. Gayong nangangalay na talaga ako sa aking posisyon, pero wala akong mapagpipilian kung ‘di ang mas magpakatatag pa.
Kitang-kita ko na ang panginginig ng mga kamay ni Ave. Ibig sabihin ay ngalay na ngalay na rin siya sa kanyang posisyon ngayon.
“Kunting tiis pa, Ave.”
“Hindi ko n-na t-talaga kaya, D-Deeve.” Nang sabihin niya iyon, kasabay naman ng kanyang pagbagsak, nawalan ng mala yang kaibigan.
“Ave!” nabitiwan ko ang pagpigil sa ulo ng kalabang ahas, na kay Ave na ngayon ang buo kong atensiyon. Nawala na ang atensiyon ko sa ahas na ngayon ay hindi ko alam kung ano na ang nangyayari.
“Deeve! Ave! Umilag kayo! Ang ahas!” nag-angat ako ng ulo nang kitang-kita ko ang kabuoan ng napakalaking bibig nitong ahas na ito, naipikit ko ng mahigpit ang aking mga mata, habang nakaakap kay Ave na ngayon ay walang malay.
Matagal bago ako nakaramdam na wala man lang masakit na bumaon sa aking katawan, nang biglang may kumalabog sa bandang kanan ko, napalingon ako sa banda roon nang bumungad sa akin ang nakabulagtang ahas na nakanganga pang nakaharap sa akin.
Habang abala ang mga mata ko sa katitig sa ahas na walang buhay. Patakbo naman kaming nilapitan nina Hamina, Kith, at Aztar.
“Ave, Ave!” yugyog ko sa kanya na ngayon ay wala pa ring malay.
“Ano ba ang nangyari kay Ave, Deeve?” kaagad naman itong inakay ni Aztar at ipinasakay namin sa kanyang likod.
“Kanina kasi nang naghahanap kayo ng kahoy na maaaring maipanlaban sa ahas na iyan, unti-unti na kaming namamanhid, pati siya ay nakikitaan ko na nang panginginig ng kanyang kamay. Habang ako ay kaya ko pa namang tiisin, pero nang bumagsak na si Ave, nawala ang focus ko sa ahas, at nabitiwan ko ang pagpigil dito para daluhan ang kaibigan. Mabuti na lang talaga at naabutan niyo pa kami.” Walang tigil kong paliwanag sa kanila, lalo na kay Aztar na ngayon ay karga-karga pa rin ang kaibigan.
“Maghahanap na muna tayo ng mapagpahingahan, hindi tayo pwedeng tumuloy ngayon, habang hindi pa nagigising ang kaibigan natin.” Tango lang kami nang tango sa naging usal ni Aztar.
“Dito na lang tayo, mukhang ligtas na tayo rito, wala nang gaanong mga damo.” Ani Hamina na ngayon ay pinagpapatid ang mga maliliit na bato. Para hindi namin maupuan o mahigaan, nang sa wakas ay naihiga na namin ng maayos si Ave, bigla namang umilaw ang katamtamang laki na bato, at may lumitaw na mukha.
“Si Eon!” sabay naming turan.
“Mga kaibigan, nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ngayon kay Vee, padadalhan ko kayo ngayon ng inyong mga makakain at matutulugan, kailangan niyo munang magpahinga, hindi naging madali sa inyo ang unang lebel ng inyong pakikipaglaban.” Ibig sabihin, iyon ang unang lebel ng aming misyon? Kaya pala may kakaiba sa ahas na iyon, kusa nitong hinihigop an gaming mga kapangyarihan para lumaki ito nang lumaki.
“Maraming salamat, Eon. Pati tubig sana, at gamot kay Ave, hindi pa kasi bumabalik ang kanyang malay.” Mahinang kausap ni Kith kay Eon.
“May kailangan pa ba kayo? Para maisahang padala ko na lang diyan, antayin niyo na lang ang pagkalaglag galing sa itaas ng inyong mga kinakailangan. Mag-ingat kayo palagi, hanggang sa muli.” Nang umiling kami sa naging tanong ni Eon, ay nawala nang bigla ang umiilaw sa bato. Masaya kami dahil hindi nila kami pinapabayaan, kahit na may nangyayari na sa aming mga peligro, pero lagi naman silang nakahanda para tulungan kami rito.
May nagsilaglagan na nga na mga bagay at pagkain namin na galing sa itaas, ito na siguro ang pinadala sa amin ni Eon. Nang makuha na namin lahat, nagpasalamat kami sa hangin, alam naman naming nakatingin lang sila sa amin ngayon, kahit hindi namin sila nakikita, nanonood naman sila ngayon sa amin.
“Kumain na muna tayo, magtabi na lang tayo ng pagkain na para kay Ave mamaya kapag nagkamalay na siya.” Gabi na rin kasi, kaya ramdam ko na rin ang gutom nararamdaman ngayon ni Aztar, maliwanag ang buwan, kaya hindi mahirap sa aming makita an gaming mga sarili, pero mas pinili ulit namin na gumawa ng apoy, para naman hindi masyadong malamig ang paligid, saka nakababawas din ng lamok sa paligid. Minsan kasi ang hirap matulog kapag may mga lamok na bumubulong-bulong sa tainga, o ‘di kaya ay nangangagat pa, kaya tuwing umaga, kapansin-pansin talaga ang mga namumulang pantal sa bawat parte ng aming mga katawan.
Ipinasok na namin kanina sa tent si Ave, para makatulog na siya ng maayos, nilagyan na rin namin siya ng towel na basa sa kanyang noo, para kahit papaano ay maibsan ang kanyang kawalang-malay. Baka mamaya na rin ay magising na an gaming kaibigan.
“Biruin mo, iyon na pala ang unang lebel ng ating misyon, akala ko pa naman ay iyong unang nakalaban o nangyari sa atin no’n ang unang lebel. Hindi pa pala iyon, kaya pala ang dali lang nating natalo ang mga unang nakalaban natin, kasi mga normal lang pala iyon na mga ligaw na hayop sa gubat. Saka isa pa, iyong tinangay kami ni Deeve ng ibon, hindi pa pala iyon.” Manghang-manghang naiiling si Kith sa kanyang mga pasaring ngayon.
“Akala ko nga iyon na iyon, eh. Pero pakiramdam ko rin na may kakaiba sa mga una nating nakalaban, kasi wala namang kakaibang kapangyarihan sa kanila, ordinaryo lang talaga sila kung titignan, jondi katulad ng mga nakalaban natin kaninang mga ahas, na parang hindi maubos-ubos, saka ang pinaka-leader nila, parang ina-absorb lang ang mga kapangyarihan natin para makaipon ng lakas at mas lalong lumaki ang kanyang katawan. Ibang klase.” Pati ako ay namangha na rin sa nasaksihan ko kanina, ngayon lang kasi ako nakaharap ng isang ahas na ganoon.
Well, hindi naman maipagkakailang kakaiba talaga ang mga hayop o nilalang na nandito, kasi nga nasa ibang mundo kami, at wala kami sa mundo ng mga tao. Na kung saan ay ang mga hayop ay walang espesyal na kakayahang katulad ng mga nakalalaban namin ngayon.
Nagligpit na kami ng aming pinagkainan, nang biglang narinig namin ang tunog ng pagbukas ng zipper.
“Gising na si Ave,” kaagad na turan ni Hamina. Gusto ko sana siyang barahin para tuksuhin na alam namin, kaso mas namayani sa akin na lapitan ang kaibigan para alalayan. Nasa magkabilang parte kaming nakahawak kay Ave.
“Ayos na ako, guys. Hindi niyo na ako kailangan pang alalayan.” Aniya sa aming dalawa ni Aztar. Pero hindi kami nakinig sa kanya.
“Kahit na, kailangan mo pa ring magpahinga, saka isa pa, kumain ka muna para maibalik moa ng lakas mo, bigla ka pa namang nawalan ng malay kanina.” Pagsasabi ko sa kanya ng nangyari sa kanya kanina.
“Pasensya ka na talaga kanina, Deeve. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong pigilan ang ahas, masyado siyang malakas. Saka ang posisyon ko rin kanina, hindi na gaanong stable, nangangalay na ako saka nanginginig na sa hapdi ng aking tuhod na siyang nakatukod lang sa lupa.” Paghingi niya ng paumanhin sa akin, inakbayan ko lang siya.
“Hindi na problema iyon, dahil sakto namang dumating sina Hamina, Kith, at Aztar, sila ang nakapatay sa ahas. Saka malaki ang naitulong mo sa akin. Kaya huwag ka nang humingi ng pasensya. May ganitong pagkakataon talagang nauubos ang lakas natin.” Pagpapawala ko sa kanyang mga naiisip, ayaw kong isipin niyang pabigat siya sa akin kanina, at ayaw ko ring isipin niyang dahil sa kanya ay nawala ang focus kong pigilan ang ahas.
“Tama si Deeve, Ave. Ang importante lang naman ay natalo natin ang ahas, saka ligtas tayong lima na ngayon ay magkasama pa rin. Lalaban tayo hanggang sa dulo, lalo na ngayon na isang lebel na an gating nalagpasan. Kaya laban lang nang laban.” Dagdag pa na pagpapalakas ng loob ni Aztar.
Iniabot naman ngayon ni Kith ang pagkain ni Ave, habang si Hamina naman ang nag-abot ng tubig.
“Kumain ka na,” anas ni Kith.
Nakatingin lang kami ngayon sa aming kaibigan na mahina pa rin ang galaw sa bawat pagsubo niya ng kanyang pagkain. Hindi pa talaga siya totally nan aka-recover. Kaya kailangan pa talaga niyang magpahinga. Kaya after niyang kumain, kailangan na naming lima na magpahinga, para naman may lakas kami para bukas. Para kung may makalaban man ulit kami, may ipanlalaban kaming lakas sa kanila.
At ilang sandali lang ay natapos na sa kinakain niya si Ave, ininom na rin niya ang kanyang tubig, pinatay na rin namin ang apoy, bago pumasok sa loob ng tent. Hindi na kami nagpailaw sa loob, para walang makakita sa amin dito sa loob. Hindi muna kami nahiga, sinamahan muna namin si Ave na maupo, dahil nga katatapos lang niyang kumain.
“Ano na naman kaya ang maaaring kahaharapin natin bukas, ano? Hindi pa nga tayo nakararating ng Kanluran, nakalaban na natin ang mga nasa unang lebel ng ating misyon. Paano na lang kaya kung nandoon na tayo sa Kanluran, ano na naman kaya ang kalalabanin natin?” wala sa sariling tanong ko sa kanila.
“Bakit? Kinakabahan ka ba, Deeve?” tukso pa ni Aztar.
“Hindi naman maiiwasang hindi kabahan, lalo na at hindi basta-basta an gating nakalalaban, sa ngayon nga na mga hayop at insekto pa ang nakasalamuha natin, nahihirapan na tayo, paano pa kaya kung mga gumagalaw na puno at mga nilalang na sa alamat lang natin at komiks nababasa?” dahil sa naituran ko, mukhang pati sila ay nakaramdam na rin ng kaba.
“Tama na nga muna iyan, gabi na. Saka ayan tuloy nakaramdam na rin ako ng kaba. Ikaw talaga, Deeve.” Nangiti na lang ako dahil sa nasabi ni Aztar. Kaya nagsiayos na kami ng posisyon para makahiga na kami ng maayos. Magkatabi pa rin kami ni Aztar, nasa gitna namin si Ave.
Ngayon ko lang naramdaman ang ginhawa, na nakahiga na ako, inunat ko ng lubusan ang katawan ko, nararamdaman ko pa nga ang pagtunog ng mga buto ko. Dahil siguro sa labanan kanina, dahil sa pagod at kung ano-ano pa.